• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 16th, 2023

28 bagong scholars, tinanggap ng Navotas

Posted on: August 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 bagong academic scholars para sa school year 2023-2024.
Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang paglagda sa memorandum of agreement na nagbibigay ng NavotaAs Academic Scholarship sa 15 incoming high school freshmen, 11 incoming freshmen sa kolehiyo, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.
“Deserving Navoteño learners should get access to quality education without worrying about their finances. The support they receive through this scholarship enables them to dream big and work towards achieving their aspirations in life,” ani Tiangco.
Makakatanggap ang mga high school scholar ng P18,000 kada academic year para sa book, transportation, at food allowance.
Ang mga iskolar ng Navotas Polytechnic College ay makakakuha naman ng P22,000 kada academic year para sa tuition, book, transportation, at food allowance habang ang mga scholars ng ibang kolehiyo o unibersidad ay tatanggap ng P262,000 para sa parehong.
Makakakuha naman ang mga teacher-scholar ng P75,000 bawat academic year para sa kanilang matrikula; libro, transportasyon, food allowance; at research grant.
Samantala, pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor Tiangco ang Navoteño student-athletes na nagwagi ng medalya sa ginanap kamakailan na Palarong Pambansa 2023.
Ang mga medalist ay makatatanggap ng cash incentives ayon sa Navoteño Athletes and Coaches Cash Incentives Ordinance habang ang mga indibidwal na gold medalists ay makakukuha ng P4,500, silver, P4,000 at bronze, P3,500 kada sports event.
Ang mga atleta naman na nanalo bilang isang koponan ay tatanggap ng P4,000, P3,500, at P3,000 bawat isa para sa paghakot ng ginto, silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod. (Richard Mesa)

Gobyerno, kailangan na matutong harapin ang AI —PBBM

Posted on: August 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA KABILA ng  ginawang pag-amin ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  na ang artificial intelligence (AI) ay “disconcerting,” sinabi ng Chief Executive na makatutulong ito sa modernong panahon.

 

 

Sinabi ng Pangulo na kailangang matuto ang gobyerno kung paano ito haharapin lalo pa’t  inilunsad ng administrasyon ang media information literacy campaign na naglalayong  gabayan ang mga kabataan at ang buong bansa sa impormasyon na nakukuha sa online.

 

 

“With the advent of AI, we can see that the tools that are available are becoming more and more powerful and we’re all very grateful when there are machines do a little bit of thinking for us but it’s also rather disconcerting when we are confronted by pure AI, hindi na tao yung kausap mo,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng media information literacy campaign ng  Presidential Communications Office (PCO), araw ng Lunes, Agosto 14.

 

 

“That’s something that we have to learn how to deal with, and that is why what we are doing here today— starting this campaign— is very very important,” dagdag na wika nito.

 

 

Binanggit ito ng Punong Ehekutibo habang binibigyang diin ang pangangailangan na tiyakin sa mga mamamayan lalo na sa mga kabataan na maunawaan ang katotohanan, espekulasyon, propaganda at kagyat na kasinungalingan.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na ito’y  “urgent” job na kailangang simulan ngayon, binigyang diin na  “we need everyone to be involved.”

 

 

“It is immediate, it is urgent and although I think if we put our minds to it, there is a way to allow our people to be able to discern from truth and everything else,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Iginiit pa rin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na kilalanin at tanggapin na mayroong  “good information at bad information”, sabay sabing  “it is up to us to make sure that we cannot stop it.”

 

 

“I don’t think that there’s ever been any country no matter how much they wanted to do try and stop the internet or to try and block or try and cancel websites, they do for a little while, pero lilitaw din ‘yan. We always somehow find a way in,”  ani Pangulong Marcos.

