• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 19th, 2024

Ads February 19, 2024

Posted on: February 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Natakot sa bilis ng takbo ng relasyon: JENNIFER LOPEZ, ni-reveal kung bakit ‘di natuloy ang kasal nila ni BEN AFFLECK noong 2004

Posted on: February 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-FIRST taping na ang award-winning child actor na si Euwenn Mikael para sa kanyang first TV lead role sa upcoming inspirational drama series ng GMA na ‘Forever Young’.

 

 

Sa Instagram, ipinakita ni Euwenn ang ilang behind-the-scenes photos na kuha sa unang araw ng taping niya.

 

 

Kuwento ito ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.

 

 

Makakasama ni Euwenn sa serye sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.

 

 

***

 

 

KINUWENTO ng Kapuso hunk na si Royce Cabrera ang kanyang simula bilang extra sa showbiz.

 

 

Ayon kay Royce, ang maghintay siya ng buong araw sa labas ng isang convenience store sa tabi ng GMA Network para sumalang bilang talent ang hindi niya nakakalimutan dahil hindi pala siya kasama sa listahan ng extra.

 

 

“Halos isang buong araw ako sa may 7-Eleven sa baba. Kasi talent-talent po ako nun. So, parang hintay lang ako. Hanggang sa parang hindi na pala ako naisama sa lineup. Gusto ko mag-artista. Kahit daan lang sa likod, okay lang ‘yan.”

 

 

Isa sa tumatak na proyekto ni Royce ay ang independent film na ‘Fuccbois’ (2019), kung saan nakasama niya ang kanyang kaibigan at kapwa aktor na si Kokoy De Santos.

 

 

Kelan lang ay nakatanggap si Royce ng  award bilang  Best Performance in a Lead Role (Male or Female-Single Performance) mula sa 7th GEMS Awards dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang isang drag queen sa episode ng Magpakailanman o #MPK na pinamagatang “Born to be a Queen: The Edwin Luis Story.”

 

 

Naging sulit naman daw ang pagiging extra ng aktor dahil dumating din ang magandang opportunity na makontrata siya sa Sparkle GMA Artist Center at lumabas na siya sa malalaking teleserye ng GMA tulad ng ‘Nagbabagang Luha’, ‘Start-Up PH’ at ‘Makiling’.

 

 

***

 

 

NI-REVEAL ni Jennifer Lopez ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nila noon ni Ben Affleck in 2004.

 

 

Natakot daw si J.Lo sa bilis noon ng takbo ng relasyon nila ni Ben. Na kapag kinasal sila, baka mauwi lang sa hiwalayan.

 

 

“I knew that I wanted to be with him for the rest of my life. I knew that. But it didn’t feel like we were going to make it, and so it scared me. It was very hard…

 

 

“Then we went and we both found other people and had beautiful children and had other families and had other relationships after that, and it wasn’t until both of us had done, you know, for me, a lot of work and gotten to a place where I was like, you know what, I’m totally good on my own. That’s when he showed back up,” say ni Lopez na kinasal din sa aktor noong 2022.

 

 

Ang bagong album ni J.Lo na ‘This Is Me… Now’ ay tungkol sa love story nila ni Ben.

 

 

“We feel very good about where we are right now. We have five kids, which is so much more important than any of the other b*ll. We want them to be good,” sey pa ni Lopez na magsisimula ng kanyang tour sa summer 2024.

(RUEL J. MENDOZA)

Posible sanang ma-extend pero ‘di na uubra: BEAUTY, labis ang pasasalamat sa tagumpay ng ‘Stolen Life’

Posted on: February 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

EXTENDED na naman ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’.

 

 

Si Allen Dizon mismo ang nagkumpirma sa amin na sa halip na March ay aabot ng April ang top-rating Kapuso series nila nina Jillian Ward, Carmina Villarroel at Richard Yap.

 

 

Pero hirit pa rin ni Allen, “Pero hindi pa nila masabi kung hanggang dun lang talaga, pero actually ang target nila abutin of September para two years. Iyon ang gusto nilang ma-achieve.”

 

 

Kumusta ang working relationship nila ni Carmina na gumaganap na asawa niyang si Lyneth Santos?

 

 

“Actually before pa naman talagang close kami ni Mina, e. Kahit na sa Doble Kara.”

 

 

Nagkatrabaho na sila dati sa nabanggit na serye ng ABS-CBN noong 2015.

 

 

Pagpapatuloy pa ni Allen, “Tapos ngayon, lalo na ngayon kasi siyempre kami yung mag-asawa dito sa Abot Kamay Na Pangarap so siyempre mas madaling magtrabaho kapag kumportable ka sa kaeksena mo and mas kumportable ka pag in real life close kayo.”

 

 

Tuloy na rin ang pagsasamahan nilang pelikula ni Carmina.

 

 

“Tuluy na tuloy na yung Canada namin, sana, sana, June or July, iyon ang target nila.”

 

 

Kung June o July ang shoot nila, paano ang taping nila ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ kung mae-extend ito hanggang September?

 

 

“Dun natin malalaman kung papayagan kaming magpaalam for just two weeks or ten days, kung papayagan kami.”

 

 

Nalalapit na rin ang showing sa mga sinehan ng ‘AbeNida’ nina Allen at Katrina Halili.

 

 

***

 

 

LABIS ang pasasalamat ni Beauty Gonzalez na sakses ang ‘Stolen Life’ na serye niya sa GMA.

 

 

“Thankful kasi it’s a very… soap opera, di ba? Double role and then nasakyan ng mga tao so yehey,” at pumalakpak ang aktres.

 

 

“Good job, Beauty,” sabay- tapik sa kanyang kaliwang balikat, “good job, Carla,” sabay-tapik naman sa kanyang kanang balikat, “good job, Gabby!”

 

 

Sina Beauty, Gabby Concepcion at Carla Abellana ang mga bida sa ‘Stolen Life’.

 

 

Dapat sana ay may extension ang serye ayon na rin mismo kay Beauty.

 

 

“Pero paano? Carla’s doing a new soap, Gabby’s also doing a new soap.”

 

 

May ‘Widows’ War’ si Carla with Bea Alonzo at si Gabby naman ay may ‘My Guardian Alien’ with Marian Rivera.

 

 

“But you know, we’ll never know, nagyayanig yung schedules everyday e, so baka there’s an extension,” pakli ni Beauty.

 

 

Ikatutuwa raw ni Beauty kung itutuloy ang kanyang karakter sa ‘Stolen Life’ na si Farrah.

 

 

“I love Farrah, psycho Farrah is fun,” ang tumatawang sinabi pa ni Beauty.

 

 

Pulis si Beauty sa season 2 ng ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis’ bilang si Gloria.

 

 

Never raw naging pangarap ni Beauty noong bata pa siya na maging isang policewoman.

 

 

“At hindi ko ma-imagine na magkaroon ako ng action/comedy akala ko comedy lang but now nadagdagan ng action, sobrang thankful ako sa GMA, I’m really, really thankful for them kasi andaming mga proyekto na iba-iba na binibigay nila sa akin.

 

 

“From drama to comedy, action, suspense/thriller with Dingdong before. Sobrang bongga!”

 

 

Bida sina Beauty at Dingdong Dantes sa ‘I Can See You: AlterNate’ ng GMA noong 2022.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

“MADAME WEB” SWINGS TO TOP OF PH BOX OFFICE – P10.4M GROSS BIGGEST FIRST DAY TAKE FOR 2024

Posted on: February 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Filipinos love Madame Web! 

 

 

 

Madame Web, the first superhero movie with a female lead in Sony’s Spider-Man Universe, is the #1 movie in the Philippines this week, scoring a record-breaking PHP 10,402,829 on its first day. With a Valentine’s Day debut in 326 screens nationwide, the film holds the biggest opening day gross so far for 2024.

 

 

 

“There was an opportunity with this movie to reinvent a Marvel world where, first of all, it’s led by women, and it’s made by women,” says Dakota Johnson, who plays Cassandra Web / Madame Web in the film. “And because of that, the characters are real, and they are messy, and they are complicated, and they are extremely powerful.”

 

 

 

Watch the trailer: https://youtu.be/9PtNR_Oukdg

 

 

Comicbook.com raves that “Madame Web is a modern-day throwback to the superhero adaptations of yesteryear” and praises Johnson for her “enigmatic performance” as the titular character.

 

 

 

Roger Ebert’s Christy Lemire describes Madame Web as “blissfully breezy” and commends Johnson for bringing “a refreshing, grounded quality to her superhero vibe.”

 

 

 

Fox TV Houston gives kudos to the creative team behind the film, led by director SJ Clarkson, for creating “a visually stunning thrill ride” and “a thriller that must be seen on the biggest screen possible!”

 

 

“This is a fantasy noir about psychics and sisterhood,” says SlashFilm. “The future is Spider-Female, and Madame Web knows it.”

 

 

 

Madame Web, also starring Sydney Sweeney, Isabela Merced, Celeste O’Connor and Tahar Rahim, is now showing only in cinemas. It is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #MadameWeb

 

 

 

About Madame Web

 

 

 

In a switch from the typical genre, Madame Web tells the standalone origin story of one of Marvel publishing’s most enigmatic heroines. The suspense-driven thriller stars Dakota Johnson as Cassandra Webb, a paramedic in Manhattan who develops the power to see the future… and realizes she can use that insight to change it. Forced to confront revelations about her past, she forges a relationship with three young women bound for powerful destinies… if they can all survive a deadly present.

 

 

 

Directed by SJ Clarkson, with screenplay by Claire Parker & Clarkson, story by Kerem Sanga, based on the Marvel Comics. Produced by Lorenzo di Bonaventura.

 

 

 

Starring Dakota Johnson, Sydney Sweeney, Celeste O’Connor, Isabela Merced, Tahar Rahim, Mike Epps, Emma Roberts, Adam Scott.

 

 

 

Now showing only in cinemas, Madame Web is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #MadameWeb

(ROHN ROMULO)

Sobrang down-to-earth ang Korean superstar: PARK HYUNG SIK, pinakilig nang husto ang Pinoy ‘SIKcret agents’

Posted on: February 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SULIT at super enjoy kami sa panonood for the first time ng fan meet ng isang Korean superstar na si Park Hyung Sik, ang lead actor ng K-drama na Doctor Slump na napapanood ngayon sa Netflix Philippines.

