• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 3rd, 2023

Pinas, pinag-iisipan na itaas ang alert level sa ilang lugar sa Israel

Posted on: November 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PINAG-IISIPAN ng  Department of Foreign Affairs (DFA) na itaas ang  alert level sa ilang lugar sa Isarel na kasalukuyang nahaharap sa giyera sa Hamas. 
“Maaari sigurong gawin by level, by area. Doon Alert Level 3, doon Alert Level 2 after the discussion with the President,” ayon kay Undersecretary Eduardo De Vega.
Sa ngayon, nasa  Alert Level 2 ng DFA ang Israel.
Wala pa ring napauuwi sa Pilipinas subalit wala namang  deployment  ng mga bagong tanggap o hire na mga  manggagawang Filipino.
Ang Alert Level 3 ay nangangailangan na ng  voluntary repatriation.
Sa ulat, may mga pinoy workers na ang nagsasabi na nagsisimula nang maapektuhan ang kanilang mental health dahil sa tunog pa lamang ng sirena ay kinakabahan na sila at natatakot.
Samantala, may ilang OFWs naman sa Gaza ang napaulat na nagtungo na sa Rafah Border Crossing sa pag-asang payagan silang makapasok sa  Egypt.  (Daris Jose)

Speaker Romualdez binati ni GMA sa mataas na rating

Posted on: November 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
Binati ni dating Pangulo at ngayon ay House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo si Speaker Ferdinand Martin  Romualdez sa mataas trust rating na nakuha nito sa survey ng OCTA Research.
“I would like to congratulate House Speaker and Lakas President Martin Romualdez on the recent OCTA Research Report reflecting a +6% increase in Trust Rating to 60%,” ani Arroyo.
Ang pagbati ay idinaan ni Arroyo sa isang press statement na ipinadala sa mga mamamahayag.
Nakakuha si Speaker Romualdez ng 60 porsyentong trust rating at 61 porsyentong satisfaction rating sa survey ng OCTA Research na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4. (Ara Romero)