• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 27th, 2023

Jake Gyllenhaal’s New Comic Book Movie Role, More Exciting Than Returning As ‘Mysterio’

Posted on: December 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

JAKE Gyllenhaal has a new comic book movie role thanks to Prophet, and it is a more exciting project for him than returning as Mysterio. 

 

 

Gyllenhaal finally made the jump to superhero movies in 2019 by playing Quentin Beck a.k.a. Mysterio in Spider-Man: Far From Home. He turned in an excellent performance as the villain in the Marvel Cinematic Universe, leaving audiences hopeful that Mysterio is not dead and will return. There has been no movement in terms of Gyllenhaal reprising his role as Mysterio even as the MCU and Sony’s Spider-Verse further explore the multiverse. This has left the actor to find a new comic book character to play.

 

 

It was announced in 2021 that the Image Comics character Prophet, created by Rob Liefeld in 1992, was getting a movie adaptation. This came with the news that Gyllenhaal would star as the central character, who is a supersoldier with an origin similar to Captain America or The Winter Soldier.

 

 

The timing of Gyllenhaal’s involvement in Prophet came after Spider-Man: Far From Home‘s ending seemingly sealed Mysterio’s fate. While the movie has moved through the development stage a bit slowly ever since the initial announcement, it remains a more exciting comic book movie role for the talented actor than playing Mysterio again for a few reasons.

 

 

Mysterio might be a more well-known character and role at this point, but Prophet is a chance for Jake Gyllenhaal to step completely into the forefront of a comic book movie. As the main character in the movie, he will not take a backseat to any other character or cast member that appears in the Image Comics adaptations. He had plenty of screen time as Mysterio in Spider-Man: Far From Home, but he was still second-fiddle to Tom Holland’s Spider-Man. Unless Mysterio’s next appearance is in a Sony solo movie, reprising his Marvel villain role would once again make him a secondary focus of any film.

 

 

This will not be the case when it comes to Prophet. Playing John Prophet means the movie should be focused squarely on Gyllenhaal’s character and his performance. It also helps that Prophet is a character that holds rich potential in terms of developing him for the big screen, giving an actor of Gyllenhaal’s caliber a chance to fully flesh him out. And while the Image Comics character has a following and has found varying levels of success across the decades, he is not as well-known or iconic as Mysterio. This should also allow Gyllenhaal and the Prophet team a chance to make the character their own without too much backlash.

 

 

The other exciting element that comes from Jake Gyllenhaal’s Prophet movie is the involvement of Sam Hargrave as the film’s director. The former stuntman and stunt coordinator turned heads with his abilities as an action director with Extraction and Extraction 2.

 

 

Jake Gyllenhaal having the opportunity to partake in Prophet‘s practical action scenes is better than more Mysterio illusions. (Source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Hoping na madagdagan para mas marami ang makapanood: MIGUEL at YSABEL, parehong nalungkot na konti lang sinehan ng ‘Firefly’

Posted on: December 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG isyu tungkol sa ‘Firefly’ ay ang pagkakaroon ng kakaunting sinehan na pinagpapalabasan nito ngayong Pasko.

 

 

Ano ang masasabi ni Ysabel Ortega tungkol dito?

 

 

Lahad ni Ysabel, “Of course we’re hoping na as the days go by mas dumami ang sinehan kasi naniniwala po talaga kami sa pelikula.

 

 

“And siyempre gusto namin ng chance na maipakita sa mga tao kung gaano kaganda itong film na ‘to so hopefully talaga hopefully once mapanood nila.

 

 

“Hopefully yung mga reviews that are coming out will be enough para madagdagan pa yung mga sinehan namin.

 

 

“We’re hoping for the best.”

 

 

Tinanong namin si ‘Ysabel’ kung pang-acting award ba ang ipinakita niya sa Firefly?

 

 

“Yung movie talaga na ito is really yung istorya nung mag-nanay so n aniniwala kami na yung performance nila is pang-award winning talaga so we’re rooting for them,” pahayag pa ni Ysabel na ang tinutukoy ay ang mga bida sa pelikula na sina Alessandra de Rossi (bilang si Elay) at Euwenn Mikaell (bilang si Tonton).

