• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 8th, 2023

IRR ng Maharlika fund, isinapinal na-PBBM

Posted on: November 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINAPINAL na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF), isang linggo matapos na suspendihin ang implementasyon nito.

 

 

“The Investment Rules and Regulations of Maharlika Investment Fund have been finalized,” ayon kay Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa kanyang Instagram.

 

 

“Upon our approval, we’ll swiftly establish the corporate structure, getting the MIF up and running,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang simula ng pagpapatakbo sa IRR ng IMF ay ipinalabas noong Agosto, subalit inanunsyo ni Pangulong Marcos ang suspensyon ng  implementasyon nito “pending further study” noong Oktubre 18.

 

 

Bago umalis patungong Saudi Arabia noong nakaraang buwan, nilinaw ni Pangulong Marcos na hindi itinigil ang MIF, sabay sabing tinatrabaho ng pamahalaan para maging operational ang MIF ngayong taon.

 

 

“We are, the organization of the Maharlika Fund proceeds apace, and what I have done though, is that we have found more improvements we can make, specifically to the organizational structure of the Maharlika Fund,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Winika  pa ng Punong Ehekutibo  na ang suspensyon ng IRR ay hindi dapat ma-misinterpret o mabigyan ng ibang kahulugan  bilang “judgement of rightness o wrongness of the MIF.”

 

 

Binigyang-diin din ng Pangulo kinonsulta ang mga  economic manager at “personalities who will actually be involved in the fund” sa  MIF.

 

 

Matatandaang, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 sa Malakanyang, kung saan inilagay ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas na susuporta sa mga layunin sa ekonomiya ng Administrasyon.

 

 

“Ang MIF ay isang matapang na hakbang tungo sa makabuluhang pagbabago ng ekonomiya ng ating bansa,” pahayag ni Pangulong Marcos sa seremonya ng paglagda.

 

 

“Just as we are recovering from the adverse effects of the pandemic, we are now ready to enter a new age of sustainable progress, robust stability, and broad-based empowerment.” aniya pa rin.

 

 

Sa paglagda ng Republic Act (RA) No. 11954 bilang batas, ang bansa ay magkakaroon ng kapasidad at kakayahan na mamuhunan sa lahat ng napakahalagang proyektong ito tulad ng agrikultura, imprastraktura, digitalization pati na rin ang pagpapalakas ng value chain.

 

 

Ang mga institusyong financing ng gobyerno ay magsasama-sama na ngayon ng mga mapagkukunang pinansyal na hindi utang para hindi maalis ang iba pang mga obligasyon sa pagpapautang na kailangan nilang tuparin sa ilalim ng kani-kanilang mga mandato.

 

 

Higit pa rito, ang pondo ay may potensyal na mag-funnel sa panlabas na financing, na binabawasan ang pasanin ng pamahalaan upang tustusan ang imprastraktura sa pamamagitan ng mga paghiram, mga buwis.

 

 

“Through the fund, we will accelerate the implementation of the 194 National Economic and Development Authority Board-approved, NEDA-approved, flagship infrastructure projects.” ayon sa Pangulo.

 

 

Kasunod ng paglagda sa MIF Act, nakatakdang ihanda ng Administrasyon ang mga implementing rules and regulations (IRR) para sa paglikha ng Maharlika Investments Corp. (MIC), na magiging tanging sasakyan para sa pagpapakilos at paggamit ng MIF para sa mga pamumuhunan.

 

 

Ang MIC ay inaasahang magkakaroon ng hindi bababa sa P75 bilyon na paid-up capital ngayong taon, P50 bilyon mula sa Land Bank of the Philippines (LBP) at P25 bilyon mula sa Development Bank of the Philippines.

 

 

Samantala, ang kontribusyon mula sa national government ay manggagaling sa “total declared dividends ng Bangko Sentral ng Pilipinas’; share ng national government mula sa kinita ng  PAGCOR; Properties, real at personal na i-identify ng  DOF-Privatization and Management Office at iba pang maaaring pagkuhanan gaya ng royalties at/o special assessments.