 

 

“So we have to, we have to find a way to make sure that whatever the inputs are people are getting, they have the capability, they have the ability to be able to discern between truth, speculation, propaganda, and outright lies,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Ads August 16, 2023

Posted on: August 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“GRAN TURISMO: BASED ON A TRUE STORY” TO HOLD SNEAK PREVIEWS AUGUST 21 & 22

Posted on: August 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AN underdog sports story based on the life of a real gamer-turned-racecar driver, Gran Turismo: Based on a True Story will have sneak preview screenings at regular run admission prices in cinemas nationwide on Monday August 21, and Tuesday August 22. Be among the first to catch the film – watch it a week before it begins its regular run on August 30. 

 

 

 

The film, which tells the story of Jann Mardenborough, a Gran Turismo player whose gaming skills won a series of Nissan competitions to become an actual professional racecar driver, stars David Harbour, Orlando Bloom and Archie Madekwe as Mardenborough.

 

 

 

Orlando Bloom and David Harbour in Gran Turismo: Based on a True Story

 

 

 

Early fan screenings in the U.S. have led to tremendously positive responses from moviegoers, with many saying how surprised they were to love the film so much (even those who are not into the games or racing), and with many applauding the high-octane theatrical experience, imploring friends to see the movie on the big screen in a packed theater.

 

 

 

“#GranTurismoMovie was absolutely fantastic! The whole theater screamed and cheered the whole film,” raved fan Darrell Fair on Twitter/X.

 

 

 

Posted Cristy Velasquez, “#GranTurismoMovie just finished watching gran turismo and OMG it was AMAZING!! I was at the edge of my seat. I will definitely be watching this again.”

 

Archie Madekwe (in car) and the real Jann Mardenborough in Gran Turismo: Based on a True Story

 

 

 

Grant Skoog lauded almost every aspect of the film in his post: “Blomkamp’s #GranTurismo is inspirational, emotional, thrilling, & riveting. Incredible Action! Phenomenal Acting, The moving Score, fast paced Editing, & gorgeous Cinematography, made this one of the best theater experiences. I was on the edge of my seat. 9/10 #GranTurismoMovie”

 

Director Neill Blomkamp (center) directing the racers, including the real Jann Mardenborough (foreground, right), in Gran Turismo: Based on a True Story

 

 

 

Some critics were also impressed with the film. Said Variety, “‘Gran Turismo,’ Blomkamp’s first major feature in eight years, is easily his best. It’s made with a spontaneous humanistic grace, and the racing sequences, which dominate the movie because they’re truly the story it’s telling, are dazzlingly directed and edited.”

 

 

 

Indiewire raves that Gran Turismo: Based on a True Story “is a thrilling retelling of one of the craziest stories in recent sports history, shot with the level of skillful spectacle that the source material demands. Blomkamp might have directed the best 90-minute sports movie of the decade.”

 

 

 

ComingSoon.net is all praises as well, describing the film as “the heart-pounding crowd-pleaser of the year with [a] classic underdog story that knocks it out of the park.”

 

 

 

If you love a good underdog story, go see Gran Turismo: Based on a True Story, opening in Philippine cinemas August 30, with sneak preview screenings at regular run admission prices in cinemas nationwide on Monday August 21, and Tuesday August 22.

 

 

 

About Gran Turismo

 

 

 

Based on the true story of Jann Mardenborough, the film is the ultimate wish fulfillment tale of a teenage Gran Turismo player whose gaming skills won a series of Nissan competitions to become an actual professional racecar driver.

Directed by Neill Blomkamp, screenplay by Jason Hall and Zach Baylin, based on the PLAYSTATION STUDIOS video game.

Produced by Doug Belgrad, Asad Qizilbash, Carter Swan, Dana Brunetti. The executive producers are Kazunori Yamauchi, Herman Hulst, Jason Hall, Matthew Hirsch.

The cast is led by David Harbour, Orlando Bloom, Archie Madekwe, Darren Barnet, Geri Halliwell Horner and Djimon Hounsou.

In Philippine cinemas August 30, Gran Turismo is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #GranTurismoMovie

(ROHN ROMULO)

Presyo ng bigas, hindi aabot ng P60 hanggang P65.00 kada kilo – DA

Posted on: August 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang Kagawaran ng Pagsasaka na hindi aabot sa P65 ang kada kilo ng bigas sa mga merkado sa buong bansa.