 

 

Mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs at sa direksyon ni Zig Dulay at panulat ni Angeli Atienza, nasa cast rin ng ‘Firefly’ sina Cherry Pie Picache, Yayo Aguila, Max Collins, Kokoy de Santos, Epy Quizon at si Dingdong Dantes.

 

 

***

 

 

“AKO personally malungkot,“ ang deretsahang pag-amin naman ni Miguel Tanfelix nang tanungin rin namin tungkol sa kakaunting sinehan ng Firefly na entry sa MMFF 2023.

 

 

“Dahil pag maganda yung output ng ginawa niyo, siyempre inaasahan mo, gusto mo mapanood ng maraming tao.

 

 

“Na matuto sila sa film ma-appreciate nila yung film.

 

 

“Kaso iyon nga, pag konti yung sinehan mas less yung opportunity nilang mapanood yung film namin kaya… hindi ko naman alam yung proseso diyan so ang magagawa ko na lang is malungkot,” at natawa si Miguel.

 

 

Umaasa rin si Miguel, tulad ni Ysabel, na habang dumadaan ang araw, sa pamamagitan ng word of mouth tungkol sa kagandahan ng ‘Firefly’, ay mas dumami pa ang mga sinehang pagpapalabasan nito.

 

 

“Iyon na nga e, so kailangan word of mouth na ibalita nila sa mga kapitbahay nila, Kapamilya nila, Kapuso nila, na Maganda yung film namin dahil kami, naniniwala kami sa film.”

 

 

Pang-award ba ang acting ni Miguel sa Firefly?

 

 

“Ibigay na po natin sa film, kay direk, kay ate Alex, kay Euwenn.

 

 

“Kami, kung bibigyan niyo po bakit hindi,” at tumawa si Miguel.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Kasama ang charot, kilig at grabe… HEART, happy na nag-share ng six favorite Tagalog words

Posted on: December 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HAPPY na nag-share si Heart Evangelista ng six favorite Tagalog words niya during sa cover shoot ng Harper’s Bazaar Singapore.

 

 

Sa IG ng naturang mag, pinost ang video ni Heart na parang tinuturo sa kausap niya ang ilang Tagalog words. Una rito ay ang “Charot.”

 

“Charot, meaning like C-H-A-R-A-U-G-H-T, like it’s more saucy. The meaning of this is more like just kidding or whatever, so we use this a lot. It’s a very funny word.”

 

Sunod ay “Kilig”: “Basically, when you see someone, like if you see your favorite K-pop star, or when you see your crush, ‘Oh my gosh, ‘I’m so kilig,’ like that.”

 

Pangatlo ay “Nakakapagpabagabag”: “So nakakapagpabagabag is like, it’s bothersome, or ‘I’m bothered’”

 

Pang-apat ay “Ayoko na”: “It means I don’t want. You can also use it like ayoko na, meaning I cannot anymore.”

 

The fifth and sixth ones are “Grabe” and “Kaloka”: “Grabe, it’s like extremezYou can use it all the time, like, ‘Grabe, it’s so hot.’ Kaloka as an expression you can use to describe an extreme or crazy-like situation.”

(RUEL J. MENDOZA)

Investments mula sa byahe ni PBBM, umabot sa mahigit P4 Trillion —DTI

Posted on: December 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa P4.019 trillion o US$72.178 billion ang pinagsama-sama, pinagtibay at pinrosesong investment mula sa foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ito ang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ipinalabas na kalatas ng Presidential Communications Office (PCO).

 

 

Ayon sa departamento, ang mga investments ay nasa iba’t ibang stages, sabay sabing ang halaga ay pinagsama-samang 148 mga proyekto.

 

 

Inilarawan pa ng DTI ang pamumuhunan bilang negosyo, sabay sabing “investment promotion agency (IPA) registered with operations (US$205.53M or P11.4B), Business/IPA registered (US$983.21M or P54.75B) IPA registration in progress operations (US$5.079B or P282.8B), signed agreement with clear financial project value (US$9.771B or P544.152B), signed memorandum of understanding/letter of intent (MOU/LOI) (US$28.529B or P1.588T) and confirmed investment not covered by MOUs/LOIs and those that are still in the planning stage (US$27.345B or P1.522T).”

