• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 18th, 2023

AYALA MALLS CINEMAS BRINGS JAPANESE MEDICAL ACTION-DRAMA “TOKYO MER: MOBILE EMERGENCY ROOM” INTO THEIR EXCITING AND RARE EXCLUSIVES

Posted on: November 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AN intense medical action-drama comes to life on the big screen exclusive at Ayala Malls Cinemas in Tokyo MER: Mobile Emergency Room, a Japanese film based on the award-winning television series of the same title.  

 

 

In the film, a life-saving medical team is deployed when an explosion occurred at the Landmark Tower in Yokohama where thousands of people are trapped.  Under the direct control of the Tokyo governor, the medical team rushes to the scene of the accident or disaster with their large vehicle equipped with an operating room (ER car) and fights for the lives of patients, regardless of their own risks.

 

 

The movie also features an exciting roster of cast that includes Ryohei Suzuki who won Best Actor at the 4th Asian Contents Awards for his role in the series, Jesse Lewis of the popular Jpop band SixTONES, Hayato Sano from “Trillion Game” series and Kento Kaku who won Newcomer of the Year at the 45th Elan d’or Awards (2021).

 

 

Ryohei Suzuki takes on the lead role as Kota Kitami, surgeon with a talent for triage and a casual disregard for safety protocols.  As the main character is Kota Kitami, a brilliant young ER doctor, he has been handpicked by Mayor Azusa Akatsuka (Yuriko Ishida) to head a new emergency response team dubbed TOKYO Mobile Emergency Room, or MER. Outfitted with leading-edge medical technology and a large mobile operating room allows the team to quickly respond to major accidents, natural disasters, and other emergencies. Their mission is simple: Save every life. Team member Nao Otowa (Kento Kaku) , sent by the Ministry of Health, Labour and Welfare on a secret mission, ends up forming a close professional bond with Kota, and together the two men put their lives on the line every day to rescue others.

 

 

Suzuki also received the Screen International Rising Star Asia Award from the 22nd edition of the New York Asian Film Festival (NYAFF) and has been cast as Ryo Saeba in the upcoming live action City Hunter movie.

 

 

Jpop idol Jesse Lewis of SixTONES plays Tomohiro Shiomi, a trainee doctor with a passionate sense of mission.  “I had been watching the drama before I got the offer, I hope you can see my role (Shiomi) growing up in the movie version,” says Jesse.

 

 

Experience this thrilling medical drama only at Ayala Malls Cinemas.  Log into www.sureseats.com for your tickets.

(ROHN ROMULO)

Matapos mabalitang break na sila ni Daniel: KATHRYN, pinansin ng netizens ang pag-unfollow kay ANDREA sa Instagram

Posted on: November 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MAINIT na pinag-uusapan ng mga netizens ang tungkol sa pag-a-unfollow ni Kathryn Bernardo kay Andrea Brillantes sa Instagram!

Mismo kasing mga netizens ang nakapansin nito nito lamang Biyernes, November 17 kaya naman lalo pang umapoy ang tsikang hiwalay na nga sina Kathryn at Daniel Padilla at si Andrea ang itinuturong dahilan.

 

 

Samantala, mga “maritess” rin ang nakapansin na in-unfollow rin ni Andrea si Daniel habang si Daniel ay naka-follow pa rin sa ex-girlfriend ni Ricci Rivero.

 

 

Kaya naman napaka-ingay ngayon ng X (dating Twitter) dahil mega-trending topic ang ang un-follow-han na ito.

 

 

Kaya ang patuloy na tanong ng bayan, break na nga sina Kathryn at Daniel; at si Andrea ba ang third party sa hiwalayan ng Kathniel na labing-isang taon na ang relasyon?

 

 

Noon kasing November 10, very subtle na dinenay ni Daniel ang hiwalayan issue dahil sa kanyang Instagram Story ng video ni Kathryn na cover girl ng Preview ngayong Nobyembre.

 

 

Nito namang November 14, nakitang magkasama sina Kathryn at Daniel sa isang event ng isang brand ng relo.

 

 

At si Kathryn pa ang nag-repost sa kanyang IG Stories ng ilang larawan nila ni Daniel kasama ang ilang friends nila

 

 

Nag-viral din ang mga video na kuha sa after-party ng naturang event kung saan makikita na nagsasayaw ang dalawa sa dance floor.

 

 

So break na nga ba o hindi ang KathNiel?

 

 

Malalaman rin natin iyan sa takdang panahon, sooner or later.

 

 

***

 

 

PATI ang paghahanap ni Claudine Barretto ng sekretarya ay nalagyan ng ibang kulay.

 

 

Dahil kasi tulad ng alam nating lahat na balik-showbiz na si Claudine with GMA’s Lovers/Liars siyempre magiging busy-bisihan na ang aktres, so natural lang na need niya ng tauhan.

 

 

Kaya ang naisip niya na best way ay sa pamamagitan ng social media.

 

 

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nag -post nito si Claudine with the hope na tutulungan siya ng kanyang mga IG followers.

 

 

“Palanggas could you pls help me find a live in secretary / house and schedule manager. Kindly message me through dm.

 

 

“Leave you cellphone number and bio data… thank you so much, have a nice day.”

 

 

Isang netizen ang nag-comment naman nito sa post ni Claudine, na naghihirap na umano ang aktres.

 

 

“Nung una apartment ang hinahanap, ngayon secretary. Hala, naghihirap na talaga si idol.”

 

 

Hindi ito pinalampas ni Claudine.

 

 

“Naghihirap agad? Sana naisip mo na nagtatrabaho ako at kailangan may mag-ayos ng schedule nung mga bata,bills etc. Wala po masama maging mahirap. Yung pag-isipan ka ng kagaya mo na sumusuporta sa akin ba talaga or gusto mo lang mag-down ng tao?”

 

 

Bago ito ay may post rin si Claudine tungkol sa paghahanap ng apartment, at nilinaw rin ito ng aktres…

 

 

“I- clear ko lang po, kailangan namin lumipat dahil ipapa Renovate po yung bahay ko. pagagandahin at mag dadagdag ng mga kwarto kaya d kami pwede dito sa bahay.may parts na ipagigiba. Thank you so much sa inyong lahat.lalo na sa mga nag worry.i luv you all & maraming salamat po [praying hands emojis]”

 

 

Magsisimula sa GMA Telebabad sa November 20, 2023, ang Lovers\Liars.

 

 

***

 

 

DAHKL laglag sa Metro Manila Film Festival ang pelikulang ‘In His Mother’s Eyes’, ikinalungkot ito ng isa sa mga bida ng pelikula na si Roderick Paulate.

 

 

Lahad ni Kuya Dick, “Nalungkot ako because naka-aim kasi daw talaga yung movie para sa MMFF.

 

 

“Kaya lang, ganun talaga ang buhay, e. May natatanggap, merong hindi. May nananalo, may natatalo.

 

 

“Parang ganun. So, ang akin, sana, no, kung nakapasok. “Pero kung hindi, may ibang plano ang Diyos sa amin.

 

 

“Puwedeng blessing-in-disguise, di ba, itong showing date na napili namin sa 29, e mas makatulong at mas maraming audience.

 

 

“Ang akin lang naman, e, basta nandidiyan yung tao. “Sana, bumalik na sila, manood na ng mga pelikula.

 

 

“Hindi lang naman yung pelikula namin. Lahat ng pelikulang Pilipino, e, dapat magtulungan tayo, hanggang sa MMFF.

 

 

“Sana, yung sampung pelikulang yun ay maging successful at panoorin lahat ng mga mamamayan.

 

 

“Kasi, bukod sa pagiging artista, hindi lang po yun ang mahal ko. Mahal ko po ang industriyang ito. Mahal ko ang pelikulang Pilipino.

 

 

“E, wala pong ibang tutulong sa amin kundi kayo din po, kaya sana ibalik ninyo ang pagmamahal nyo at suporta sa lahat ng pelikula.

 

 

“Kaya lang, simulan niyo po sa November 29.”

 

 

Mauuna na sa mga MMFF entries ang ‘In His Mother’s Eyes’ dahil nga ipalalabas na ito sa mga sinehan kung saan bida rin sina Maricel Soriano, at LA Santos.

 

 

Nasa cast din ng In His Mother’s Eyes sina Maila Gumila, Ogie Diaz, Ruby Ruiz, Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Rochelle Pangilinan, Inah Evans at Bong Gonzales, sa direksiyon ni FM Reyes.

 

 

Mula ito sa 7K Entertainment ni Ms. Flor Santos.

(ROMMEL L. GONZALES)

Pinaghandaan at nag-research sa role na special child: MARICEL, labis na hinangaan ang kahusayan ni LA

Posted on: November 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
HINDI man pinalad na makasama sa sampung official entries para sa Metro Manila Film Festival 2023 ang pelikulang “In His Mother’s Eyes,” para sa kanila, blessing na rin na mauuna na itong mapanood ngayong November 29.
Pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos.
Si Maricel na siyang gumaganap na ina ni LA ay all-praises talaga rito, considering na debut movie niya ang ‘In His Mother’s Eyes’.
“I must say na dito po sa pelikulang ito, galing dito sa puso ko, siyempre, may galing kay Direk. May galing kay Roderick (Paulate), may galing sa lahat, ‘no, pero I must say, napakahusay po talaga ni LA dito sa pelikulang ito. Napakahusay niya.”
Talagang pinaghandaan ni LA at nag-research daw siyang talaga for his role as special child.
‘Yung mga ganito kasing tema, pwedeng meron mag-kuwestiyon sa totoong nakaka-experience.
“Hindi ko po kinalimutan na siyempre, unahin sila. Para sa kanila ang ginagawa kong ito. Ginawa ko po ang lahat. Nag-research po ako ng mabuti.
“At saka, nakipag-usap po ako sa mga mommy na may anak na special po. Gusto ko pong pasalamatan ang Best Buddies Foundation, sila po ang tumulong sa akin na mag-research pa po sa character ko po.
“At saka, kinilala ko rin po si Clarence, who is also a special kid po. Sinamahan ko lang po siya, pinakinggan ko lang ang kuwento ng buhay niya po. At saka, na-amaze po ako. Iba po ang puso nila. Grabe po ang pag-emphatize nila sa mga tao.
“At kapag sinabi pong nasa spectrum, hindi isa lang. It’s very, very wide. Bawat special kids po, iba-iba talaga. Bawat special kids po, special.
“Kaya buong puso po akong talaga na nagpapasalamat sa pelikulang ito kasi, gusto ko pong mabigyan ng justice ang mga special na tao at gusto ko pong maintindihan pa ng mga tao ang mga pinagdadaanan nila.”
***
ANG kakaibang storyline raw ng “Lovers/Liars” na collaboration ng Regal at GMA-7 ang isa raw ito sa dahilan kung bakit napapayag na gumawang muli ng teleserye ni Claudine Barretto.
“Parang naisip ko, iba naman siya sa lahat ng teleseryeng nagawa ko. Ever since talaga, ang forte ko is teleserye. So I grew-up with Direk Wenn Deramas hanggang sa magka-asawa ko, magka-anak, maghiwalay. So yung age ko at kung ano ang pinagdadaanan ng mga babaeng ka-age ko, ‘yun ang gusto kong gawin.
“And, ibang-iba siya kasi matapang and maraming sikreto na hindi mo makikita sa regular talaga na teleserye. So, ibang-iba siya sa mga ginawa ko.”
Talagang may love scene si Claudine with Yasser Marta at daring talaga ang role niya.
Pitong taon din daw nang huli siyang gumawa ng teleserye kaya masaya siya sa pagbabalik. This time rin daw, pumapayag na ang mga anak niya na magbalik talaga siya sa pag-arte.
Kung pitong taon na siyang hindi gumagawa ng teleserye, labing-isang taon naman na raw na wala siyang karelasyon, since naghiwalay sila ni Raymart Santiago.
Aminado si Claudine na nagka-trauma siya sa nangyari until now.
“Hindi naman sarado ang puso ko to love again, pero hindi ‘yon ang priority.”
Pero kung magmamahal daw siyang muli, kailangan daw na mas mahal ang mga anak niya kesa siya ang mas mahal.
“At the end of the day, sila pa rin ang number 1 at kung ma-in-love man ako, siya lang ang number 2,” sey niya.
Hindi pa rin pala annulled ang kasal nila ni Raymart.
Aniya, “Ongoing ang annulment namin. Pero, delay nang delay ang deadline ni Raymart for support. So, he’s trying to get custody. 16 years old na si Santino and 19 years na si Sabina. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang kunin ang custody.”
Nang tanungin si Claudine kung sa palagay niya ba, wala ng chance na maging magkaibigan man lang sila, sinagot niya ito na, “Dati, oo… pero siguro, sa bagong relationship niya, hindi possible.
“Kasi, hindi maganda ang influence sa kanya, compared sa dati.”
Wala namang binanggit na pangalan si Claudine sa tinutukoy nitong bagong relationship ni Raymart at kung si Jodi Sta. Maria ba ito?
Sa Lunes, November 20 sa GMA Telebabad na ang simula.
(ROSE GARCIA)

Maraming nagulat sa kanyang inirampa: Natcos ni MICHELLE sa Miss U, tribute sa Philippine tourism at pagiging Air Force reservist

Posted on: November 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
“DESTINATION Filipinas” and “Love the Philippines” ang inspiration sa likod ng national costume ni Michelle Marquez Dee.
Made in Nueva Vizcaya ang natcos ni Michelle na gawa ng designer na si Michael Barassi.
According to Barassi, the costume, which resembles a plane, is a tribute to Philippine tourism and Dee being an Air Force reservist.
Ang mga local materials na gamit sa natcos na ikinagulat ng marami, ay ‘solihiya’ at 15 kilos ang nagamit nila at inabot ng isang buwan bago matapos gawin.
Hands-on sina Brassi at Michelle sa concept ng natcos.
“The concept itself came from Michelle Dee, she wanted to highlight Philippine tourism. With her national costume, one of our goals was to invite people to come and fly to the Philippines.
“The solihiya pattern was suggested by Michelle Dee… Aside from the Cordilleran woven fabric, ang dami kong first time sa national costume to be honest.
“It’s my first time doing fiberglassing technique, first time to work with solihiya pattern, at first time ko incorporating hydronic mechanism and LED lights sa isang costume,” pagmamalaki ni Brassi.
Makikita rin sa likod ng natcos ang intricate design kunsaan nasa painting ang dalawang brothers ni Michelle na may autism spectrum, pati ang kanyang inang si Miss International 1979 Melanie Marquez at ang kanyang ama, former actor-film producer na si Derek Dee.
“Michelle Dee’s two brothers in the spectrum, sila yung nasa gitna na nakasakay sa jeepney. Then ‘yung mom niya si Melanie (Marquez) and dad niya si Derek Dee, part rin nung painting, they were holding the woven fabric of the Philippines. I tried incorporating her family in the nat cos as well,” sey ni Brassi.
***

 

 

KAHIT maigsi lang ang papel ni Kylie Padilla sa ‘Black Rider’ bilang asawa ni Ruru Madrid, nagpasalamat ang Sparkle actor dahil sa oras at panahon na inilaan ni Kylie sa kanilang teleserye.

 

 

Kahit na raw may mga aberya sa kanilang taping location, game na game daw si Kylie sa mga eksena nila ni Ruru.

 

 

“Nais ko ring pasalamatan ang aking matalik na kaibigan Ms. @kylienicolepadilla sa napaka husay na pagganap sa karakter ni Bernice, walang ibang Bernice sa buhay ni Elias kundi ikaw kumander!

 

 

“Hanggang sa muli nating pagsasamahan na trabaho! Salamat ng marami sobra! Alam mo na yun,” post ni Ruru sa kanyang Instagram.

 

 

Dahil sa paglabas ni Kylie, muling nabuhay ang KyRu fans nila ni Ruru na nabuo noong una silang magtambal sa ‘Encantadia’ in 2016 at sa ‘TODA One I Love’ in 2019.

 

 

May mga fans pa rin na umaasa na magkatuluyan sina Kylie at Ruru kahit na alam nilang may Bianca Umali na si Ruru.

 

 

***

 

 

MAY two-part anniversary special ang Bubble Gang sa kanilang ika-28th anniversary on November 19 and 26.

 

 

May theme na “Bente O-Chew” ang longest-running gag show on Philippine Television na pinangungunahan ni Michael V. a.k.a. Bitoy, together with Kababol mainstays Paolo Contis,Betong Sumaya, Chariz Solomon, Analyn Barro, EA Guzman, Buboy Villar, Matt Lozano, Cheska Fausto, and Kokoy de Santos

 

 

“For the longest time, I was also the creative director of Bubble Gang, and so for the longest time, I knew the flavor of the show. But this time around, nagbago ng konti. That, for me, is the biggest change,” sey ni Bitoy.

 

 

Ka-collab din ng Bubble Gang ang ilang online influencers sa kanilang anniversary.

 

 

“Social media is a big part of mainstream television and entertainment. If it’s a gem, talagang dapat you have to do something about it. Pero hindi mo dapat gayahin. You have to do something better and improve.”

 

 

Special guests nila ang King of Talk Boy Abunda, Kuya ng Bayan Kim Atienza, and Star of the New Gen Jillian Ward. Kasama rin sina Herlene Budol, Isko Moreno, and the comedic duo of Cookie and Belli, played by Pekto and John Feir.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads November 18, 2023

Posted on: November 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments