• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 19th, 2023

PBBM sinabing mahalaga ang tiwala para makamit ang peace and stability sa Asya

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Marcos Jr., na ang pagtitiwala ang siyang basehan para makamit ang peace and stability sa rehiyon, partikular sa gawa hindi sa salita.

 

 

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kaniyang intervention sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit sa kabila ng mga naiulat na paglabag sa international laws sa geopolitical environment sa Asya.

 

 

Binigyang-diin din ng Chief Executive ang intercontinental ballistic missile tests na ginawa ng Democratic People’s Republic of Korea at ang unilateral actions sa East and South China Sea na nagbabanta sa peace and stability ng rehiyon.

 

 

“We cannot overemphasize that trust is the basis of peace, a trust based on deeds and not merely words, especially in a geopolitical environment increasingly characterized by disruptions, by violation to the international rule of law, as we face common yet complex challenges together,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.

 

 

Dagdag pa ng Pangulo mahalaga na matugunan ang karahasan at ang kalagayan ng mga tao sa Myanmar.

 

 

“While the seat beside us remains empty, Myanmar remains a member of ASEAN and, as a family, we should be ready to help in alleviating the situation through the Five Point Consensus, the United Nations mechanisms, as well as the [ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance on Disaster Management or] AHA Center,” dagdag pa ng Pang. Marcos.

 

 

Samantala, nanawagan din ang Pangulo sa mga ASEAN member countries na ipagpatuloy ang partnership para sa kapaligiran habang tinutugunan ang mga banta sa kapayapaan.

 

 

Malugod ding tinatanggap ng Pilipinas ang inisyatibo ng Japan na magagawa ng Asia Zero Emission Community Summit sa Lunes.

 

 

Nagpahayag din ng suporta ang Pangulong Marcos sa pagpapatibay sa Joint Vision Statement sa ASEAN-Japan Friendship and Cooperation. (Daris Jose)

2,000 ESTUDYANTE NG UDM, NAKATANGGAP NG TIG-P5K TULONG PINANSIYAL

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASA 2,000 estudyante sa kolehiyo ang nakatanggap ng maagang “Pamasko”  makaraang maghatid ng P10 milyon halaga ng educational assistance si Senadora Imee R. Marcos sa Universidad de Manila nitong Biyernes, Disyembre 15.

 

 

Sinalubong ng kapatid ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Liga ng mga Barangay President Konsehala Lei Lacuna si Senadora Imee pagdating nito sa nasabing unibersidad kung saan personal itong nagpasalamat makaraang mapili ang mga piling estudyante dito na maging benepisyaryo ng nabanggit na tulong pinansiyal.

 

 

Nabatid na nakatanggap ng tig-P5,000 tulong pinansyal mula sa programang Assistance to Indivuduals in Crisis Situations (AICS) ng ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga napiling estudyante.

 

 

“Sana makatulong po ito at magamit sa tamang paraan, at kayong lahat ay sana ay maka-graduate sa lalong madaling panahon. Pagka’t yan lang naman ang pangarap nating lahat na makapagtapos ang ating mg anak, makahanap ng maayos na trabaho at maibalik ang tulong sa mga pamilya natin,” ani Senadora Marcos.

 

 

Bukod sa nasabing tulong pinansiyal ay nagbigay din ng mga computer package ang opisina ng senadora para sa mga estudyante. (Jay Reyes)

Nagkasakit na sa kasipagang mag-promote: VILMA, ‘di kalaban ang turing sa makatutunggali sa pagka-Best Actress

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGKASAKIT na ang Star for all Season na si Vilma Santos sa kasipagan na rin siguro  nito sa pagpo-promote ng kanilang MMFF movie na ‘When I Met You in Tokyo’ with Christopher de Leon, na under JG Productions, Inc.  

 

 

At talaga namang hahangaan si Ate Vi sa kasipagan niya.

 

 

 

At kahit na may sakit na at halatang-halata sa boses niya, sumama pa rin siyang talaga sa ginanap na mediacon for their movie.  Kung ang lahat sa cast, including the director ay nasa Holiday Inn kunsaan ginanap ang mediacon, si Ate Vi ay nasa bahay niya at nag-zoom para lang ma-accommodate pa rin ang mga tanong sa kanya ng media.

 

 

 

Sa ginawang ito ni Ate Vi, pwedeng maisip ng iba na hindi na excuse kung may sakit, unless siguro, talagang matter of life and death na hindi makapag-participate sa mga ganap tulad ng mediacon. 

 

 

Masasabing napaka-professional talaga. ‘Yun nga lang, hindi siya nakasama sa ‘Parade of Stars’ last Saturday sa CAMANAVA area.

 

 

“Unfortunately, I’m on sick mode. Pero, hindi pwedeng wala ako riyan dahil isang pamilya ho kami,” sabi niya rin.

 

 

 

At para kay Ate Vi, kahit na may awards at box-office na paglalabanan ang sampung pelikulang kalahok sa MMFF, hindi raw niya ito tinitingnan na kumpetisyon o labanan, lalo na sa mga posibleng makatunggali niya sa pagka-Best Actress.

 

 

 

Sey niya, “Alam niyo, malaking bagay ‘yan, sinasabi nila, ano ang masasabi niyo sa mga kalaban ninyong pelikula? Actually, hindi ko naman sila kalaban.  If you will talk about Marian (Rivera) and Dingdong (Dantes), ninong ako sa kasal nila and then, ‘Becky and Badette,’ kaibigan ko rin si Pokey and Uge. 

 

 

 

“And then, ‘yung kay Shawie (Sharon Cuneta), Shawie is a very close friend. She’s like a sister to me.  Kaya ‘yung sasabihin mo na mga kalaban-kalaban, actually, hindi. 

 

 

 

“Meron lang kasing Metro Manila Film Festival na may mga award, kaya sasabihin mo na magkakalaban.  Pero, malaking bagay sa akin, lalo na sa dalawa kong kaibigan, kay Uge at kay Pokey, sana nga, imbitahan nila ‘ko sa premiere night.”

 

 

 

***

 

 

 

NILINAW ni Attorney Maggie Abraham Garduque, legal counsel ng TAPE, Inc. ang lahat ng mga naglalabasan tungkol sa trademark ng ‘Eat Bulaga.’

 

 

 

Pumanig sa TVJ na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang lumabas na unang desisyon ng IPOPhil. Kaya may mga komento ang mga netizens na dapat daw, ibahin na ng TAPE, Inc. ang title ng kanilang noontime show.

 

 

 

Maraming ipinaliwanag si Attorney Maggie at kung bakit sila pa rin ang gumagamit ng titulong ito. Malinaw rin na aapela ang TAPE, Inc. sa IPOPhil sa loob ng 30 days.

 

 

 

Ang tinanong namin sa kanya, kung sa nangyari, pwede na talagang gamitin ng TVJ ang Eat Bulaga na title?

 

 

 

“Para sa amin po hindi,” sagot naman ni Attorney Maggie. “Kasi, up to this day, if you will check, ang registration po is sa TAPE, Incorporated. As with regards to the registration of Joey de Leon, pending pa rin po.

 

 

 

“So the thing is, there’s still no registration under Joey de Leon of the trademark Eat Bulaga.

 

 

 

“Sa appeal po namin, chineck po namin ‘yan. There’s only two ways para ma-acquire mo ang trademark na ibig sabihin, ikaw po ang may-ari.

 

 

 

“Number one is prior used and number two is registration. Ang prior used ay ginamit po ang trademark na ‘yon in a commercial sense. Kasi, ano po ba ang trademark? Kasi, ang dami na pong lumalabas na technicalities. Ano po ba ang kaibahan ng trademark at copyright. Nagkaroon na ng confusion,” sey niya.

 

 

 

Sa huli, tinanong namin si Attorney Maggie kung gaano sila ka-confident na maipapanalo nga nila ang kaso sa usapin ng trademark.

