• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 19th, 2023

PBBM isusulong ang kapayapaan sa WPS

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINDIGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahalaga na mapanatili ang kapayapaan at sumunod sa rules-based order na siyang cornestone ng kaniyang Philippine foreign policy sa gitna ng tumataas na geopolitical tension sa Asya.

 

 

Sinabi ng Pangulong Marcos na ang kaniyang admistrasyon ay magpapatuloy na magbuo ng malakas na alyansa sa mga kaalyado nito.

 

 

Naninindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahalaga na mapanatili ang kapayapaan at sumunod sa rules-based order na siyang cornestone ng kaniyang Philippine foreign policy sa gitna ng tumataas na geopolitical tension sa Asya.

 

 

Sinabi ng Pangulong Marcos na ang kaniyang admistrasyon ay magpapatuloy na magbuo ng malakas na alyansa sa mga kaalyado nito. (Daris Jose)

Total ban sa mapanganib na paputok ipatupad – DILG

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UPANG maiwasan ang disgrasya lalo na sa mga kabataan, nanawagan si Interior and Local Government Units (LGUs) na ipatupad ang ‘total ban’ sa lahat ng uri ng mga mapanganib na paputok kaugnay ng pagsalubong sa Kapaskuhan at Bagong Taon sa bansa.

 

 

Ayon kay Abalos, ang mga LGU ay maaaring magtalaga ng mga pampublikong lugar kung saan ligtas na mapanood ng mga tao ang mga fireworks display na inaabangan ng netizens.

 

 

Binigyang diin ni Abalos na mas ligtas ang paggamit ng fireworks kumpara sa mga firecrackers lalo na yaong malalakas at mapanganib dahil maari itong magdulot ng aksidente.

 

 

Mas ligtas aniya ang paggamit ng fireworks kumpara sa mga paputok na maaring magdulot ng aksidente.

 

 

Kabilang dito ang posibleng pagkaputol ng daliri, pagkabulag at iba pa.

 

 

Binigyang diin ni Abalos na maaring magpalabas ng templates ang mga LGUs sa pag-ban sa mga papu­tok sa pamamagitan ng ordinansa.

 

 

Inalerto na rin ni Abalos ang Bureau of Fire Protection (BFP) dahilan sa mataas na peligro ng sunog sa gitna ng mga mapanganib na paputok.

 

 

Una na rito, nagbabala rin ang opisyal na maging maingat sa paggamit ng mga pailaw at dapat na tiyaking­ ito ay dekalidad na produkto upang makaiwas sa anumang kapahamakan. (Daris Jose)

Face mask sa Simbang Gabi, hinirit

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng Simbahang Katoliko na boluntaryong magsuot ng facemask ang mga dadalo sa tradisyunal na Simbang Gabi kasunod ng pagtaas muli sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Sa circular na inilabas nitong Disyembre 15, sinabi ni Cardinal Jose Advincula na ito ay ayon sa rekomendasyon ng Ministry of Health Care ng arkidiyoseses.

 

 

Sa kabila nito, hindi umano dapat matanggalan ng kasiyahan ng Pasko ang publiko na kailangan lamang sumunod sa mga health and safety protocols para mas mabisang makapagselebra ng Pasko.

 

 

Pinaalalahanan din ng simbahan ang mga maysakit na huwag nang makihalo sa ibang tao at manatili na lamang sa bahay para magpagaling.

 

 

Dumagsa kahapon ang milyong mga Katoliko sa mga simbahan sa opisyal na pag-uum­pisa ng Simbang Gabi. Nag-uumpisa ito tuwing ­Disyembre 16 at nagtatapos ng Disyembre 24.

 

 

Tiniyak ni Advincula na ang mga susunod na araw ay kakikitaan ng mas masaya kasabay ng puno ng pananampalataya na antisipasyon sa Pasko.

Nanghihinayang nang ‘di nasamahan… ANDREW, apektado sa pagpanaw ni RONALDO na tinuring na ring lolo

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ngang nagulat sa biglaang pagpanaw ng beterano at premyadong aktor na si Ronaldo Valdez, kaya nagluluksa na naman ang entertainment industry.

 

 

Marami ring kapwa-artista ang may kanya-kanyang post na karamihan ay naging close at na-touch sa kabaitan ng aktor at isa si Andre Gan Calupitan na nakasama niya sa ‘2 Good 2 To Be’.

 

 

Sa kanyang FB post, ibinahagi ang photos at palitan nila ng mensahe at may caption ng…

 

 

“Tito Ron ang daya mo naman!
Sana pala nasamahan kita.
Gigimik pa tayo db?
Mag ba Baguio pa tayo ulit db?
Mamimiss ko un tatawag ka sakin ng biglaan para mag aya uminom ng 6pm ng hapon. Mamimiss ko un mga jokes and halakhak mo….

 

 

“You’re the lolo I never had.

 

 

“Salamat sa lahat tito. Salamat sa friendship and sa pagiging lolo mo sakin dito sa industry.

 

 

“Mahal kita and I will miss you.
Gabayan mo kami palagi dito ha.
Hangang sa muli tito Ron…
Miss na kita. SOBRA.”

 

 

Sa palitang naman ng mensahe dated December 8, mababasa na niyaya siya ng kanyang Tito Ron papuntang Pangasinan. Di lang siya nakasama dahil pabalik-balik ang lagnat niya. Yun sana na huling pagkakataon para makapag-bonding.

 

 

Our condolences to the family, rest in peace Lolo Sir.

 

***

 

KINORONAHANG Miss Teen International Philippines 2023 si Raveena Co Mansukhani noong November 13 sa Tanghalang Pasigueno.

 

 

Excited na si Raveena na may mixed Chinese-Filipino and Indian descent, na i-represent ang bansa sa Miss Teen International pageant na gaganapin sa India next year.

 

 

“As of the moment, I’m really busy preparing for the pageant. I am so excited and really hopeful that I would be able to bring home the crown,” pahayag ng dating child actress.

 

 

Umaasa si Raveena na siya ang magiging first Filipina Miss Teen International titleholder.

 

 

“Well, it’s my ardent wish but I also know that there is such a thing as destiny so I will just keep on working harder to make myself worthy of the crown.”

 

 

Ang dating child actress na lumabas na sa mga TV shows tulad ng ‘Tropang Kulit’, ‘Dyesebel’, ‘Half-Sisters’, ‘Dolphy’s Wonderland’, ‘Annasandra’, at ang focus niya ngayon ay nalipat sa self-development at empowerment sa pamamagitan ng pageantry.

 

 

“At first I was kind of hesitant. But now I realized pageantry offers a lot in terms of self-development. I want to inspire others to try and join pageantry because it helps build character. It also helps in honing your social skills and be more confident about yourself,” pahayag ng young beauty queen.

 

 

Pinili ni Raveena ang advocacy na tungkol sa mental health dahil sa mga struggles ng mga kabataang babae’

 

 

“Miss Teen International Philippines is a very good platform for young Filipino women eager to express themselves, share their talents, and impart their thoughts. It›s really empowering,” say pa ni Raveena.

 

 

Dagdag pa niya, “Because we are dealing with so much anxiety, insecurity…about our looks, how we are perceived by others…when I entered pageantry I became more aware of this. That’s why my advocacy is mental health.”

 

 

After ng kanyang competition next year, ipagpapatuloy pa rin niya ang pag-aartista, sa katunayan may nakuha na siyang mga projects.

 

 

Tuloy din ang pag-aaral niya sa kolehiyo dahil gusto niyang maging dentist.

 

 

Best of luck Raveena, bring home the crown!

(ROHN ROMULO)

Ads December 19, 2023

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINAGAWA ang pagdiriwang ng 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA)

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINAGAWA ang pagdiriwang ng 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) kung saan tampok ang makukulay na mga float ng sampung pelikulang kalahok ngayon taon. Nagsimula ang kick-off program sa Navotas Centennial Park sa pangunguna nina Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman, Atty. Don Artes, Navotas Mayor John Rey Tiangco at Malabon Mayor Jeannie Sandoval at nagtapos sa Valenzuela City People’s Park and Amphitheatre, kasama si Mayor Wes Gatchalian. (Richard Mesa)

49th MMFF Parade of Stars ginanap sa CAMANAVA

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGDIWANG ang 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) kung saan tampok ang mga float ng sampung pelikulang kalahok ngayon taon para i-promote ang mga ito.

 

 

Nagsimula ang kick-off program sa Navotas Centennial Park sa pamamagitan ng mga mensahe at pagbati mula kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman, Atty. Don Artes, at mga mayor ng lungsod ng CAMANAVA na sina Mayor Wes Gatchalian, Mayor John Rey Tiangco, Mayor Dale Gonzalo Malapitan, at Mayor Jeannie Sandoval na nagpahayag ng kanilang suporta sa taunang pagdiriwang.

 

 

Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco sa MMDA, sa pagbibigay ng oportunidad na maging bahagi ang Lungsod ng Navotas ng Parade of Stars. “Suportahan po natin ang pelikulang Pilipino!” aniya.

 

 

Matapos ang programa sa Navotas Centennial Park, sinimulan na ang parada ng mga makukulay na floats sakay ang mga artistang gumanap sa sampung pelikulang kalahok sa MMFF kung saan sabik nainabagan sila ng kanilang mga tagahanga para personal silang makita at makakuha at mga videos.

 

 

Ang sampung pelikulang kalahok sa MMFF ngayong taon ay kinabibilangan ng Firefly, When I Met You In Tokyo, Rewind, Broken Hearts Trip, Mallari, Penduko, Gomburza Family Of Two, K(a)mpon, At Becky & Badette. Ang MMFF 2023 ay bumalot sa makulay na kultura at kasaysayan ng bansa sa pamamagitan ng modernong pagkukuwento.

 

 

Nagtapos ang parada sa Valenzuela City na sinundan ng pagsasara ng programa at film showing sa Valenzuela City People’s Park and Amphitheatre kung saan dinumog ng tone-toneladang Valenzuelanos, kasama si Mayor Gatchalian para saksihan ang movie entries ng MMFF. (Richard Mesa)

“AQUAMAN AND THE LOST KINGDOM” TO HOLD MIDNIGHT SCREENINGS ON DECEMBER 20

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GET ready to dive into the world of Atlantis once again. 

 

Watch the trailer: https://youtu.be/h1fiesc6opk?si=gLijcqFPzplIhyrb

 

Jason Momoa is back on the big screen as the titular superhero in “Aquaman and the Lost Kingdom,” directed by James Wan. As an additional treat for fans, the movie will have midnight screenings on December 20 in IMAX theaters and other cinemas nationwide. For more details, fans can check out the social media pages of their favorite cinemas.

 

Says producer Rob Cowan: “This film really is something you need to experience inside a big theater with a huge screen… because there’s just so much to look at.”

 

“Aquaman and the Lost Kingdom” opens only in cinemas December 20. Tickets are now available. Get your tickets at https://www.aquaman2.com.ph/

 

About “Aquaman and the Lost Kingdom”

 

Having failed to defeat Aquaman the first time, Black Manta, still driven by the need to avenge his father’s death, will stop at nothing to take Aquaman down once and for all. This time Black Manta is more formidable than ever before, wielding the power of the mythic Black Trident, which unleashes an ancient and malevolent force. To defeat him, Aquaman will turn to his imprisoned brother Orm, the former King of Atlantis, to forge an unlikely alliance. Together, they must set aside their differences in order to protect their kingdom and save Aquaman’s family, and the world, from irreversible destruction.

