• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2023

Rehabilitasyon ng Lagusnilad, tapos na

Posted on: November 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

smart

MATAPOS ang anim na buwan na rehabili­tasyon, binuksan na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang Lagusnilad kahapon araw ng Martes.

 

 

Isang maigsing programa ang isasagawa ng lokal na pamahalaan dakong alas-8:30 ng umaga na dadaluhan din ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakatuwang sa pagsasaayos sa naturang kalsada.

 

 

Matatandaan na isinara sa trapiko ang Lagusnilad noong Mayo 2 para sa rehabilitasyon dahil sa malalalim na lubak na nagdudulot ng maraming aksidente.

 

 

Unang sinabi ng lokal na pamahalaan na aakuin nila ang gastos sa rehabilitasyon kahit na nasa hurisdiksyon ito ng DPWH. Naglabas ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng P50 milyong pondo at P25 milyon naman ang DPWH para magkatuwang na isaayos ang Lagusnilad.

 

 

Inaasahan na makakatulong sa mabigat na trapiko ang pagbubukas ng kalsada ngayong papasok ang panahon ng Kapaskuhan, ayon pa sa lokal na pamahalaan. (Gene Adsuara)

Agimat Partylist namahagi ng ayuda

Posted on: November 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINATAWAN ni Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist ang pamamahagi ng tig-P2,000 cash na ayuda, kasama si Mayor John Rey Tiangco sa 2,840 Navoteño college students. Nagmula ang cash aid sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. (Richard Mesa)

PBBM pinangunahan ang sectoral meeting, sumentro sa Economic Resiliency ng bansa sa harap ng Global Economic Slowdown

Posted on: November 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SUMENTRO  sa Economic Resiliency ng bansa sa harap ng Global Economic Slowdown ang sectoral meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakayang kaninang umaga kasama ang economic cluster.

 

 

Kabilang sa mga dumalo sina Finance Secretary Benjamin Diokno, NEDA Director, General Arsenio Balisacan at DBM Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

Bukod sa mga bumubuo ng economic cluster ay nasa pulong din ang ilan pang mga miyembro ng gabinete.

 

 

Kasama sa meeting sina DPWH secretary Manuel Bonoan, DICT secretary John Ivan Uy, DOLE Secretary Bienvendio Laguesma, DSWD Rex Gatchalian at si Agriculture Department secretary Francisco Tiu- Laurel. (Daris Jose)

Christmas convoy, magpapatuloy sa PH-occupied areas sa WPS

Posted on: November 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TULOY ang  “Christmas Convoy” na inorganisa ng  civilian organization para  sa mga mangingisda at frontliners sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Iyon nga lamang kailangang sundin ng mga lider ng organisasyon ang posisyon ng gobyerno na hindi sila pupunta sa BRP Sierra Madre (LS-57) sa Ayungin Shoal sa  WPS  dahil sa security reasons.

 

 

“The National Security Council (NSC) met with the leaders of Atin Ito! Coalition last week where — after a constructive dialogue — there was a meeting of the minds in the planned civilian-led Christmas Convoy to the WPS,” ayon kay NSC spokesperson at  Assistant Director General Jonathan Malaya sa isang kalatas.

 

 

Ani Malaya, kapwa sumang-ayon ang magkabilang panig na ang  civilian convoy sa  BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ay  hindi ipinapayo sa ngayon.

 

 

“Nonetheless, the planned Christmas Convoy will pass through the general vicinity of Ayungin Shoal as far as practicable, on its way to other selected Philippine-occupied features to bring Christmas cheer directly to our troops assigned to those areas as well as to our fisherfolk,” ayon kay Malaya.

 

 

Aniya, ang  convoy ay bibisita  at magdadala ng pagkain sa mga Filipino troops sa Pagasa Island.

