• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 28th, 2023

Vice President Sara nagbabala sa solicit scam

Posted on: December 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAALALA sa publiko si Vice President Sara Duterte laban sa mga scammer na gumagamit ng kaniyang pangalan para makapang-scam ng pera.

 

 

“Mag-ingat sa mga tao o grupong mangongolekta sa inyo ng pera gamit ang aking pangalan,” ayon kay Duterte sa Facebook page post niya.

 

 

Sinabi niya na karaniwang nagpapakilala ang mga scammer na mula sa Bureau of Customs o ibang ahensya ng pamahalaan at sinasabi na ang pera ay mapupunta para sa proyekto ng kaniyang tanggapan.

 

 

“Ito ay isang scam,” giit ni Duterte.

 

 

Wala umano siyang ina-awtorisa na anumang uri ng pagso-solicit ng pera at walang sinumang bininigyan ng permiso para sa politika o iba pang bagay.

 

 

“Huwag kayong magpaloko. I-report ang inyong nalalaman tungkol sa mga scam na katulad nito sa PNP,” ayon pa sa Bise Presidente. (Daris Jose)

Dapat may tamang dahilan at ‘di basta nireregalo: HEART, against sa pagpapa-ampon at pagbibigay ng pet

Posted on: December 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT kagagaling lamang sa sakit ay lumagare na sa trabaho si Lotlot de Leon.

 

 

Nag-negatibo naman siya sa swab test para sa COVID-19 pero matinding ubo at sipon ang dumale sa mahusay na aktres ilang araw bago mag-Pasko.

 

 

Mabuti na lamang at isang araw bago ang taping niya para sa ‘Makiling’ na bagong serye ng GMA ay gumaling na siya, at mabuti na rin ang pakiramdam niya sa bisperas ng Pasko.

 

 

Kaya naman Christmas day mismo ay nakapagluto pa siya ng mga pagkain, tulad ng liempo, na request kay Lotlot ni Janine Gutierrez.

 

 

Tuwing Pasko, mismong December 25  ay dumarating ang lahat ng mga anak ni Lotlot na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine Gutierrez para doon maghapunan kasama sina Lotlot at mister nitong si Fadi El-Soury.

 

 

After Christmas ay tumungo naman sa Batangas si Lotlot para sa shooting ng isang bagong pelikula na hindi pa maaaring isulat ang mga detalye.

 

 

Samantala, haping-happy si Lotlot dahil malakas ang kinikita sa box-office ng ‘When I Met You In Tokyo’ na reunion movie ng ama niyang si Christopher de Leon at Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos.

 

 

Isa nga ang nabanggit na pelikula na pinipilahan ng mga moviegoers na nagbabalik-sinehan na matapos ang mahabang panahon ng pandemya.

 

 

Saksi kami na ang susyal at high-end na Glorietta 4 sa Makati ay pagkahaba-haba ng pila ng mga taong bumibili ng tickets at halos lahat ng sinehan ay puno, tulad ng mga sinehan sa naturang mall na pinagpapalabasan ng -‘When I Met You In Tokyo,, ‘Rewind’ at “Firefly.’

 

 

Sana nga, tuluy-tuloy na ang muling panonood ng sine ng publiko at sana rin nga, bumaba na ang presyo ng tickets para makapanood ng pelikula.

 

 

***

 

 

AGREE kami ng one hundred percent sa pahayag ni Heart Evangelista na hindi dapat ginagawang Christmas gift ang aso, pusa o anumang hayop.

 

 

Ayon kay Heart ang pagpapa-ampon at pagbibigay ng pet ay dapat na may tamang dahilan at rason at hindi dapat basta-basta na lamang nagreregalo ng pet animals.

 

 

“I’m really against that,” mariing sinabi ni Heart, “ako, hindi ko maintindihan kahit yung sa simpleng birthday party na merong rabbits na ipinamimigay or animals na pinamimigay.

 

 

“Kasi buhay yun e, kailangang maging choice yun ng kung sino man ang kukuha na mabigyan ng magandang buhay ang aso o ang pet na ibinibigay sa kanila.