 

 

Sagot ito ng Kagawaran sa una nang inilabas na projection ng Federation of Free Farmers na posibleng papalo sa ganitong halaga ang presyo ng bigas dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng farm inputs, production cost, at iba pa.

 

 

Ayon kay DA Assistant Secretary Rex Estoperez, nananatiling mataas ang supply ng bigas sa bansa, habang ang kasalukuyang pagtaas na kanilang namonitor ay posibleng dahil na rin sa inaasahang sa Setyembre hanggang Oktubre pa papasok ang malaking bulto ng palay, kasabay ng panahon ng anihan.

 

 

Kasabay nito, pinag-iingat ng opisyal ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka, lalo na sa paglalabas nila ng ganitong projection dahil sa tiyak umanong magdudulot ito ng pangamba sa publiko.

 

 

Tiniyak din ng opisyal na nakahanda silang mag-inspeksyon sa mga bodega ng bigas sa iba’t ibang bahagi ng bansa, upang matiyak na may sapat ng bigas at hindi itinatago ang mga ito. (Daris Jose)

Pinipilit gayahin ni AiAi pero ‘di nagawa: Tiktok dance ni MARIAN, 80 million views na in four days

Posted on: August 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINUBUKAN lang or sabi nga ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang Tiktok account, “Try lang,” ang dance niya na “Price Tag,” ang 2011 hit song ng British singer na si Jessie J.

 

 

At nag-gain na naman ng kasikatan sa Tiktok sa bago nitong choreography, heto’t sa loob lamang ng apat na araw ay may 80 million views alone na sa Tiktok account niya lang!

 

 

Sa mga netizens, naalala raw nila sa Tiktok dance entry na ito ni Marian ang “Marimar” days. 

 

 

Nag-message naman kami kay Marian para kuhanin ang reaksiyon niya sa pagiging viral na naman niya. Sey namin dito, ibang klase siyang talaga at walang kupas, kumendeng lang, nag-viral na agad.

 

 

Halatang nahihiya ito at ang reply lang ay emoji na shy monkey.

 

 

Sa isang banda, aliw naman si AiAi delas Alas na pinipilit gayahin ang dance step ni Marian.  Alam daw niya na mahusay naman siyang sumayaw, pero bakit ‘di raw niya magawa.

 

 

***

 

 

FINALLY, pwede na ngang ilabas o isulat ang naging mediacon para sa ‘The Voice Generations’ na mapapanood sa GMA-7 simula sa August 27.  

 

 

Personally, nae-excite kami sa magiging dynamics ng apat na coaches ng TVG na sina Chito Miranda, Billy Crawford, Julie Anne San Jose at si Stell ng SB19.

 

 

Obviously, na-plantsa ang schedules niya with their group dahil kahit na soloista siya ngayon sa ‘The Voice Generations’, sinigurado nito na wala raw masasagasaan sa mga activities ng SB19 at makakasama pa rin siya.

 

 

True enough nga, nakasama siya sa series of concert nila sa U.S. at Canada.  At sa nangyayari raw sa kanya ngayon, nagpapasalamat daw siyang talaga sa fandom nila, ang A’Tin.

 

 

Ayon dito, “Sobrang thankful po ako sa A’Tin kasi sa totoo lang, sila rin ang naging reason kung bakit naglakas-loob akong tanggapin ang project. 

 

 

“Kasi, kung wala naman talagang taong naniniwala sa akin, hindi ko mapagkakatiwalaan ang sarili ko.

 

 

“I’m happy and thankful na kahit baguhan pa lang ang grupo namin, five years pa lang kami, pero ‘yung suporta at pagmamahal na nakukuha ko sa kanila, pati sa mga tao rito sa aking bagong tahanan, ang GMA, grabe ang ang suporta.”

 

 

Kaya promise raw niya na gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para maipakitang deserving siya samga opportunities niya.

 

 

“Masaya po ako na naging Kapuso ako,” sey pa rin niya.

