• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 5th, 2024

Kinumpirma ng anak niyang si Andi: JACLYN, pumanaw sa edad na 60 dahil sa ‘heart attack’

Posted on: March 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGULAT ang buong entertainment industry sa biglaang pagpanaw ng award-winning actress na si Ms. Jaclyn Jose sa edad na 60.

 

 

 

Linggo ng gabi (March 3) nang kumalat ang balitang pumanaw ang aktres. Bagama’t walang nabanggit na cause of death ng aktres, may mga lumabas na balitang nahulog daw ito sa hagdan sa kanyang tahanan da Loyola Grand Villas in Quezon City.

 

 

 

Natagpuan na lang walang buhay na si Jaclyn. Wala raw kasama sa kanyang bahay ang aktres.

 

 

 

Huling napanood si Jaclyn sa Kapamilya series na ‘FPJ’s Batang Quiapo’. Huling teleserye niya sa GMA ay ‘Bolera’.

 

 

 

Sa official statement ng anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann na nanggaling sa Siargao, kasama kapatid na si Gabby Eigenmann, kinumpirma nito ang naging dahilan ng biglaan pagpanaw ng premyadong aktres.

 

 

 

Sa naging pahayag ni Andi noong Lunes ng hapon, namatay ang kanyang ina noong umaga ng March 2 dahil sa myocardial infarction na mas kilalang heart attack.

 

 

Hinihingi niya sa publiko na irespeto ang privacy ng pamilya sa kanilang pagdadalamhati. Umaasa rin siya na pamamagitan ng kanyang statement ay matigil na ang mga haka-haka tungkol sa pagpanaw ng aktres.

 

 

“Her undeniable legacy will definitely forever live on through her work, through her children, through her grandchildren, and the many lives she’s touched. She herself, her life itself, was her greatest obra maestra,” dagdag pa ni Andi.

 

 

Nasa Amerika naman ang anak na lalake na si Gwen, na anytime ay darating na rin sa bansa.

 

 

Born on October 21, 1963, in Angeles City, Pampanga, ang tunay na pangalan ni Jaclyn ay Mary Jane Guck. Nakakatandang kapatid nito ay ang 80’s sexy actress na si Veronica Jones.

 

 

Na-introduce sa 1984 sex-comedy film na Chikas si Jaclyn kasabay sina Lovely Rivero, Tanya Gomez, Rachel Anne Wolfe, at Karla Kalua.

 

 

Sa pelikula ni Lino Brocka na White Slavery in 1985 napansin ang husay ni Jaclyn. Sunod ay ginawa niya ang Private Show under Chito Roño at naipalabas ito sa ilang film festivals abroad. Nagwagi rito si Jaclyn bilang best actress sa Gawad Urian.

 

 

Ang ilan pang awards ni Jaclyn na mula sa Gawad Urian ay para sa mga pelikulang Takaw-Tukso, Itanong Mo Sa Buwan, Macho Dancer, The Flor Contemplacion Story, Mulanay, at Sarong Banggi.

 

 

Nanalo rin si Jaclyn ng awards mula sa FAMAS (Mulanay, A Secret Affair); Film Academy of the Philippines (The Flor Contemplacion Story, Naglalayag); Star Awards (The Flor Contemplacion Story, Ma’ Rosa); Metro Manila Film Festival (Bubbles: Ativan Queen); at Manila Film Festival (Naglalayag).

 

 

Si Jaclyn ang pinakaunang Asian actress na mapanalunan ang best actress award mula sa Cannes International Film Festival para sa Ma’ Rosa in 2017.

 

 

Nakatrabaho rin ni Jaclyn ang mga mahuhusay na direktor na pumanaw na tulad nila Lino Brocka (White Slavery, Macho Dancer), Ishmael Bernal (Working Girls 2, Maynila TV series), Eddie Garcia (Magdusa Ka, Imortal), Danny Zialcita (Paano Ang Ngayon Kung Wala Ang Kahapon), Marilou Diaz-Abaya (May Nagmamahal Sa ‘Yo), Leroy Salvador (Alabok sa Ulap), Maryo J. Delos Reyes (Naglalayag), Peque Gallaga and Lorenzo Reyes (Puso Ng Pasko) at Celso Ad Castillo (666).

 

 

Ilang beses naman niyang nakatrabaho sina Chito Rono (Private Show, Olongapo: The Great American Dream, Itanong Mo Sa Buwan, Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga) at Joel Lamangan (The Flor Contemplacion Story, Pacquaio: The Movie, Aishite Imasu 1941, Deathrow, Mano Po 5, Felix Manalo).

 

 

Nakatrabaho rin niya sa ilang projects sina Jose Javier Reyes (Minsan May Isang Puso), Lupita Kashiwahara (Hati Tayo sa Magdamag), Carlitos Siguion Reyna (Misis Mo, Misis Ko), at Jeffrey Jeturian (Tuhog).

 

 

Huling pelikula ni Jaclyn ay ang ‘Broken Hearts Trip’ at ‘Pieta’ na parehong pinalabas noong December 2023.

 

(RUEL J. MENDOZA)

PBBM, dumating na sa Melbourne para sa ASEAN-Australia Special Summit

Posted on: March 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Melbourne, Australia para sa ASEAN-Australia Special Summit.

 

 

Mainit na sinalubong ng mga Australian government officials si Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang Philippine delegates.

 

 

Lumapag ang PR 001 na sinakyan ng Pangulo at ng kanyang entourage sa Melbourne Airport ng alas-7:15 ng gabi (Australia time) o 4:15 ng hapon sa Pilipinas.

 

 

Sa ASEAN-Australia Special Summit, uulitin ng Pangulo ang posisyon ng Pilipinas sa regional at international issues at pasasalamatan ang Australian government para sa patuloy na suporta sa rule of law.

 

 

Inaasahan namang magkakaroon ng bilateral meeting si Pangulong Marcos kasama sina Prime Ministers Samdech Hun Manet ng Cambodia at Christopher Mark Luxon ng New Zealand; makakapulong din niya ang Filipino community sa Melbourne at ipo-promote ang negosyo sa pamamagitan ng Philippine Business Forum ng Department of Trade and Industry; at magbibigay ito ng talumpati sa Lowy Institute kung saan ay bibigyang-diin ang papel ng Pilipinas bilang ‘active participant’ sa world affairs at contributor sa rules-based regional security architecture.

 

 

Ang bilateral ties sa pagitan ng Pilipinas at Australia ay itinatag noong Hulyo 4, 1946.

 

 

Matatandaang, kapwa tinintahan nina Pangulong Marcos at Australian Prime Minister Anthony Albanese ang isang kasunduan noong Setyembre ng nakaraang taon, itinaas ang bilateral relationship ng Pilipinas at Australia mula komprehensibo sa strategic partnership.

 

 

Patuloy namang sinusuportahan ng Australia ang Pilipinas bilang pang-11 na pinakamalaking pinanggagalingan ng Official Development Assistance na may ‘grant commitments’ na nagkakahalaga ng USD180.4 million.

 

 

Nagsisilbi namang tahanan ng 408,000 Filipino at Australians na may lahing Filipino ang Australia.

 

 

Samantala, maliban kay Pangulong Marcos, ang mga opisyal na bisita ng Australian government ay sina Prime Ministers Anwar Ibrahim ng Malaysia, Sonexay Siphandone ng Laos, at Pham Minh Chính ng Vietnam.

 

 

“Australia is proud to be ASEAN’s first Dialogue Partner, sharing 50 years of mutual respect and cooperation with our friends in Southeast Asia,” ayon kay Albanese sa isang kalatas. (Daris Jose)