 

 

“There, Christmas gifts and donated supplies for BRP Sierra Madre will be turned over to the Philippine Navy-AFP (Armed Forces of the Philippines) and to the Philippine Coast Guard for delivery during the regular rotation and resupply missions. By visiting the other Philippine-occupied features, the Christmas Convoy will be able to visit a vast area of the WPS and bring Christmas cheer directly to more fisherfolk and frontliners,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinuran ni Malaya na tinitiyak  sa kasunduan ang kaligtasan at seguridad ng  convoy maliban pa sa pagtiyak sa napapanahong  paghahatid ng donated items sa mga  Filipino fisherfolk at front-liners sa WPS.

 

 

“This also upholds the Philippines’ sovereign rights to the WPS,” ayon pa rin kay Malaya.

 

 

“We thank Atin Ito! Coalition for their cooperation and for finding common ground with the government in asserting and defending our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in pursuit of the national interest,” ang pahayag ni Malaya. (Daris Jose)

Waging Best Actress at ka-tie si Max sa ‘6th EDDYS’… LOTLOT, naging emosyonal sa pagtanggap ng award ni JANINE

Posted on: November 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGING matagumpay ang ika-anim na edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society ng Philippine Entertainment Editors (SPEEd), na ginanap sa Aliw Theater sa Pasay City noong Nobyembre 26.

 

Nagningning nga ang pinakamahusay sa paggawa ng pelikulang Pilipino para sa taong 2022, pati na ang natatanging pagganap ng mga aktor at aktres.

 

Big winners ang “Blue Room” at “Family Matters” sa katatapos lang na awards night, na parehong tinanghal na Best Film.

 

Ang Best Director ay ipinagkaloob kay Nuel Crisostomo Naval para sa “Family Matters”.

 

Nag-tie naman sina Max Eigenmann at Janine Gutierrez sa Best Actress award para sa kanilang nakabibilib na pagganap sa “12 Weeks” at “Bakit ‘Di Mo Sabihin?”

 

Ang 5th EDDYS Best Supporting Actress na si Lotlot de Leon ang tumanggap ng tropeo para sa kanyang anak.

 

Hindi nga napigilan ni Lotlot na maging emosyonal sa kanyang speech, “Alam n’yo po, pangarap ko talaga na makatanggap ng Best Actress award, ‘yun pala tanggapin ko, ‘yung sa anak ko.

 

“Janine, I’m so proud of you, my darling!”

 

Inialay naman ni Max ang award sa kanyang ina na si Bing Pimentel, na kasama rin niya sa “12 Weeks”.

 

Si Elijah Canlas ang nakasungkit ng Best Actor award para sa mahusay niyang pagganap sa “Blue Room”.

 

Tulad ng inaasahan nang nakararami, si Nikki Valdez ang nakapag-uwi ng tropeo ng Best Supporting Actress para sa kanyang ‘di matatawarang pagganap sa “Family Matters.”

 

Nakagawa naman ng EDDYS history si Mon Confiado na tumanggap ng ikalawang Best Supporting Actor award para sa kanyang nakakikilabot na pagganap sa “Nanahimik ang Gabi,” dahil siya rin ang nagwagi sa last year sa ‘5th The EDDYS’, para sa pelikulang “Arisaka”.

 

Ginawaran ng Best Screenplay si Mel Mendoza del Rosario para sa “Family Matters”, habang ang Best Cinematography ay nakuha ni Moises Zee para sa “Nanahimik ang Gabi”.

 

Si Marxie Maolen Fadul ay tumanggap ng parangal bilang Best Production Design, samantalang si Vanessa de Leon ang kinilala sa Best Editing, na pawang para sa “Blue Room”,

 

Isa pang award ang nasungkit ng “Blue Room”, wagi sina Jazz Nicolas at Mikey Amistoso ng Best Musical Score, habang ang Best Sound Design ay napagwagian nina Andrea Teresa Idioma at Emilio Bien Sparks para sa “Nanahimik ang Gabi”.

 

Ang awiting “Sa Hawak Mo” ang nagwaging Best Theme Song na mula sa “Family Matters”.

 

Sina Carl Regis Abuel, Tricia Bernasor at Geraldine Coa ng “Live Scream” ang nagwagi sa Best Visual Effects.