 

 

 

May mga nagsasabi rin kasi na kahit umapela pa raw sila, ang ending, tulad ng initial result na ang TVJ ang pinaboran ng IPO, baka gano’n na rin hanggang huli.

 

 

 

Sey naman niya, “As a subjudice, ayaw ko pong magsabi ng ganyan. As abogado, ayaw ko pong mag-set ng pressure. Kasi, kapag sinabi mong confident ka, mananalo ka, talagang pine-pressure. Ayaw ko pong magsabi ng gano’n.

 

 

 

“Pero para sa amin, given the basis of our appeal at nabasa ko naman po ang ginawang appeal at nakita rin po namin ang basis ng petition ay sinabi mimo na wala, hindi siya nag-eexist. Kaya para sa amin, dapat bigyan ng due course ang appeal namin.”

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Sa ‘di pa malamang kadahilanan: Veteran actor na si RONALDO, pumanaw na sa edad na 77

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKALULUNGKOT na balita ang sumalubong sa publiko ilang araw bago ang Pasko… namayapa na ang batikan at multi-awarded actor na si Ronaldo Valdez

 

Ayon sa report, mismong ang Quezon City Police District ang nagkumpirma sa naging pagpanaw ng aktor sa hindi pa malamang kadahilanan.

 

Habang tinitipa namin ang kolum na ito ay wala pa ring opisyal na pahayag mula sa naulilang pamilya ni Ronaldo, kabilang na ang kanyang asawa na si Maria Fe Gibbs; at kanilang mga anak na sina actor-comedian Janno Gibbs at Melissa Gibbs.

 

Malaking bahagi ng showbiz industry si Ginoong Valdez; ilan sa kanyang mga hindi malilimutang pagganap ang maraming classic and modern Filipino films gaya ng ‘Labs Kita, Okey Ka Lang?’ at ‘Seven Sundays’ kung saan ang galing-galing niya.

 

Sumikat rin si Ronaldo bilang kauna-unahang Pinoy Colonel Sanders ng KFC.

 

Napanood rin si Ronaldo sa seryeng ‘2 Good 2 Be True’ nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Bilang suporta ay dumalo pa siya sa premiere night ng pelikula ni Kathryn na ‘A Very Good Girl’ noong September 2023.

 

Napanood din si Ronaldo sa maraming serye ng GMA, tulad ng ‘Full House’ ni Heart Evangelista noong 2009.

 

Huling napanood si Ronaldo sa pelikulang ‘Ikaw At Ako’ na napanood pa namin mismo ang red carpet premierekung saan bida sila ni Ms. Boots Anson-Roa at sina Paolo Contis at Rhian Ramos.

 

Hindi naman kami nag-isip ng kung ano sa hindi niya pagpunta dahil inisip namin na baka dahil senior na siya kaya hindi na siya lumalabas kapag gabi.

 

Si Ronaldo Valdez ay seventy-six years old.

 

***

 

ON a lighter note, nakakaaliw ang nangyari kay Darren Espanto sa show niya sa bansang Qatar.

 

Paano naman kasi, napunit ang suot niyang putting pantalon habang sumasayaw siya during his performance.

 

Pinag-usapan at nag-viral ito sa social media at sa media conference ng pelikulang ‘When I Met You in Tokyo’ kamakailan, ikinuwento ni Darren ang nangyari.

 

“Sa aking opening number sa third song, dahil doon sa dance steps, napunit yung pantalon ko!

 

‘It was split in half. Buti na lang yung panloob ko puti rin, kaya wala namang masyadong nahalata.”

 

Pero alam naman ni Darren na ang ganitong wardrobe malfunction ay nangyayari kahit na kaninong performer lalo pa kung live show.

 

“For me, it was a moment I feel like every performer has to go through. Hindi ko rin nasubukang sumayaw with those pants.

 

“Na-fit ko lang yung pants pero doon ko lang nalaman na hindi siya built for dancing.

