• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 16th, 2024

Para maranasan ang ‘hospitality’ ng mga pinoy: mamamayan ng Czech, niligawan ni PBBM na bumisita sa Pinas,

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NILIGAWAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga mamamayan ng Czech Republic na bisitahin ang Pilipinas at maranasan ang hospitality o kagandahang-loob ng mga filipino.
Sa kanyang bilateral meeting kasama si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, binanggit ni Pangulong Marcos ang regional airports na na-develop at upgraded para itaas ang accessibility sa mga local tourist destinations.
“Hopefully, we will see more of your citizens coming to the Philippines. And I can see that this is an area that will continue to increase for us. it’s very happy to welcome friends, come, visit the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos.
”We take pride in the Filipino hospitality, and we take pride in our beautiful country, as in, of course, you do. But that’s why I think that this is a third time, an area of third time
 development,” dagdag na wika ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na kinokonsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang sektor ng turismo bilang malaking bahagi sa muling pagbuhay sa ekonomiya matapos ang COVID-19 pandemic.
Idinagdag pa ni Pangulong Marcos na ang Czech Republic ay naging mahalaga ring tourist destination para sa mga Filipino.
Maliban sa pinalakas na “people-to-people exchanges”, nanawagan si Pangulong Marcos sa mga kompanya ng Czech na magpartisipa sa infrastructure development ng Pilipinas lalo na sa konstruksyon ng ‘gateways’ ng bansa. (Daris Jose)

Trabaho at hindi gala ang ginagawa ni PBBM

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
ITO ang iginiit nina House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin at Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa ginawang foreign travels ni Pangulong Marcos.
Ayon sa mga mambabatas, ginagampanan lamang ng pangulo ang kanyang tungkulin sa pagnanais na palakasin ang diplomatic ties at makakuha ng foreign investments, na makakapagbigay ng mahabang benepisyo sa bansa.
Sinabi ni Garin na sa isang interconnected world ang pakikipagpulong sa ibang bansa ay isang pangangailangan at hindi isang ‘desire’ lamang.
Reaksyon ito ng mga kongresista sa pahayag ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte, na pawang gala o pasyal lamang ang ginagawa ni Pangulong Marcos sa biyahr niya sa ibang bansa.
“Madali lang kasi magbintang at mahirap na palaging sumasagot ‘yung nakasabak sa trabaho,” pahayag ni Garin. (Vina de Guzman)

Seven years na ang relasyon nila ni Khalil: GABBI, ayaw magpa-pressure pero intimate wedding ang gusto

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na minsan na siyang naapektuhan sa mga kuwento at opinyon ng ibang tao tungkol sa kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales.

 

 

Nahirapan nga raw si Rabiya noong una sa relasyon nila ni Jeric dahil sa mga lumalabas na tsismis tungkol sa aktor.

 

 

“First time kong mag-date ng celebrity and minsan ang daming opinyon ng mga tao, ang daming sinasabi about him and at first, I was shaken about it. Parang hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ‘yung sinasabi ni Jeric o ‘yung sinasabi ng mga tao about him kasi ibang-iba eh,” sey ng TikToClock host.

 

 

Pero sa kabila ng mga lumalabas tungkol kay Jeric, mas pinili raw ni Rabiya na paniwalaan ito: “Kasi nakita ko kung gaano siya kaseryoso at pinaramdam niya ‘yun sa akin.”

 

 

Inamin din ng Sparkle 10 star na noon ay may access siya sa phone ni Jeric. Pero ngayon daw ay malaki na ang tiwala nito sa boyfriend kaya hindi na raw siya nakikialam sa cellphone nito.

 

 

March 2022 noong aminin nila sa publiko ang kanilang relasyon. After a few months ay bigla silang naghiwalay, pero one week lang daw ang breakup at nagkaayos daw sila kaagad.

 

 

Kelan lang ay magkasama ang dalawa na nanood ng concert ni Ed Sheeran.

 

 

***

 

 

SEVEN years na pala ang relasyon nila Gabbi Garcia at Khalil Ramos at kasal na lang daw ang kulang sa kanila.

 

 

“It’s actually something that we talk about a lot. I’m not sure if that is something that is healthy? We both think it is,” sey ni Khalil.

 

 

Sey ni Gabbi: “Same naman kasi talaga kami ng end goal. And even at the start of this relationship, why waste time on someone you don’t want to end up with, right? From the get-go I feel like we were aligned that we wanted to keep this relationship special for the future.”

 

 

Dagdag pa ng Sparkle couple, ayaw nilang ma-pressure kapag kasal na ang topic.

 

 

Sey ni Khalil: “I’d be lying if I didn’t say that I didn’t feel an ounce of pressure at all. Totoo na may pressure talaga. I’m approaching my 30s na, we both see ourselves starting a family eventually.”

 

 

Gusto ni Gabbi na intimate wedding: “A very quiet wedding. I’m not afraid to talk about it kasi that’s part of life and it’s such a beautiful thing.”

 

 

Nagsimulang mag-date sina Gabbi at Khalil noon pang 2017.

 

 

***

 

 

NA-DIAGNOSE na may skin cancer ang ‘80s supermodel na si Christie Brinkley.

 

 

Sa kanyang Instagram, pinost ni Christie ang pinagdaanan niyang operasyon.

 

 

“The good news for me is we caught the basal cell Carcinoma early. And I had great Doctors that removed the cancer and stitched me up to perfection like an haute couture Dior,” caption ni Christie.

 

 

Nalaman niyang meron siyang skin cancer noong samahan niya ang kanyang anak na magpa-check up sa doctor nito.

 

 

“It wasn’t my appointment so I wasn’t going to say anything but at the VERY end I asked if he could just look at a little tiny dot I could feel as I applied my foundation . He took a look and knew immediately it needed a biopsy!“ sey ng 70-year old supermodel.

(RUEL J. MENDOZA) 

Sa gitna ng usapin sa WPS: PBBM, umaasa na tutulungan ng Czech ang Pinas para gawing modernisado ang AFP

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulungan ng Czech Republic ang Pilipinas na gawing modernisado ang military nito sa gitna ng usapin sa West Philippine Sea (WPS).
Ipinahayag ito ng Pangulo sa kanyang joint press conference kasama si Czech President Petr Pavel nang uriratin ukol sa ‘defense cooperation’ sa pagitan ng dalawang bansa.
”We have based our discussions to the fact that the Czech Republic and the Philippines share the same values when it comes to the adherence to international law, that is something that, again, we find as a commonality between our two countries,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na kasalukuyang sumasailalim ngayon sa modernization program ang AFP  na nangangailangan ng “great deal of procurement that needs to be done to modernize our forces and our capabilities.”
“The Czech Republic has always been an important part of that development, of that evolution,” aniya pa rin.
”And we our hoping that that would continue, not only at the present level but at the higher level,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.
Tinuran pa ni Pangulong Marcos na binanggit niya kay Czech President Petr Pavel ang situwasyon sa WPS.
“I underscored that the Philippine position on the South China Sea remains consistent, clear, and firmly anchored in the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” ayon sa Punong Ehekutibo.
Sinabi pa rin ng Pangulo kay Pavel na sa kabila ng nakalulungkot at tuloy-tuloy na insidente ng agresyon at harassment ng Tsina sa naturang lugar, hindi naman tumitigil ang Pilipinas na maka-ugnay ang lahat ng kalapit-bansa nito at stakeholders sa pamamagitan ng diplomasya at dayalogo.
Ani Pavel, ganap na suportado ng Czech Republic ang Pilipinas pagdating sa tiyakin ang ‘global at regional stability.’
Aniya, ang katatagan sa rehiyon ay makaaapekto sa daloy at galaw ng kalakal sa Europa.
”To us, South China Sea may seem to be far, far away but if you take into account the percentage or share of world or global trade that passes through this area, any disruption on these routes would have an adverse impact on Europe,” ang sinabi ni Pavel sa pamamagitan ng isang translator.
Aniya pa, ang epekto ay maaaring hindi lamang sa kaanyuan ng kakapusan ng kalakal kundi maging sa sumisirit na presyo nito kaya dapat lamang na pag-ukulan ng pansin ang usaping ito.
Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Pavel para sa suporta ng Czech Republic bilang isang like-minded partner, na panindigan ang kapayapaan, katatagan at ang rules-based international order.
Aniya pa, ang kanyang naging state visit ay patunay lamang ng ‘commitment’ ng Pilipinas na mas lalong pagyamain ang ugnayan at pagkakaibigan sa Czech Republic at pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa at mamamayan nito. (Daris Jose)

Ads March 16, 2024

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, hangad ang mas maraming kasunduan sa Czech hinggil sa cybersecurity

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas maraming kasunduan sa Czech government pagdating sa cybersecurity at defense-industrial sector. 
Inihayag ng Pangulo ang mensahe niyang ito nang makipagpulong kay Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, Huwebes ng gabi, (Philippine time).
“We continue to pursue and explore the areas that we spoke about before. We, of course, talked about the defense and security and in that vein, we have just, the Armed Forces of the Philippines, as you know, is in the process of modernization of our capabilities and capacities,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We continue to explore also in terms of agriculture, cybersecurity, which is something that we spoke about very briefly, but now we put a little bit more, put a bit more meat on the bones of that initial discussion that we have had.” dagdag na wika nito.
Sa nasabing pagpupulong, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas na makatrabaho ang like-minded countries sa Europe para pagtibayin ang isang rules-based international order.
Hangad din ng Punong Ehekutibo ang maraming kasunduan sa Czech para sa pagtatatag ng tanggulan para palakasin ang pagtutulungan sa seguirdad, defense-industrial at cyber security.
Pinag-usapan din nina Pangulong Marcos at Fiala na paigtingin ang pagtutulungan sa kalakalan at pamumuhunan, agrikultura, paggawa at climate change, at palakasin ang people-to-people ties sa pamamagitan ng turismo at university-to-university linkages.
Kahalintulad ng kanyang pakikipagtalakayan kay President Petr Pavel, nangako ang Pangulo nang kahandaan ng Pilipinas na makipagtulungan sa gobyerno ng Czech upang masiguro ang maayos na deployment ng mga manggagawang Filipino kabilang na rito ang kanilang maayos na pagsasama sa kanilang mga lugar ng trabaho at komunidad.
Samantala, dumalo naman ang Pangulo sa working lunch na hinost ni Senate President Milos Vystrcil sa Senate of the Parliament kung saan kinilala niya ang kamakailan lamang na
 position pagpapalitan sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic parliaments.
Bahagi namang working lunch si Philippine Senate President Juan Miguel Zubiri kasama si Vystrcil. (Daris Jose)

Panawagan ng Tsina na paghahanda para sa sea row; walang bago-PBBM

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
WALANG bago sa naging panawagan ni Chinese President Xi Jinping sa armed forces na makipagtulungan para sa paghahanda para sa mga military conflicts sa karagatan.
”Well frankly I don’t think there is anything new there. That’s what they’ve been doing already. They have defined the 10-dash line and they continue to defend it. For our part, we will continue to defend what we…. and the international community has recognized it as our maritime territory,” ayon kay Pangulong Marcos.
”Although he did not, President Xi Jinping did not state that outright until now, that really has really been the policy since I think years already, for the last two or three years. So, I’m not surprised but we will have to continue to do what we can to defend our maritime territory in the face of perhaps of a more active attempt by the Chinese to annex some of our territory,” dagdag na wika nito.
Kamakailan ay nanawagan si Xi sa Chinese military na protektahan ang mga karapatan at interes ng China sa karagatan.
Kinailangan aniyang bumuo ng sistema ng pagtatanggol sa cyberspace at pagbutihin ang kakayahang mapanatili ang seguridad ng national network security.
Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na hindi binabasura ng Pilipinas ang panukala ng Tsina na lutasin ang usapin sa South China Sea subalit kinukuwestiyon ang premise ng Tsina base sa 10-dash-line map.
Samantala, sa isang joint press conference kasama si German Chancellor Olaf Scholz, ipinahiwatig ni Pangulong Marcos na patuloy na kinukuwestiyon ng Pilipinas ang historical claims ng Tsina.
Matatandaang, kinatigan ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands ang reklamong inihain ng Pilipinas laban sa China hinggil sa pag-aangkin ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Batay sa 500 pahinang desisyon ng Arbitral Court, sinasabing walang basehan ang historical rights ng China hinggil sa pag-aangkin nito ng teritoryo sa naturang karagatan.
Nilabag din ng China ang sovereign rights ng Pilipinas alinsunod sa itinatakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS kung saan nakapaloob ang exclusive economic zone o EEZ. (Daris Jose)