Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
PANUKALANG pagsisilbi ng half cup rice sa mga restaurants sa buong bansa, muling bubuhayin sa kongreso upang mabawasan angpagkakasayang sa kanin at maisulong ang mas malusog na pagkain.
Bukod dito, umapela rin si Iloilo Rep. Janette Garin sa mga may-ari ng restaurants na mas piliin ang pagbebenta o paghahain ng sweet potato fries kaysa regular potato fries.
Paliwanag ng mambabatas, hindi lamang ito nagbibigay ng kakaibang lasa kundi masustansiya din ito.
Ayon kay Garin, ang sweet potatoes o kamote ay mayaman sa Vitamin A at fiber, na tumutulong sa kalusugan ng mata at kalusugan.
“Making this simple switch aligns with the growing emphasis on healthier food choices in the dining industry,” pahayag ng kongresista.
Idinagdag nito na makakatulong din ito sa lokal na magsasaka. (Ara Romero)