 

Ang awards night ay idinirek ni Erik Quizon, hosted by Piolo Pascual and Iza Calzado. Nasaksihan din ang natatanging pagtatanghal nina Pops Fernandez, Darren Espanto, Erik Santos, at P-pop group na Calista.

 

Hindi magiging matagumpay ang 6th The EDDYS, kung wala ang pagsuporta ng Beautederm, Globe Telecom, Shopee, at Tough Mama.

 

Pinasasalamat din ang auditing firm ng Juancho Robles, Chan Robles & Company, CPAs, na nagsilbing auditor ng mga boto.

 

Special thanks din kay Ms. Angeli Pangilinan-Valenciano ng Sound Check, Beautederm loot bags, at sa foods na pinadala ni Ms. Mhae Sarenas ng Echo Jham Entertainment Production.

 

Prinoduce ito ng SPEEd sa pakikipagtulungan sa Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tessie Celestino-Howard, magkakaroon ng delayed telecast ang 6th The EDDYS sa ika-2 ng Disyembre sa A2Z.

(ROHN ROMULO)

Mas magaling mandeadma kesa kay Lotlot: JANINE, waging Best Actress pero balitang break na sila ni PAULO

Posted on: November 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

EVENTFUL para sa amin ang November 26, 2023, Linggo ng gabi.

 

 

Sinamahan namin si Lotlot de Leon na pumunta sa Aliw Theater sa Roxas Boulevard para maging presenter sa 6th The EDDYS Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEED na karamihan sa mga opisyales at miyembro ay mga kaibigan namin.

 

 

Dahil si Lotlot ang nagwagi last year, 2022, sa The EDDYS bilang Best Supporting Actress (para sa ‘On The Job: The Missing 8’) akala namin ay sa parehong kategorya siya magpe-present.

 

 

Sana nga ay kasama rin namin si Janine Gutierrez nitong Linggo ng gabi dahil nominado ang anak ni Lotlot bilang Best Actress para naman sa pelikulang ‘Bakit ‘Di Mo Sabihin?’.

 

 

Pero may prior commitment na si Janine kaya si Lotlot lamang ang tumungo sa venue bilang presenter.

 

 

Sa awards ceremonies, nagtaka kami dahil si Ara Mina ang tinawag para mag-present sa Best Supporting Actor at Actress category.

 

 

In-assure naman kami ng entertainment editor ng People’s Balita at opisyal ng SPEEd na si Rohn Romulo at entertainment editor ng HATAW tabloid na opisyal rin ng SPEEd na si Maricris Valdez na may mas magandang partisipasyon si Lotlot sa gabi ng parangal.

 

 

Noong tinawag si FDCP Chair Tirso Cruz III para mag-present ng award sa kategoryang Best Actor at Best Actress, sumagi sa isip namin, malamang ay inilagay si Lotlot sa kategoryang Best Picture kasi walang binanggit tungkol sa kategoryang iyon.

 

 

Mali kami.

 

 

Mas bongga nga ang pag-akyat ni Lotlot sa entablado dahil nanalong Best Actress si Janine at si Lotlot ang tumanggap ng parangal para sa anak.

 

 

Na kung saan naka-tie ni Janine bilang Best Actress si Max Eigenmann para naman sa pelikulang ’12 Weeks’.

 

 

At bahagi ng madamdaming speech ni Lotlot habang umiiyak…

 

 

“Ako po si Lotlot! Alam niyo po, pangarap ko talaga, makatanggap ng Best Actress award.

 

 

“Yun pala, ang tatanggapin ko, yung sa anak ko!

 

 

“Janine! I’m so proud of you!”

 

 

Matapos ang awards night ay nakapanayam si Lotlot ng ilang press people sa lobby ng Aliw Theater.

 

 

“Iba pag anak, e. I’m so proud of her.”

 

 

Sa tanong naman kung kung paano niyang sinusuportahan si Janine ngayong balitang single na raw ito.

 

 

“You know what, ang importante masaya ang puso whether she’s single or not single.”

