• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2023

Muling gagawa ng history ‘pag siya ang top winner: TAYLOR SWIFT, pinakamaraming nominasyon sa ‘2023 MTV Video Music Awards’

Posted on: August 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT nang maghanda sa isang maaksyong hapon ang mga Dabawenyong basketball enthusiasts dahil pupunta ang GMA Masterclass: The Sports Series sa Davao City today August 12 kasama ang PBA legend na si Jerry “Defense Minister” Codiñera.

 

Makakasama ni Jerry sa pagtuturo sa mga aspiring basketball players si Kurt Reyson ng Letran Knights. Thanks to GMA Regional TV and Synergy, siguradong maraming makukuhang learnings and techniques ang mga dadalo sa Almendras Gymnasium, Davao City Recreation Center sa ganap na 1 ng hapon.

 

***

 

HUMAKOT ng pinakamaraming nominasyon sa 2023 MTV Video Music Awards (VMAs) si Taylor Swift.

 

Walong nominations ang natanggap niya para sa music video na Anti-Hero.

 

Muling gagawa ng history sa VMA si Taylor kapag siya ang maging top winner this year. Last year, siya ang first artist to win Video of the Year three times. Isa rin siya sa most-awarded artist in VMA history with 14 VMAs, just behind Beyoncé with 16 and Madonna with 20.

 

Mga nakatanggap din ng maraming nominasyon in this year’s VMAs ay sina SZA (6), Doja Cat, Kim Petras, Miley Cyrus, Nicki Minaj, Olivia Rodrigo, and Sam Smith (5).

 

Lahat sila ay maglalaban for Video of the Year category: Doja Cat’s “Attention,” Cyrus’ “Flowers,” Minaj’s “Super Freaky Girl,” Rodrigo’s “vampire,” Smith and Petras’ “Unholy,” SZA’s “Kill Bill,” and Swift’s “Anti-Hero.”

 

Magaganap ang 2023 VMAs on September 12, live at the Prudential Center in Newark, New Jersey.

(RUEL J. MENDOZA)

‘Maging Sino Ka Man’ nila ni Barbie, papalit sa ‘Voltes V: Legacy’: DAVID, may gagawing teleserye at movie sa China

Posted on: August 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAGING matagumpay ang ribbon-cutting at blessing ng bagong branch ng Blue Water Day Spa noong Agosto 11, 2023 na pinangunahan ni Pambansang Ginoo David Licauco. 
Ang pinakabagong sangay nito ay matatagpuan sa 2nd Floor South Wing ng Estancia Mall, Capitol Commons, Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City.
Bukod sa Kapuso actor na talaga namang pinagkaguluhan at ramdam na ramdam ang kasikatan, dumalo rin ang mga kilalang personalidad, habang ang mga esteemed brand ambassador ng Blue Water Day Spa ay nagdagdag ng star power sa kaganapan.
Kinabibilangan ito nina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Granados, Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez, Miss Grand Philippines 2023 Nikki De Moura, TV Actor, Host Model na si Fabio Ide, at si Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.
May big revealations naman si David na abala sa taping ng ‘Maging Sino Ka Man’ nila ni Barbie Forteza, na balitang papalit sa pinag-uusapan pa ring ‘Voltes V: Legacy’ next month,  nakatakda rin siyang gumawa ng teleserye at pelikula sa China.
Balitang sa September na raw ang pagpunta ni David sa ilang lugar sa China at may kukunan din sa ‘Pinas.
Actually, kababalita pa lang ng kanyang manager na si Arnold Vegafria, na done deal ang serye at pelikula.  Kaya in a way, na-excite din si David na makatrabaho ang mga Chinese actors
Wala sanang maging problema ang project na ito ni David, dahil sa pinag-uusapan na namang sigalot sa Ayungin Shoal.
Sa Estancia Mall Branch ay ipinagmamalaki na nag-aalok ng malawak na hanay ng mga serbisyo tulad ng mga natatanging masahe, non-invasive facial at body treatment, waxing, at maselang paggamot sa kamay at paa. Pangako rin ng Blue Water Day Spa na mananatiling nakatuon sa pagtiyak ng pisikal at mental na kapakanan ng kanilang mga parukyano.
Ang Blue Water Day Spa Estancia Mall Branch ay bukas mula 1 pm hanggang 10 pm, mula Lunes hanggang Linggo (na may Tel No. 0917- 8810092).
Bukas na rin ang Blue Water Day Spa BGC Branch na matatagpuan sa Ground Floor ng The Infinity Tower sa 25th Street, BGC na may mga parking space sa loob ng establishment para sa madaling access sa mga oras ng negosyo mula 3 pm hanggang 12 am araw-araw (at maaaring tawagan sa 0917-1459159).
Manatiling konektado sa pamamagitan ng pag-follow sa Blue Water Day Spa sa Facebook at Instagram. Para sa mga katanungan at reserbasyon, maaari ka ring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email
Maaari mo ring bisitahin ang ibang Blue Water Day Spa Locations sa BANAWE BRANCH, One Banawe Plaza, Mezzanine Floor, Banawe Corner Calamba Street, Quezon City (Tel No. 0947-8965075), ORTIGAS BRANCH Eton Square Ortigas, 425 Ortigas Avenue, San Juan City (Tel No. 0917-8156659).

***

 

NAG-ISYU ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), motu proprio, ng Notice to Appear at Testify sa Production Group ng noontime variety show E.A.T. hinggil sa pagmumura ng isa sa mga host ng programa na si Wally Bayola noong ika-10 ng Agosto 2023, na namataan ng MTRCB Monitoring and Inspection Unit.

 

Nilabag ng naturang eksena ang Section 2 (B), Chapter IV of the Implementing Rules and Regulations of Presidential Decree No. 1986 (PD No. 1986)Itinakda ang pagdinig sa ika-14 ng Agosto 2023, Lunes, sa MTRCB Offices sa Timog Avenue, Quezon City.

 

Ipinaalala ng MTRCB na anumang paglabag sa PD No. 1986 at sa mga Patakaran at Regulasyon nito na namamahala sa mga pelikula, mga programa sa telebisyon, at kaugnay na promotional materials nito ay parurusahan ng suspensyon o kanselasyon ng mga permiso at/o lisensya na inisyu ng Board at/o ng pagpapataw ng multa, at iba pang uri ng administratibong parusa.

 

***

 

SAMAHAN si Howie Severino at ang I-Witness sa kanilang paglalakbay sa maganda at makasaysayang Ilog Pasig sa dokumentaryong “Trip to Pasig,” ngayong Sabado (August 12), 10:15 PM sa GMA.
Ang Pasig River ay tinuturing na isa sa pinakamahahalagang ilog sa bansa, kaya naman tutungo rito si Howie para alamin ang mga kontribusyon nito sa lungsod pati na rin ang mga nakaambang banta rito.

Sa dokumentaryo, mababalikan ng mga manonood ang nakaraan kung saan malaki ang naitutulong ng ilog sa komersyo ng Metro Manila dahil dito nakadepende ang kabuhayan ng maraming Piipino.

Kasunod ng mga rehabilitasyong ginawa sa Ilog Pasig, bibigyang-pansin ni Howie ang planong pagpapatayo ng elevated expressway na sasakupin ang buong ilog para makonekta ang mga siyudad ng Metro Manila at makatulong diumano sa problema ng traffic. Sa kanyang pakikipag-usap sa mga residente, aalamin ni Howie ang kanilang saloobin sa proyekto. Kakapanayamin din niya ang mga opisyales na nagsusulong nito.

Samantala, maaliw habang sinusubukan ni Howie at ng kanyang team ang isang libangang matagal nang ginagawa sa lungsod ng Pasig.

Lahat ng iyan sa dokumentaryo ni Howie Severino na “Trip to Pasig” sa I-Witness ngayong gabi10:15 PM sa GMA.

For more updates about the Kapuso Network, visit www.gmanetwork.com.
(ROHN ROMULO)

TIGHTEN YOUR SEATBELTS IN LIAM NEESON’S LATEST HIGH-OCTANE ACTION FILM “RETRIBUTION”

Posted on: August 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WITH no particular set of skills, Liam Neeson takes on the role of an ordinary man who steps on the driver’s seat in the upcoming high-speed movie Retribution who must follow a stranger’s instructions while being trapped in the car with his children and avert dangerous consequences triggering series of deaths along the way.

 

 

Set in Berlin, Retribution follows a successful businessman who discovers on his way to work that a bomb has been planted in his car by an unknown assailant. But for all his killer instincts when it comes to business, Matt Turner can’t possibly foresee what is about to happen next. On the way to school, a phone that doesn’t belong to him or either of his children rings inside the car. And, when Matt answers, his terrible situation is revealed to him by a mystery caller: there are pressurized bombs under their seats, that will detonate if Matt tries to get anyone out of the car, calls the cops, or – and this is critical – fails to follow a set of increasingly dangerous instructions. Matt Turner, it’s clear, is going to have to work extremely hard to keep his family alive and figure out why this is happening to him.

 

 

The film’s producers Andrew Rona and Alex Heineman, who also produced the box-office action hits Unknown, Non-Stop and the Commuter reflect on the many perilous on- screen predicaments they have put Liam Neeson into over the past decade, across a hugely successful run of action pictures that have become a modern thumbprint for high-concept, high octane big screen experiences.

 

 

“Over our time with Liam, we’ve got to crash a plane and derail a train. In Retribution we are blowing cars up, all over Berlin, reaching an electrifying peak by placing Neeson’s unwitting but resourceful everyman, Matt Turner, and his two children in a car that has pressure-triggered bombs rigged under their seats. Bombs that will detonate unless Matt follows a strict set of rules dictated to him down the phone by a mysterious, malevolent caller.

 

 

“The concept of it is so immediate and engaging and it’s got themes that really resonate, like money and greed. It’s a movie, Neeson says, that you will leave with a better appreciation of what truly matters. For me, that’s it. What’s really important. Sometimes you need to remember to take the time to smell the roses, to sit back and enjoy things. So that’s my advice on this. Sit back and enjoy it.”

 

 

Retribution also stars Jack Champion (best known for his recent role in Avatar: Way of the Water), Lilly Aspell (played young Wonder Woman), Matthew Modine (Oppenheimer, Stranger Things) and Embeth Davidtz (Tales of the Walking Dead series).

 

 

Watch trailer below:

 

Buckle up tight for a non-stop thrilling road trip action spectacle when Retribution opens on August 23 in cinemas nationwide.

 

 

From Axinite Digicinema, follow Facebook page and Tiktok for more updates on Retribution.

 

(ROHN ROMULO)

Ratsada na sa paggawa ng pelikula at series… VICTOR, puwedeng-puwede na maging next ‘Vivamax King’

Posted on: August 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

RATSADA ngayong Agosto ang newest Vivamax actor na si Victor Relosa (dating VR Relosa) dahil bibida na naman siya sa pelikulang ‘Kamadora,’ kasama sina Tiffany Grey at Armina Alegre, na ang streaming ay nagsimula na ng August 11.

 

 

Mula ito sa direksyon ni Roman Perez, Jr. na siya ring nagdirek nang huling pinagbidahan ni Victor, ang erotic-drama na ‘Litsoneras’ kasama sina Yen Durano, Jamila Obispo at Joko Diaz, na streaming na ngayon sa Vivamax, na kung saan pinupuri ang pagganap niya bilang Jonas.

 

 

Kasama rin si Victor sa isang episode ng series na ‘Sssshhh!’ ni Direk Roman.

 

 

Sa ‘Kamadora’, part din ng movie sina Hurry Up Tingson, Itan Rosales, Junjun Quintana, Karl Medina, Angie Castrence, Elora Españo, Raffy Tejada, Sue Prado, at Emmanuel Dela Cruz.

 

 

Sa August 18 muling makikipagtagisan sa pag-arte at pagpapa-sexy si Victor sa sexy, psychological, drama, thriller na ‘Kahalili’ kasama sina Mercedes Cabral, Stephanie Raz, Millen Gal at Sid Lucero. Mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr.

 

 

Sa August 27 naman kasama rin siya sa sexy series ni Jose Javier Reyes na ‘Secret Campus’ na pagbibidahan nina Azi Acosta, Angela Morena, Ataska at Angelica Hart.

 

 

Isiniwalat din niya ang upcoming movies sa Vivamax, ang ‘Sila Ay Akin’ ni dire Mac Alejandre at ‘Halo-Halo X’ na gaganap siyang rider na nag-aalok din ng panandaliang aliw.

 

 

Kaya halos wala raw siyang tulog, to the point na nagkakasakit na, ay kailangan niyang humataw at ibigay ang husay sa pagganap sa bawat character na binibigay sa kanya ng direktor.

 

 

Kaya naman sa sunud-sunod na pelikula at series ni Victor (na una naming nasilayan sa ‘Lagaslas’ with Manang Medina, na may ibubuga sa pag-arte), puwede na nga siyang maging next Vivamax King.

 

 

***

 

 

MAGKAKAROON ng pagkakataon ang mga baguhang direktor na maitanghal ang kanilang mga “kuwentong panalo ng buhay” bilang bahagi ng kauna-unahang film festival ng Puregold.

 

 

Sa CinePanalo Film Festival, mamimigay ang Puregold ng mga production grant na umaabot sa milyon-milyon ang halaga, nang matulungan ang mga piling grupo ng mga filmmaker na maisakatuparan ang kanilang mga proyekto.

 

 

Sa kasalukuyan, dumarami na ang interesado sa festival, at nagsimula na ang proseso ng aplikasyon.

 

 

Ibinahagi ni Vincent Co, Presidente ng Puregold Price Club Inc., ang mga kapana-panabik na oportunidad na naghihintay sa mga lalahok. “Nais naming mabigyan ng pag-asa ng CinePanalo ang mga bata at talentadong filmmaker na naghihintay lamang ng kanilang break. Hangad namin na ang tulong-pinansyal at ang exposure na makukuha nila mula rito ay magbibigay sa kanila ng tulak upang abutin pa ang kanilang mga pangarap.”

 

 

Naghahanap ang CinePanalo Film Festival ng Puregold ng mga kuwentong nakaaantig ng puso, alinsunod sa opisyal na tema nito, “Mga kuwentong panalo ng buhay.”

 

 

Susuportahan ng festival na ito ang mga likha na nagtatampok ng mga halagahang Pilipino tungkol sa pagmamahal, pamilya, at pag-asa.

 

 

Ayon kay festival director Chris Cahilig ukol sa tema ng CinePanalo, “Gusto naming mag-iiwan ng pakiramdam ng ligaya ang mga makapapasok na entry–pakiramdam na nabibigay lamang ng mahusay na mga pelikula. Nasasabik na kaming makita ang mga magagandang kuwentong ibabahagi ng mga lokal na direktor sa publiko.”

 

 

Piling-pili lamang ang makatatanggap ng mga grant–mga aplikante na makukuha ang layunin ng CinePanalo. Limang baguhan at propesyonal na direktor ang makatatanggap ng tig-P2,500,000 upang lumikha ng pelikula para sa festival. Dalawampu’t limang estudyanteng filmmaker naman ang makatatanggap ng tig-P100,000 para sa paglikha ng maiigsing pelikula o shorts.

 

 

Ipapalabas ang mga nakompletong pelikula sa isang festival na itatanghal nang tatlong araw sa Gateway Cinemas mula Marso 8 hanggang 10, 2024. Ipo-post naman ang short films sa opisyal na mga page ng Puregold sa social media, at sa Puregold Channel sa YouTube.

 

 

Itatampok ang mag ito kasama ng mga sikat na retailtainment serye ng Puregold, gaya ng “GV Boys,” “Ang Babae sa Likod ng Face Mask,” at “Ang Lalaki sa Likod ng Profile”.
“Kailangan ng mga tao ng mga pelikula na makabuluhan sa buong pamilya,” diin pa ni Cahilig.

 

 

“Sa panahong bayolenteng paksa o makamundong pagnanasa ang laman ngmga pelikulang aksesibol sa mas maraming mga tao, magpopokus ang CinePanalo Film Festival sa mga kuwentong may puso at may pag-asa.”
Inilunsad ang festival sa isang press conference na inorganisa ng Cinema 76 Film Society noong Agosto 8, 2023. Mula noong ianunsyo ang CinePanalo, nakatanggap na ng mga katanungan ang mga opisyal ng festival. Susuriing mabuti ng mga miyembro ng selection committee ang mga entry upang makahanap ng mahuhusay na mga direktor na makapapasok sa lineup ng film festival sa Marso.
Para sa mga interesadong aplikante, mag-email lamang sa
thesecretariat@cinepanalo.com upang makatanggap ng mga materyal na kinakailangan para mag-apply.

 

 

Lahat ng aplikasyon at kahingian ay dapat maipadala bago Oktubre 27, 2023. Isasapubliko ang shortlist ng mga napiling direktor sa Nobyembre 6, 2023.

