• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 26th, 2023

Tuloy ang pagpapatupad ng mga programa at polisiya sa AFP

Posted on: October 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Council of Sergeants Major na magpapatuloy ang mga ipinatutupad ng mga programa at polisiya na naglalayong i-promote ang kapakanan ng mga ito at ng kanilang pamilya.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na  taunang ‘traditional dinner’ para sa  AFP Council of Sergeants Major sa Palasyo ng Malakanyang, pinaalalahanan ni Pangulong Marcos ang mga ito na panatilihin ang kanilang magandang trabaho.

 

 

Inulit naman ng Chief Executive na naka-alalay ang administrasyon at ang Pilipinas sa mga ito habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin.

 

 

“Rest assured that we will remain steadfast in transforming and modernizing the AFP into a world-class force that is respected by its counterparts and is a source of national pride,” ayon kay Pangulong  Marcos.

 

 

“So, let me likewise assure you that we will continue to implement programs and policies that will promote your welfare, and not only those who are in active service but those whose families I consider also to be in active service. So, keep up the good work. Know that this administration and the entire country is behind you as you fulfill your duties to the nation,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Si Pangulong Marcos ang nag-host ng taunang  traditional dinner para sa  AFP Council of Sergeants Major. Tinatayang may 180  ang naging bisita mula sa AFP,  Department of National Defense (DND), at Office of the Presidential Adviser on Military and Police Affairs (OPAMPA) na dumalo sa event.

 

 

Nagpasalamat naman ang Pangulo sa mga opisyal na nakiisa sa  pagdiriwang ng ika- 27 Non-Commissioned Officers Week at ika-54 Founding Anniversary  ng Office of the AFP Sergeant Major.

 

 

Winika ng Punong Ehekutibo na ang enlisted personnel ang nagsisilbing “backbone” ng  military force  ng bansa. Binubuo ito ng 90% ng mga tropa “and with their specialized abilities, support the daily operations and institutional activities of the AFP,” ayon sa Pangulo.

 

 

“You are vital to our sustained success of defending our state, our sovereignty, and our patrimony. It is, therefore, of utmost importance that we help each other and make sure that they all reach their fullest potential, so that they become well-rounded soldiers,”  ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

“This is where you Sergeants Major come into the picture. As the most senior, most experienced, [and] most seasoned amongst our enlisted personnel, you help in implementing the plans and strategies that we are enforcing on the ground,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, binigyang-diin ng Pangulo na tinitiyak ng mga opisyal na ang samahan at pagkakaisa sa pagitan ng mga AFP official at mga tropa ay nananatiling  malakas at  ‘unbreakable’ para  “help steer the direction and performance”  ng mga enlisted personnel  sa kani-kanilang mga unit.

 

 

Samantala, kinilala naman ng Pangulo ang kanilang pagsisikap na nananatiling nakaayon sa mga pangangailangan ng mga tropang filipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa at palakasin ang kanilang morale at kapakanan.

 

 

“You have also engaged your counterparts from other countries such as the United States to discuss important topics, such as the proposal to create a mutually agreed Professional Development Program in support of the Philippines-United States Mutual Defense Treaty,”  ayon sa Pangulo.

 

 

“So, for all of these things that you do, I have nothing but utmost respect and admiration for all of you and for all that you have done for our country, for our people, for our Armed Forces. So, continue to show them your selfless and dedicated service to the nation that enabled you to reach the positions that you occupy today,” dagdag na wika nito.

 

 

Umaasa naman ang Pangulo sa suporta ng mga ito na tiyakin na ang AFP ay madaling makaka-adapt at makapaghahanda para sa anumang  contingency, ikinunsidera na rito ang pagbabago sa  security environment ng Pilipinas.

 

 

Kumpiyansa rin ang Pangulo na ipagpapatuloy ng mga sergeants major  na matuto ng mga bagong kasanayan, magkaroon ng mas maraming kaalaman at palakasin ang kanilang kagalingan para mapagtanto ang nilalayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP). (Daris Jose)

Mas maraming investments sa Pinas, tinitingnan ng Japan

Posted on: October 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INTERESADO ang Japanese corporations  na palakasin ang  partnership nito sa Pilipinas.

 

 

Layon nito na isulong ang “high-level” economic growth para maging  investment destination.

