• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 21st, 2024

San Miguel consortium nanalo sa bid ng rehab ng NAIA

Posted on: February 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang San Miguel-led consortium ang siyang nanalo sa bidding na ginawa para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagkakahalaga ng P170 billion.

 

 

 

Ang San Miguel consortium ay may planong maging isang world-class airport ang NAIA. Ang consortium ay binubuo ng San Miguel Holdings, RMM Asian Logistics, RLW Aviation Development, at Incheon International Airport Corporation.

 

 

 

“We are committed to collaborating closely with the government and our various stakeholders, harnessing every resource available to us, to transform NAIA into a modern international gateway that Filipinos will be proud of,” wika ng San Miguel Consortium.

 

 

 

Ayon sa DOTr, ang San Miguel consortium ay nag offer ng pinakamataas ng share ng revenues sa pamahalaan na may 82.16 porsiento. Ito ang pinakamataas kumpara sa dalawang (2) bidders.

 

 

 

Ang GMR Airports Consortium ay nag offer ng 33.30 porsientong share sa revenue habang ang original na proponent ng NAIA na Manila International Airport Consortium ay nag offer naman ng 25.91 porsiento. Ito ay binubuo ng India’s GMR Airport International B.V., Cavitex Holdings Inc., at House of Investments Inc.

 

 

 

Samantalang ang Manila International Airport Consortium ay binubuo naman ng malalaking kumpanya sa Pilipinas tulad ng Aboitiz InfraCapital Inc., AC Infrastructure Holdings Corp., Alliance Global, Filinvest Development Corp., JG Summit Infrastructure Holdings, Asia’s Emerging Dragon Corp., at ang US-based partner na Global Infrastructure Partners (GIP).

 

 

 

Ang Asian Airport Consortium na sumali rin sa bidding subalit ang kanilang technical proposal ay nakitang hindi compliant o incomplete bago pa man sumailalim sa financial offer.

 

 

 

Sa isang pahayag sinabi ng San Miguel Consortium na sila ay honored na sila ang nanalo upang mabago ang NAIA at maging isang modern na international gateway.

 

 

 

“Our proposal is designed not only to elevate NAIA to world-class standards but also to ensure that the government benefits from the most advantageous revenue-sharing agreement,” saad ng consortium

 

 

 

Ayon naman sa DOTr na maraming grupo ang humamon sa bids ng ibang grupo kasama na ang San Miguel.

 

 

 

“Three out of 4 bidders filed or submitted challenges to the qualifications of the other bidders. One of them challenged three, the other challenged two, the other challenged one. All the challenges, all of the disputes that were submitted to BAC have been resolved,” ayon kay DOTr usec TJ Batan na siyang head ng Bids and Awards Committee.

 

 

 

Si DOTr Jaime Bautista naman ay confident na ang deal ay hindi na hahamonin ng mga natalong mga bidders.

 

 

 

“Before we made the award, we informed the two other bidders who qualified and they accepted the outcome of the bidding,” saad ni Bautista.

 

 

 

Ang concession agreement ay lalagdaan sa loob ng 30 araw at pagkatapos ay puwede ng magsimulang mag-operate ang San Miguel sa susunod na 3 hanggang 6 na buwan. LASACMAR

Pekeng DepEd scholarship kalat online

Posted on: February 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN  ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa pekeng DepEd scholarship posts na kumakalat ngayon online.

 

 

Sa abiso ng DepEd, pinaalalahanan nito ang publiko na maging vigilante laban sa misinformation.

 

 

Sa naturang pekeng posts, nakasaad na ang DepEd ay may alok na scholarship ngayong taon.

 

 

Nakasaad din na lahat ng estudyante na nag-aaral ay dapat na mag-aplay dito gamit lamang ang kanilang school IDs.

 

 

Anito pa, sakaling makakuha ng DepEd scholarship, makakatanggap umano ng P5,000 ang mga elementary students, P7,000 ang mga high school students, habang tig-P10,000 naman ang makukuha ng mga college at vocational students.

 

 

Ang pekeng post ay may kasama pang larawan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na nakasuot ng berdeng t-shirt at ang kanang kamay ay nakataas sa kanyang kaliwang dibdib.