 

 

Pero ang co-coaches niya tulad na lang ni Chito ng Parokya ni Edgar at all praises talaga sa kanya.

 

 

Anyway, isa lang si Stell sa kaabang-abang, more pa at kasama na rito ang mismong host ng ‘The Voice Generations’, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

 

(ROSE GARCIA)

Romualdez nag-surprise inspection sa presyo ng sibuyas, bigas; hoarders binalaan

Posted on: August 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng surprised inspection sa dalawang malalaking palengke sa lungsod Quezon si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez upang malaman ang presyo ng mga pangunahing bilihin kabilang ang bigas at sibuyas.

 

 

Ayon kay Romualdez, nakatanggap sila ng report na tumataas ang presyo ng sibuyas at bigas kaya minabuti nilang inspeksiyunin ang mga palengke tulad ng Q Mart at Commonwealth Market.

 

 

“Kaya andito tayo may mga ulat na tumataas na naman ang mga presyo kaya tinatanong natin dito sa mga nagtitinda ng sibuyas bigas at bawang kung ano talaga ang dahilan bakit tumataas,” anang Speaker.

 

 

Kasama ni Romualdez si ACT-CIS partylist Reps. Erwin Tulfo at Edvic Yap sa paglilibot, sinabi ni Romualdez na hindi dapat na sinasamantala ng mga nagtitinda ang sitwasyon kung saan ang mga mamimili amg siyang nahihirapan.

 

 

Bunsod nito, nagbabala si Romualdez laban sa mga hoarders na mahaharap sa kaso sa sandaling mapatunayang nagtatago ng mga basic commodities.

 

 

Sinabi pa ni Romualdez na ang pagsasagawa ng inspection ay babala rin sa ilang ahensiya ng pamahalaan kabilang ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), at iba pang concerned agencies, na paiigtingin ang kanilang monitoring ng mga presyo ng bilihin sa mga palengke.

 

 

“Gusto naming malaman nila na binabantayan natin, kasi baka akala nila porke’t maraming nangyayari sa West Philippine Sea baka nakakalimutan natin ang isyu na ito. Hindi natin makakalimutan ito hindi natin pababayaan ito kasi ayaw nating mangyari ‘yung kagaya nung nakaraang taon na pumalo at sumipa ang bilihin dito lalo na sa sibuyas. Kaya bigla na lang nagkaroon ng shortage raw,” dagdag ni Romualdez.

 

 

“Kaya sa mga hoarders sana naman ‘wag nyo namang itago. Ilabas na lang ‘yan. “Huwag abusuhin at tutuluyan namin sila,” dagdag pa ni Romualdez. (Ara Romero)

Waging Best Actor sa 19th Cinemalaya para sa ‘Tether’: MIKOY, naging emosyonal nang tanggapin ang Balanghai trophy

Posted on: August 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAGI si Mikoy Morales bilang Best Actor Award sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival nitong Linggo para sa pelikulang “Tether.”

 

 

 

Ginampanan ng Sparkle actor ang karakter ni Eric, isang aroganteng playboy sa pelikulang “Tether,” na idinerek ni Gian Arre.

 

 

 

Hindi napigilan ni Mikoy na maging emosyonal nang tanggapin ang Balanghai trophy sa stage.

 

 

 

Pinasalamatan niya si Direk Gian, ang intimacy facilitator, acting coach Ana Feleo, at kaniyang pamilya at mga kaibigan.

 

 

 

“This really means so much to me, this community, this industry,” sey ng isa stars ng Pepito Manaloto.

 

 

 

***

 

 

LUMIPAD papuntang Guam si Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden noong nakaraang August 11 dahil kabahagi siya ng malaking cast ng ‘Beauty and the Beast: The Broadway Musical’ na produced ng World Theater Productions.

 

 

 

Gagampanan ni Garrett ang role bilang ang Beast sa stage adaptation ng classic tale.

 

 

 

Sa kanyang Instagram, pinost ni Garrett ang photos na nasa airport siya para sa flight niya to Guam.

 

 

 

“I want adventure in the great wide somewhere. I’m headed back to Guam but this time to play Beast in Beauty and the Beast: The Broadway Musical. Since I got the role, I have been researching and watching the film and musical to study the role. I always had my script everywhere I go and rehearse during free time on ‘All Out Sundays’ and in between events/gigs. I will make everyone proud,” caption pa ng singer.

 

 

 

Inamin ni Garrett na nahirapan siyang mag-rehearse on his own, pero naging malaking tulong daw ang naging script readings kasama ang co-stars niya via Zoom kahit na magkaiba ang time zones nila.

 

 

 

Ito ang second musical na nakasama sa cast ang ‘The Clash’ season one finalists. Noong 2022, nakasama siya sa Guam production of ‘Miss Saigon’ as John Thomas.

 

 

 

Noong nakaraang June in-announce ni Garrett via Instagram ang pagsali niya sa ng ‘Beauty and the Beast: A Broadway Musical’.

 

 

 

Sa latest IG post ni Garrett, mapapanood sa kanyang pinost na reel ang rehearsals at training ng buong cast para sa musical.

 

 

 

“Behind the scenes: Sitzprobe, Enthralling. its our first time rehearsing with the two Orchestras. one dubbed as Belle’s Town and The Beast’s Castle, cant wait for you to hear the Magic,” caption pa ni Garrett.

 

 

 

***

 

 

 

FOR the first time in history, mapapanood na sa GMA Network simula ngayong August 27 ang pinakamalaking labanan ng boses ng mga Pinoy mula sa bawat henerasyon – ang pinakaunang ‘The Voice Generations’ sa Pilipinas at sa buong Asya.

 

 

 

Ang ‘The Voice Generations’ ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa buong mundo na ‘The Voice’ mula sa ITV Studios.

 

 

 

Ang magsisilbing host ng programa ay walang iba kung ‘di si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Siya ang makakasama ng mga talent upang mas makilala at malaman ang kanilang mga kuwento.

 

 

 

Sa nasabing singing competition, masasaksihan ang mga pangmalakasan at sanib-puwersang performance, dahil hindi isa kung ‘di duo, trio, o grupo ang magpe-perform upang pabilibin ang apat na superstar coaches.

 

 

 

Ito ay ang apat na award-winning Filipino music artists na sina international singer, dancer, and host na si Billy Crawford, multi-awarded at best-selling recording artist na si Julie Anne San Jose, lead singer at choreographer ng sikat na P-pop boy group na SB19 na si Stell, at ang Pinoy rock icon at lead singer ng bandang Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda.

 

 

 

Excited na rin ang apat na award-winning coaches na sina Billy, Julie Anne, Stell, at Chito sa kanilang agawan ng talent on stage.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Masayang-masaya na isa na siyang Kapuso: STELL, aminadong nagulat na napiling judge sa ‘The Voice Generations’

Posted on: August 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG-MASAYA si Stell ng SB19 na isa na siyang Kapuso!

 

 

Isa si Stell sa mga judges ng ‘The Voice Generations’ hosted by Dingdong Dantes; ang iba pang judge ay sina Billy Crawford, Chito Miranda at Julie Anne San Jose.

 

 

“Yung grupo namin turning five years pa lang po kami, pero yung suporta, pagmamahal and yung tiwala na nakukuha ko, hindi lang sa kanila, pati sa mga tao dito sa aking bagong tahanan na GMA, grabe yung suporta,” umpisang sinabi ng miyembro ng phenomenal boy group.

 

 

“Talagang sabi ko, kukunin ko ito at gagawin ko yung lahat ng makakaya ko para mapakita ko sa kanila na deserving ko yung isang lugar na to para mapabilang sa mga coaches.

 

 

“Kaya masaya ako na naging Kapuso ako. Maraming-maraming salamat po.”

 

 

Noong una pala ay medyo ikinagulat niya na siya ang napili ng GMA para sa ‘The Voice Generations’.

