• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 9th, 2024

RYAN GOSLING AND EMILY BLUNT LEAD THE HILARIOUS, HARD-DRIVING, ALL-STAR APEX-ACTION THRILLER “THE FALL GUY”

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HE’S only the stuntman, but he’s stealing the show.  

Fresh from his Oscar®-nominated turn as Ken in “Barbie,” Ryan Gosling stars as a stuntman coming out of a brief hiatus and straight into a crazy conspiracy in “The Fall Guy,” a new action thriller with the perfect dose of comedy, irreverence and romance, from director David Leitch. Not only does Leitch’s directorial credits boast of hits such as “Bullet Train,” “Deadpool 2,” “Atomic Blonde” and “Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw”; he himself used to be a stunt performer.

In “The Fall Guy,” Gosling plays Colt Seavers, who, like everyone in the stunt community, gets blown up, shot, crashed, thrown through windows and dropped from the highest of heights, all for people’s entertainment. And now, fresh off an almost career-ending accident, this working-class hero has to track down a missing movie star, solve a conspiracy and try to win back the love of his life while still doing his day job.

Watch the trailer: https://youtu.be/B5_TsoRovDo?si=dzzxrWI01RAJLBw1

At the SXSW premiere of “The Fall Guy” in March, Gosling gave a shout out to his own stunt performer for the film, Logan Holladay. “There is a moment in the film where he buckles me in for a stunt that he is about to do. Then I get out of the car and he pats me on the back for a stunt that he just did,” said Gosling. “What I love about this movie is in any other film, you would never know that but in this one you do. It’s an opportunity to finally acknowledge the stunt performers and the incredible contribution that they already make to movies.”

Blunt, who also just had a very successful awards season thanks to her Oscar®-nominated performance in “Oppenheimer,” plays Jody Moreno, director of the mega-budget movie that Colton is currently working on – and also his not so welcoming ex.

Blunt had a blast exploring the world of making action movies from the inside. “Here we show the juxtaposition of the spectacle and the reality of making movies, which is beautiful. It’s absurd and wonderful at the same time,” said Blunt. “And there is another layer of tension that comes with action films, like setting up these stunts for hours to then drop someone off a building.”

“The Fall Guy” is director David Leitch’s most personal film yet, a love letter to action movies and the hard-working and under-appreciated crew of people who make them. In the hands of Leitch, the film offers an exciting inside look at what it’s like to be on a huge action movie set. “It was a love letter to stunts. We knew we had to be authentic in that world,” said Leitch, who produced the film with his producing partner and wife Kelly McCormick, and Gosling, at the SXSW festival.

Find out why “The Fall Guy” has gotten so much love, including from the Steven Spielberg, when the movie opens in Philippine cinemas May 1. #TheFallGuyMoviePH

 

 

Follow Universal Pictures PH (FB)UniversalPicturesPH (IG) and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates on The Fall Guy.

 

 

(ROHN ROMULO)

PBBM, hinikayat ang publiko na magpartisipa sa traffic summit

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIMBITAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na makilahok sa nalalapit na traffic summit at sumali sa talakayan sa paghahanda ng paraan para mapabuti ang sitwasyon sa trapiko.

 

 

Sa kanyang YouTube vlog, sinabi ni Pangulong Marcos na habang ang long-term infrastructure projects ay isinasagawa, patuloy pa ring naghahanap ang gobyerno ng paraan para mabigyan ang mga mananakay at motorista ng agarang lunas mula sa traffic congestion.

 

 

“Concerned government agencies and local government units will discuss in detail the steps to be taken that would address the perennial traffic woes,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Makilahok din kayo kahit sa comments section para malaman namin ang iba niyong mga idea at mga naiisip ninyo,” aniya pa rin.

 

 

Ang townhall meeting-style summit ay gagawin sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City, araw ng Miyerkules.

 

 

Sa kanyang six-minute vlog, sinabi ng Pangulo na ang pag-develop at pagpapabuti sa mobility sa kalapit-lalawigan ng Kalakhang Maynila gaya ng Bulacan, Pampanga, Laguna, at Cavite ay prayoridad para tugunan ang matinding problema sa trapiko.

 

 

Gayunman, humingi naman ng pang-unawa si Pangulong Marcos dahil matatagalan pa para makumpleto ang large-scale infrastructure projects.

 

 

Umapela rin ang Punong Ehekutibo sa mga mananakay at motorista na maging disiplinado at sumunod sa batas-trapiko.

 

 

“Ang higit nating kakulangang mga Pilipino sa daan ay ang disiplina. Dapat susunod tayo sa traffic rules. Para tayong mauubusan lagi ng kalye. Bago man ang kalye, kung luma pa rin ang ugali natin, eh wala rin,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ang pagbibigayan sa daan ay kailangan pa nating ipaalala sa bawat isa at sa ating mga sarili. Ang Bagong Pilipino ay disiplinado, sumusunod sa batas trapiko, nagbibigay sa kapwa at higit sa lahat hindi naghahari-harian sa daan,” dagdag na wika ng Chief Executive.

 

 

Gayundin, kinilala naman ng Pangulo ang benepisyo at pagiging epektibo ng flexible work arrangements na ginagamit ng pribadong sektor dito sa Pilipinas at sa ibang bansa sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

 

 

Binanggit din nito na ang paggamit ng work-from-home setup at four-day workweek scheme, ay maaaring makatulong para tugunan ang traffic situation sa bansa. (Daris Jose)

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagsagawa ng sportsfest para sa mga PDL

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na palawigin ang rehabilitation programs para sa persons deprived of liberty (PDLs), pinangunahan ng Provincial Civil Security and Jail Management Office sa pamumuno ni PCOL. Rizalino A. Andaya ang Bulacan Provincial Jail Sportsfest 2024 na may temang ‘Programang Pampalakasan, Tungo sa Malusog na Piitan’ na ginanap sa BPJ Plaza dito noong Biyernes.

 

 

Isasagawa ang mga aktibidad ng sportsfest sa buong buwang ng Abril kung saan siyam na koponan na may 10-12 na manlalaro ang maglalaban sa Basketball; dalawang koponan na may 8-12 na manlalaro sa Men’s Volleyball; apat na koponan na may 8-12 na manlalaro sa Women’s Volleyball; walong manlalaro para sa Class A Billiard at 16 para sa Class B Billiard; at 12 indibidwal naman ang magtatagisan sa chess tournament.

 

 

Sa kanyang mensahe sa isinagawang kick-off ceremony, binigyang diin ni Gob. Daniel R. Fernando ang adbokasiya ng Pamahalaang Panlalawigan na “Kapitolyo for Life” na nagsusulong na mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng bawat Bulakenyo gaya ng mga nasabing sports activities, kaya naman inihayag niya ang kanyang pasasalamat sa BPJ at iba pang katuwang na organisasyon para sa kanilang dedikasyon na gabayan ang mga PDL tungo sa matuwid na landas sa pamamagitan ng Community Service Programs at Skills Trainings habang nagsisilbi ng kanilang sentensiya.

 

 

“Everybody deserves a second chance, lalo’t higit ang mga taong pursigidong magkaroon ng maayos na pamumuhay. Ipagpatuloy niyo lang ang inyong magandang nasimulan upang maging mabubuting mamamayan ng ating lalawigan.     Patuloy pong susuporta ang inyong lingkod sa inyong pagsisikap na magbago, kaya’t atin pong palalawigin ang holistic approach ng inyong rehabilitasyon, kung saan pangangalagaan natin ang inyong physical, mental, emotional at spiritual wellbeing,” anang gobernador.

 

 

Binati rin ni Fernando ang BPJ bunsod sa papuring natanggap mula kay Igg. Hukom Julie P. Merculito ng RTC Bulacan Branch 12 hinggil sa maayos at malinis na mga pasilidad sa Bulacan Jail.

 

 

Samantala, ang mga mananalo sa bawat sport event ay tatanggap ng cash prizes at tropeo mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

PBBM, hindi inisip na magdeklara ng National State of Calamity sa gitna ng El Niño

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI inisip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magdeklara ng national state of calamity sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon.

 

 

Sa isang ambush interview sa Bacolod City, araw ng Lunes, sinabi ng Chief Executive na maaaring maramdaman ang epekto ng phenomenon subalit hindi naman ito mapanganib.

 

 

”Ang katotohanan niyan lahat maaapektuhan, ngayon gaano kalala ang magiging effect ng El Niño… It’s really, ang mga probinsya sa western side na… Western Luzon tapos dito Region 6. So those are the areas na nagde-declare ng calamity but the other areas, although ramdam pa rin, hindi naman critical,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

”As a matter of fact, kasi naglagay nga tayo ng mga dam, patuloy na inaayos ang ating irigasyon, we should and we are trying to find new techniques of planting. We are harvesting more palay now than we are last year, that’s despite the El Niño, so it’s taking effect,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinatayang nasa 18 local government units (LGUs) na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng nagpapatuloy na El Niño phenomenon.