 

 

Abiso naman ng DepEd, sinabi nito na, “The Department of Education (DepEd) warns the public about the FAKE DepEd scholarship posts circulating online. DepEd reminds everyone to stay vigilant against misinformation.”

 

 

Dagdag pa ng ahensiya, ang mga opisyal nilang anunsiyo at impormasyon ay maaaring makita sa kanilang Facebook page na fb.com/DeparmentOfEducation.PH, X account na twitter.com/DepEd_PH, Instagram account na instagram.com/depedphilippines, at website na www.deped.gov.ph.

 

 

Umapela rin ang DepEd sa publiko na kaagad na ireport ang anumang nalalaman nilang misleading at suspicious information hinggil sa basic education sa depedactioncenter@deped.gov.ph.

PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent

Posted on: February 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. Joel M. Chavez, Pangulo ng NPC; at Rey Sanglay, Supervising Labor and Employment Officer ng Department of Labor and Employment-CAMANAVA ang isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high school sa Navotas. (Richard Mesa) 

Hawaiian Tropical Paradise ang tema ng debut: SOFIA, hands-on sa preparations para sa kanyang 18th birthday

Posted on: February 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA April na ang 18th birthday ng Sparkle teen star na si Sofia Pablo. Kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang special day na ito. 

 

 

Hands-on si Sofia sa preparations mula sa isusuot, disenyo ng venue, at pati na rin sa ihahandang mga pagkain.

 

 

Isang Hawaiian Tropical Paradise ang tema ni Sofia para sa kanyang debut.  Gusto raw niya na kumportable ang kanyang mga iimbitahan at hindi rin siya ma-stress sa kanyang sariling party.

 

 

“Malapit po ang heart ko sa dagat. Hindi rin po ako fan ng ball gown. Gusto ko lang po talaga comfy even for the guests. Hindi rin ako magpe-perform. Mag-enjoy lang po talaga.

 

 

“Kung ano ‘yung shortest program na kaya para lahat makapag-enjoy na after,” sey ni Sofia na ang escort ay walang iba kundi ang ka-loveteam niya na si Allen Ansay.

 

 

**”

 

 

PINASAYA ng impersonator ni Taylor Swift na si Taylor Sheesh (Mac Coronel) ang mga Swifties na hindi nakabili ng ticket para sa The Eras Tour sa Melbourne, Australia.

 

 

Sa X (formerly Twitter), pinost ng Filipina Drag Artist ang video kunsaan dinumog ng maraming Aussie Swifties ang kanyang show sa labas ng isang mall at sinisigaw ang pangalan niya.

 

 

Bitbit pa ng ilan ang placards na nakalagay ang Taylor Sheesh. Sikat na sikat siya sa Australia dahil sa billboard niya roon.

 

 

Sa Tokyo, Japan nanood si Taylor Sheesh ng The Eras Tour in full Taylor Swift look. Ang ilang Filipino celebrities na nanood din sa Tokyo ay sina Andrea Brillantes, Angelika dela Cruz, Alexa Ilacad, Michelle Vito, Esnyr Ranollo, Criza Taa, Jen Barangan at ang Unang Hirit host na si Lyn Ching.

 

 

***

 

 

MAGSASAMPA ng demanda ang former Miss Universe president na si Paula Shugart sa Miss Universe owner at transgender businesswoman na si Anne Jakrajutatip.

 

 

Sa kanyang Instagram, sinabi ni Shugart na nanahimik na lang siya noong mag-step down siya as president noong November 2023.

 

 

Ngayon ay ‘di na raw niya palalagpasin ang mga paninirang-puri na kinakalat ni Anne tungkol sa kanyang pamumuno sa Miss Universe.

 

 

Heto ang kanyang post:

 

“Since announcing my resignation in November of 2023, I have sought to stay out of the spotlight, electing not to comment on any of the changes within the Miss Universe Organization, seeking only to quietly help the brand and its stakeholders, when requested, with my historical knowledge and guidance.