 

 

Sa ilalim ng batas, ang MIF ay mayroong authorized capital stock na P500 billion.  (Daris Jose)

Noche buena meat products may taas presyo – DTI

Posted on: November 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ASAHAN na ng mga mamimili ang pagtaas sa noche Buena meat pro­ducts dahil sa 15%-20% na itinaas sa production cost ng meat processors, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) nitong Lunes.

 

 

Ito’y matapos maki­pagpulong ang DTI sa mga meat processors bilang paghahanda na rin sa dara­ting na holiday season.

 

 

Nilinaw ng DTI na ‘very minimal’ lang ang ipinatong na dagdag sa presyo ng meat products tulad ng iba’t-ibang klase ng hamon.

 

 

Ito aniya ay nasa hanggang 4% lang naman dahil hangarin din ng meat processors na maging masaya ang mga Pilipino na makapaghanda ng inaasam nila gaya ng hamon.

 

 

“Hindi lahat ng hamon ay tumaas based sa aming pag-monitor. Hindi naman. ‘Yun ang nakita namin, kinolekta namin yung manufacturers’ SRP, at hindi naman talaga lahat nagtaas,” paliwanag ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco sa isang public briefing.

 

 

Payo ni Pacheco sa mamimili na alamin sa ila­labas nilang Noche Buena guide upang maikumpa­ra ang mga presyo ng iba’t ibang produkto para mapagplanuhan na ang bibilhin bago pa magtungo sa grocery o supermarket.

 

 

Isusunod naman ng DTI ang pakikipagpulong sa iba pang manufacturer ng Noche Buena items.

TIANGCO BROTHERS MULING NANGUNA SA JOB PERFORMANCE POLL

Posted on: November 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING nanguna si Navotas Congressman Toby Tiangco habang nakuha naman ng kanyang kapatid na si Mayor John Rey Tiangco ang ikalawang puwesto sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) noong September 20-30, 2023 sa third-quarter na pagganap ng mga mayor at mga kinatawan ng Metro Manila.

 

 

Nakamit ni Cong. Tiangco ang 95.3% job performance rating sa Boses ng Bayan poll para maging Top Performing Representatives sa National Capital Region (NCR) na ibinase sa District Representation, Legislative Performance at Constituent Service.

 

 

“Maraming salamat po, makaaasa kayong susuklian namin ng Toby Continued na pagsisikap na makapagbigay ng de-kalidad na programa at serbisyo para tuloy-tuloy ang Saya All sa ating lungsod at sa bawat Navoteño”. pahayag na pasasalamat ni Cong. Tiangco.

 

 

Samantala, si Mayor Tiangco naman ay nakakuha ng 92.7% approval ratings.

 

 

“Taos-pusong pasasalamat, mga Navoteño, sa inyong tiwala at suporta, isang karangalan po ang patuloy na kayo’y mapaglingkuran. Lalo pa nating pag-iigihan ang paghahatid ng Serbisyong All The Way upang mapataas pa ang kalidad ng buhay sa Navotas”. pasalamat din ni Mayor Tiangco.

 

 

Ang magkapatid na Tiangco ay parehong top placer sa mga independent survey na regular na isinasagawa ng RPMD para pasiglahin ang accountability, transparency, at epektibong pamamahala sa bansa. (Richard Mesa)

Iiwasan nang mag-post ng personal messages sa socmed: SHARON, nakikiusap na tigilan na ang pagsasabong sa mga anak

Posted on: November 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA latest IG post ni Megastar Sharon Cuneta, ibinahagi niya ang simpleng dinner para sa selebrasyon ng 14th birthday ni Miguel kasama si dating Sen. Kiko Pangilinan at Miel.

 

 

Kasama ang mga larawan, panimulang caption ni Mega, “Kahit may Cebu concert pa sa 17th, back to reality muna kayo mga anak! (smiling crying emoji)

 

 

“My son Miguel celebrated his 14th birthday with us on Oct. 29! A simple dinner at the place he wanted to go to.”

 

 

Wala nga sina Kakie Pangilinan at KC Concepcion sa naturang family dinner.

