• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 7th, 2023

Ads November 7, 2023

Posted on: November 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

After six years, dumating na ang ‘right time’… FAITH, inalala na nag-audition noong 2016 sa ‘Encantadia’ pero ‘di nakuha

Posted on: November 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THANKFUL ang DragRace PH season 1 contestant na si Turing na napasama siya sa ‘Black Rider’ bilang pag-represent niya sa LGBTQIA community sa naturang serye.

 

 

 

Hindi raw glamourised drag queen ang role ni Turing, kundi tindera siya sa palengke named Cherry Pie kunsaan lagi niyang kasama sa eksena si Yassi Pressman at Ms. Rio Locsin.

 

 

 

“Halos lahat ng eksena ko ay kasama si Yassi at Ms. Rio. Ang babait nila at ang huhusay umarte. This is my first time na umarte sa isang teleserye at napaligiran pa ako ng mga magaganda at magagaling na artista,” sey ni Turing.

 

 

 

Ikinatutuwa pa ni Turing na nabibigyan na ng chance na napanood sa TV at pelikula ang mga sisters niya sa mundo ng drag para maipakita nila ang iba pa nilang talent.

 

 

 

“Mas nakikilala na kami as actors. Tulad ni Eva LeQueen na nakasama sa ‘The Write One’. Si KaladKaren naman nanalo ng award sa pelikula. Ang bongga lang kasi di lang kami mga drag queens, kaya na rin namin sumabay sa pag-arte.”

 

 

 

***

 

 

 

ITINUTURING na “right time” ni Faith Da Silva ang pagkakataon na ibinigay sa kanya na mapabilang sa isa sa mga bagong henerasyon ng Sang’gre.

 

 

 

Inalala ni Faith ang naging audition noong 2016 sa ‘Encantadia’ para sa karakter ni Mira, anak ni Sang’gre Pirena, kung saan hindi siya pinalad na makuha.

 

 

 

“During Encantadia 2016, I auditioned for the role of Mira, anak din po ni Glaiza de Castro and hindi ako nakuha for that. Pero kasi I saw the audition and nakita ko si Kate [Valdez] na talagang… para sa kanya talaga iyon. Pero hindi ko alam na after six years magkakaroon din pala ng isang karakter na anak din ni Glaiza de Castro.”

 

 

 

Sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA na Encantadia, gaganap si Faith bilang Sang’gre Flamarra, anak ni Sang’gre Pirena at ang magmamana ng Brilyante ng Apoy.

 

 

 

Ngayon pa lamang ay excited na si Faith para sa napakalaking proyekto at puspusan na rin ang ginagawa niyang paghahanda kasama ng iba pang bagong mga Sang’gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.

 

 

 

“Unang-una sa lahat ‘yung excitement talaga hindi nawawala. For sure, hindi lang sa akin kung hindi the rest of the cast.

 

 

 

“Kami ni Angel, nagkausap kami recently and we were talking about how big of a responsibility this is for us. Hindi lang sa mga Sang’gre, sa aming apat, kung hindi sa buong team because it is such a big project.

 

 

 

“Alam ko maraming nag-abang, six, seven years ang hinintay ng ating mga Kapuso. Alam kong marami po talagang supporters ang Encantadia. We will make sure na kung ano po ‘yung ibibigay namin sa inyo is a quality project and a quality performance.”

 

 

 

***

 

 

 

KASAMA na si Lea Salonga at Fil-American actor Dante Basco sa voice cast para sa season 2 ng hit animated children’s series na ‘Firebuds.’

 

 

 

Ang pangalan ng character ni Lea ay Yolanda, samantalang Caesar Bayani ang kay Dante.

 

 

 

Makakasama pa nila ang iba pang Fil-Am actors na sina Lou Diamond Phillips and Vivian Vencer.

 

 

 

Ayon sa Fil-Am writer na si Krystal Banzon na sa story editors: “The show teaches everyday heroism and features the adventures of the children of first responders and their talking vehicles. The success of “Firebuds” has spawned toy lines, Halloween costumes for kids, and a digital soundtrack.”

 

 

 

Hindi lang daw makapag-promote ang mga actors ng show dahil sa ongoing Screen Actors’ Guild, or SAG-AFTRA strike.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

BSKE, isang “litmus test” para sa functioning democracy sa Bangsamoro

Posted on: November 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Presidential peace adviser Carlito Galvez, Jr. ang matagumpay na pagdaraos ng lokal na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

 

Ani Galvez, nakapasa ang lokal na pamahalaan sa tinatawag na “litmus test of a well-functioning democracy.”

 

 

Sa isang kalatas, pinasalamatan ni Galvez ang mga miyembro ng militar at pulis dahil sa mapayapa at maayos na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong Oktubre 30.

 

 

Ito ang kauna-unahang BSKE  na idinaos sa rehiyon matapos itatag, apat na taon na ang nakalilipas at kauna-unahan naman sa Pilipinas simula 2018.

 

 

“Despite the occurrence of incidents in some parts of the country, the national government and the security sector can say that it did everything possible to protect our people from these peace spoilers,” ayon kay Galvez.

 

 

Pinuri rin nito  na walang  “failure of elections” sa anumang bahagi ng bansa,  na aniya’y  “a testament that the right of suffrage of Filipinos was protected across the nation.”

 

 

“We must remember that the BARMM was just established four years ago, making it a newcomer, so to speak, in the affairs of governance, which makes the conduct of the recent elections in the region both inspiring and admirable,” dagdag na wika ni  Galvez.

 

 

“The BARMM leadership knows exactly the challenges it is facing, especially in the socio-economic and socio-political sphere. But despite these difficulties, it still forged ahead, confident in its capacity to hold free and honest elections,” lahad nito.

 

 

Ito’y sa kabila ng tatlo ang nasawi at walong iba pa ang nasugatan sa magkahiwalay na insidente ng karahasan na may kaugnayan sa BSKE 2023 sa BARMM. (Daris Jose)

QC MAYOR BELMONTE, PINARANGALAN NG UNITED NATIONS

Posted on: November 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
TUMANGGAP ng pagkilala mula sa United Nations Environment Programme (UNEP) si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang 2023 Champion of the Earth for Policy Leadership.
Ang parangal na ito ay ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng United Nations para sa mga indibidwal at organisasyon na nagtataguyod ng mga programa para sa kapaligiran at kalikasan.
Sa pangunguna ni Mayor Belmonte, itinataguyod at isinusulong ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang mga patakarang naglalayong labanan at wakasan ang plastic pollution sa lungsod tulad halimbawa ng pagbabawal sa single-use plastics, Kuha ka sa Tingi program, urban farming, at pagpapalawak ng mga green spaces sa lungsod.
Ayon pa kay Belmonte, kanilang isinusulong ang mga programa para mabawasan ang plastic pollution dahil ang mga basurang plastic, kapag hindi itinapon nang tama ay naiipon at bumabara sa mga daanan ng tubig at nagdudulot ng malawakang pagbaha.
Paliwanag pa ng alkalde, isa sa solusyon na kanilang ginagawa ay ang konsepto ng refelling. Sa halip na bumili ng produktong nakalagay sa mga plastic sachet ay magdadala na lamang ng lalagyan ang mga consumer at irerefill naman sa tindahan. Ibinida rin ni Belmonte ang kanilang waste segregation scheme o yung paghihiwalay ng mga biodegradable at non biodegradable na basura. (PAUL JOHN REYES)