• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 28th, 2023

Paglalagay ng floating barriers ng Tsina sa Scarborough Shoal, kinondena

Posted on: September 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARIING  kinondena ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang paglalagay ng Tsina ng mga floating barriers sa Scarborough Shoal na magsisilbing harang sa mga Pilipinong mangingisda sa kailang tradisyunal na fishing grounds.

 

 

Ayon sa mambabatas, ang hakbang ay isang malinaw na paglabag sa soberenya ng Pilipinas at karapatan na makapaghanap buhay ang mga mangingisdang Pinoy.

 

 

“The installation of these barriers is a clear display of China’s aggressive and expansionist actions in the West Philippine Sea. It is a deliberate attempt to assert dominance and control over the maritime resources that rightfully belong to the Filipino people,” ani Castro.

 

 

Iginiit pa nito na ilang henerasyon ng mangingisdang pinoy ang nangingisda sa Scarborough Shoal.

 

 

Dapat aniyang gumawa ng hakbang ang gobyerno ng Pilipinas paratugunan ang naturang paglabag kaabilang na ang paghahain ng diplomatic protest, paghingi ng international support, at lahat ng legal na paraan para rotektahan ang karapatan at interes ng mga mangingisda.

 

 

Hinikayat din nito ang Department of Foreign Affairs na palakasin pa ang pagsusumikap nitong igiit ang territorial rights ng bansa sa pamamagitan ng mga diplomatic channels. (Ara Romero)