• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 9th, 2024

Sa unang araw na pag-ere sa GMA: ‘It’s Showtime’ nina VICE GANDA, pumalo agad sa mataas na rating

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FEW days ago ay isinulat na namin although blind item ang sinasabing nagdadalang-tao na raw ang maganda at magaling na aktres at kapatid ni Cong Arjo Atayde na si Ria Atayde.

 

Hindi naman denenay at hindi rin naman inamin ng kampo ng mga Atayde.

 

Pero kalat na kalat na raw ang naturang isyu at may mga nakakaalam na raw sa malalapit sa mga Atayde. Pero hanggang hindi mismo manggaling sa kanila ay mananatiling tsismis ito.

 

Pero tiyempong tumawag ang source namin sa balitang ito at pinanindigan pa rin niya ang isyung buntis daw talaga si Ria bago ikinasal sa asawa na nga niya ngayong si Zanjoe Marudo.

 

Well, wala namang masama kung totoong buntis nga ang magaling na Kapamilyang aktres dahil legal na silang asawa.

 

Maski na nga sa programang “Cristy Ferminute” ay ibinahagi ni Nanay Cristy na may source daw sila na nagsasabing nagdadalang-tao nga ang anak ng super talented na si Sylvia Sanchez.

 

“Pero mas maganda talaga kung diretso nating maririnig ang pag-amin mula sa mag-asawa o kaya ay sa kani-kanilang pamilya,” pagbabahagi ni Nay Cristy.

 

Dagdag pa ng premyadong showbiz talk show host na labis raw na ikasasaya ng pamilya Atayde at Marudo ang pagdating ng bagong blessing sa kanilang pamilya.

 

Pagpapatuloy niya, “Pero may source po kami na nagsabi na tatlong buwan na raw pong nagdadalang-tao ngayon si Ria Atayde na talaga namang ikinatutuwa ng magkabilang pamilya Marudo at Atayde.”

 

***

 

SUPER successful at talaga namang pumalo raw sa pinaka-mataas na rating ng isang noontime show ang unang araw ng pagiging kapuso ng kapamilyang show na “It’s Showtime.“

 

Sinabayan pa ng selebrasyon ng kaarawan ng main host na si Vice Ganda kung kaya pinag-uusapan at walang nagawa ang kalaban kungdi tanggapin na ang “It’s Showtime” ang nagwagi sa unang araw ng paglipat ng programa sa GMA-7.

 

Pero may tsika agad ang source naming ABS-CBN insider na hindi lang daw ang “It’s Showtime” ang magiging kapamilya’t kapuso kundi may susunod pa.

 

Tsika pa sa amin na malamang daw na sa pagbabalik ng “Pinoy Big Brother” ay sa GMA-7 na rin ito mapapanood.

 

“Gusto namin ipaalam, magbubukas na ulit ang bahay ni Kuya. The PBB house will open this June and sa loob ng isang-daang araw, meron tayong bagong batch of housemates.

 

“We will be scouting and having auditions,” banggit pa Direk Lauren Dyogi sa isang livestream noong Biyernes.

 

“We will have four important on-ground audition venues and dates. The audition will happen on the last week of April and then May. One in Metro Manila, Visayas, and Mindanao, and Luzon,” dagdag pa ni Direk Lauren.

 

Pero sa GMA nga ba? Well, well, abangan natin yan!!!

(JIMI C. ESCALA)

Kelot na nanggulo habang armado ng sumpak, swak sa selda

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG lalaki na nanggulo at nambulabog sa katahimikan ng gabi habang armado ng baril ang bitbit ng pulisya sa selda sa Caloocan City.

 

 

Dakong alas-1:30 ng madaling araw nang mabulabog ang gising ng mga residente ng Robes II, Brgy. 175 Camarin sa ginawang panggugulo at paghahamon ng away ng suspek na si alyas “Topak” habang may bitbit na isang sumpak.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Ruben Lacuesta, kaagad itinawag ng isang concerned citizen sa lugar ang pagwawala ng suspek na dahilan upang respondehan ng mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station-11 na nakakasakop sa lugar.

 

 

Pagdating sa lugar ay naabutan ng mga pulis, kasama ang ilang barangay tanod ang suspek na palakad-lakad at patuloy sa pagwawala habang hawak ang isang baril na dahilan upang dambahin kaagad siya ng mga otoridad.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang isang improvised shotgun na may karga pang isang 12-gauge na bala.

 

 

Sasampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunations Regulations Act ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Babaeng dalaw sa kulungan, buking sa droga na itinago sa ari

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na nakalabas ng kulungan ang isang babaeng dadalaw lang sana sa nakakulong niyang kinakasama matapos mabisto ng babaeng jail officer ang shabu na itinago niya sa kanyang maselang parte ng katawan sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan City Jail (CCJ) Warden J/Supt. Jerome Verbo, alas-3:30 ng hapon nang dumating ang suspek na si alyas “Jezyl” sa CCJ sa Talimusak corner Tanigue St., Kaunlaran Village, Dagat-Dagatan para dalawin ang kinakasamang si alyas “Samya” na nakakulong sa naturang kulungan dahil sa kasong paglabag sa R.A 10591.

 

 

Inakala ng suspek na maipupuslit niya para sa kinakasama ang mga kontrabandong itinago niya sa kanyang maselang parte ng katawan subalit, napansin ni JO1 Eme Rose Bautista ang kakaiba niyang paglalakad na inihalintulad sa paglalakad ng isang pato.

 

 

Dahil dito, isinailalim sa pribadong pagrerekisa ng jail officer ang ginang at dito natuklasan ang nakapasok na 60-stick ng sigarilyo, anim na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, at dalawang alluminum foil sa kanyang ari na nakasilid sa parang-condom na lalagyan.

 

 

Dinakip ang ginang na sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Pastor Quiboloy, dapat harapin ang kaso dito sa Pilipinas at sa Estados Unidos upang patunayan ang kanyang sarili

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINULIGSA ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy kasunod na rin sa kanyang mga demands bago sumuko.

 

 

Ayon sa mambabatas, dapat harapin nito ang kaso dito sa Pilipinas at sa Estados Unidos upang patunayan ang kanyang sarili laban sa mga alegasyong ibinabato sa kanya.

 

 

“Quiboloy should just face the charges against him here and in the US to prove if he is indeed innocent. He should also attend the hearings in Congress and the Senate instead of just being a fugitive. Sa pagtatago nya lalo lang lumalakas ang argumento na mukhang guilty talaga siya,” pagdidiin ni Castro.

 

 

Ilan sa mga hinihingi ni Quiboloy ay written guarantee na hindi makikialam ang US sa kaso niya dito sa Pilipinas at hindi rin makikialam ang Federal Bureau of Investigation (FBI), Central Intelligence Agency (CIA) at US embassy.

 

 

Nais din ni Quiboloy na maglabas ng written guarantee mula kina Presidente Marcos, Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil at National Bureau of Investigation (NBI) director Medardo de Lemos na hindi makikialam ang US government.

 

 

“Feelingero talaga hanggang ngayon,” ani Castro sa mga demand ni Quiboloy.

 

 

Una nang naglabas ang isang Davao City court ng warrants of arrest laban kay Quiboloy at sa lima nitong f ollowers dahil sa paglabag sa Republic Act 7610 oSpecial Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (Vina de Guzman)

Wala raw political color or motives ang life story: CLAUDINE, puring-puri ni IMELDA sa pagganap sa kanyang biopic

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Imelda Papin si Claudine Barretto sa pagganap nito sa kanyang film bio na ‘Imelda Papin: The Untold Story.’

 

 

“The best talaga sa akin si Claudine Barretto. She’s not just a big star, but also a best actress. Claudine was the best choice to play me in the movie. I like to thank her for accepting this movie.

 

 

“Hindi lang naman ako ang nag-decide to get her for the movie. Kasama sa pag-decide are my daughter, Maffi (Papin) and our director Gabby Ramos. We made the best decision kasi Claudine really gave her best,” sey ni Imelda na former vice-governor ng Camarines Sur at present president ng Actor’s Guild of the Philippines.

 

 

Dagdag pa ni Imelda na walang political color or motives ang kanyang life story. Istorya raw ito ng isang simpleng taong nangarap na maabot ang kanyang mga pangarap.

 

 

“It’s an inspirational and educational movie. It’s all about love for your God, family, and friends. ‘Yung kaibigan na napunta sa hindi masyadong maayos na lugar. Pero naroon ka para damayan sila. And siyempre pagmamahal po sa bayan.”

 

 

***

 

 

DAHIL gusto na ulit magkaroon ng isa pang anak si Katya Santos, sumasailalim ito ngayon sa IVF o Invitro Fertilization.

 

 

Kaya on-hold muna ang wedding plans nila ng fiance na si Paolo Pilar.

 

 

“I’m in the process of IVF. I’m already 42, so we prioritized na mag-baby muna more than the wedding,” sey ng former Viva Hot Babes.

 

 

May isang anak na si Katya na si Tala mula sa ex-husband na si Anton delos Reyes. Matagal na raw sumusubok sina Katya at Paolo na magka-baby sa normal na paraan pero may ilang nadiskubreng komplikasyon sa katawan ni Katya ang kanyang doktor.

 

 

“I have myoma. And then medyo mababa na ‘yung ovarian reserve ng eggs, that’s why we opted for an emergency IV. We had already had five harvests, meron na kaming dalawang embryo. Hopefully, this July, i-implant na siya.

 

 

“Gusto ko pa talagang magkaroon ng isa pang baby kasi ‘yung daughter ko is already 10 years old. Siyempre, naghahanap na rin siya ng kapatid. At least dalawa lang, para meron din kaming baby together,” sey ni Katya.

 

 

***

 

 

MAY misyon ang Hollywood socialite na si Paris Hilton na tulungan ang ilang American boys na nakakaranas ng pang-aabuso sa boarding school na Atlantis Leadership Academy sa Jamaica.

 

 

Nasa proteksyon na raw ng Jamaica’s Child Protection and Family Services Agency ang mga boys ages 14 to 18. Under investigation na ang founder ng school na si Randall Cook.

 

 

Nagtatag si Hilton ng advocacy para sa troubled teens pagkatapos niyang makaranas din ng pang-aabuso sa Utah’s Provo Canyon School noong teenager siya.

 

 

Ayon kay Paris: “When these boys asked for me and wanted me to come to the hearing, I dropped everything to travel here. No child deserves to be silenced or to testify about abuse alone.

 

 

“I also immediately sent supplies and clothing for the boys and brought more items with me today to help them stay comfortable during this stressful and traumatic experience. This is a global issue that requires systematic change. I am dedicated to eliminating child abuse and neglect in youth residential programs.”

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas buy bust

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kalaboso ang apat na drug suspects, kabilang ang dalawang ginang matapos mabingwit ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Gozon Compound, Brgy. Tonsuya kontra kay alyas “Merlin”, 58 (pusher/listed) ng Brgy. Longos.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinakip ng mga operatiba, kasama si alyas “Kang Kang”, 53, na bumili din umano ng droga kay ‘Merlin’.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 5.0 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at buy bust money.

 

 

Sa Navotas, nalambat naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team sa buy bust operation sa Tanigue St., Brgy., NBBS Dagat-Dagtan dakong alas-10:18 ng gabi sina alyas “Vecvec”, 59, electrician ng Brgy. NBBS at alyas “Aron”, 20 ng Brgy. NBBN.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakuha sa mga suspek ang aabot 5.5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P37,400.00 at buy bust money.

 

 

Pinuri naman Gen. Gapas ang Malabon at Navotas police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na mahahrap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)