 

(ROHN ROMULO)

Patuloy na nakikipaglaban sa Type 2 Diabetes: DONITA, nagpapasalamat dahil sa tapang ng asawa na si FELSON

Posted on: August 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASALAMAT si Donita Rose dahil sa tapang ng kanyang mister na si Felson Palad na ilang taon nang nakikipaglaban sa sakit nito na Type 2 Diabetes.

 

 

Ayon sa World Health Organization (WHO): “Diabetes as a chronic disease that occurs either when the pancreas does not produce enough insulin or when the body cannot effectively use the insulin it produces. Insulin is a hormone that regulates blood glucose.”

 

 

Naging sakit daw ito ni Felson noong 28-years old siya. Ngayon at 38 na ito, tuluy-tuloy lang daw ang pakikipaglaban nito sa kanyang kalusugan kahit na minsan daw ay parang gusto na nitong sumuko.

 

 

Pero pinapalakas daw ang loob nito na ituloy ang laban dahil sa panampalataya nito sa Panginoon at sa mga words of encouragement ng misis na si Donita.

 

 

Post ni Felson sa Instagram: “Managing my Type 2 Diabetes Journey. Six months ago, my A1C was 10.5. I used to weigh 190 lbs now I’m 168 lbs. I am only 38 years old and I was diagnosed with Type 2 Diabetes since I was 28. Losing weight plays a big role in managing type 2 diabetes. No bashing, please.

 

 

“Diabetes is a serious health condition. I almost had a stroke and lost my voice for a month: blurred eyesight and many others. My picture here is just one of those outcomes of lifestyle changes. I’m still a work in progress. I had several times my sugar would shoot up to 400mg/dl. I was on insulin and four other medication. Now I’m out of insulin and down to only two that I take.

 

 

“I was very hopeless and depressed. I guess that’s why God gave Dee Donita Rose as my wife to be of help and share these lifestyle changes. With much prayer and wisdom from God, and with my wife’s help preparing my meals and pushing me to go to the gym and exercise with her almost every day, my AIC is down to 6.

 

 

“I’ll post more about what I have been doing, just to keep us inspired how to manage. I’m not a doctor. Just basing everything with my experience and cooperation with my medical practitioner.”

 

 

Reply ni Donita: “I couldn’t be more thankful for having you lead us on this journey. I’ve always dreaded going to the gym in the past but you have made it so much fun, making me laugh with all your quirky efforts to brighten up my every day. It’s so much easier with an accountability partner and I married the best one on the planet.”

 

 

Kinasal sina Donita at Felson noong September 2022 sa San Clemente, California.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads August 11, 2023

Posted on: August 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Matapos umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off: SB19, muling nag-perform sa American morning show na ‘Good Day New York’

Posted on: August 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng SB19 ang kanilang pasasalamat at pagiging proud sa kanilang fandom na A’TIN na umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off.

 

 

Sa kanilang IG Live, inilahad ng SB19 members na sina Justin, Pablo, Stell, Ken at Josh ang pasasalamat nila sa A’TIN.

 

 

“Maraming maraming salamat! You guys are amazing,” sabi ni Justin.

 

 

“Sobrang galing ninyo… Salamat sa support and love,” sabi naman ni Pablo.

 

 

“Thank you again. Love you A’TIN. Good night, see you soon sa August 11 and September,” ani Stell.

 

 

Naging dikit ang laban ng A’TIN at CARATs, na fan base ng K-pop idols na Seventeen sa final round.
Samantala, muling nag-perform ang phenomenal P-pop group sa American morning show na ‘Good Day New York.’

 

 

Fresh mula sa kanilang pagkapanalo sa Billboard 2023 Fan Army Face Off. At sa naturang TV guesting, sinayaw ng SB19 ang kanilang hit song nila na “Gento.”

 

 

Matatandaan na sa morning show rin ang naging debut ng SB19 sa American television. Ito ay kasabay ng kanilang “WYAT (Where You At)” Tour noong November 2022.

 

 

Ngayon, nagbabalik ang SB19 sa Amerika bilang bahagi ng kanilang “Pagtatag” world tour.

 

 

Sa interview ng American TV host na si Rossana Scotto sa SB19, nagpasalamat ang leader at vocalist ng grupo na si Pablo sa lahat ng opportunidad na ibinibigay sa kanila ngayon.

 

 

Aniya, “It’s very amazing for us to experience this for the second time, this opportunity again. Last time we visited a few cities but now we have 10 cities to go.

 

 

“We’re just really really thankful that we have this opportunity and we get to meet our new fans and of course introduce our music to the world.”

 

 

Samantala, mapapanood naman si Stell bilang coach sa first-ever ‘The Voice Generations’ sa Asya ngayong Agosto 27 na sa GMA.

 

 

***

 

NILINAW ni Herlene Nicole “Hipon Girl” Budol na posibleng sumali pa siya sa mga beauty pageant.

 

 

Sa “Not Gonna Lie” segment ng programang “Dapat Alam Mo!,” tinanong ng mga host na sina Susan Enriquez at Kim Atienza si Herlene kung sasali pa ba siya sa beauty pageants.

 

 

“Sasali pa ba ko, oo o hindi?” tanong ng actress ang beauty queen bago sinabi ang sagot na, “Oo ata. Maybe. Puwede bang maybe?”

 

 

Lumabas naman sa lie detector na “truth” ang kaniyang sagot.

 

 

Dito na sinabi ni Kuya Kim ang YouTube video ni Herlene kamakailan na emosyonal niyang inihayag na signed off na siya sa pageantry.

 

 

“Hindi po, kasi po sinabi ko po yung I’m signing off kasi wala pa pong Miss Philippines Tourism na ipagdadayo ko po,” paliwanag ni Herlene.

 

 

“Kumbaga, wala pa pong franchise na nakukuha dun sa international para sa paglalabanan ko,” patuloy niya.

 

 

Ayon pa sa “Magandang Dilag” star, “Lalaban pa rin pa naman ako sa international pero after po nun, baka magpahinga po ako at papagalingin ko lang po muna yung sarili ko. Mag-focus po muna ko sa kung ano yung meron po ako ngayon.”

 

 

Sa nasabing YouTube video, inihayag ni Herlene na hindi na siya sasabak sa beauty pageants.
Noong nakaraang buwan, kinoronahan si Herlene bilang Miss Philippines Tourism sa Miss Grand International pageant.

 

 

Sa inilabas na pahayag ng ALV Pageant Circle at Miss Grand Philippines, inihayag nito na, “we have not yet issued any official confirmation regarding Miss Grand Philippines Tourism 2023 Herlene Budol’s participation in the Miss Tourism World pageant.”

 

 

“Our Miss Philippines Tourism title is a generic title with no contractual obligation to any international pageant,” patuloy nito.

 

 

Bago nito, naging first runner-up si Herlene sa Binibining Pilipinas 2022.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Kawalang trabaho tumalon sa 4.5% nitong Hunyo, ayon sa PSA

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
UMAKYAT ang bilang at porsyento ng walang trabaho sa work force ng Pilipinas matapos itong humataw sa 2.33 milyon nitong Hunyo, mas mataas ng 159,000 kaysa noong Mayo 2023.
Ito’y matapos lumobo 4.5% ang unemployment rate para sa naturang buwan, mas mataas kumpara sa 4.3% bago ito, sabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules.
“The number of unemployed persons in June 2023 decreased to 2.33 million from 2.99 million in June 2022, posting a year-on-year decline of 663 thousand unemployed persons,” sabi ng ahensya kanina.
“However, the number of unemployed persons in June 2023 was higher by 159 thousand compared with the number of unemployed persons in May 2023.”
Naitala sa naturang June 2023 ang mga naturang datos:
unemployment rate: 4.5%
unemployed: 2.33 milyon
underemployment rate: 12%
underemployed: 5.87 milyon
employment rate: 95.5%
employed: 48.84 milyon
labor force participation rate: 66.1%
Kapansin-pansing mas mataas ang underemployment rate sa ngayon kumpara noong Mayo sa 11.7%. Tumutukoy ito sa milyun-milyong Pilipinong naghahangad pa ng dagdag na oras sa trabaho o dagdag na trabaho.
Karaniwang ginagawa ito sa tuwing naghahanap nang mas maraming kita ang tao.
Sumabay ang mas mataas na unemployment rate at mas maraming walang trabaho sa pagbaba ng employment rate sa 95.5%. Matatandaang nasa 95.7% ito noong Mayo 2023.
“By broad industry group, the services sector continued its dominance among the sectors in terms of number of employed persons with a share of 58.2 percent,” dagdag ng PSA.
“The agriculture and industry sectors accounted for 23.8 percent and 18.0 percent share, respectively.”
Hulyo lang nang ibida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang pag-igi ng kawalang trabaho nitong Mayo, bagay na malayo na raw sa naramdaman ng ekonomiya sa gitna ng COVID-19 lockdowns.
Bilang tugon, agresibo raw ang pamahalaan sa investment at business promotions and facilitations.
Nangyayari ang lahat ng ito matapos iulat ng Social Weather Stations na umakyat sa 10.4% ang bilang ng mga pamilyang Pilipinong nagsabing nakaranas sila ng kawalang pagkain bago nagtapos ang Hunyo.

Tax amnesty extension, naging ganap na batas

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGING ganap na batas na  ang ipinasang panukalang batas na layong palawigin ang deadline ng pagkuha ng estate tax amnesty ng dalawa pang taon o hanggang June 2025.

 

 

Kahit wala ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., “the availment of the estate tax amnesty  lapsed into law on August 5.

 

 

Nakasaad sa Republic Act No. 11956, pinalalawig ang Estate Tax Amensty  period  ng hanggang Hunyo 14, 2025 at kasama rito ang estates  o  ari-arian ng mga namatay sa araw mismo o bago ang  Mayo 31, 2022.

 

 

Naka-uploaded ito sa Official Gazette, araw ng Martes, Agosto 8.

 

 

Nakapaloob sa Section 4 ng batas na pinahihintulutan ang pagbabayad ng installment sa loob ng dalawang taon mula sa original payment date na walang kaukulang civil penalty at interest.

 

 

Ang pagbabayad ng amnesty tax  ay maaaring gawin sa pamamagitan ng  “electronically o manually, at the time the Return is filed with any authorized agent bank, Revenue District Officer through the Revenue Collection Officer or authorized tax software provider.”

 

 

Inaatasan naman ang  Secretary of Finance, na makipag-ugnayan sa Commissioner ng Bureau of Internal Revenue, sa pagbalangkas ng rules and regulations sa loob ng 30 araw mula sa effectivity ng batas.

 

 

Ang nasabing  batas ay magiging epektibo, 15 araw matapos ang publikasyon sa  Official Gazette o sa dalawang pahayagan na may general circulation. (Daris Jose)

PBBM, tiniyak na may sapat na stock ng bigas ang Pinas

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  na may sapat na  stock o imbak ng bigas  ang Pilipinas na tatagal hanggang matapos ang El Nino phenomenon sa susunod na taon.

 

 

Nauna rito, nakipagpulong si  Pangulong Marcos sa pangunguna ng Private Sector Advisory Council at Philippine Rice Stakeholders Movement (PRISM) sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“The rice situation is manageable and stable. There is enough rice for the Philippines up to and after the El Niño next year,” ayon sa Pangulo.

 

 

Bago pa ang pahayag na ito ng Chief Executive, nag-presenta muna sa kanya ang Department of Agriculture (DA) at PRISM ng rice supply outlook para sa bansa hanggang sa pagtatapos ng  2023.

 

 

Nagpatawag ng miting ang Pangulo  kasama ang mga stakeholders para pag-usapan ang kalagayan ng  rice industry at mga hakbang para masiguro na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

 

 

Sa nasabing pagpupulong, sinabi ni DA Undersecretary Merceditas Sombillo na “with the low scenario with the assumption of a maintained level of production, the projected ending stock for 2023 is 1.96 million metric tons (MMT), enough to last for 52 days.”

 

 

Tinuran pa ni Sombillo  na  “the ending stock projection based on data from the Philippine Statistics Authority presents an even better scenario as the ending stock is projected at 2.12 MMT, which would last for 57 days.”

 

 

Ang pag-aani ng  palay ay nakatakdang magsimula sa Setyembre  hanggang Nobyembre.

 

 

Sa isang panayam, tiniyak naman ni  Rowena del Rosario-Sadicon, lead convenor  PRISM, sa publiko na may sapat na suplay ng bigas sa pagtatapos ng taon.

 

 

Aniya, naging positibo ang kinalabasan ng pakikipagulong nila kay Pangulong Marcos kasama ang  Private Sector Advisory Council (PSAC).

 

 

“We don’t need to panic for anything else. Kalma lang po tayo. It’s very important that we are one in our objective to be positive on this. Mayroon po tayong sapat na bigas,” ayon kay Del Rosario-Sadicon. (Daris Jose)