• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 16th, 2023

PBBM, nais ang agresibong paggugol sa social protection, malakas na manggagawa sa Pinas-DOLE

Posted on: August 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na gugulan ng pondo ang  mga programa na may kinalaman sa  social protection  na may layunin na ihanda ang mga manggagawa sa Pilipinas para sa pagbubukas pa ng ekonomiya at inaasahan na pagdagsa ng mga foreign investors sa bansa.

 

 

“Mayroon na pong tagubilin sa amin na mahigpit ang Pangulo na naririyan ang pondo, lalo na ang may kinalaman sa social protection programs ng pamahalaan, dapat maipagkaloob natin iyan sa mga intended beneficiaries,” ayon kay  Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa press briefing sa Malakanyang.

 

 

“Kaya ang catch-up plan po namin ay kasama iyong collaboration at saka partnership, not just with the local government units, but also with our legislators and most importantly po, sa private sector,” ayon sa Kalihim.

 

 

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang  sectoral meeting sa Malakanyang para tugunan ang ‘underspending’ at idetermina ang mga hakbang para mag-improve ang ‘agency budget utilization.’

 

 

Ipinresenta naman ng mga ahensiya ng pamahalaan sa nasabing miting ang kani-kanilang  catch-up plans para mapabilis ang delivery ng social services.

 

 

Ani Laguesma, hangad ni Pangulong Marcos na partikular na ituon sa employability o kakayahang magtrabaho ng kabataang filipino para ihanda ang mga ito para sa kinabukasan o panghinaharap lalo na para sa post-pandemic opening  ng ekonomiya lalo pa’t marami ng binabawi na restriksyon.

 

 

“Based on the data and forecast from business organizations and firms, the President’s foreign travels would eventually result in more investors coming in to set up their businesses in the Philippines,” ayon kay Laguesma.

 

 

“Sa darating na panahon, bunga rin ito ng mga pagbibiyahe ng ating Pangulo, ay magkakaroon po ng mga setting up ng bagong mga kumpanya, expansion ng mga existing at mangangailangan po sila ng mga karagdagang manggagawa na tutulong upang lalong mapalakas iyong pagkakataon na magkaroon tayo ng mas maraming opportunities para sa mga manggagawa,” dagdag na wika nito.

 

 

Sinabi pa ni Laguesma na mayroon ng catch-up plan ang Department of Labor and Employment (DOLE), bilang isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na nagpapaabot ng  social protection sa pakikipagtulungan sa local government units (LGUs) at iba pang katuwang.

 

 

Isa mga  big-ticket programs ng DOLE ay ang  Tulong Pangkabuhayan Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), nakatuon sa pagbibigay ng tulong  sa mga “disadvantaged, vulnerable, displaced at marginalized sector.”

 

 

Habang ang mga ahensiya ay required na gumawa ng catch-up plans, nilinaw ni Laguesma na ang data ukol sa utilization rate ay sumasaklaw lamang sa first quarter ng taon.

 

 

“Itong second quarter po, nakahabol na po kami dahil noong kami ay nabigyan ng impormasyon kung ano ang rate ng aming utilization, agad-agad po kami ay nakipagpulong na sa mga regional directors,” ayon sa Kalihim.

 

 

Maliban sa pagkakaroon ng catch-up plan, kailangan din na matiyak  ng DOLE na ang mga tamang documentation na laging hinahanap po ng COA ay kanilang naisasagawa nang sa ganoon naman aniya ay  “iyong naipagkaloob na pondo sa atin ay talagang maukol doon sa dapat niyang pagkagastusan.” (Daris Jose)

Reassessment ng listahan ng 4Ps list, matatapos sa Setyembre-DSWD

Posted on: August 16th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MATATAPOS sa Setyembre ang ginagawang reassessment ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

 

 

Sinabi ni DSWD Secretary  Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang na may 700,000 pamilya ang ni-reassessed upang makita kung kailangan na ikonsidera pa ang mga ito bilang mahirap at maging benepisaryo ng  cash assistance program ng gobyerno.

 

 

“So ongoing iyong reassessment ngayon at matatapos iyan ng September para talagang masigurado natin na masala natin nang mabuti iyong dapat kasama sa 4Ps program, kasama sa program – iyong dapat hindi na kasama sa program, hindi na kasama sa program,”  ani Gatchalian.

 

 

“Sinigurado lang natin talagang na… like I said, na nafi-filter nang maayos. Pero come end of September, tapos na iyong reassessment na iyon and then what we can do next is now start paying them. At mabilis naman sa department dahil nga naka-cash card naman ‘yang mga ‘yan – once the fund is obligated, disburse kaagad iyon,” dagdag na wika nito.

 

 

Matatandaang inatasan ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang DSWD na ituloy ang pag-calibrate sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at pagbuo ng iba pang social protection initiatives ng gobyerno.

 

 

Nanawagan si Marcos sa ahensya na ipagpatuloy din ang pagpapatupad sa Unconditional Cash Transfer program upang makapagbigay ng cash grants para sa mahihirap na households at indibidwal.

 

 

Maliban dito, pinaiigting din ng Punong Ehekutibo ang Social Pension Program para sa mga Indigent Senior Citizens bilang paraan para ma-augment ang kanilang araw-araw na pangangailangan at medical needs.

 

 

Samantala, kinilala naman ng Pangulo  ang mga hakbang ng DSWD sa pagbawas sa kahirapan at gutom, maging ang pagkamit sa upper-middle income status sa 2025.  (Daris Jose)