 

 

“Missed our Kakie and KC but I am happy to have been able to be with my family between the MOA Arena and Okada Manila shows!”

 

 

Dagdag pa ni Sharon, “From now on, to avoid risking all four of my children’s feelings being targeted by trolls, even on their birthdays I will give them all my loving messages not on social media na but in personal notes na lang.

 

 

“To those who find pleasure in hurting the feelings of my family members, please, tama na. Nananahimik kaming lahat and they don’t deserve any negativity. Thank you.

 

 

“Happy birthday my Gugie. I love you very much.”

 

 

Pahabol na mensahe pa ng singer/actress…

 

 

“P.S. Never ko sana nagawa ang shows namin ni Gabby without my husband and kids’ approval. They were the first to congratulate me after MOA! Malawak kasi isip ng pamilya namin sorry naman! (smiling face with smiling eyes emoji) Proud sila of me!

 

 

“P.P.S. Tanggap ko na habangbuhay hati ang katawan ko kasi naging 2 ang pamilya ko. Pero ako ang nahihiya sa mga anak ko kasi nadadamay sila just because I am their mommy…it hurts me.

 

 

“And pls i am not a ‘mamananggal!’ Please, kindly stop making my kids sabong or pinag-aaway di naman sila mga manok. Ngek. Peace na please. Pis b widju en olso wid us. (smiling face with open hands and red heart emojis)

 

 

@kristinaconcepcion @frankiepangilinan @mielpangilinan #terrazamartinez.”

 

 

Comment naman ni Sen. Kiko, “Amen. (three praying hands emoji). So, proud of you, my sweetheart.” (two red hearts and three fire emojis).

 

Sagot pa ni Sharon, “@kiko.pangilinan Thanks for encouraging me to do the shows!”

 

“Talagang i kennat get over your msgs with 💯💯💯emojis!!! Love you my sumpar (red heart emoji).”

 

Bukod sa mga pagbati kay Miguel, marami ring magagandang comments kaming nabasa, lalo na ang mga payo nila tungkol sa mga walang magawang matino na bashers.

(ROHN ROMULO)

Cartographic sketch ng killer ng radio anchor inilabas ng PNP

Posted on: November 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INILABAS na ng Phi­lippine National Police (PNP) ang cartographic sketch ng isa sa mga salarin na responsable sa pamamaril at pagkakapatay sa radio anchor na si Juan Jumalon alyas “Johnny Walker” sa Calamba, Misamis Occidental kamakalawa.

 

 

Sa press briefing sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, sinabi ni PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda na ang suspek ay nagsilbing lookout ng gunman.

 

 

“May sinasabing based on the available CCTVs, based on the review, lumalabas da­lawa ‘yung suspect but ongoing pa ‘yung pagko-consolidate ng mga facts dun sa case,” pahayag ni Acorda  sa pagpatay kay Jumalon, 57.

 

 

Si Jumalon ay nagsasagawa ng live broadcast sa radio station 94.7 Calamba Gold FM sa kaniyang tahanan sa Brgy. Bernardo Neri nang pumasok ang gunman at pagbabarilin ito sa ulo bandang alas 5:30 ng umaga. Ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

 

 

Base sa report ng Mi­samis Occidental Police Provincial Police Office, ang nasabing suspect ay tinatayang nasa 40- anyos, katamtaman ang katawan at kayumanggi ang kutis.

 

 

Sinasabing dalawa sa mga suspek ay pumasok sa bahay ni Jumalon habang ang isa pa ay naghihintay sa labas sa tabi ng motorsiklong dala ng mga ito.

 

 

Ayon kay Acorda, binuo na ang Special Investigation Task Group sa kaso ng pagpatay kay Jumalon na pamumunuan ng Deputy Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 10.

 

 

Aminado naman si Acorda na na-shocked siya sa pagpatay sa biktima na parang manok lang na itinumba at lawlessness ang kasong ito. Sa kasalukuyan ayon kay Acorda ay nirerebyu na ang mga CCTVs. Hinikayat din ng opisyal ang mga media practitioners na makipag-ugnayan sa pulisya kung may natatanggap ang mga itong banta sa kanilang buhay.

 

 

Sa kasalukuyan, apat na anggulo ang sinisilip ng SITG sa motibo ng krimen na kinabibilangan ng personal na galit, may kinalaman sa trabaho, pulitika kaugnay ng katatapos na Barangay Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at alitan sa lupa.

 

 

Samantala, inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa naganap na malapitang pagpatay kay Jumalon.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) para sa palitan ng impormasyon. (Daris Jose)

Isa sa pinaka-kontrabida sa ‘Black Rider’: GLADYS, proud na proud kaya all out ang support kay RURU

Posted on: November 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NANINIWALA raw si Christian Bables na pwede naman magbigay ng komento constructively, pero sa maayos na paraan.
Of course, ang binabatikos na pag-arte ni Anji Salvacion sa ‘Linlang’ ang isyu.
“In a nice way, everything… ako, naniniwala po ako na lahat po ay nadadaan sa magandang pananalita. Palagi kong sinasabi na meron tayong choice.
“Ang kabutihan po ay choice. Para po ito sa atin. Nasa sa ‘yo kung pipiliin mo na umunawa, magmahal kesa sa manakit.”
Avid viewer raw talaga si Christian ng ‘Linlang’ kaya napapanood niyang talaga.
Nag-post kasi si Christian sa kabila ng mga batikos ng mga netizen kay Anji na, “Dear Anji Salvacion, I am excited for you to unleash the brilliant actress in you. For as long as you admit there’s a huge room for improvement, ok na yun. The rest ingay lang. Please never give up on learning your craft. Meron yan, Anji. I believe in you.”
Hindi raw sila personal na magkakilala pa ni Anji.
Sey nga niya, “I personally do not know Anji and I am not in any way connected to her. But, I just really felt the need to speak up and somehow use my platform to give her some words of encouragement.
“Kasi, parang hindi po kakayanin ng konsensiya ko na madurog ‘yung dreams ng bata dahil sa mga hateful and hurtful comments na natatanggap niya halos araw-araw.”
Nakausap namin si Christian sa naging mediacon ng kanyang 2023 MMFF entry na “Broken Hearts Trip” kunsaan, kasama niya sa movie sina Andoy Ranay, Iyah Mina, Petite, at Teejay Marquez.
***
NAGBABALIK sa kung saan siya tunay na nakilala, ang pagiging ‘kontrabida’ ang mahusay na actress na si Gladys Reyes.
Si Gladys ang isa sa pinaka-kontrabida ngayon sa ‘Black Rider,’ ang bagong primetime series ng GMA-7 na nagsimula na noong Lunes (Nov. 6), pagkatapos ng ’24 Oras.’
Ayon kay Gladys, “Ang tagal na nang huli, actually, hindi ako kontrabida sa ‘Madrasta’ kaya ang tagal na ng huli kong pagko-kontrabida. Ang huli pa yata na kontrabida ko, noong kami pa ni Ruru (Madrid), yung ‘Toda One I Love.’”
Sobrang kontrabida na naman daw siya.
“Hindi naman ako mag-a-action dito, pero, yung mga eksena namin, yung mga lines namin, talagang matatalas.”
Ang bida ng ‘Black Rider’ ay si Ruru.
At sina Ruru at Gladys ay merong pagkakapareho, sila ay parehong mga ‘Kapatid’ o tapat na miyembro ng Iglesia Ni Cristo. At masaya nga raw siya sa nakikita niya kay Ruru ngayon.
“Proud na proud,” mabilis niyang sagot.
“Sabi ko nga, proud na proud ako kay Ruru kasi, ‘eto yung masarap na suportahan at tulungan na bata. Kasi, hindi lang siya magaling, hindi lang siya dahil ang suwerte niya, bini-build-up siya ngayon ng GMA, kung hindi matutuwa ka para sa kanya kasi, mabait na bata at saka, marespeto at mananampalataya.
“Kaya all out support din ako kay Ruru.”

(ROSE GARCIA)

CITY HUNTER’S ORIGINAL CAST MEMBERS BACK IN ACTION WITH SURPRISE GUESTS IN ANIME FILM “CITY HUNTER THE MOVIE: ANGEL DUST”

Posted on: November 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
THE original cast members of City Hunter reunite for the highly anticipated theatrical release of City Hunter The Movie: Angel Dust. The gang’s back together as Kaori Makimura (Kazue Ikura) joins Ryo Saeba (Akira Kamiya), who will be facing his dark past and taking on new foes enhanced by the mysterious technology, Angel Dust.
Ryo Saeba is a “sweeper” or a private detective taking on a new type of adversary, with roots from his tragic past. Kaori, the sister of his late partner, accompanies him on this adventure.
Also featuring characters voiced by their original actors like the sweeper Miki (Mami Koyama, also lends her voice as Kei from Akira), and Umibozu (Tessho Genda, who has been the Japanese voice for Optimus Prime and Batman), a duo who also owns the Cat’s Eye café while the three Kisugi sisters will also make an appearance in the film.  Kenyū Horiuchi plays Shin Kaibara, leader of the drug syndicate Union Teope, who also raised Ryo from orphanhood and trained him to be a warrior.
City Hunter The Movie: Angel Dust introduces a new mysterious character Angie (voiced by Miyuki Sawashiro), a video creator who lost her cat while touring the city.  This led her to seek the services of Ryo and Kaori, but unknown to the duo, Angie intentionally sought them for another reason. Ryo excitedly chases Angie upon meeting her while Kaori tries to stop him to be able to focus on finding the missing cat.  Meanwhile, Angie tries to stop a group of mercenaries who poses a threat to her life and Ryo.
City Hunter The Movie: Angel Dust is a non-stop hyper-action anime film that will delight fans and retro anime enthusiasts alike that includes several surprise guest cameos from other highly-popular franchises.
From Encore Films distributed by Warner Bros., City Hunter the Movie: Angel Dust will open exclusively at SM Cinemas on November 8.
Follow Encore Films Ph (Facebook) for more updates.  Get your tickets at SM Cinema / City Hunter The Movie: Angel Dust.
(ROHN ROMULO)

Muling nakunan at maghihintay kung kailan magkaka-baby: ALEX, suportado ni MIKEE at masaya na silang dalawa lang

Posted on: November 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKUNAN palang muli si Alex Gonzaga nitong October.

 

 

Inilahad ni Alex ang kanyang malungkot na karanasan sa vlog ng ate niyang si Toni Gonzaga.

 

 

Nag-try sina Alex at mister niyang konsehal sa Batangas na si Mikee Morada na makabuo muli ng anak via IVF o in-vitro fertilization.

 

 

Ayon sa kuwento ni Alex…

 

 

“Nakita ko si Michelle Obama, basta nakita ko sinabi niya na nagkaroon siya ng miscarriage then after two years, ‘di sila makapag-conceive ni Barrack [Obama], so sabi niya mag-IVF siya.”

 

 

October 2021, sa unang attempt nina Alex at Mikee na magkaanak ay nakunan si Alex.

 

 

Inilihim muna nina Alex at Mikee ang pangalawa nilang pagsubok na magka-baby nguni’t muli silang nabigo.

 

 

Pero ayon pa rin kay Alex, kahit muli silang nabigo ay maluwag sa loob niya itong tinanggap, at sa halip na masaktan ay ang malakas na pananampalataya nila sa Diyos ang nanaig.

 

 

Sinabi rin ni Alex na pressured siyang mabuntis ulit, na tila pati ang Diyos ay pinressure niya.

 

 

Ngayon ay handa na raw siyang maghintay kung kailan sila pagkakalooban ng biyaya ng isang anak.

 

 

Sobrang suporta at wagas na pagmamahal ang ipinagkaloob ni Mikee kay Alex sa madilim na panahon sa buhay nila.

 

 

Napakaganda raw ng sinabi ni Mikee sa kanya, na, “Masaya na ako kahit ‘pag tayong dalawa lang. Sobrang bonus na lang sa akin yung baby.”

 

 

Inamin rin ni Alex na masakit ang umasa kaya hihintayin na lang niya kung ano (at kailan) ang tadhanang ipagkakaloob sa kanila ng Maykapal.

 

 

***

 

 

MATALIK na magkaibigan sina Janelle Jamer at Claudine Barretto.

 

 

Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan noong nagkasama sila sa seryeng ‘Bakit Manipis Ang Ulap?’ sa TV5 noong 2016.

 

 

“Iyon yung last project ko sa TV,” banggit ni Janelle.

 

 

“BFF ang tawagan namin doon.”

 

 

Pitong taon na silang magkaibigan at tuluy-tuloy ang kanilang pagkikita at komunikasyon nina Janelle at Claudine.

 

 

Binanggit namin kay Janelle ang napaulat sa PEP.PH noong Oktubre 10, 2023 tungkol sa tila may pinaghahandaang “giyera” o “battle” si Claudine laban sa dalawang taong hindi binanggit ni Claudine ang mga pangalan.

 

 

Wala raw alam si Janelle tungkol sa naturang isyu.

 

 

“Alam mo si BFF, malihim kasi yan,” pakli ni Janelle.

 

 

“I can only give advise di ba, puwede rin akong makinig, puwede akong magbigay ng advise. Lagi ko ‘tong sinasabi sa kanya, puwede akong makinig, puwede akong magbigay ng advise pero ikaw pa rin ang may hawak ng buhay mo.”

 

 

Hindi siya makikisali sa away ni Claudine?

 

 

“Kung may kaaway siya sinapak siya, why not, di ba,” bulalas ni Janelle.

 

 

“Pero kung halimbawa personal matter like kung sa family nila or what na hindi ko naman yan na-witness, di ba?

 

 

“Kasi baka sinaunang panahon pa yan or kung anuman yung mga pinagdadaanan mo…”

 

 

At kung hindi naman siya ini-involve ni Claduine sa mga “giyera” ng aktres.

 

 

“In all fairness naman kay BFF hindi niya ako sinasali,” saad pa ni Janelle.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Halagang P1-Trillion, pinag-aaralang kontribusyon ng BOC para sa gobyerno

Posted on: November 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN ng Bureau of Customs (BOC) ang kontribusyon ng hanggang P1 trilyon sa kaban ng gobyerno ngayong taon.

 

 

Sinabi ni BOC spokesperson Vincent Maronilla na ang mga posibleng karagdagang kita ay magmumula sa mga buwis na kokolektahin hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.

 

 

Aniya, ito ay magpopondo sa maraming programa ng gobyerno ng Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Maronilla na bukod sa kanilang mga koleksiyon, umaasa rin ang pamahalaan sa mga kita ng Bureau of Internal Revenue at iba pang ahensya sa revenue collection.

 

 

Sa ngayon, masusing pag-aaralan ng BOC ang nasabing kontribusyon na kung saan, magiging malaki ang maiaambag na tulong para sa bansa. (Daris Jose)

Lider at mga miyembro ng Socorro Bayanihan Service Inc. sinampahan na ng 21 kaso – DOJ

Posted on: November 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINAMPAHAN  na ng Department of Justice ng kasong kriminal sa korte sa Surigao laban sa mga miyembro ng Soccoro Bayanihan Service Inc.

 

 

Ayon kay Justice Secretary Jesus Remulla na ang mga kasong isinampa ay kinabibilangan ng Qualified Trafficking in Persons, Facilitation of Child Marriage, Solemnization of Child Marriage at Child abuse laban kay Jey Rence Quilario alyas “Senior Agila” at 12 iba pa.

 

 

Sa kabuuan aniya ay mayroong 21 kaso ang inihain nila kung saan ayon pa sa kalihim na ito ay simula lamang dahil marami pang mga anggulo silang tinitingnan.

 

 

Dagdag pa nito na lahat ng mga sinampahan ng kaso ay mula sa Sito Kapihan, Socorro, Surigao del Norte kabilang na si Senior Agila.

 

 

Paglilinaw pa ng kalihim na ang pagsampa ng kaso sa lokal na korte ay temporaryo lamang dahil sa nakatakdang ilipat ang prosecutiions sa Metro Manila o sa ibang mga lugar. (Daris Jose)