NASA South Korea na ang runners para sa second season ng ‘Running Man Philippines!’
Sinalubong ng winter season sa South Korea sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, and Angel Guardian.
Ngayong second season, extra challenging ang labanan dahil tag-lamig at nagyeyelo pa sa South Korea.
Isang buwan pala mag-shoot ang runners minus Ruru Madrid dahil may second season ang pinagbibidahan nitong ‘Black Rider.’
Kaya abangan ang mga bagong paandar ng ating runners sa Running Man Philippines Season 2!
***
MATITINDI raw ang mga confrontation scenes nila Jasmine Curtis-Smith at Liezel Lopez sa Asawa Ng Asawa Ko.
Kaya pinaghandaanan daw ni Liezel ang lahat dahil alam niyang nakatutok sa kanila ni Jasmine si Direk Laurice Guillen.
Thankful si Liezel na kontrabida siya dahil nagagawa niyang paglaruan ang character niyang si Shaira.
“Nung kinausap ako ni Direk Laurice regarding my character, talagang inaral ko yung mga puwede kong gawin para mapakita ko na may pinaglalaban si Shaira.
“So far, okey po ang lahat. Wala pa namang nasasabing hindi maganda si Direk Laurice sa performance ko,” sey ni Liezel.
***
NAKA-MOVE on na si Joe Jonas sa failed marriage niya sa aktres na si Sophie Turner.
Pagkatapos na mag-file ni Joe ng divorce last year, nakitang may iba nang kasamang girl ang singer sa pagpasok ng bagong taon.
Nakunan ng TMZ si Joe kasama ang former Miss Teen USA winner Stormi Bree. Pasakay sila sa isang private jet from Los Cabo.
Si Sophie naman ay balitang dine-date ang aristocrat na si Peregrine Pearson. Nakita ang Game of Thrones star na kahalikan si Pearson sa Gard du Nord train station in Paris noong November 2023.
(RUEL J. MENDOZA)