 

Sa naturang rom-com series kasama niya ang Korean actress na si Park Shin-hye.

 

Ang matagumpay na ‘2024 Asia Tour Fan Meeting: SIKcret Time in Manila’ ay ginanap noong Sabado, February 17 sa Smart Araneta Coliseum, na in-organize ng MQ Live at PublicityAsia.

 

For sure, kilala ng mga Pinoy fans ang Korean actor-singer na lumabas na sa mga seryeng The Heirs (2013), High Society (2015), Hwarang: The Poet Warrior Youth (2016-2017), Strong Girl Bong-soon (2017), Suits (2018), Happiness (2021), at Our Blooming Youth (2023).

 

Dumagsa at masayang nagsama-sama ang “SIKcret agents”, tawag sa mga fans ni Hyung Sik.

 

Kapansin-pansin na kahit super sikat nga ang Hallyu star, litaw na litaw ang pagiging down-to-earth nito at likas ang kaibaitan.

 

Ramdam na ramdam namin at kitang-kita kung paano siya nagpakita ng appreciation sa Pinoy fans na nag-ipon at nag-effort para makapanood ng naturang fan meeting, na pinag-isipan talaga ang concept, para lubusang ma-enjoy ng mga fans ni Hyung Sik.

 

Maayos ang flow ng fan meeting na puno ng kwentuhan, hanggang sa hi-and-bye portion niya pagkatapos ng show.

 

Aliw na aliw rin kami sa host ng show na si Janeena Chan, na maraming naiturong Tagalog words kay Hyung Sik, na mabilis naman nitong nakukuha.

 

Tuwang-tuwa rin kami sa mala-Pinoy Henyo na game, na kung saan ang Tagalog word at huhulaan ng Korean actor-singer ang kahulugan nito sa Korean sa tulong ng masuwerteng napiling Pinoy fans.

 

Ilang nga sa pinahulaan ay buwaya, mahal kita, masarap, labi, sapatos at gwapo.

 

Game na game din siyang sumagot sa Q&A na sinulat at hinulog sa box ng fans. Na kung saan sa isang tanong, ay biglang kumanta si Hyung Sik ng song ng kanyang favorite Korean singer na Park Hyo Sin.

 

Isa nga sa katangian ng isang Korean superstar, na bukod sa gwapo at marunong umarte ay mahusay din silang kumanta.

 

Dagdag kilig nga yung sa Pinoy fans, dahil para silang hinaharana ni Hyung Sik sa kanyang pag-awit ng “Off My Face” ni Justin Bieber, ang OST ng ‘Strong Woman Do Bong Soon’ na “Because of You,” at “Every Moment of You” na mula naman sa ‘My Love From the Star’.

 

Second time na ito ng Korean superstar na mag-fan meet sa Maynila, at nangako siya na muli siyang babalik, na siguradong may bago na niyang projects.

 

Ayon pa sa Hallyu star, hinding-hindi niya makalilimutan ang matinding pagmamahal na natanggap niya mula sa kanyang mga Pinoy fans sa fan meet na tumagal ng dalawang oras, na kung saan mas nakilala siya ng kanyang ‘SIKcret agents.’

 

Tinapos ni Hyung Sik ang fan meeting sa pamamagitan ng isang mensahe para sa kanyang mga tagahanga, na nagpapasalamat sa kanila sa kanilang walang humpay na suporta para sa kanyang mga proyekto.

 

“After four years, ngayon lang ako nakabalik. Thank you so much for all your passionate love.

 

 

“You know, I believe that you all have a great response when you see ‘Strong Woman Do Bong Soon.’ I can see that you really love that drama here in the Philippines, thank you so much.

 

 

“And also for my current show, ‘Doctor Slump,’ thank you so much for your love.

 

 

“Now I go back to Korea, I’ll come back with a lot more better project sana magiging excited kayo sa susunod. And siyempre, I want to make more opportunities in the future to meet all of you more. Thank you very much,” pahayag ni Hyung Siķ sa mga fans niya in Korean.

 

 

Nagulat naman siya sa pagbulaga sa big screen ng mga mensahe sa kanya ng mga fans. Nagpa-selfie rin siya crowd na may hawak ng banner, na ikinatuwa niya.

 

 

Kung pwede nga lang na next year ay bumalik uli siya sa ‘Pinas dahil nag-enjoy siya sa kanyang fan meet, at gusto niyang mag-scuba diving, pati na ang masasarap na pagkaing Pinoy.

 

 

Pahabol pa na mensahe pa ni Hyung Sik, “I’m not gonna forget all this energy that you gave me and remember that until my next proiect, I can do it better as well. Thank you!”

 

 

Ang fan meet niya sa Manila ay bahagi ng kanyang “SIKcret Time” Asia Tour, na nagsimula sa Hong Kong noong nakaraang taon at nagpatuloy sa South Korea, Japan, at Indonesia.

 

 

 

(ROHN ROMULO)