• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 20th, 2023

Pinas, kailangan na lumipat mula COVID 19 economy sa paggawa ng structural changes-PBBM

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na ngayong taon ng  2023 ang taon talaga para sa structural changes.

 

 

Tinanong kasi ang Pangulo sa kung paano niya ilalarawan ang kasalukuyang taon, nasa Tokyo, Japan ang Pangulo para sa Asean-Japan Summit.

 

 

Ang pagbisita sa Japan ang pang-17 biyahe ng Punong Ehekutibo ngayong taon, sinabi ng Pangulo na mahalaga na palitan o baguhin ang polisiya mula sa COVID-19 economy.

 

 

“We studied the government, we studied the economy and started to come to a few answers, some of it is structural that we have had to do,” aniya pa rin.

 

 

Tinuran ng Punong Ehekutibo na kabilang sa ilang mahahalagang reporma ngayong taon ay ang pagaanin  ang pagtatayo ng negosyo at pagbabago sa tax structure.  (Daris Jose)

PBBM, lalagdaan ang 2024 National Budget ngayong linggo- Speaker Romualdez

Posted on: December 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG tintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na  batas ngayong linggo ang  P5.76-trillion 2024 national budget.

 

 

“It’s ready for [signing], I think, [on] Wednesday. Wednesday na ata ‘yung signing po,” ayon kay Speaker Martin Romualdez sa mga mamamahayag sa Tokyo, araw ng Lunes.

 

 

Tinanong kasi si Romualdez ng mga mamamahayag kung kailan lalagdaan ng Pangulo ang national budget.

 

 

Idinagdag pa nito na nais sana ni Pangulong Marcos na lagdaan ang  national budget upang maging ganap na batas bago pa lumipad patungong  Japan.

 

 

Nilinaw naman ni Romualdez na nananatiling mayroong ilang printing requirements  ang kailangan bago pa lagdaan ng Pangulo ang  national outlay document.  (Daris Jose)