• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 22nd, 2023

DOT, naabot na ang 80% ng kabuuang target na tourist arrivals sa 2023

Posted on: September 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAABOT na ng Kagawaran ng Turismo ang kabuuang 80% ng target nitong 4.8million na turistang papasok sa Pilipinas para sa kabuuan ng taong 2023.

 

 

Ito ay matapos maitala ang hanggang 3.8 million na tourist arrivals sa bansa, mula Enero hanggang Setyembre-19, 2023.

 

 

 

Ayon kay Secretary Christina Frasco, ang halos 4 na milyong turista na naitala ng Pilipinas ay tinatayang nakapag-ambag ng hanggang P316.9billion na revenue sa bansa.

 

 

 

Paliwanag ng kalihim, ang pag-angat ng turismo sa buong bansa matapos ang pandemiya, ay nagsimula pa noong 2022.

 

 

 

Sa naturang taon kasi aniya, nakapagtala ang Pilipinas ng hanggang 2.65million na international visitors.

 

 

 

Ito ay 66% na recovery rate at malayong mas mataas kumpara sa international rate na hanggang 54% lamang.

PBBM admin, pinag-aaralang maglaan ng mahigit sa P38B para sa digitalization efforts sa 2024

Posted on: September 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINITINGNAN ng administrasyong Marcos na maglaan ng P38.75 billion para sa  digitalization efforts nito sa 2024.

 

 

“The proposed budget for the digitalization of government processes marks a 60.6 percent increase from the PHP24.93 billion funding in 2023,” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

Binigyang- diin nito ang pangangailangan na palakasin ang  public service.

 

 

“Technological advancement has given rise to a growing digital economy which continues to create new forms of work, transforming the employment landscape. Hence, investing in the digitalization of the bureaucracy is crucial not only in enhancing its efficiency but also in generating quality jobs for Filipinos,”  ayon kay Pangandaman.

 

 

Tinuran pa nito na ang bulto ng panukalang budget ay hinati sa  10 ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Kabilang dito ang Department of Education (P9.43 billion); Department of Justice (P5.55 billion); Department of Information and Communications Technology (DICT) (P5.34 billion); Department of Finance (P3.15 billion); Department of the Interior and Local Government (P2.60 billion); National Economic and Development Authority (P2.08 billion);  Judiciary (P1.44 billion); Department of National Defense (P1.12 billion); Department of Environment and Natural Resources (P913 million) at iba pang Executive Offices (P890 million).

 

 

Sinabi ng Kalihim na ang kabuuang P990.631 million ay ilalaan sa information and communications technology (ICT) Systems and Infostructure Development, Management, at Advisory Program ng DICT.

 

 

Sinasabi pa na ang National Government Data Center Infrastructure (NGDCI) Program, ay makakakuha ng P1.67 billion, naglalayon na bawasan ang government spending sa pamamagitan ng pagbibigay ng resources sa government agencies sa pamamagitan ng “colocation o cloud services”.

 

 

Tinuran pa ni Pangandaman na ang National Government Portal (NGP) ng DICT ay makatatanggap ng  alokasyon na P302.86 million para i-streamline ang public service sa pamamagitan ng pagkonekta sa lahat ng departamento ng pamahalaan  sa isang “single website.”

 

 

“Another DICT program, the National Broadband Plan (NBP), will get a budget of PHP1.50 billion to improve internet speed and allow affordability across the country, ayon sa DBM.

 

 

Isang hiwalay na P2.5 billion naman ang gagamitin para pondohan ang Free WiFi Connectivity in Public Places and State Universities and Colleges Program, na may target na 50 broadband sites sa 82 lalawigan.

 

 

Winika ni Pangandaman, ang manatiling updated sa teknolohiya at palawakin ang paggamit nito na nakaayon sa whole-of-government approach ng administrasyong Marcos  ay naglalayon na  ‘digitally connect the entire bureaucracy.”

 

 

Ang inisyatiba ayon kay Pangandaman  ay hindi lamang para bawasan ang red tape kundi makalikha ng hanapbuhay  sa pinalawig na digital economy.  (Daris Jose)

Speaker Romualdez pinakakasuhan na sa BOC ang mga smuggler

Posted on: September 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAKAKASUHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Bureau of Customs (BoC) ang mga rice smuggler, kasama ang kanilang mga kasabwat sa pagpuslit ng libu-libong sako ng bigas na iligal na ipinasok sa mga pantalan sa Mindanao.

 

 

Ginawa ni Speaker Romualdez ang apela kasabay ng paghahayag ito ng suporta sa naging desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipamigay ang mga nasabat na smuggled na bigas sa libong residente ng Zamboanga peninsula.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Marcos kasama ang ilan pang opisyal ng gobyerno sa pamimigay ng bigas noong Martes.

 

 

Ipinunto ni Speaker Romualdez na hangga’t hindi naparurusahan o nakukulong ang mga nasa likod ng smuggling ay magpapatuloy ang iligal na gawain ng mga ito kahit pa nakumpiska ng gobyerno ang kanilang mga naipuslit.

 

 

Bilang kinatawan ng publiko, sinabi ni Speaker Romualdez na trabaho ng mga mambabatas na tiyakin na mayroong sapat na suplay ng kanilang pangunahing pangangailangan na abot-kaya ang halaga. (Ara Romero)

Jim Caviezel Stars in the Highly-anticipated Edge-of-your-seat Thriller “Sound of Freedom”

Posted on: September 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FROM his unforgettable role in the phenomenal global hit “The Passion of the Christ”, Jim Caviezel stars in the highly-anticipated edge-of-your-seat thriller “Sound of Freedom”.

 

This year’s most successful independent film, “Sound of Freedom” is a powerful story of heroism based on incredible events in the life of Tim Ballard played by Caviezel. The movie became number one at the box-office when it opened (July 4 US) and has already reached a domestic gross of over than $182 million to-date, and continues to ring at the box-office following its worldwide release.

 

 

Shot on location in Colombia, the movie takes the audience into the life of Ballard, a former government agent turned freedom fighter who embarked on a dangerous mission to rescue dozens of children from human trafficking. This emotionally riveting narrative is a powerful story that stands as a testament to the tenacious spirit of those who refuse to let evil triumph, protecting God’s children from slavery. It also introduces us to two wonderful child actors who play siblings Rocio (Cristal Aparicio) and Miguel (Lucás Ávila), lured by a previous Colombian beauty queen named Katy, who poses as a talent scout for children.

 

 

Along with the other unsuspecting children who were promised a life of comfort and luxury, the siblings go through a closed-door audition and soon realize that they have been separated forcibly from their father. “Sound of Freedom” also stars Academy Award Winner Mira Sorvino (Mighty Aphrodite), Bill Camp (The Queen’s Gambit), José Zúñiga (Mission Impossible III), Eduardo Verástegui (Son of God), who is also a producer, and is written and directed by Alejandro Monteverde (Bella).

 

 

Produced by Angel Studios, the crowdfunded studio behind the extremely successful series “The Chosen,” ’Sound of Freedom’ has become the people’s movie,” said Jared Geesey, SVP of global distribution. We are empowering people to be part of choosing, funding, and sharing stories that amplify light and impact culture.”

 

 

The movie has earned a 99% audience score at Rottentomatoes.com that raves on the actors’ performances and the film’s strong message that God’s children are not for sale, further cementing it to be one of the most important movies meant to be seen in cinemas.

 

 

Stay through the credits as Caviezel imparts a powerful message on how the movie can mobilize the global audience to pay-if-forward by being a part of its storytelling process.

 

 

Listen and feel the “Sound of Freedom” now showing in cinemas nationwide, distributed by Axinite Digicinema and TBA Studios in the Philippines.

 

(ROHN ROMULO)

Niregaluhan ng isang luxe electric guitar: JULIE ANNE, nakatanggap ng early Christmas gift mula kay RAYVER

Posted on: September 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG nakatanggap nang maagang Christmas gift si Julie Anne San Jose mula sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.

 

 

 

Niregaluhan ni Rayver ang isa sa coaches ng ‘The Voice Generations’ ng isang brand new Gibson electric guitar.

 

 

 

Makikita nga sa Instagram video ang pag-unbox ni Asia’s Limitless Star sa luxe guitar na isang 1963 SG Special in Classic White.

 

 

 

Ayon sa website ng Gibson, nagkakahalaga ng almost $5,000 ang naturang gitara na regalo ni Rayver kay Julie.

 

 

 

“Just one happy girl with a happy heart. Thanks my love sa surprise the best ka talaga,” caption pa ni Julie.

 

 

 

Sagot naman ni Rayver sa comment section ay: “I’m happy you’re happy, my love. I love you!”

 

 

 

Reply naman ni Julie ay: “I love youuu.”

 

 

 

Noong nakaraang June, bumili si Rayver ng custom Gibson Les Paul guitar bilang early birthday gift sa kanyang sarili. May price tag naman ito ito between $5,000-$10,000.

 

 

 

***

 

 

 

NAIKUWENTO ni Stell Ajero ang mga advantage at disadvantage ngayon na mas kilala na ang grupo nilang SB19 maging sa ibang bansa.

 

 

“Ang best po, siyempre ito kumikita and we can provide for our family, nakukuha namin ang gusto namin, may mga needs and wants din po kami.

 

 

 

“But ang kabaligtaran po noon, siyempre dahil nga po nakikilala kami, mas wala kaming time with our families, hindi namin sila masyadong nakikita, hindi namin sila nakakasama.”

 

 

Ayon kay Stell, mas malapit ngayon ang mga tinutuluyan ng mga miyembro ng SB19 mula sa kanilang mga pinagtatrabahuhan kaysa sa kani-kanilang mga tahanan.

 

 

 

Dahil dito, malayo rin sila kanilang mga pamilya.

 

 

 

“Other thing po is wala na kaming freedom to go outside. Though hindi naman kami malabas talaga. Pero ‘yung simpleng pagmo-mall sana na gusto naming gawin, hindi na talaga namin magagawa, kasi may mga instances na talagang may mga taong nakakakilala,” sey ni Stell.

 

 

 

Nilinaw naman ni Stell na wala namang problema na makilala sila ng mga tao pero iniiwasan nilang maging dahilan ng kaguluhan, at makaabala sa iba.

 

 

 

“Ayaw naming mag-cause ng commotion sa isang lugar na maaabala lang ang mga tao, so we choose to stay na lang sa bahay,” sey pa ng isa sa mga coach ng ‘The Voice Generations.’

 

 

 

Naging top hit ng SB19 kamakailan ang kanilang single na “GENTO” mula sa kanilang EP na “PAGTATAG!”

 

 

 

Katatapos lamang ng boy group ng kanilang ikalawang world tour at nakipagsanib-puwersa sa JVKE para sa isang concert sa Boston.

 

 

 

Magiging guest performer din ang SB19 sa Asia Artist Awards 2023. Makakasama nila roon ang Seventeen’s BSS, ONEUS, Kingdom, ATBO, LUN8, and HORI7ON.

 

 

 

The AAA 2023 will be held at the Philippine Arena on December 14 in collaboration with StarNews, TONZ Entertainment, and PULP Live World.

 

 

 

***

 

 

 

NAPILING makasama sa selection committee para sa Miss Universe Egypt si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.

 

 

 

Tinawag nga si Celeste na “pride and the forever queen of the Philippines” at “celestial beauty with unparalleled charm and grace.”

 

 

 

Last month, naging part naman si Celeste sa mga umupong judges para sa Miss Universe Thailand 2023.

 

 

 

Ang 2023 Miss Universe pageant ay gaganapin sa El Salvador on November 18, at ang Kapuso star na si Michelle Marquez Dee ang magre-represent sa bansa.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Economic managers suportado ang ‘ayuda’, binasura ang suspensiyon ng fuel excise tax

Posted on: September 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TUTOL ang mga economic managers  ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa panukalang suspendhin ang excise tax sa petroleum products sa gitna ng tumaas na presyo nito.

 

 

Naniniwala ang mga ito na maaaring makapagbigay ito ng negatibong epekto sa ekonomiya.

 

 

Sa halip, isinusulong ng economic team ang target na pagtulong sa ‘vulnerable sectors.’

 

 

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang month-long suspension ng fuel excise tax ay “very dangerous.”

 

 

“It’s quite inequitable. It’s quite a risk to our fiscal program. There are better ways of protecting the poor and vulnerable. We’d rather have the assistance program for the poor, for the jeepney drivers, tricycle drivers, than having a universal subsidy that tends to benefit disproportionately the rich,” ang pahayag nito sa isang panayam matapos ang budget hearing ng NEDA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

“Once you put it in place, it’s very difficult to remove it, because policies like that are populist,” dagdag na pahayag ni Balisacan.

 

 

“In the past, we have unsustainable deficits because of programs like that. It led to high interest rates, it led to a slowdown of the economy, and lower growth, therefore, lower investments. Even the middle class will be hurt in the longer term,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, nagbabala naman si Finance Secretary Benjamin Diokno  na mawawalan ng bilyong piso ang gobyerno sa buwis, kung sususpendihin ang VAT at  excise tax sa langis.

 

 

Winika ni Diokno na ang revenue losses ay maaaring umabot sa P72.6 billion para sa huling quarter ng taon  o 0.3% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

 

 

Sa isinagawang plenary deliberations sa panukalang 2024 budget ng DoF sa Kongreso, may ilang mambabatas ang nagsulong ng suspensiyon ng fuel excise tax habang ang pump prices ay tumaas  para sa 11th consecutive week.

 

 

Inulit naman ni Sultan Kudarat 2nd District Representative Horacio Suansing Jr., budget sponsor ng DoF ang posisyon ni Diokno.

 

 

“Hindi ba kinonsider ‘yung magiging domino effect naman nito sa ating mahihirap? Kasi pag bumaba ang presyo ng langis, ang transportation, iba pang utilities, maaapektuhan dito. Magdo-domino effect yan sa mga presyo ng products and agricultural products. Did you not consider that it would be advantageous to our poor sector?”ang tanong ni  ACT Teachers Party List Rep. France Castro.

 

 

“The intention of the pronouncement of the Secretary of Finance is that we should not suspend the collection of these excise taxes. What he wants is to provide targeted relief to vulnerable sectors. So magbibigay tayo ng UCT, targeted cash aid or fuel subsidies to the bottom 50% households or members of transport sectors, para ang benepisyo ma-deretso sa lower 50% ng population. Para hindi magka benepisyo ‘yung upper 10% of te population,” ang tugon naman ni Suansing. (Daris Jose)

PBBM, hiniling sa Kongreso ang agarang pagpapasa sa 2024 General Appropriations Bill

Posted on: September 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINERTIPIKAHAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. bilang urgent ang House Bill No. 8980, o Fiscal Year 2024 General Appropriations Bill.

 

 

Layon nito na tiyakin na mapopondohan ang iba’t ibang programa at proyekto ng gobyerno sa susunod na taon.

 

 

“Pursuant to the provisions of Article VI, Section 26 (2) of the 1987 Constitution, I hereby certify to the necessity of the immediate enactment of House Bill No. 8980, entitled: ‘An Act Appropriating Funds for the Operation of the Government of the Republic of the Philippines from January One to December Thirty-One, Two Thousand and Twenty-Four,’” ayon sa Pangulo sa ipinadalang liham nito kay House Speaker Martin Romualdez.

 

 

“In order to address the need to maintain continuous government operations following the end of the current fiscal year (FY), to expedite the funding of various program, projects, and activities for FY 2024, and to ensure budgetary preparedness that will enable the government to effectively perform its Constitutional mandate,” ang nakasaad pa sa naturang liham.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Romualdez na  mas nauna pa sa itinakdang iskedyul ang ginagawa nilang  deliberasyon para sa  2024 national budget.

 

 

Kumpiyansang sinabi nito na ang nasabing budget ay maaaprubahan ni Pangulong Marcos sa tamang oras o bago sumapit ang Pasko.

 

 

“We hope that he will be able to sign it before Christmas para ‘yung sa ginagawa po natin binibigyan natin ang ating mga kapatid sa Senado sufficient time to review and to actually introduce amendments para maba-bicam natin by end of November, December in time for the signing of the President before Christmas,” ang pahayag ni Romualdez sa isang panayam matapos ang 3rd LEDAC meeting sa Palasyo ng Malakanyang. (Daris Jose)

‘Wag palampasin ang finale ng ‘Royal Blood’: DINGDONG, nagbigay-pugay sa napakahusay na pagganap ni TIRSO

Posted on: September 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG biggest murder mystery sa primetime TV ay magtatapos na sa high-rating primetime series ng GMA Network na “Royal Blood.”

 

 

Matapos ang isang mahaba at mahirap na paghahanap para sa mamamatay-tao, sa wakas ay lumabas ang sikreto—pinatay ni Margaret si Gustavo! Pero marami pa ring twists and turns na dapat i-unveil.

 

 

Sino ang hahalili sa pamumuno ng Royales Motors? Makababalik na kaya si Napoy sa kanyang tahimik at tahimik na buhay? Ano ang susunod para sa magkapatid na Royales?

 

 

Well, dapat manatili ang mga manonood hanggang sa huling gabi para malaman. At nangangahulugan din iyon ng paghihintay para sa mga post-credits scenes!

 

 

Ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay nag-post ng video sa Instagram kung saan makikita na kasama si Mr. Tirso Cruz III, kasama ang production at creative teams ng “Royal Blood.”

 

 

At ayoun sa kanyang caption, “Isang matinding standing ovation sa napakahusay na pagganap ni @tirsocruziii bilang Gustavo Royales. Bravo!”

 

 

Binigyang-diin din ni Dingdong ang isa sa mga hamon na kanilang kinaharap habang ginagawa ang serye.

 

 

Sa separate post niya, pinaliwanag ng award-winning actor na, “Nawalan ako ng boses during our last taping day at hindi ako nakapag-dub dahil bumalik ang boses ko 2 araw matapos ito, kaya hindi naabutan ang airing.

 

 

“Kudos sa lahat ng staff na ginawang posible pa rin ang pagpapalabas sa kabila ng kabiguan na ito. Ika nga, the show must go on.”

 

 

Tunay na katangi-tangi ang misteryong dramang ito sa mga episode nito na nakaka-isip at, siyempre, ang powerhouse na cast na binubuo nina Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, at Rhian Ramos.

 

Sa pamamaalam ng well-loved program, tiyak na mami-miss ng avid fans ang “Royal Blood.”

 

 

 

Ayon sa ilang komento sa GMA Drama Facebook page, “I love this teleserye. Masosorpresa ka lagi sa mga pangyayari. Wala bang season 2 for this? I love to be proven wrong and this show did that. I never suspected Margaret Royales-Castor, so good job to the people behind the show. I enjoyed the reveal.”

 

 

 

“Top caliber acting and good production design, cinematography, and musical scoring. Fast paced pa ang story. Natural na natural ang pagganap nilang lahat. Kahit mga kasambahay, ang galing mag-marites hahaha! Tailor-made talaga ang characters ng bawat isa,” dagdag ng netizens sa GMA Network YouTube channel.

 

 

 

“Royal Blood” is made possible under the supervision of GMA SVP for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable; VP for Drama Cheryl Ching-Sy; AVP for Drama Helen Rose S. Sese; Senior Program Manager Redgynn Alba; and Senior Executive Producer Winnie Hollis-Reyes.

 

 

 

Mula ito sa visionary minds ng GMA’s creative team – Creative Director Aloy Adlawan; Content Development Consultant Ricky Lee; Concept Creators RJ Nuevas and Ken De Leon; Headwriter Obet Villela; Writers Glaiza Ramirez, Jimuel Dela Cruz, and Abner Tulagan; and Brainstormer Louize Alsheri.

 

 

 

‘Wag palampasin anng finale ng “Royal Blood” na mula sa batikang direktor na si Dominic Zapata ngayong gabi, 8:50 p.m. on GMA and at 11:00 p.m. on GTV.

 

 

 

***

 

 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, isang panukalang batas na naglalayong protektahan ang mga manggagawa at/o mga independent contractors sa industriya ng pelikula, telebisyon, at radyo.

 

 

Binigyang-puri ng beteranong aktor-na-ngayo’y-politiko ang liderato ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para sa mabilis na pagpasa ng panukala sa House of Representatives. Ang House Bill No. 1270 ay naipasa noong Pebrero na may kabuuang 240 boto.

 

 

Subalit sa loob ng pitong buwan matapos itong maipasa sa mababang kapulungan, hindi pa rin ito naipapasa ng Senado.

 

 

Ang iminungkahing batas ay pinamagatang “Eddie Garcia” bilang pagkilala sa sikat na aktor na namatay noong Hunyo 2019 dahil sa aksidente habang nagte-taping para sa isang teleserye sa isang istasyon ng telebisyon.

 

 

Ayon kay Melendez, ipinakita ng kamatayan ni Garcia ang pangangailangan para sa isang ligtas na lugar ng pagtrabaho para sa mga manggagawa sa entertainment industry.

 

 

Idinagdag pa niya na marami sa mga manggagawa sa entertainment industry ay independent na aktor, aktres, at performers at mga freelancers, na walang katiyakan ang sweldo at benepisyo.

 

 

Sa kanyang pahayag, nanawagan si Melendez sa kanyang mga kapwa artista na ngayon ay nagsilbing mga senador na maseguro ang pagpasa ng panukalang batas na ito sa pinakamabilis na panahon. Kasama dito sina Senator Lito Lapid, Senator Robin Padilla, Senator Jinggoy Estrada, at Senator Bong Revilla.

 

 

“Bilang isang aktres, naranasan at nasaksihan ko mismo ang mga hamon at panganib sa aming industriya. Ako ay nananawagan sa aming mga kasamahan sa Senado na bigyan ng seryosong pansin ang panukalang batas na ito. Ang kaligtasan at karapatan nang manggagawa sa entertainment industry ay dapat maging prayoridad,” pagtatapos ni Melendez.

 

 

Kabilang sa mga author ng “Eddie Garcia” bill sa senado sina Lapid, Estrada at Padilla samantalang may naghain din ng panukalang Media Workers’ Welfare Act sina Senator Bong Go, Senator Raffy Tulfo, at Senator Legarda.

 

 

(ROHN ROMULO)

18 sa 20 LEDAC bills aprub na sa Kamara

Posted on: September 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na naaprubahan na ng Kamara ang 18 sa 20 panukala na prayoridad na maipasa ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).

 

 

Ayon kay Romualdez, mas maaga ng tatlong buwan sa deadline natapos ng Kamara ang mga panukala na tinukoy na bibigyang prayoridad na maisabatas sa pagpupulong ng LEDAC noong Hulyo 5.

 

 

Iprinesinta ni Romualdez, ang ulat nito kaugnay ng mga naipasang panukala sa isang pagpupulong sa Malacañang umaga ng Miyerkules, Setyembre 20.

 

 

Ang mga LEDAC priority bills na naipasa na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ay ang:

  1. Amyenda sa Build-Operate-Transfer (BOT)/Public-Private Partnership (PPP) Act,
  2. National Disease Prevention Management Authority/Center for Disease Control and Prevention,
  3. Internet Transaction Act/ E-Commerce Law,
  4. Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART) Act,
  5. Virology Institute of the Philippines,
  6. National Citizens Service Training (NCST) Program,
  7. Valuation Reform Bill (Package 3),
  8. E-Governance Act/ E-Government Act,
  9. Ease of Paying Taxes,
  10. Waste-to-Energy Bill,
  11. New Philippine Passport Act,
  12. Magna Carta of Seafarers,
  13. Rightsizing the National Government,
  14. Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), at
  15. Amendment to the Bank Secrecy Law.

 

 

Ang Trabaho Para sa Bayan (National Employment Recovery Strategy) ay naipadala na sa Malacañang para sa lagda ng Pangulo samantalang ang Automatic Income Classification Act for Local Government Units ay isusumite na rin sa Palasyo.

 

 

Ang Philippine Salt Industry Development Act ay nakasalang na sa bicameral conference committee.

 

 

Ang dalawang nalalabi na kailangang ipasa ng Kamara—ang HB 8969,o ang Military and Uniformed Personnel Pension System Act, ay naaprubahan na sa ikalawang pagbasa noong Martes at isasalang sa botohan sa susunod na linggo.

 

 

Inaprubahan naman ng Committee on Agriculture and Food ang panukala na mag-aamyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act at isasalang sa plenaryo ng Kamara bago matapos ang linggo.

 

 

Iniulat din ni Romualdez na nakasalang na sa plenaryo ng Kamara ang panukalang P5.768 trilyong budget para sa susunod na taon.

 

 

Samantala, sinabi ni Speaker na naaprubahan na ng Kamara ang pito sa 17 panukala na binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).

 

 

Ang dalawa ay nakasalang na sa ikalawang pagbasa samantalang ang nalalabing walo ay nakasalang naman sa iba’t ibang komite.

 

 

Sa pito na natapos na ng Kamara, ang isa– Automatic Income Classification Act for Local Government Units ay naratipika na.

 

 

Ang anim na iba pang naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa ay ang Excise Tax on Single-Use Plastics, VAT on Digital Services, amyenda sa Fisheries Code, Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA), Ease of Paying Taxes, at Philippine Immigration Act.

 

 

Noong Martes ay inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ang Unified System of Separation, Retirement, Pension for Military and Uniformed Personnel (MUP) at ang Rationalization of Mining Fiscal Regime.

 

 

Ang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act na inaprubahan na ng Agriculture and Food committee ngayong Miyerkoles ay inaasahang isasalang naman sa plenaryo.

 

 

Ang nalalabing panukala na nakasalang sa mga komite ay ang:

– Department of Water Resources and Services and Creation of Water Regulatory Commission,

– Motor Vehicle User’s Charge/Road User’s Tax,

– Tatak-Pinoy (Proudly Filipino) Act,

– Blue Economy Law

– New Government Procurement Law,

– Amyenda sa Cooperative Code, at

– New Government Auditing Code.

 

 

Sinabi ni Romualdez na noong nakaraang taon ay naproseso ng Kamara ang 1,150 panukala at resolusyon at naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang 173 panukala. (Ara Romero)

Thankful na naimbita na maging host ng show: GLAIZA, inaming aware sila sa mga isyu kaya mas nagiging maingat

Posted on: September 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THANKFUL si Kapuso actress Glaiza de Castro, na naimbita siyang maging isa sa mga hosts ng noontime show na “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. na napapanood sa GMA-7, Mondays to Saturdays.  

 

 

Ini-enjoy daw niya ang mga ginagawa nila sa show with her co-hosts.

 

 

“Thankful ako, kasi akala ko, mga isa, o dalawang araw lamang ako sa show, pero tinatawagan na nila ako sa mga sumunod na linggo, hanggang sa naging regular na akong tinatawagan,” kuwento ni Glaiza.

 

 

“Then naging part na ako ng EB Happy Cup, then naging EB Happy na.”

 

 

Aware daw si Glaiza sa mga bashings tungkol sa show, pero kahit anong kanegahan, hindi raw nila pinapansin, dahil ang goal nila magbigay ng saya sa mga manonood dahil live sila araw-araw.

 

 

“Ang saya kaya sa loob ng studio, kaya iba rin ang energy na makipag-interact ka sa audience.  Pwede kang magkamali, okey lamang kung mag-buckle kapag nagsasalita kami.

 

 

“Ang sarap din, kasi araw-araw kang tumatawa, araw-araw kang may naibibigay na saya at tulong din sa mga manonood sa loob at labas ng studio.  Masaya kang uuwi pagkatapos ng show.  Actually parang kulang pa nga ang oras ng show para magbigay ng saya sa mga manonood.

 

 

Alam din nina Glaiza ang issue sa pagpapataw ng MTRCB ng 12-day suspension sa “It’s Showtime” dahil sa ilang violations daw ng show.

 

 

“Sa amin po sa ‘Eat Bulaga,’ meron kaming pinirmahang agreement na mag-ingat sa mga sinasabi namin kapag nagho-host kami.  Nakalagay lang po doon na careful lang kami dapat kung anuman ang aming sasabihin.  Responsibility po namin iyon bilang host na maging maingat kasi, may mga batang nanonood sa show.”

 

***

 

 

IPINAKITA na sa ‘Chika Minute’ ng “24 Oras” na magsisimula na ang bagong teleserye ng GMA-7 na “Shining Inheritance,” isang adaptation of a Korean drama, na pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara at Michael Sager.

 

 

May interview na rin kina Kate at Kyline, sa ginanap na story conference, at doon ikinuwento ni Kyline na siya ang gaganap na kontrabida sa kanila ni Kate sa serye.  May pagka-gray daw ang kanyang character.

 

 

“Dito po ay may agam-agam ako kung kaya ko bang gampanan ang role,” wika ni Kyline. “Parang hindi ko po sure na kaya kong gampanan ang character ko.  Noong araw po kasi, sa kontrabida roles ako unang nakilala, nang bago pa lamang akong nagsisimula, pero yung mga sumunod kong roles, bida na po ako, kaya ngayon pag-aaralan ko muli ang maging kontrabida.”

 

 

Kabaligtaran nga raw naman ngayon si Kate Valdez, na unang nakilala sa kontrabida roles, dito sa “Shining Inheritance” ay napakabait naman ng character niya.

 

 

Big break naman ito kay Sparkle actor na si Michael Sager ang serye, na sunud-sunod din ang mga seryeng ginagawa nito ngayon.  Napapanood siya ngayon sa top-rating GMA Afternoon Prime na “Abot-Kamay na Pangarap” as one of the suitors ni Dr. Analyn Santos (Jillian Ward) at regularly rin siyang napapanood sa “Eat Bulaga” dahil maganda rin ang singing voice niya.

 

 

Kasama rin sa cast sina Paul Salas, Glydel Mercado at si Ms. Coney Reyes,na gaganap sa isang napaka-importanteng role sa serye.

(NORA V. CALDERON)