 

 

“So dapat choice nila ‘yun. It never should be a gift.”

 

 

May proseso ang pagbibigay at pagtanggap at pag-aalaga ng aso o anumang uri ng pet.

 

 

“Unless matagal na talagang gusto ng pamilya, ng anak na magkaroon ng aso, at whether maalagaan ng bata or not, the parents would be 100% there. So yes, okay,” lahad ni Heart.

 

 

“But you always have to adopt a pet for the right reasons.”

 

 

May ilang tips pang inihayag si Heart tungkol sa pag-aalaga ng mga hayop sa darating na Bagong Taon na may mga putukan dahil sa fireworks bilang takot sa ganoong malalakas na ingay ang mga hayop lalo na ang mga aso.

 

 

“Usually pag ganiyan, talagang mine-make sure namin they’re in a room, naglalagay din kami ng towels as much as possible sa mga butas ng pinto. We try to make the room as soundproof as possible.

 

 

“Pero the reality is hindi rin siya 100% soundproof. So as long as they are with their loved ones at mga kasama sa bahay at lagi silang pine-pet, just keep them calm, that’s the best thing you could do. But hindi dapat sila ‘yung nakatali o nakakulong sa labas,” saad pa ni Heart.

(ROMMEL L. GONZALES)

Experience the thrill of “Aquaman and the Lost Kingdom” in IMAX, 4DX, and Uptown Tempur Cinemas till January 7

Posted on: December 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AQUAMAN fans, get ready for an underwater adventure like no other! The much-anticipated sequel, “Aquaman and the Lost Kingdom,” starring the charismatic Jason Momoa, continues to make waves in cinemas. This holiday season, from December 25 to January 7, immerse yourself in the stunning visuals and gripping storyline in IMAX theaters, 4DX, and the luxurious Uptown Tempur Cinema at Uptown Mall, Taguig.

 

 

For an added dose of excitement, visit “The Aquaman Tunnel Experience” at SM Mall of Asia, Level 3, South Entertainment Mall. Immerse yourself in the enchanting world of Atlantis, capture memories with life-size Aquaman and Black Manta displays, and enjoy a captivating video tour of the Kingdoms of Atlantis! This immersive experience is open throughout December and is not to be missed.

 

 

A Battle of Epic Proportions

 

In this sequel, Aquaman faces an even greater challenge. Black Manta, thirsting for revenge and armed with the formidable Black Trident, poses a dire threat to Aquaman, his family, and the entire world. To triumph, Aquaman must form an unlikely alliance with his once-enemy, Orm. The stakes are higher than ever in this battle to save the kingdom and the world from destruction.

 

 

Star-Studded Cast Returns

 

Jason Momoa shines as Arthur Curry/Aquaman, juggling his responsibilities as the King of Atlantis and a new father. The cast also includes Patrick Wilson as Orm, Amber Heard as Mera, Yahya Abdul-Mateen II as Black Manta, and Nicole Kidman as Atlanna. Dolph Lundgren and Randall Park reprise their roles, adding depth to this dynamic ensemble.

 

 

Behind the Scenes: A Creative Powerhouse

 

Directed by James Wan, the film is a product of collaboration among Peter Safran, Wan, and Rob Cowan, with a screenplay by David Leslie Johnson-McGoldrick. It’s a Warner Bros. Pictures presentation in association with Atomic Monster and The Peter Safran Production.

 

 

Join the Global Excitement

 

Aquaman and the Lost Kingdom” promises an unforgettable cinematic experience. Be part of the global excitement and follow the conversation online using the hashtags #Aquaman and #TunnelExperience. Secure your tickets at aquaman2.com.ph and prepare for an epic journey under the sea!

(ROHN ROMULO)

Glass case sa palibot ng Nazereno, planong lagyan

Posted on: December 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ng bagong Traslacion committee plan na maglagay ng kahong salamin o glass case sa palibot ng 400 taong gulang na imahe ng Itim na Nazareno para sa pagbabalik ng prusisyon sa Enero 9.

 

 

Isinasagawa na ang preparasyon dahil sa inaasahang pananabik ng mga deboto makaraang matigil ang Traslacion ng tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic .

 

 

Sinabi ni Quiapo Church Parochial Vicar Father Jesus Madrid Jr., na umabot ng milyon ang dumagsa kaya asahan aniyang mas higit pa ang dadagsa sa Enero.

 

 

Ang paghahanda ng komite ay upang maprotektahan ang imahe ng Itim na Nazareno mula sa pagkasira sa pamamagitan ng paglalagay ng kahon na salamin o glass case sa palibot nito ngunit nakalitaw ang bahagi ng krus sa labas para sa mga nagnanais pa rin na makahawak.

 

 

“Iwas akyat ang mga tao o sumampa sa andas natatakpan kasi si Hesus. Historically noon wala namang umakyat o sumasampa. Gusto rin namin ligtas ang prusisyon tendency maapakan tulakan praktikal na dahilan. Maiwasan madumog masira ang imahen,” dagdag ni Father Madrid.

 

 

Iniinspeksyon na rin ngCkomite ang ruta ng prusisyon mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church para sa mga nakalaylay na kable, sanga ng puno at bukas na mga manhole.

 

 

Samantala, magsasagawa ng  “Paghalik” ang Simbahan ng Quiapo sa  Quirino Grandstand mula Enero 6 hanggang Enero 9 matapos ang misa ng alas 6 ng gabi. GENE ADSUARA

No extension sa December 31 deadline sa PUV consolidation – DOTr

Posted on: December 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINDIGAN ang Department of Transportation (DOTr) na wala nang extension na gagawin ang pamahalaan hinggil sa December 31, 2023 deadline para sa consolidation o pagsasama-sama sa isang kumpanya o koope­ratiba ang lahat ng pampasaherong sasakyan sa buong bansa.

 

 

Sinabi ni Transportation Undersecretary John Batan, tagapagsalita sa usapin ng PUV Modernization ng LTFRB,  hindi anya nagbabago ang desisyon ng pamahalaan sa itinakdang deadline ng consolidation ng mga pampasaherong sasak­yan hanggang December 31 upang mabigyang daan na ang jeepney modernization program ng pamahalaan. Ito anya ay sa kabila ng mga request ng mga  jeepney group na ma-extend pa ang deadline sa jeepney consolidation.

 

 

Kaugnay nito, sinabi rin ng militant transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) na kahit ipagpilitan ng gobyerno ay hindi sila pasasailalim sa consolidation.

 

 

Sa panayam kay Mody Floranda, national president ng Piston, sinabi niya na pahirap sa mga jeepney operators at dri­vers ang consolidation dahil tanging ang nanga­ngasiwa sa kumpanya o kooperatiba lamang ang makikinabang dito.

 

 

Inireklamo rin ni Floranda ang mahigit P300,000 na membership fee na kinukuha sa isang operator ng jeep oras na magpamiyembro ito sa kooperatiba at wala silang P2.8 milyong pondo para ipambili ng isang sariling airconditioned jeep para makapag-operate.

 

 

Aniya, hihintayin ng Piston ang gagawing desisyon ng Korte Suprema sa kanilang apela na maihinto ang PUV consolidation at jeepney modernization.

 

 

Sinabi ni Floranda na December 20 ngayong taon nila naisampa ang apela sa SC at inaasahang magpalabas ito ng desisyon sa December 28 o hanggang sa unang linggo ng Enero 2024

 

 

Bukod dito, bago anya ang December 31consolidation deadline ay magsasagawa sila ng isang malawakang tigil pasada upang iparating sa pamahalaan ang kanilang kahilingan na maihinto ang jeepney consolidation at PUV modernization.

 

 

May 100-libo anyang miyembro ang Piston na maaaring magutom at madagdag sa mga jobless pinoy sa susunod na taon.

 

 

Giit ng Piston na isailalim sa rehabilitasyon ang mga unit at huwag mai-phaseout sa pamamagitan ng jeeney consolidation at PUV modernization. (Daris Jose)

Mahigit 200K job opportunities, nabuksan dahil sa pagbyahe ni PBBM sa ibang bansa

Posted on: December 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG umabot na sa 200,000 job opportunities ang inialok ng gobyerno sa mga Filipino dahil sa mga official foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa last quarter ng 2022 hanggang 2023.

 

 

Ito ang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI).

 

 

Tinukoy ng Presidential Communications Office (PCO) ang data mula sa DTI kung saan makikita na ang pagbyahe ni Pangulong Marcos sa ibang bansa noong 2022 ay nakalikha ng 7,100 job opportunities mula Indonesia (September 4-6); 14,932 job opportunities mula Singapore (September 6-7); at 98,000 job opportunities naman mula New York (September 18-24).

 

 

Bitbit din ni Pangulong Marcos pauwi ng Pilipinas noong nakaraang taon ang 5,500 job opportunities mula sa kanyang naging pagbisita sa Thailand noong November 16-19; at 6,480 job opportunities mula Belgium (December 11-14); at 730 job opportunities mula naman sa Netherlands (December 15-17).

 

 

Para naman sa taong 2023, sinabi ng DTI na ang pagbisita ng Pangulo sa China noong January 3-5 ay nagbukas ng 32,722 job opportunities; 24,000 job opportunities mula Japan (February 8-12); 6,386 job opportunities mula Washington, DC (April 30-May 4); at 8,365 job opportunities mula Malaysia (July 25-27).

 

 

Ang naging byahe naman ni Pangulong Marcos sa Singapore on September 14-17 also yielded 450 job opportunities; 2,550 job opportunities from the United States (November 14-17); and 15,750 job opportunities from Japan (December 15-18).

 

 

Samantala, umabot sa P4.019 trilyon o US$72.178 bilyong halaga ng mga pamumuhunan ang resulta ng mga pagbisita sa iba’t ibang  bansa ni Pangulong Marcos.

 

 

Sinabi ng DTI na ang P4 trilyong halaga ng investments ay binubuo ng 148 na proyekto na karamihan ay nasa mga sektor ng manufacturing, IT-BPM, renewable energy, data centers at telecommunications.

 

 

Ayon sa DTI, ang mga business engagements sa pagbisita ng Pangulo sa Japan para sa ASEAN-Japan Commemorative Summit ay dumadagdag din sa US$263.08 milyon o P14B kabuuang halaga ng nine investments.

 

 

Mayroon ding tatlong nilagdaang kasunduan na nagkakahalaga ng US$85.07 milyon, at anim na MOU/LOI na nagkakahalaga ng US$178.01 milyon.

 

 

Ang pagbisita ng Pangulo sa US para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa San Francisco ay nagdagdag ng US$672.3 milyon (P37.2B) sa kabuuang proyekto.

 

 

Kabilang dito ang US$400M (P2.2B) sa telekomunikasyon, US$2M (P110M), artificial intelligence (AI); US$250M (P13B), manufacturing; US$20M (P1.1B), health sciences/pharma manufacturing/health services; US$300,000 (P16M), energy. (Daris Jose)

Ads December 28, 2023

Posted on: December 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, ipinangalan at muling ipinangalan ang PNP camps, real properties sa mga dating police officers

Posted on: December 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINANGALAN  at muling ipinangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 8 Philippine National Police (PNP) camps at real properties sa mga dating police officers na nagbigay ng huwarang serbisyo sa bansa at sa mamamayan.

 

 

Nagpalabas si Pangulong Marcos ng Proclamation Nos. 429 at 430 para sa dahilang ito, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

 

 

Sa ilalim ng Proclamation No. 429 nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Disyembre 20, ipinangalan at muling ipinangalan ni Pangulong Marcos ang mga sumusunod na property gaya ng “isang donated na lote sa PNP sa Pasacao, Camarines Sur bilang Camp Brigadier General Ludovico Padilla Arejola; isang donated na lote sa Police Regional Office-5 (PRO 5) bilang Camp Captain Salvador Jaucian del Rosaro, Sr; Camarines Sur Police Provincial Office bilang Camp Colonel Juan Querubin Miranda; 50th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 5 bilang Camp Police Max Jim Ramirez Tria; at Camp Efigenio C Navarro, PRO MIMROPA Headquarters bilang Camp Brigadier General Efigenio C Navarro.”

 

 

“It is fitting to give honor to former servicemen who have shown patriotism, courage, and dedication in serving the country and the provinces to which they are assigned, and distinguished themselves in their service to the nation, by way of naming and renaming PNP facilities in their honor,” sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

Samantala, sa ilalim ng Proclamation No. 430 na nilagdaan din ni Bersamin noong Disyembre 20, ipinangalan ni Pangulong Marcos at muling ipinangalan ang mga sumusunod na property sa mga sumusunod:

 

 

Police Regional Office 12 ng General Santos City bilang Camp General Paulino T. Santos, Police Regional Office 12; Biliran Police Provincial Office bilang Camp Private Andres P. Dadizon, Police Regional Office 8; at

 

 

Camarines Sur 1st Provincial Mobile Force Company Headquarters bilang Camp 2LT Carlos Rafael Paz Imperial, Police Regional Office 5.”

 

 

Tinukoy ni Pangulong Marcos ang Seksyon 2 ng Republic Act No. 10086, o Strengthening People’s Nationalism sa pamamagitan ng Philippine History Act sa pagpapangalan at muling pagpapangalan sa PNP camps at properties.

 

 

Ang nasabing probisyon ay nagpapalakas ng “people’s nationalism, love of country and respect for its heroes at pride for people’s accomplishments.” (Daris Jose)

Tumatalakay sa mental health at suicide… Direk NJEL, maghahatid ng napapanahong pelikula na ‘Must Give Us Pause’

Posted on: December 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG napapanahon na pelikula ang hatid ng award-winning writer-director na si Njel de Mesa, ang “Must Give Us Pause,” na tungkol sa mga taong nawalan ng minamahal sa buhay nung pandemya at hindi man maayos na makapagpaalam.

 

 

Ang “Must Give Us Pause” na idinirehe, isinulat, at prinodyus ni Direk Njel na ang mga katauhang ginampanan ng mga bida ay magsisilbing hudyat sa ating mga puso at isipan para lalong mahalin ang ating mga buhay.

 

 

Ang pelikulang ito ay may malalim na paksang tumatalakay sa mental health at suicide isang tema na kailanman ay hindi dapat nawawala sa ating pansin.

 

 

“Iyakan kami parati sa set. Intense ang mga eksena dahil mahuhusay ang mga artista namin,’ pahayag ni Direk Njel.

 

 

Tampok sa pelikula ang dating ka-love team ni Sam Concepcion na si Cheska Ortega, sa rating musical film na “Pop Class” na pinagtulungan ni Direk Njel at Direk Paul Soriano.

 

 

Kasama rin ang NDM talent na si Shaneley Santos na talaga nga namang todo todo at sunud-sunod ang projects sa NDMstudios.

 

 

“Napakaganda po at kakaiba ang pelikula namin kasi wala pang tumatalakay sa impact ng mga namatayan nung pandemya, na hindi man lang nila nasamahan sa ospital ang mga mahal nila sa buhay,” sabi ni Shaneley.

 

 

Ang “Must Give Us Pause” ay hindi lamang isang drama. Ito ay isang mahalagang salamin ng realidad na kinakaharap ng maraming tao sa ating lipunan. Ito ay puno ng mga eksena na magdudulot ng mga luha at damdamin na magpapakilala sa atin sa mga taong patuloy na lumalaban sa kanilang mga personal na laban.

 

 

Ang kagandahan at pagiging kontrobersyal ng “Must Give Us Pause” ay naka-angkla sa kanyang paksa, ang mental health at suicide, mga usaping madalas na itinatabi ngunit kailangang harapin.

 

 

Kinunan ang kabuuan ng “Must Give Us Pause” sa Singapore, sa pakikipagtulungan ng Singapore Tourism Board na nagbigay ng kahanga-hangang backdrop sa pelikula.

 

 

Ang pagkakataong ito ay nagbigay-daan upang maipakita ang kahanga-hangang kultura at magagandang tanawin ng Singapore habang tinatalakay ang mahahalagang isyu.

 

 

Hindi maipagkakaila na ang “Must Give Us Pause” ay isang makabagbag-damdamin na pelikula na naglalayong magbuhat sa atin sa ating mga upuan, pukawin ang ating mga isipan, at hikayatin ang bawat isa na maging bahagi ng pag-uusap patungkol sa mental health at suicide.

 

 

Kasama natin ang buong mundo, sa pagsasabay-sabay na pagharap sa reyalidad ng mental health at suicide. Sa pamamagitan ng “Must Give Us Pause”, tayo ay magiging saksi sa mga kuwentong hindi lamang magpapaluha, kundi magpapabago rin ng pagharap sa buhay.

 

 

Malapit na itong ipalabas sa mga sinehan na sa susunod na taon.

 

(ROHN ROMULO)

Kasama sina Ethan at Summer: LJ, ramdam ang happiness sa first Christmas nila ni PHILIP

Posted on: December 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

RAMDAM mo ang happiness kay LJ Reyes nang mag-celebrate ito ng first Christmas kasama ang kanyang mister na si Philip Evangelista. 

 

 

Noong nakaraang Pasko, Mrs. Evangelista na si LJ.

 

 

Kasama sa Christmas photo nila LJ at Philip ang kanyang mga anak na sina Ethan Akio and Summer Ayana. Mga anak nito ni LJ sa mga dating partners na sina Paulo Avelinon at Paolo Contis.

 

 

Caption pa ni LJ: “I can’t ask for more in this lifetime. Merry Christmas everyone!”

 

 

Kinasal sina LJ and Philip noong October 7 sa The Bevin House in New York. Tumira si LJ sa New York kasama ang mga anak noong 2021 pagkatapos silang maghiwalay ni Paolo Contis. Nakilala niya si Philip a year after at ngayon ay mag-asawa na sila.

 

 

Mukhang wala pang balak na umuwi ng Pilipinas si LJ dahil wala naman siyang dahilan para magbakasyon dito. Nasa New York na ang kanyang kapatid at ina, pati na ang mga anak niya.

 

 

Kung showbiz career ang pag-uusapan, mukhang kuntento na si LJ sa narating niya dahil nanalo na siya ng best actress award mula sa Gawad Urian noong 2016 para sa pelikulang ‘Anino Sa Likod Ng Buwan.’

 

 

***

 

 

BALIK sa pagiging kontrabida si Kyline Alcantara sa upcoming adaptation of the hit K-drama ‘Shining Inheritance.’

 

 

Sa teaser video ng naturang teleserye, makikita na agad ang look at ano ang magiging character ni Kyline na siyang magiging hadlang sa buhay ng character ni Kate Valdez.

 

 

Huli nga raw nagkontrabida si Kyline ay sa ‘Kambal Karibal’ noong 2018 pa. Kaya muling nilabas ng Sparkle star ang kanyang husay sa pagmamaldita.

 

 

“So nice to be back!” sey ni Kyline na ang co-stars ay sina Paul Salas, Michael Sager and Ms. Coney Reyes.

 

 

Ang mga original stars ng Koreanoveka na ‘Shining Inheritance’ ay sina Lee Seung Gi, Han Hyo Joo, Moon Chae Won, and Bae Soo Bin.

 

 

***

 

 

OFFICIALY break na si Mariah Carey sa boyfriend niyang si Bryan Tanaka.

 

 

Fourteen years ang age gap ng Queen of Christmas sa kanyang dancer-boyfriend na nakarelasyon niya since 2016.

 

 

Ayon sa Page Six, pinag-awayan daw nila ay tungkol sa pagkakaroon ng anak: “Bryan wants to have a family. That’s not where she is at. Mariah is 54 and already has twins Moroccan and Monroe who are both 12. Bryan wants to start having his own life.”

 

 

Kaya pala wala si Bryan sa mga naganap na Christmas shows ni Mariah dahil tapos na ang relasyon nila.

 

(RUEL J. MENDOZA)