 

 

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Japanese Chamber of Commerce and Industry (JCCI) chair Ken Kobayashi  na ang  “stable and high-level economic growth” ng Pilipinas sa nakalipas na taon ay nakapukaw ng atensyon at interest ng mga  Japanese investors para i-develop ang kanilang operasyon sa bansa, inaasahan na tataas ang bilang ng mga manggagawa at  domestic demand.

 

 

“In the Socioeconomic 8-Point Agenda that you have announced, Mr. President, prioritizes social security and the development of human capital. Also, it establishes the investment promotion, strengthening of digital infrastructure, the promotion of green economy, and so forth, through which you are aiming at expanding and creating jobs. And it is expected that in these fields that we can see the further promotion of the cooperation between our two countries,” ang sinabi ni Kobayashi sa  ginawang courtesy call ng JCCI kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Aniya, nagdesisyon ang JCCI na bumisita muna sa Pilipinas matapos magpadala ng economic missions sa  foreign countries simula pa noong COVID-19 pandemic.

 

 

Ang misyon na ito ay binubuo ng  70 miyembro, kumakatawan sa top management ng Japanese corporate world.

 

 

Ani Kobayashi  ang  JCCI  ay itinuturing na “largest business organization” sa Japan,  mayroon itong 1.25 million na kompanya mula  sa malalaking korporasyon hanggang sa  small- and medium-sized enterprises.  Mayroon din ang chamber ng 515 local chambers sa iba’t ibang lugar sa Japan.

 

 

Bilang tugon, sinabi naman ni Pangulong Marcos na kinikilala niya ang patuloy na pagtulong ng Japan sa Pilipinas pagdating sa  infrastructure development.

 

 

Aniya, ang bansa ay nahaharap sa bagong ekonomiya kung saan dapat lamang na mayroong mahalagang papel ang bagong teknolohiya  sa transpormasyon ng  global economy.

 

 

Maliban na isulong ang “infrastructure development, renewable energy, digitalization at telecommunications”, sinabi ng Pangulo na prayoridad ng Pilipinas ang agrikultura at climate change adaptation.

 

 

“There is the overbearing issue of climate change. This is something that we really did not have to deal with in the past. But it is something that is here and present and we feel the effects of the climate change, especially here in the Philippines already,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Also, we have put great priority on the development of our agricultural sector. And again, we had some very interesting discussions with our Japanese counterparts concerning the areas of agriculture. And that is something that I think that we can – we need to develop and to continue. Again, the subject of climate change becomes part of that discussion as agriculture is very much affected by the effects of climate change,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Five Nights At Freddy’s PG-13 Rating Explained: Violence, Blood, & Language

Posted on: October 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

CO-WRITER/DIRECTOR Emma Tammi explains why the Five Nights at Freddy’s movie didn’t aim for an R-rating, Despite being comprised of a host of murderous animatronics.

 

 

Anticipation is high for the adaptation of the hit horror video game franchise, which put players in the shoes of a night security guard at the eponymous family entertainment center trying to survive the night against the possessed animatronics that roam the restaurant.

 

 

Creator Scott Cawthon has co-written the script with the movie, with Josh Hutcherson leading the ensemble Five Nights at Freddy’s cast alongside Elizabeth Lail, Piper Rubio, Mary Stuart Masterson, and Matthew Lillard.

 

 

When asked about the movie’s PG-13 rating, the co-writer/director explained that the creative team never wanted to aim for an R rating, which led to determining a variety of creative processes to deliver the movie’s high body count in order to assure they weren’t leaving out a younger demographic.

 

 

Tammi explained, “We were trying to push it as far as we could while still retaining that PG-13 rating. That meant the kills needed to be executed in a certain way. And while it is so fun in many slasher films to see all the guts and the gore, it is also really fun to figure out creative ways to show these moments without showing all the details. In some cases, we leaned into shadows and silhouettes and sound design to really feel the moment in an impactful way without showing any gore.

 

 

“So that is something that I had a lot of fun doing, and actually really appreciated that we were taking the PG-13 approach for this because there’s such a younger audience for FNAF, and we didn’t want to exclude them.”

 

 

The initial announcement of Five Nights at Freddy’s earning a PG-13 rating was met with some division from horror genre fans keen on seeing Freddy Fazbear and his crew go on a bloody rampage. Those familiar with the games, however, have been far more accepting of the lighter rating, given it would stay true to the source material’s lack of on-screen violence.

 

 

Having been produced almost exclusively by Cawthon, the original game largely became a viral hit for its usage of jump scares to terrify players, with the various animatronics racing to the Freddy’s Pizzeria security room to stuff the player character into a suit.

 

 

Between suddenly appearing in a camera in a new place to poking their faces through the neighboring windows, the shock of their quick arrival made for laugh-inducing scares as many YouTube gamers would release videos of them playing the various entries. The tension was further elevated by the management of power, only having so much electricity to check the various cameras and close the security doors to keep the animatronics out.

 

 

Though much of the marketing for the Five Nights at Freddy’s movie has hyped the body count Freddy and his friends rack up during its runtime, should Cawthon, Tammi and their team stay true to faithfully adapting the games, it can be just as terrifying with its PG-13 rating as with an R rating.

 

 

Across five installments, the Insidious franchise, also produced by Blumhouse, has frequently proven how creative filmmaking and effective jump scares can be executed with a PG-13 rating. Additionally, with the movie already tracking to beat both The Exorcist: Believer and Saw X in its early box office projections, it’s clear this lighter rating hasn’t affected audience anticipation. (Source: Inverse/Screenrant)

 

 

From Universal Pictures International, “Five Nights at Freddy’s” opens November 1 In local cinemas nationwide.

 

(ROHN ROMULO)

9 KATAO, TINUTUGIS SA PAGPATAY SA ESTUDYANTE

Posted on: October 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINUTUGIS ng Manila Police District (MPD) ang grupo ng siyam na kalalakihan na umano’y responsible sa pagkamatay ng isang 20-anyos na estudyante sa isang Restobar Biyernes ng madaling araw noong October 20.

 

 

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa grupo ng kalalakihan na suspek na pagpatay kay   Randall Bonifacio Y Rillion ng 3192 Int 22, Pilar St., Brgy 199, Tondo na namatay dakong alas-4:00 ng madaling araw noong August 21 habang ginagamot sa Tondo Medical Center.

 

 

Sa ulat ni Police Staff Sergeant  Boy Niño Baladjay,  dakong alas-5:10  ng umaga noong October 20, 2023 nang naganap ang insidente kung saan nag-inuman ang biktima at ilang kaibigan nito sa loob ng  Baluarte Bar and Restaurant sa 631 Northbay Blvd., Tondo, Manila at papauwi na sana sila nang ilang grupo ng kalalakihan ay walang sabi-sabing pinukpok ang biktima gamit ang isang hollow blocks na nagresulta sa sugat sa ulo.

 

 

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang agad na isinugod ang biktima sa ospital subalit namatay habang ginagamot.

 

 

Ang insidente ay hindi kaagad na inimbestigahan ng pulisya makaraang humiling ang pamilya at mga saksi nito na ipagluksa muna ang labi ng kanilang anak at nitong Martes, dakong alas-1:30 kahapon ng tanghali ay personal na nagtungo ang pamilya nito sa pulisya para imbestigahan ang nasabing insidente. GENE ADSUARA

Tuluy-tuloy na bloodless war on drugs in PBBM magreresulta sa maraming pagkumpiska, pag-aresto

Posted on: October 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALANG pag-aalinlangan ang isang matataas na opisyal ng Kamara na ang anti-drug operations ng administrasyon ni Pangulong Marcos ay mas magiging matagumpay sa pinaigting na operasyon ng mga otoridad subalit mas konti ang inaasahang mamamatay.

 

 

“The 52% significant drop in the number of fatalities, as reported by PDEA (Philippine Drug Enforcement Authority) is really a welcome development. For several years, we have been the subject of human rights abuses in this part of the world,” ani Antipolo City Rep. Romeo Acop, vice chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

 

 

Inatasan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kongresista mula sa Antipolo, na isang retiradong police general, na tulungan si Barbers at Sta. Rosa City Lone District (Laguna) Rep. Dan Fernandez, ang chairperson ng House Committee on Public Order and Safety, sa pagtalakay sa mga isyu na mayroong kinalaman sa kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.

 

 

Si Acop ang chairman ng House Committee on Transportation.

 

 

Nauna rito ay iniulat ng PDEA na bumaba ng 52% ang bilang ng mga namatay sa anti-illegal drugs operations. Bumaba ang bilang ng mga nasawi sa 19 mula Hulyo 2022 hanggang Setyembre 2023 mula sa 40 mula 2020 hanggang 2021.

 

 

Mayorya ng miyembro ng Kamara ang nagpahayag ng pagsuporta sa “bloodless anti-drug campaign” ng administrasyon kung saan umabot na sa P30 bilyon ang nasabit na ipinagbabawal na gamot mula ng magsimula ang termino ni Pang. Marcos.

 

 

Ang kabuuang halaga at bilang ng nasamsam ng pamahalaan ay mula sa datos ng PDEA, National Bureau of Investigation at Philippine National Police’s Drug Enforcement Group.

 

 

Kasama sa 4.4 tonelada ng ipinagbabawal na gamot na nakumpiska ang 200 kilo ng shabu extender na narekober sa Mabalacat, Pampanga noong Agosto; 560 kilo sa isang warehouse sa Mexico, Pampanga noong Setyembre, at 323 kilo na naharang sa Manila International Container Port sa Maynila noong Oktobre 4.

 

 

Kasama rin sa mga nasamsam na iligal na droga ang halos tatlong toneladang pinatuyong dahon ng marijuana.

 

 

Pinapurihan ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. (Pampanga) ang mga ahensya ng gobyerno sa kanilang matagumpay na mga operasyon. Siya ay kabilang sa mga kongresista na sumaksi sa pagsira ng PDEA sa mga ipinagbabawal na gamot noong nakaraang linggo sa Cavite.

 

 

Itinulak ni Gonzales ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Kamara matapos itong magpahayag ng pagkabahala dahil sa kanyang distrito umano idinaraan ang ipinagbabawal na gamot.

 

 

Suportado rin ni House Deputy Majority Leader Janette Garin, kinatawan ng Iloilo ang bloodless war on drugs ng gobyerno.

 

 

Sinabi ni Garin na sa nakaraang 16 na buwan ng pamumuno ni Pan. Marcos,  4.4 tonelada ng shabu na may street value na hindi baba sa P30 bilyon ang nakumpiska. (Daris Jose)

Sinuportahan din ang movie nina Alden: HEART, pina-follow na rin sa IG si MARIAN at mukhang nagkaayos na

Posted on: October 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI magiging big deal ang ini-upload na video ni Maxene Magalona sa kanyang Instagram account kung walang lumantad at nagki-claim na naging lover at anak ni Francis Magalona ang 15 year old niyang anak.

 

 

Ang saya-saya ni Maxene sa video habang nagda-drive ang Papa niya na si Francis M at nagra-rap na nabanggit pa ang pangalan niya. Such a father-daughter instant bonding moment.

 

 

May nag-upload lang muli ng video na ito na tinag si Maxene at nagpasalamat nga si Maxene.

 

 

Sa caption niya sa kanyang Instagram, sinabi niya na, “Rest in peace, Papa. Thank you for sending this to me, @i_am_zeey.”

 

 

Tila makahulugan din ang simpleng, “rest in peace” na caption ni Maxene para sa ama, lalo na nga at may 14 na taon nang namayapa ang ama. Na dahil sa ingay nga ngayon na nauungkat ang nakaraan, though, wala na ang ama para mag-validate ng lahat ng ito, parang anak na nagwo-worry siguro na sa isyu ngayon, sana ay mapayapa si Kiko saan man ito naroroon ngayon.

 

 

Isa naman si Angelica Panganiban sa nag-comment sa video post na ito ni Maxene at sinabi na, “Grabe yung happiness mo sizzzy.”

 

 

Maraming heart emojis naman ang comment ni Mariel Padilla.

 

 

Karamihan naman ng comment ng ibang netizens, “Truly a Daddy’s girl.”

 

 

“The King and the OG Princess.”

 

 

“Papa’s girl Maxene.”

 

 

“Maxene is the girl version of her Dad.”

 

 

At comment naman ng isa pang netizen, “This is how you do it. You protect your parent’s legacy not ruin his reputation or dig up controversy. Stay classy.”

 

 

***

 

 

SINUPORTAHAN ni Heart Evangelista si Alden Richards sa pelikula nitong “Five Breakups and a Romance.”

 

 

Nanood si Heart kasama ang mga kaibigan niya ng block screening ng movie sa Podium.

 

 

Ang isa sa mga executive ng GMA-7 na si Ms. Gigi Santiago-Lara ang nag-sponsor ng block screening. Aliw si Heart nang tanungin namin kung ano ang masasabi niya sa movie.

 

 

Ayon dito, “I love it, kasi, yung mga artista ngayon, pwede silang magmura, pwede na silang humawak ng yosi. So, makatotohanan. Very liberating siya. Feeling ko, parang ang sarap ng feeling na nagagawa na.”

 

 

Nami-miss na rin daw ni Heart ang paggawa ng movie, pero dahil nga sobrang busy niya sa ibang bagay, mainly sa fashion, pina-plano raw niya na kahit once a year, makagawa rin siya.

 

 

Sa isang banda, maingay naman ang balita na okay na sa pagitan nina Heart at Marian Rivera na ilang taon din na may isyu at masasabi talagang hindi okay sa isa’t-isa.

 

 

Pareho na kasing nagpa-follow sina Heart at Marian sa kanilang mga Instagram accounts.

 

(ROSE GARCIA)

Pinas, pinaigting at dinagdagan ang mas maraming maritime patrols

Posted on: October 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAIGTING at dinagdagan ng Pilipinas ang pagsasagawa ng mas maraming maritime patrols at freedom of navigation missions sa  West Philippine Sea.

 

 

Kamakailan lamang kasi ay may nangyaring banggaan sa pagitan ng Chinese vessel at Philippine vessel sa karagatan ng pinag-aagawang teritoryo malapit sa Ayungin Shoal o Ren Ai’ Jiao naman sa China.

 

 

Sinabi ni National Security Council assistant director general Jonathan Malaya, ang pagdaragdag ng patrols ay bunsod na rin ng na-monitor na  “a large number of Chinese maritime militia vessels”  hindi lamang malapit sa Ayungin kundi sa  Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) at Sabina (Escoda) Shoal.

 

 

“We are alarmed by the environmental degradation our Coast Guard ships were able to monitor in these areas,” ayon kay Malaya sa isang panayam.

 

 

Kaya nga umapela si Malaya sa China na “act responsibly” at igalang at sundin ang international law.

 

 

Ang Beijing ay isa sa mga signatory ng United Nations Convention on the Law of the Sea or UNCLOS.

 

 

Sa kabilang dako, inakusahan ni  Malaya ang China  ng pagsasagawa ng tinatawag na “malign information operation” kung saan ang “false narratives” ay ibinahagi sa publiko.

 

 

“Some critics are saying this is just posturing on the part of the Philippines… This is a battle for the resources of our country particularly those for our fishermen,” aniya pa rin.  (Daris Jose)

HIRED ON THE SPOT

Posted on: October 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Na-hired on the spot si Quino Santiago mula sa Bulihan, Lungsod ng Malolos sa posisyon ng Electrician Helper ng D’ Jobsite General Services Inc. sa ginanap na Mini Job Fair: Bulacan Trabaho Service (BTS) sa Waltermart Malolos, Lungsod ng Malolos, Bulacan noong Biyernes. Kasama ng bagong tanggap sa trabaho sina (mula kaliwa) Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office OIC Department Head Abgd. Jayric L. Amil, Department of Labor and Employment-Bulacan Senior Labor and Employment Officer Leddy Salamat, at PESO Bulacan Division Chief Dr. Rosemarie A. Navotas.

Ads October 26, 2023

Posted on: October 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Rest In Peace: Ligaya F. Callejo

Posted on: October 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Si Mrs. Ligaya F. Callejo, ay isinilang noong Marso 3, 1964 sa San Clemente, Tarlac. Siya’y masiyahin at mabait na Teacher sa kanyang mga estudyante, kapwa guro, kaibigan, lalo na sa kaniyang pamilya. Siya ay nagturo sa F. Serrano Sr. Elementary School sa Parañaque ng 29 taon. Subalit noong Setyembre 30, 2019 sa edad na 55 taong gulang, siya ay inatake sa puso na sanhi ng kanyang pagkamatay. Siya ay may dalawang anak na si Michael Angelo F. Callejo at Marphil F. Callejo na kapwa ulila na. (PB Pub * Date: October 26, 2023)