 

 

“Actually, sabi ko nga, ‘Bakit hindi si Pablo o si Ken o kahit sino sa aming lima? Pero sabi nila, parang siguro naisip nila na it’s my time para magkaroon naman ng project na masasabing bagay sa akin.

 

 

“So, happy ako na naging same ng decision yung management, and of course yung members ko. Happy sila na ako yung napili, and sobrang excited sila, and niru-root nila ako for the show po.

 

 

“Parang sa group chat nga po namin laging ina-update sila kung ano na po yung nangyari sa shoot, kung anong ginagawa ko.

 

 

“And kahit sila, inaasar nila ako sa GC na parang, ‘Good luck today, Coach Stell!’ So happy po, nakakatuwa.”

 

 

Ang kanilang mga fans, ang A’TIN, ay dahilan rin daw kung bakit tinanggap ni Stell ang offer na maging judge ng ‘The Voice Generations’.

 

 

“Sobrang thankful din po ako sa A’TIN kasi, sa totoo lang, sila rin yung naging reason bakit talagang naglakas-loob akong tanggapin yung project.

 

 

“Kasi kung wala naman talagang taong naniniwala sa akin, hindi ko rin pagkakatiwalaan yung sarili ko.”

 

 

***

 

 

KAMAKAILAN lamang ay muling nag-renew ng kontrata si Marian Rivera bilang nag-iisang celebrity endorser ng Nailandia nail salon and foot spa sa ikasiyam na taon.

 

 

At ayon sa mag-asawang sina Noreen at Juncynth Divina na may-ari ng Nailandia ay wala na raw silang balak kumuha pa ng ibang female endorser ng Nailandia.

 

 

“Marian Rivera is Marian Rivera, siya lang sapat na, actually sobra pa! Napakalakas ng hatak niya sa tao,” bulalas ni Noreen.

 

 

“Nakilala nang husto ang Nailandia dahil sa kanya, napaka-effective niyang endorser, wala akong masabi. And kasi naman di ba, sa mga fans pa lang niya, sobra, grabe!

 

 

“Tapos napaka-perfect niyang role model; good wife, good mother, good daughter, good apo, good friend, ideal na celebrity, walang bisyo, malinis ang image.

 

 

“Complete package!”

 

 

At ayon pa kay Noreen…

 

 

“At siya mismo ang nagtatangkilik ng Nailandia, talagang pumupunta siya, dinadala niya yung mommy niya, yung lola niya.

 

 

“Nagpapa-spa party siya sa mga kaibigan niya. At may advocacy siya sa tungkol sa mga single mother, pina-spa party niya.”

 

 

Bilang pagtatapos sa aming interview ay may inanunsiyo si Noreen.

 

 

“Nailandia is coming up with something very big before the year ends, for the public! Something very exciting.

 

 

“Because Nailandia is blessed with so much, so we are giving back to the people just the same.”

 

 

Sorpresa raw muna kung ano ito, ayon pa rin kay Noreen.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Operasyon sa Manila North Port Passenger Terminal, balik operasyon na

Posted on: August 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BALIK NA muli sa normal ang operasyon ng Manila North Porth passenger Terminal ngayong araw.

 

 

 

Ito ay matapos alisin na ng mga otoridad ang itinaas na storm signal warning sa buong Metro Manila nang dahil pa rin sa pananalasa ng bagyong Egay sa bansa.

 

 

 

Sa ulat, aabot na sa mahigit 500 mga pasahero ang naitalang na-stranded sa naturang terminal nang dahil sa mga ipinatupad na kanselasyon ng mga biyahe nang dahil sa masamang lagay ng panahon.

 

 

 

Batay sa inilabas na abiso ng isang travel shipping line ay makakapag-accomodate na ito ng apat na trips ngayong araw — dalawang biyahe sa umaga at dalawang biyahe rin sa gabi.

 

 

 

Kaninang alas-8:00 ng umaga ay may biyahe ang naturang shipping line patungo sa mga lalawigan ng Dumaguete, Dipolog City at Zamboanga

 

 

 

Bandang alas-9:00am ang naging kasunod na biyahe nito patungong Cebu at Butuan.