 

 

Sa kabilang dako, batay sa pinakabagong report, ipinakita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na ang mga apektado ng LGUs ay ang 11 bayan sa lalawigan ng Occidental Mindoro

 

1. Bulalacao, Oriental Mindoro

2. Mandalay, Oriental Mindoro

3. San Vicente, Palawan

4. San Andres, Romblon

5. Mayoyao, Ifugao

6. Sinaloa, Antique

7. Zamboanga City

 

 

Base naman sa data mula sa Department of Agriculture (DA) na ang pinsala at pagkalugi sa agriculture sector dahil sa nakapapasong init ay tumama sa mahigit sa P2.63 bilyong piso.

 

 

Samantala, sinabi ni Presidential Communication Office Assistant Secretary Joey Villarama, tagapagsalita ng Task Force El Niño na mas maraming indibiduwal na lungsod at munisipalidad ang nagpahayag ng kanilang interest sa deklarasyon subalit “still need to fulfill the criteria to declare a state of calamity.”

 

 

Hindi pa inirerekomenda ng Office of the Civil Defense (OCD) ang pagdedeklara ng state of calamity sa Pilipinas dahil sa El Niño.

 

 

Ito ay kahit na inaasahang mararanasan ng mahigit 50 probinsiya ang matinding tagtuyot sa mga susunod na buwan.

 

 

Paliwanag ni OCD Administrator USec. Ariel Nepomuceno na sa ngayon nasa 20 probinsiya ang nakakaranas ng mahigpit na tagtuyot at inaasahan na sa buwan pa ng Abril posibleng titindi ito. Sinabi din nito na magkakaiba ang sitwasyon sa bawat probinsiya.

 

 

Ginawa ni Nepomuceno ang naturang pahayag kasabay ng kaniyang pagbisita sa Oriental Mindoro kung saan ang nagdeklara na ng state of calamity sa may bayan ng Bulalacao dahil sa El Nino.

(Daris Jose)

Libreng bakuna vs Pertussis, larga na sa Maynila

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LARGA na ang 44 health centers ng lungsod ng Maynila sa pagbibigay ng libreng bakuna laban sa nakamamatay na sakit na Pertussis na karaniwang tumatama sa mga sanggol o bata.

 

 

Nanawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga magulang at guardian na dalhin ang mga anak na bata  sa pinakamalapit na health center at pabakunahan dahil sa lumolobong mga kaso ng pertussis sa bansa.

 

 

Ginawa ni Lacuna ang apela sa gitna ng mga ulat na mahigit 800 kaso ng pertussis ang naitala na ng Department of Health (DOH) mula Enero 1 hanggang Marso 31, 2024 lamang.

 

 

Ayon sa alkalde, ang lungsod ng Maynila ay mayroong 44 na health centers sa ilalim ng Manila Health Department (MHD) na pinamumunuan ni Dr. Arnold Pangan na nagbibigay ng libreng bakuna sa mga bata upang maprotektahan sila laban sa iba’t ibang uri ng sakit.

 

 

Ayon kay Dr. Pangan na maaaring bumisita sa MHD online appointment system para sa appointment sa pamamagitan ng http:/www.ManilaHealthDepartment.com.

 

 

Bilang isa ring doktor, binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng bakuna sa pertussis para mapigilan ang pagdami ng mga kaso na ang iba ay  nauuwi rin sa kamatayan kung hindi agad matutuklasana ng mga sintomas at maaagang panggagamot.

 

 

Aniya, ang lungsod ay gumagawa ng sarili nitong pagsisiyasat sa kaso, pagsubaybay sa contact, prophylaxis at pagbabakuna upang matugunan ang problema.

 

 

Kinumpirma ng DOH na umabot na sa 862 ang mga kaso ng pertussis sa bansa, kung saan 49 ang nasawi. Ang datos na naitala mula ­Enero hanggang Marso ay 30 beses na mas mataas kaysa sa parehong panahon noong nakaraang taon na may 79 porsiyentong mga batang wala pang limang taong gulang.

 

 

Karamihan sa mga kaso ay nagmula sa MiMaRoPa, na may 187 kaso na sinundan ng National Capital Region (NCR) na may 158 kaso; Central Luzon, 132; Central Visayas, 121 at Western Visayas, 72.

 

 

Sa mga batang apektado, 66 porsiyento o anim sa sampu ay alinman sa hindi nabakunahan o walang alam na kasaysayan ng pagbabakuna.

Outreach program ng SPEEd, umabot na sa Nueva Ecija at Aurora

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MARAMI na namang napasaya at nabigyan ng tulong ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) matapos ang isinagawa na taunang outreach program.
Nagtungo ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd sa Nampicuan, Nueva Ecija at Dingalan, Aurora nitong nagdaang Huwebes at Biyernes, Abril 4 at 5,
para maghatid ng tulong sa ilang residente roon.
Dumalaw at nagbigay ng cash donation ang SPEEd, sa pangunguna ng aming presidente na si Salve Asis (Pilipino Star Ngayon at Pang Masa), sa isang parokya sa Nampicuan at sa isang barangay sa Dingalan, Aurora.
Katuwang ng aming grupo sa pagsasakatuparan ng makabuluhang misyon na ito ang Beautéderm Corporation ni Miss Rhea Anicoche-Tan, at Unilab na wala pa ring sawang sumusuporta sa SPEEd mula noon hanggang ngayon.
Unang binisita ng samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ang Immaculate Conception Parish Church, Diocesan Shrine of the Holy Face of Jesus sa Nampicuan.
Sa pakikipagtulungan ng Parochial Vicar at Head ng Promotion Committee ng naturang simbahan na si Fr. Renz Valente, nagsagawa roon ng dental mission para sa mga kabataan.
Kasama ang ilang deboto at volunteers, pinangunahan ni Dr. Rex Gaculais ang naturang dental mission kung saan umabot sa 100 estudyante at residente sa Nampicuan ang nabigyan ng libreng dental service.
Nagkaroon din ng Egg Caldo Caravan mula naman sa Magtalas family na binubuo nina Councilor Alvin Magtalas kasama ang kanyang butihing maybahay na si Filipina Magtalas at ang anak nilang actor-singer na si Beaver Magtalas na bibida sa pelikulang ‘When Magic Hurts’ na ipalalabas na sa buwang ito.
Kasunod nito, nagtungo naman ang SPEEd sa Dingalan, Aurora upang magbigay ng food goodies at gamot sa isang Dumagat community doon, katuwang pa rin ang Magtalas family at si Miss Emily Grey ng 428 Mercado Hotel and Resort.
Ang iba pang sumuporta at nagbigay ng donasyon para sa SPEEd Outreach 2024 bukod sa Beautéderm at BlancPro ni Miss Rhea Tan, Unilab at Magtalas family, ay sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado, Ogie Alcasid, Kathryna Pimentel, Cong. Toby Tiangco at USec. Nina Taduran.
Nais ding pasalamatan ng SPEEd sina Local Water Utilities Administration Chair Ronnie Ong, Noel Ferrer, Wilson Lee Flores, Miss Faye, Leo Dominguez, Igan Foundation, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), Tyrrone James Escalante, Colorete Clothing, Manay Lolit Solis at Mayor Joy Pascual.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas.
(ROHN ROMULO) 

Foreign trips ni PBBM nagbubunga ng 43% sa P175.7-B investments na inaprubahan ng PEZA

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBUBUNGA  na ang mga nakuhang investments ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula sa kaniyang mga biyahe sa abroad.

 

 

Ayon kay Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso “Theo” Panga ang investment na nakuha ng Pangulo mula sa mga foreign investors ay halos kalahati ng kabuuang pamumuhunan na inaprubahan ng PEZA na P75 bilyon mula sa P175.7 bilyon na investments na inaprubahan.

 

 

Ang P175.7 bilyong halaga ng kabuuang pamumuhunan ay nakakuha ng green light mula sa PEZA noong 2023, na nagkaroon ng 25% na pagtaas mula sa P140.7 bilyon noong 2022.

 

 

Sinabi ni Panga, ang mga biyahe ng pangulo ay “napaka-epektibo” at naging instrumento sa makabuluhang pagtaas pamumuhunan sa bansa.

 

 

“I would say that it’s because of the President reaching out to people and economies and taking advantage of our FTAs [free trade agreements] that we as a nation are able to attract investments. The President is very clear in his messaging that the Philippines is ready to attract investments,” pahayag ni Panga.

 

 

Gayunpaman, idinagdag ni Panga, ang mga pamumuhunan na ito ay maaari lamang itulak at aktwal na magkaroon ng hugis kung ang mga tamang patakaran ay nasa lugar upang mapadali at suportahan ang mga ito.

 

 

Ang tinutukoy ng PEZA chief ay ang kasalukuyang moratorium sa pagtatatag ng ecozones sa Metro Manila sa ilalim ng Administrative Order No. 18 (AO18) noong 2019.

 

 

“New entrant investors have always preferred the National Capital Region (NCR) as the location for their businesses. Unfortunately, with the moratorium in place, we might be limiting the scope of new partnerships and slowing down our development,” pahayag ni Panga.

 

 

Inihayag din ng PEZA chief na kung nais natin masustine ang paglago ng IT-BPM sector para sa susunod na apat na taon na may annual target na 10% increase sa exports at makakabuo ng 200,000 na trabago mahalaga na paghandaan ang mga locations para sa bago at pagpapalawak ng IT locators.

 

 

Paliwanag naman ni Panga na kapag naipatupad ng maayos ang CREATE law sa National Capital Region, masususportahan nito ang panawagan ng ilang local government units sa Metro Manila na pinagkaitan bunsod ng moratorium na maging host ng IT parks at locator companies sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.

 

 

Dagdag pa ni Panga na kaisa sila sa hangarin ng Pang. Ferdinand Marcos Jr na i-roll-out ang red carpet para sa mas maraming investments ang magbubukas sa bansa.

 

 

“This is why we find it truly necessary to ensure that we have sound regulatory policies in place, maximizing the potential of every new partnership coming our way,” pahayag ni Panga. (Daris Jose)

Ads April 9, 2024

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Piston nagbanta muling maglulunsad ng welga laban sa PUVMP

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA GITNA ng darating na crackdown sa mga traditional jeepneys, ang mga drivers at operators ay nagbantang maglulungsad na naman ng isang welgang bayan sa Metro Manila habang padating ang deadline sa April 30 upang sila ay sumunod sa consolidation sa ilalim ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.

 

 

 

Sinabi ni Piston president Mody Floranda na sila ay humiling kay President Ferdinand Marcos na kanyang ipagutos ang pagrerepaso sa PUVMP bago magtapos ang tatlong buwan na palugit na kanyang pinagutos.

 

 

 

“We condemn the impending crackdown as we all know that jeepney drivers and operators are really suffering,” wika ni Floranda.

 

 

 

Ito ang sagot ni Floranda matapos magbigay ng isang pahayag si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz na ipapatupad nila ang panghuhuli sa mga colorum na public utility jeepneys simual May 1.

 

 

 

“During our meeting with chairman Guadiz last week, we asked him to study the PUVMP. That is what we are demanding, especially now that many of those who joined the consolidation program withdrawn from corporations because since operators joined the cooperatives, they have lost their source of income,” dagdag ni Floranda.

 

 

 

Hindi lang welga ang gagawin ng pinagsanib na grupo ng Piston at Manibela kasama na rin ang paglulungsad ng mga rallies.

 

 

 

“For us, holding a transport strike is always an option. We are prepared for all forms of protests, including big rallies,” saad ni Floranda.

 

 

 

Nagpahayag naman si Floranda ng pagasa na ang Supreme Court (SC) ay magbibigay ng temporary restraining order (TRO) upang ihinto ng pamahalaan ang pagpapatupad ng PUVMP.

 

 

 

“We are still hoping that the high court will issue a TRO, based on petition we filed on Dec. 20, 2023,” sabi ni Floranda.

 

 

 

Nilinaw niya na hindi sila tutol sa modernization. Ang tutol sila ay yoon consolidation ng prangkisa na ayon sa kanila ay bakit kailangan pa na ma revoke ang binigay na prangkisa upang makalahok sa kooperatiba o korporasyon. Dagdag pa nila na sana ay ang pamahalaan ay binigyan pansin ang mga lehitimong transport associations.

 

 

 

Base sa mga report na natanggap nila, ang mga PUV operators na nag withdraw sa programa sa consolidation ay mula sa National Capital Region (NCR), Iloilo, Bacolod, Southern Tagalog at Bicol region.  LASACMAR

Higit 300 preso inilipat sa bagong Quezon City Jail sa Payatas

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAILIPAT na sa bagong Quezon City Jail sa Barangay Payatas ang nasa 364 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na mga senior citizens at may karamdaman.

 

 

Ang paglilipat sa mga PDLs ay personal na isinagawa ni QC Jail Warden, JSupt. Warren Geronimo at mga opisyal ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP).

 

 

Nabatid na ang bagong pasilidad ay may lawak na 2.4 na ektarya at may kakayahan para ma-accommodate ang higit 3,000 PDLs pa sa lumang jail facility.

 

 

Nauna nang itinurn-over ng Quezon City government sa BJMP ang bagong pasilidad upang mas mabigyan ng maayos na piitan ang mga preso.

 

 

Inayos na rin ang mga perimeter fence na makakapagtiyak sa seguridad ng pasilidad.

 

 

Dahil dito, nagpasalamat ang pamunuan ng QCJMD kay Quezon City Mayor Joy Belmonte dahil sa malaking ka­ginhawaan para sa mga PDL ang bagong pasilidad lalo na sa problema ng pagsisikip sa lumang QC Jail.

 

 

Tiniyak din ni Geronimo na patuloy pa rin ang kanilang decongestion program sa city jail. (Ara Romero)