KASABAY ng sobrang init ng panahon ang balitang sobrang lakas na lindol na naganap sa Taiwan.
Pero hindi nagpakabog at sumama sa trending issues ang KathDen.
Nag-trending nang husto ang mga pictures nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kuha sa post birthday celebration ng Kapamilya actress.
Ginanap ang selebrasyon na inoorganisa ng malalapit kay Kathryn at stylist niyang sina Boop at Kimi Yap sa TGIS studio sa KCMB na pagmamay-ari ng ex ni Daniel Padilla, huh!
Siyempre kaya raw biglang nag-imbita si Kath ay dahil marami raw sa mga friends niya ang Hindi naka nakarating sa mismong bday ng aktres na ginanap sa Palawan, huh!
Siyempre dahil sa malayo at hindi kaya ng mga schedules nila ay maraming mga kaibigan ni Kath ang hindi nakarating at isa rin sa invited guest sa post birthday celebration ay ang sinasabing malapit daw ngayon sa dalaga.
Sumasabay na rin daw sa bilang ng mga taga suporta ng KathNiel ang KathDen.
When in fact pa nga raw ay may mga taga-suporta raw ng tambalang Kathryn at Daniel Padilla ay taga-suporta ba rin ng KathDen.
Pero siyempre biglang umugong at inaabangan na rin daw ng mga fans ang sequel ng “Hello, Love, Goodbye” ng blockbuster movie noon nina Kathryn at Alden.
Pero banggit naman ng source namin na mukhang malabo raw sa ngayon ang isang proyektong Kathryn at Alden.
Super busy daw ngayon ang dalawa sa sunod sunod na mga commitments na natanguhan na nilang pareho.
Ayon pa rin sa isang nakausap namin ay bitbit at yakap yakap ni Kathryn ang regalong Equadorian roses na regalo sa kanya ni Alden.
Mas marami pa rin daw ang sobrang kinilig sa mga naglabasang larawan mahigpit na pagkayakap ni Alden kay Kath, huh!
So possible na ang Kapamilya aktres at Kapuso aktor na dating screen partners lang ay magiging real life couple??
Well, well well…
(JIMI C. ESCALA)