 

“I’ve heard a lot of stories of ripped pants at saka mostly sa costume changes din mayroon wardrobe malfunction.
“Nasubukan ko na rin yung hindi ako nakapasok sa isang gap dahil hindi ako nakapagbihis agad.

“It happens kapag live shows, lalo na kapag sa TV. You just have to be professional about it.”

 

Lahad pa ni Darren, “Pinahawak ko yung mic sa isang kasama habang nagpapalit ako sa backstage kasi isang medley po yung. Bumalik po ako sa stage na iba na yung pantalon ko.”

 

Samantala, entry sa MMFF 2023 sa December 25 ang ‘When I Met You In Tokyo’ ng JG Productions kung saan bida sina Vilma Santos at Christopher de Leon.

 

Bukod kay Darren ay kasama ng Star For All Seasons at ng Drama King sina Mavy Legapsi at sina Gina Alajar, Lyn Ynchausti, Kakai Bautistya, John Gabriel at si Lotlot de Leon.

 

Ito ay sa direksyon nina Rommel Penesa at Rado Peru.

(ROMMEL L. GONZALES)

PM Kishida nag-host ng banquet para kay PBBM, ASEAN leaders

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IN-ENJOY mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng iba pang Southeast Asian leaders ang Japanese hospitality nang handugan ni Prime Minister Fumio Kishida  ang mga ito at kani-kanilang mga asawa ng banquet sa Asakasa Palace sa Tokyo, Biyernes ng gabi, Disyembre 16.

 

 

Si Kishida at kanyang asawa na si  Kishida Yuko, ay nag-host ng Japanese-themed banquet para kay Pangulong Marcos at iba pang  ASEAN leaders, na kasalukuyang nasa Japan para dumalo sa Commemorative Summit para sa ika-50 taon ng ASEAN-Japan Friendship and Cooperation.

 

 

Ipinakita sa banquet ang talento at artistry ng mga Japanese mula sa performance ng Japanese traditional drums at paggawa ng sushi sa  traditional craftsmanship sa paggawa ng “amezaiku” candy na inialok bilang mga regalo sa mga  ASEAN Leaders.

 

 

Bago ang  banquet, nagbigay muna ng kanyang mensahe si Kishida ukol sa “Peace and Prosperity through Co-creation based on Trust.”

 

 

Nagpahayag naman ito ng kumpiyansa na bagama’t sa gitna ng krisis, ang  Japan at ASEAN ay maaaring makahanap ng solusyon dahil sa kanilang malakas na relasyon ng pagtitiwala.

 

 

“Japan and the regional bloc have also grown together as partners to co-create a society and economy in which people from all walks of life can achieve and enjoy the middle-class dreams,” ayon sa prime minister.

 

 

“This relationship and cooperation allowed Japan and ASEAN to pursue “peace and prosperity,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinuran  pa rin ni Kishida na ang “co-creation at expansion” ng “better economies and societies” ay mas makaka-secure ng “free at open international order” base sa  rule of law.

 

 

Dahil dito, nanawagan si Kishida sa mga  ASEAN leaders na ipresenta sa buong mundo ang kanilang vision para sa future generations.

 

 

Samantala, sa isang Facebook post, kasama ng Pangulo ang kanyang asawa na si Unang Ginang  Liza Araneta-Marcos, nagpahayag ng pasasalamat sa  Japan para sa  “warm hospitality.”

 

 

“Beyond trade, culture, and security, we are partners in our values and aspirations. Thank you always, Prime Minister Fumio Kishida, for the warm hospitality,”  ang sinulat ng Pangulo na may emoticons ng Philippine at Japanese flags.

 

 

Ibinahagi naman ng Pangulo ang group photo ng mga ASEAN leaders at kani-kanilang mga asawa kasama si Kishida bago ang banquet dinner. Nakasuot ang Pangulo ng blue suit na may gray tie habang ang Unang Ginang naman ay nakasuot ng silver gray dress at overcoat.

 

 

Kapwa sila may pin ng Pilipinas sa may bandang kaliwang bahagi ng dibdib.

 

 

Maliban kay Pangulong Marcos at asawa nito, kay Kishida at sa asawa rin nito, dumalo rin sa  banquet sina Cambodian Prime Minister Hun Manet kasama ang kanyang asawa na si  Pich Chanmony, Indonesian President Joko Widodo, Lao Prime Minister Sonexay Siphandone kasama ang kanyang asawa na si  Vandara, at Brunei Sultan Haji Hassan Bolkiah kasama si  Prince Abdul Mateen.

 

 

Dumalo rin sina Malaysian Prime Minister Anwar bin Ibrahim  kasama ang kanyang asawa na si  Wan Aziz;  Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong kasama ang kanyang asawa na si  Ho Ching; Thai Prime Minister Srettha Thavisin, Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh, at East Timor Prime Minister Xanana Gusmao.  (Daris Jose)

Pinas, kailangan ng mga bagong solusyon, mga alyansa para tugunan ang tensyon sa South China Sea -PBBM

Posted on: December 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumaas ang tensyon sa South China Sea.

 

 

Dahil dito, ginagawa at tinatrabaho na ng Pilipinas ang lahat ng makakaya nito para makahanap ng solusyon o kasagutan sa usaping ito.

 

 

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan ng  bansa na “mga bagong solusyon” sa gitna ng umiigting na tensyon sa pinagtatalunang katubigan kontra China.

 

 

“I’m afraid we’ll have to be able to say that tensions have increased rather than diminished for the past months or the past years and that’s why we have to – but we continue to counsel peace and continue communication between the different countries—everyone that is involved,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.

 

 

“And this has become – I sometime say, and I think it still applies, the South China Sea situation is the most complex geopolitical challenge that the world faces,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabila nang  tumataas na maritime tensions, muling inulit ng Pangulo na hindi kailanman manggagaling sa Pilipinas ang anumang bagong ‘conflict’ sa rehiyon.

 

 

Sa patuloy aniya na girian sa pagitan ng Russia-Ukraine, inilarawan niya ito bilang trahedya, walang  bansa sa buong mundo ang nagnanais na magsimula ng bagong labanan lalo na sa Asya.

 

 

“I cannot say that we have found the answer yet. We are still trying to formulate that answer as we speak. And things are moving very quickly in many parts of the China Sea and so there are changes in terms of approaches,” aniya pa rin.

 

 

Pinagtibay naman ng Pangulo na nananatiling committed ang Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at pagsunod sa  rules-based order sa gitna ng tumataas na geopolitical tension sa Asya.

 

 

Tinuran pa rin niya na itutuloy naman ng Pilipinas ang pagkakaroon ng malakas na alyansa sa “like-minded allies”  dahil na rin sa ipinapakitang tunay na hamon ng China sa mga “neighbors” nito sa Asya.

 

 

Hangad din ng Punong Ehekutibo na itaas ang pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at  Japan, sabay sabing “it is a very good example of evolution.”

 

 

Ang Pilipinas ang naging kauna-unahang recipient ng  Japanese Official Security Assistance (OSA).

 

 

This alliance that we have come together with Japan is again, is to show, to help us rather, work together more closely. Because in the military since there is a tactical operation that we really have to train with one another,” ayon kay  Pangulong  Marcos.

 

 

“The so-called interoperability between the different forces and it doesn’t… it is not sufficient actually with just Japan and the Philippines to enter into this agreement. We really must get more of these kind of arrangements in place,” aniya pa rin.

 

 

“This is about the trilateral agreement between the United States, Japan, and the Philippines,” aniya pa rin sabay sabing mayroon dapat na mas maraming kasunduan  pagdating sa multilateral at bilateral levels.

 

 

“I think that really is the pattern that we are seeing to emerge and that is how we are evolving. And that is very good example of evolution,” ayon sa Punong Ehekutibo. (Daris Jose)