 

Patuloy na umuugong ang balitang break na sina Janine at Paulo Avelino sa kabila ng katotohanang walang direktang pag-amin mula sa dalawa kung magkarelasyon nga ba sila.

 

Kilala si Janine na mahusay magdala at sumagot sa mga intriga tungkol sa kanya, sa career man o sa personal na buhay.

 

 

“Mas magaling mandeadma yung anak ko kesa sa akin. Yung anak ko, parang na-practice na niya na hindi lahat, pinapatulan.

 

 

“So, sa totoo lang, wala siyang ano sa mga tsismis,” sinabi pa ni Lotlot.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

May global auditions sa next ‘Karate Kid’: Ralph Macchio at Jackie Chan, magsasama sa bagong version

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAMA sa bagong version ng ‘Karate Kid’ sina Ralph Macchio at Jackie Chan.

 

 

 

Si Ralph ang gumanap bilang si Daniel LaRusso sa original ‘Karate Kid’ film noong 1984. Nakasama niya sa film ay si Pat Morita na gumanap na Mr. Miyagi. Pumanaw si Morita noong 2005.

 

 

 

Sa remake ng The Karate Kid noong 2010, si Jackie Chan ang gumanap na bagong trainer na si Mr. Han. Ang tinuruan niya ay ang bata pa lang noon na si Jaden Smith (na anak ni Will Smith).

 

 

 

“Hi everyone, we’ve got big news,” sabi ni Jackie sa isang video announcement.

 

 

 

“We’re starring in a new ‘Karate Kid’ movie together,” dagdag naman ni Ralph na kasama si Jackie.

 

 

 

Naghahanap din sila ng susunod na Karate Kid at magkakaroon ng global auditions.

 

 

 

“The global search for the star of our new film starts right now. So let’s wax on, wax off, everybody,” ayon kay Ralph na patungkol sa iconic line ni Mr. Miyagi mula sa 1984 movie.

 

 

 

Isiningit naman ni Jackie ang kaniyang linya noong 2010: “You mean, jacket on, jacket off, hang it up?”

 

 

 

Ayon kay Ralph, “Maybe the new Karate Kid will have to do it all.”

 

 

 

Batay sa casting guidelines sa KarateKidCasting.com, hinahanap nila ang aktor na gaganap bilang Chinese o mixed-race Chinese na nasa edad 15 hanggang 17.

 

 

 

Dapat na mahusay sa Ingles, at magiging plus factor ang marunong ng Mandarin. Mas maganda rin kung marunong ng martial arts, movement, gymnastics, at dance.

 

 

 

Shooting will start March hanggang June 2024.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago – SWS

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALA umanong na­ging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon.

 

Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.

 

Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang ‘unchanged’, o walang naganap na pagbabago sa kalidad ng kanilang pamumuhay, sa nakalipas na 12-buwan.

 

Nasa 30% naman ang mga Pinoy na nagsabi na lumala pa ang pamumuhay o tinaguriang ‘losers.’

 

Samantala, 28% naman ang mga Pinoy na naging ‘gainers’ o nagsabing naging mas maganda ang kanilang pamumuhay kumpara noong nakaraang taon.

 

Nabatid na ang September score ay 13 puntos na mas mababa kumpara sa very high na +11 noong Hunyo 2023 at nasa pinakamababa simula sa -2 noong Hunyo 2022.

 

Ang naturang survey ay isinagawa ng SWS sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may 1,200 adults nationwide.

56 mangingisdang Navoteños nakatanggap ng bangka at lambat

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco.

 

 

Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador.

 

 

“We recognize the hardships that our fisherfolk experience and the sacrifices they make to give their families a better life. At the same time, we are grateful to Sen. Imee for the continuous assistance she extends to Navoteños,” ani alkalde.

 

 

“We encourage everyone to make the most of this opportunity. Continue to save up for your families and strive to own more fishing boats,” dagdag niya.

 

 

Samantala, pinaalalahanan naman ni Cong. Tiangco ang mga benepisyaryo na tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran mula sa polusyon at pagkasira.

 

 

“Most Navoteños, including us, rely on the sea for our livelihood. It’s crucial that we keep our seas and oceans free from pollution to ensure a plentiful catch,” pahayag ni Cong. Toby.

 

 

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng mga fiberglass boat na nilagyan ng 16-horsepower marine engine at underwater fittings, gayundin ng lambat, lubid, at fishing buoys.

 

 

Ang NavoBangkabuhayan Program ay inilunsad noong 2018 bilang isang inisyatiba upang matulungan ang mga mangingisda na magkaroon ng napapanatiling kabuhayan kung saan higit na 300 mga indibidwal ang nakinabang mula nang ilunsad ito.

 

 

Dumalo rin sa kaganapan si Regional Director Noemi SB. Lanzuela ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Capital Region, at G. John Romar Pedrigal, Market Specialist mula sa Department of Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Service, at mga opisyal ng lungsod. (Richard Mesa)

Isang milagro para sa kanilang pamilya: AUBREY, binalita ang magandang pagbabago sa anak nila ni TROY na si ROCKET

Posted on: November 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG nagkuwento si Aubrey Miles sa magandang pagbabago sa anak nila ni Troy Montero na si Rocket matapos ang ilang buwan na gamutan at therapy.

 

 

 

Isa nga raw itong milagro para sa kanilang pamilya.

 

 

 

Sa Instagram post, nagbigay ng update si Aubrey tungkol sa kanyang anak na mayroong autism spectrum disorder (ASD).

 

 

 

“From not being able to take pictures to this. Still a working progress but this will do. Being able to stand still as a kid on the autism spectrum is huge. Smiling is a bonus. From not talking and now copying every word we say is a miracle,” caption pa ni Aubrey sa Instagram.

 

 

 

Ayon kay Aubrey, sumailalim si Rocket sa stem cell therapy at hyperbaric oxygen therapy noong nakaraang August. Sumailalim din si Rocket sa speech and occupational therapy.

 

 

 

Noong nakaraang taon lang isinapubliko nila Aubrey at Troy ang pag-diagnosed kay Rocket, who was 4-years old then, na may ASD.

 

 

 

“‘Yung relationship namin ni Troy, parang, ‘may ibibigay pa pala tayo.’ Akala mo ito na yung best love. Hindi pa pala, so ang dami lang namin natutunan,” sey ni Aubrey sa magandang natutunan nila sa kanilang anak.

 

 

 

***

 

 

VERY mother daw si Rufa Mae Quinto kapag nasa Amerika ito.

 

 

Enjoy daw siyang um-attend sa school activities ng anak na si Alexandria Athena.

 

 

“Yes, very mother ako doon. Hinahatid ko si Athena sa school tapos active din ako sa ilang programs sa school kasama ang ibang parents.

 

 

“Ibang-iba ako doon kasi hindi ako celebrity doon. As in, normal na mommy ako doon. Nagustuhan ko nga kasi ang dami kong time with my daughter,” sey ni Rufa Mae.

 

 

Nandito ngayon sa bansa ang Kapuso comedian dahil kasama siya sa latest offering ng SparkleU na ‘#Ghosted kunsaan’ bida ang Team Jolly nila Sofia Pablo at Allen Ansay.

 

 

 

“Work, work, work tayo dito ngayon. Ako yung ghost na tumatakot sa mga students sa Sparkle U. Enjoy akong ka-work ang mga bagets dito. Si Sofia ang gandang bata at si Allen ang guwapo. At ang gagaling at ang babait nila,” sey pa ni Rufa Mae.

 

 

 

Back and forth ang biyahe ni Rufa Mae sa Pilipinas lalo na kung maganda ang mga projects na gagawin niya.

 

 

 

“Ganu’n-ganun. Half-half. Hindi nila mahahalata kung aalis ako. Siyempre, more on Philippines pa rin kasi na-miss ko kayong lahat. Pero priority ko pa rin ang family ko sa US.”

 

(RUEL J. MENDOZA)