 

 

“However, recent false and outrageous comments made by Miss Universe owner Anne Jakrajutatip impugning my character have compelled me to break my silence.

 

 

“Normally, I would choose to ignore such assertions but, by suggesting that I am corrupt and took money “under the table” to secure placements in Miss Universe competitions, Jakrajutatip not only defames me, but she also discredits the women who have won the Miss Universe crown by implying their titles were “bought” and not earned by merit. I cannot abide by such dangerous and reckless assertions, which degrade the Miss Universe brand and its Titleholders.

 

 

“I am presently considering my legal options in Thailand and what actions I might take. However, given that my complaint will be just one of many legal actions currently facing the owner of JKN, it is imperative for the Miss Universe brand and its legacy that I immediately speak the truth and condemn these words before taking any action in Thai courts and I am reserving all rights to claim for damages.

 

 

“I have no intention or need to engage in drama on social media and I will not do so. Anyone who knows me knows the truth and what I stand for. I will let my years of work with some truly incredible women speak for itself.”

(RUEL J. MENDOZA) 

Aabangan naman kung kailan magaganap ang kasal: RIA at ZANJOE, kinumpirma na rin na engaged na sila

Posted on: February 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA na nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo kahapon, ika-20 ng Pebrero na engaged na sila.

 

 

Sa pamamagitan ng kanilang Instagram posts, in-announce ng dalawa ang kanilang engagement, kalakip ang mga larawan, kasama ang bonggang engagement ring ni Ria.

 

 

“Forever sounds good,” caption ni Ria, na may white heart at ring emoji.

Say naman ni Zanjoe, “And tastes even better. “
Matatandaan na noong January 2023 ni-reveal ni Zanjoe sa publiko na magkarelasyon na sila ni Ria, after ng ilang buwan nilang pagde-date.
Dumagsa naman ang mga pagbati mula sa kanilang celebrity friends and family at mga netizen.
Isa sa mga naunang bumati si Maine Mendoza at say niya, “Yaaaay love you guys!”
Comment naman ni Cong. Arjo Atayde, “love you two!”
Post naman ng kanilang younger sister na Gela Atayde, “No I’m gonna cry again.
lly both @ria @onlyzanjoemarudo.”
Say naman ng kapatid ni Zanjoe na si @ohitszaniemarudo,  “congrats my kuya @onlyzanjoemarudo and my future sis in law!!! Love you both @ria.”
Comment ni Gary Valenciano, “OMG!!!!! My heartfelt congratulations go out to the both of you!!!!! God bless you @ria @onlyzanjoemarudo.’
Tuwang-tuwa rin si Jolina Magdangal, Ri!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Super happy for you dear!!!!!”
Ganun din ang kagalakan ni Janine Gutierrez, “Ily both!!! congrats and best wishes z and riri!!!! XXXXX @onlyzanjoemarudo @ria”
Comment ni Chynna Ortaleza, “Whaaaa!!!! Saya naman!!! @ria @onlyzanjoemarudo congratulations!!!”
Ilang pa bumati sa engagement nina Ria and Z sina Joshua Garcia, Angelica Panganiban, Maris Racal, Darren Espanto, Eric Quizon, Zsazsa Padilla, Vhong Navarro, Iza Calzado, Ara Mina, Maja Salvador, Lovi Poe, Yassi Pressmam, Coleen Garcia, Enchong Dee, Carla Abellana, JC de Vera, Rodjun Cruz, Rayver Cruz, Rachel Peters, Yam Concepcion at marami pang iba.
Nang i-check namin ang IG account ng mommy ni Ria na si Sylvia Sanchez, wala pa itong post tungkol sa engagement.
For sure naman, isa siya sa tuwang-tuwa dahil sa huling interview namin sa aktres, sinabi nitong mahal na mahal nila si Zanjoe at part na ng kanilang lumalaking pamilya.
Ang tanong, sino kaya kina Maine at Ria ang unang magsasabi kina Sylvia at Papa Art Atayde na magkaka-apo na sila?
Well, abangan na lang natin, at ganun din kung kailan magaganap ang kasalang Zanjoe at Ria.
Congratulations to both of you!
(ROHN ROMULO)