 

All returning to the roles they originated, Jason Momoa plays Arthur Curry/Aquaman, now balancing his duties as both the King of Atlantis and a new father; Patrick Wilson is Orm, Aquaman’s half-brother and his nemesis, who must now step into a new role as his brother’s reluctant ally; Amber Heard is Mera, Atlantis’ Queen and mother of the heir to the throne; Yahya Abdul-Mateen II is Black Manta, committed more than ever to avenge his father’s death by destroying Aquaman, his family and Atlantis; and Nicole Kidman as Atlanna, a fierce leader and mother with the heart of a warrior. Also reprising their roles are Dolph Lundgren as King Nereus and Randall Park as Dr. Stephen Shin.

 

Directed by James Wan, “Aquaman and the Lost Kingdom” is produced by Peter Safran, Wan and Rob Cowan. The executive producers are Galen Vaisman and Walter Hamada.

 

The screenplay is by David Leslie Johnson-McGoldrick, from a story by James Wan & David Leslie Johnson-McGoldrick and Jason Momoa & Thomas Pa’a Sibbett, based on characters from DC, Aquaman created by Paul Norris and Mort Weisinger.

 

Warner Bros. Pictures Presents An Atomic Monster / A Peter Safran Production of A James Wan Film, “Aquaman and the Lost Kingdom,” set to open in theaters internationally beginning 20 December 2023; it will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.

 

Join the conversation online and use the hashtag #Aquaman  (Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”)

(ROHN ROMULO)

Seal of Good Local Governance nasungkit ng Valenzuela

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa pangako nitong itaguyod ang integridad at huwarang serbisyo publiko, nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance (SGLG) mula Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.

 

 

Sa city passing rate na 43%, ang Valenzuela City ay isa 11 sa 17 na lungsod sa National Capital Region (NCR) na kinilala sa pagpasa sa “All-in” assessment approach sa sampung pamamahala tulad ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; BusinessFriendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and Youth Development.

 

 

Sa kanyang pangunahing mensahe, pinuri ni DILG Secretary Atty. Benhur Abalos ang lahat ng pumasa sa SGLG sa pagtatasa sa taong ito.

 

 

“Kaya sa inyo na 493 SGLG passers, nawaý ibahagi po ninyo ang inyong kwento sa ating mga kapwa local official. Kapag may mga pagtitipon o pagsasanay, nawa’y pag-usapan natin ang iba’t ibang paraan kung paano mas mapahusay ang mabuting pamamahala.” pahayag niya.

 

 

Bukod sa prestihiyosong SGLG marker, nag-uwi din ang Valenzuela ng SGLG Incentive Fund na PhP 2.3 Million na eligibility para sa antas ng lungsod upang tustusan ang mga high-impact local development projects na sumusuporta sa sampung lugar ng pamamahala.

 

 

Sa isang panayam, ibinahagi ni Mayor Gatchalian ang kanyang pananabik sa pagpanalo ng SGLG sa kanyang administrasyon.

 

 

“Very meaningful ng araw na ‘to, dahil first-time nating nanalo ng SGLG. Isang karangalan sa’kin bilang Ama ng Lungsod, na nakuha po natin ito, and this, for me, is a motivation to do better in the next years.. Congratulations and thankful to my department heads, City Hall staff, and to the City of Valenzuela for attaining our first SGLG.” ani Mayor Wes.

 

 

Ang SGLG Act of 2019, ay isang institutionalized award, incentive, honor, at recognition-based program na naghihikayat sa mga LGUs na commitment na umunlad at mapabuti ang kanilang performance. (Richard Mesa)

49th MMFF Parade of Stars sinimulan sa Navotas

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN ang kick-off program sa Navotas Centennial Park ng 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars na gaganapin sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) sa pangunguna nina Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman, Atty. Don Artes at Navotas Mayor John Rey Tiangco, kasama ang mga sikat na artistang gumaganap sa sampung pelikulang kalahok sa MMFF ngayon taon, kabilang ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Revira. (Richard Mesa)