 

 

Winika pa ng departmento na masusi nitong mino-monitor ang 20 proyekto na may go signal at rehistrado na sa IPAs ng DTI, Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

 

 

Sinabi pa ng DTI na karamihan sa mga investments sa naturang sektor ay “manufacturing, IT-BPM, renewable energy, data centers at telecommunications.”

 

 

Samantala, sinabi ng DTI na ang business engagements sa naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa Tokyo, Japan para sa ASEAN-Japan Commemorative Summit ay idinagdag sa ginagawang pagmo-monitor ng ahensiya, kabilang ang US$263.08 million o P14B ng total value at siyam na investments sa kabuuang bilang ng mga proyekto.

 

 

Iniulat ng DTI na mayroong tatlong tinintahan na kasunduan na may malinaw na financial project value na nagkakahalaga ng US$85.07 million at anim na MOU/LOI na nagkakahalaga naman ng US$178.01 million.

 

 

Idagdag pa rito, ang naging partisipasyon ni Pangulong Marcos Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa San Francisco, California ay idinagdag din sa DTI monitoring, kabilang ang US$672.3 million o P37.2 billion sa kabuuang halaga at anim na investments sa kabuuang bilang ng mga proyekto.

 

 

Matatandaang, napaulat na inulan ng kritisismo ang madalas na foreign trips ni Pangulong Marcos mula nang magsimula ang kanyang administrasyon, subalit idinepensa naman ni Pangulong Marcos ang kanyang mga naging pagbyahe sa ibang bansa, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na ang kanyang partisipasyon at pagdalo sa mga events sa ibang bansa ay makatutulong para isipin ng mga ito (ibang bansa) ang Pilipinas.

 

 

Winika pa ni Pangulong Marcos na dapat tingnan ng publiko ang balik na investments sa mga nakalipas niyang pagbiyahe. (Daris Jose)

JC, palaban din bilang best supporting actor: PIOLO, napakahusay sa ‘Mallari’ kaya matindi ang laban sa Best Actor

Posted on: December 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MISMONG Araw ng Pasko, Disyembre 25, sa pagsisimula ng 49th Metro Manila Film Festival, nang mapanood namin ang pinag-uusapang historical fiction/horror film ng Mentorque Productions, ang “Mallari” na pinagbibidahan ni Piolo Pascual.

 

May ibang pakiramdam na sa pagsisimula ng pelikula ay bubungad ang logo ng Warner Brothers Pictures kasabay ng musical score, ang lakas maka-Hollywood.
At kasunod nito ang panimulang pasabog na katatakutan hatid ng unang Mallari.

 

Ang pangunahing karakter na nakabatay nga sa first documented serial killer sa Pilipinas na si Fr. Juan Severino Mallari.

 

Tatlong characters ang mahusay na nagampanan ni Piolo, una ang orihinal na Juan Severino noong 1812, bilang John Rey Mallari noong 1946 na gumagawa ng mga dokumentaryo noong post-World War II, at sa present day bilang Jonathan Mallari, na isang doktor na naghahanap ng lunas para sa kanyang kasintahan (Janella Salvador), na nakita sa panaginip sa mamamatay sa darating na panahon.

 

Ang screenplay ng ‘Mallari’ ay gumawa ng paraan para ipakita ang paglalakbay ng mga Mallari sa pamamagitan ng astral projection.

 

Sa pagsisimula ng kuwento, si Dr. Jonathan Mallari ay bumalik sa ancestral home ng kanyang pamilya sa probinsya bago ito ibenta, sa pag-asang mahahanap ang sagot sa isang tuluy-tuloy at nakababahalang panaginip tungkol sa kanyang sarili at sa kanyang kasintahan.

 

Kasama rin niyang bumalik si Lucas (JC Santos) na naging tapat sa kanya sa buong buhay niya, na isa ring semenarista.

 

Sa kabuuan ng kanilang pamamalagi sa lumang bahay, may mga nangyari na naman na ‘di maipaliwanag na krimen. At natuklasan ni Jonathan na may higit pang natatagong sikreto bukod sa maalikabok na kasangkapan at mga rebulto.

 

Sa natatanging karakter ang ginampanan ni Piolo Pascual, mula sa pagtalon-talon sa tatlong magkakaibang panahon, na may mga senaryo ito na lumilipat mula sa mga isang bangungot pabalik sa katotohanan.

 

Sa tindi ng ginawa ni Piolo at sinasabing ito na ang pinaka-challenging na role ng kanyang career, isa siya sa mahirap na talunin sa pagiging Best Actor sa ‘Gabi ng Parangal’ ng 2023 MMFF na gaganapin ngayong gabi sa New Frontier Theater.

 

Maging si JC Santos, ay malakas din ang laban sa supporting actor category.

 

Nagpakitang gilas din sa kanilang pagganap sina Janella Salvador, Elisse Joson at si Ms. Gloria Diaz.

 

Strong contender din ang ‘Mallari’ sa Best Picture, Best Director at iba pang technical awards tulad ng cinematography, editing, musical score, at production design.

 

At dahil usap-usapan nga at marami ang natakot at napasigaw sa pelikula na mula sa direksyon ni Derrick Cabrido, as of December 26 ay higit 100 cinemas nationwide na ang ‘Mallari’.

 

Kaya pahuhuli ka pa ba sa paghahanap ng ‘sisiw’, sugod na sa malapit na sinehan sa inyong mga lugar.

 

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino.

(ROHN ROMULO)

Utos ni PBBM, patuloy na pagbabawas sa import duty rates sa bigas, mais at karne

Posted on: December 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINALAWIG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pansamantalang modipikasyon o pagbabago sa rates ng import duty sa bigas, mais at meat products hanggang Disyembre 2024 upang masiguro na abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon at African Swine Fever.

 

 

Sa paglagda sa Executive Order No. 50, sinabi ni Pangulong Marcos na nabigyan ng katuwiran ng kasalukuyang kondisyon ng ekonomiya ng Pilipinas ang ekstensyon ng aplikasyon ng pagbabawas sa tariff rates sa bigas, mais at karne ng swine products para mapanatili ang “affordable prices” sa merkado.

 

 

“The present economic condition warrants the continued application of the reduced tariff rates on rice, corn, and meat of swine (fresh, chilled or frozen) to maintain affordable prices for the purpose of ensuring food security, managing inflationary pressures, help augment the supply of basic agricultural commodities in the country, and diversify the country’s market sources,” ang inihayag ng Pangulo sa EO.

 

 

Nito lamang Disyembre 22, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang anim na pahinang EO, ayon sa Presidential Communication Office (PCO).

 

 

Kung matatandaan, ininendorso ng National Economic Development Authority (NEDA) ang ekstensyon ng binawasang Most Favored Nation (MFN) tariff rates para sa mga pangunahing bilihin gaya ng bigas, mais at karne hanggang Disyembre 31, 2024.

 

 

‘The Board endorsed the proposed executive order to extend the reduced Most Favored Nation (MFN) tariff rates on selected commodities covered by Executive Order No.10 series of 2022, including pork corn and rice until December 31, 2024,” ayon Kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan.

 

 

”Thus, the tariff rates for pork will remain at 15 percent in-quota and 25 percent out quota, corn at 5 percent in-quota and 15 percent out-quota, and rice at 35 percent both in-quota and out-quota for the extended period,” dagdag na pahayag ni Balisacan.

 

 

Sa ilalim ng Seksyon 1608 ng Republic Act No. 10863, Customs Modernization and Tariff Act, may kapangyarihan ang Pangulo na itaas, bawasan at alisin ang rates ng import duty para sa kapakanan ng sambayanang Filipino at national security at bilang tugon na rin sa rekumendasyon ng NEDA.

 

 

Samantala, inatasan naman ni Pangulo Marcos ang NEDA Committee on Tariff and Related Matters na magsumite ng kanilang mga natuklasan at rekomendasyon ukol sa semestral at annual review ng tariff rates kabilang na ang analysis at monitoring ng subject commodities. (Daris Jose)

Ads December 27, 2023

Posted on: December 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments