• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 19th, 2024

Fil-Am actor Jacob Batalon has a special greeting for Pinoys as he invites fans to watch the new thriller “Tarot”

Posted on: April 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Filipino-American Jacob Batalon (Spider-Man: Homecoming, Spider-Man: Far From Home, Spider-Man: No Way Home) delves into horror as he tries to escape his deadly fate in Tarot. In anticipation of the frightening new film, Batalon invites fans in the Philippines to see Tarot as it haunts Philippine cinemas on May 1.

Watch Jacob’s shout out here: https://youtu.be/GwQ6vzCFEzc

Tarot brings to life the classic fortune-telling deck, where a group of friends violate the sacred rule of Tarot readings– never use someone else’s deck. This unleashes an evil within the cursed cards where one by one, the group meet their deadly fate dealt to them. It’s up to the group to face the unspeakable evil and escape their foretold death.

Director-writer Anna Halberg, with her writing and directing partner Spencer Cohen, drew inspiration for Tarot from the inherent fear brought about the occult. “There’s something inherently scary about tarot cards and tarot readings,” Halberg says. “We love astrology and horoscopes because it’s a way to learn about yourself, but it’s also a way to bring clarity and to learn about the future. On the other hand, if you know what the future is going to hold, good or bad, it will influence the decisions that you make, and just because you could know what the future brings, I don’t know that it’s a good idea that you should.”

Halberg and Cohen aimed to make a horror film that plays well as a group experience.  “Horror is best experienced in a group,” says Halberg. “There’s something so scary and fun about sitting in a dark theater with a group of strangers and going on this emotional rollercoaster.”

“It’s like being out on Halloween night and going to a haunted house with your friends,” adds Cohen. “We specifically designed this experience for the big screen.”

Watch the horror unfold and bring friends along for the ride as Tarot arrives in the Philippines on May 1. Tarot is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #TarotMovie

(ROHN ROMULO) 

Arrest warrant kay Quiboloy, tuloy

Posted on: April 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA HALIP na maglabas ng temporary restraining order (TRO), inatasan ng Korte Suprema ang Senado na maghain ng komento sa petisyon ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader at founder, Pastor Apollo Quiboloy, na humihiling na patigilin ang legislative chamber sa pagpapaaresto sa kanya.

 

 

Nangangahulugan ito na nananatili pa ring epektibo ang arrest order ng Senado laban kay Quiboloy.

 

 

Sa isang pulong balitaan kahapon, sinabi ni Supreme Court (SC) Spokesperson Camille Ting na binigyan lamang ng SC ang Senado ng hanggang 10-araw, mula sa petsa nang pagkatanggap ng abiso, upang maghain ng kanilang komento hinggil sa petisyon.

 

 

“The (SC) order was for the parties to comment (on the petition),” ayon kay Ting.

 

 

Matatandaang noong Marso 19, inaprubahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang isang arrest order laban kay Quiboloy dahil sa patuloy nitong pagtanggi na dumalo sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng mga ­alegasyon ng pang-aabusong sekswal laban sa kanya.

 

 

Umakyat naman si Quiboloy sa mataas na hukuman at hiniling na ipagwalang-saysay ang arrest order ng Senado.

 

 

Bukod sa pagpapaaresto ng Senado, naglabas na rin ng warrant of arrest laban kay Quiboloy ang regional trial courts (RTC) ng Davao City at Pasig City dahil sa mga kasong sexual abuse at qualified human trafficking na kanyang kinakaharap doon. (Daris Jose)

Kino-consider na pasukin din ang showbiz: KIM, mukhang pursigido talagang ligawan ni Atty. OLIVER

Posted on: April 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING instant celebrity ang Cebu-based lawyer na si Atty. Oliver Moeller.

 

AyOn pa sa isang kababayan na malapit Kay Atty. Oliver ay pursigido raw ang abogado na mapalapit nang husto kay Kim Chịu.

 

When in fact, inaalam daw madalas ni Oliver ang mga araw na bibisita si Kim sa bahay nito sa Cebu.

 

Kaya nga raw naging usap-usapan sa istudyo ng “It’s Showtime” ang pagbabad ni Atty.

 

Aware din daw naman si Kim sa pagdalaw ng abogado at ang mga kasamahan pa raw ng aktres ang tumulong para makapasok sa istudyo ang grupo ni Atty. Oliver, huh!

 

Instant celebrity ang sporty lawyer mula sa Lapu-Lapu City na siyang napili ni Miss Universe Philippines 2024 Michelle Marquez Dee nang sumalang siya sa “EXpecially For You” noong Abril 6.

 

Sa panayam naman kay Atty. Oliver ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe, sinabi nitong hindi pa siya sanay sa mga atensyong natatanggap niya mula sa mga tao. Pati raw ang videos niya ng pagwo-work out na naka-upload sa social media platforms niya ay pinagpipiyestahan ng mga tao.

 

Nang matanong siya kung handa ba siyang pasukin ang showbiz, “I’m actually considering it. That’s part of the reason why I’m here.” sey pa ni Atty

 

Sa deretsahang tanung naman kung may balak siyang ligawan si Kim.

 

“Ah… I’ve always thought Kim was such a pretty person, you know she’s from Cebu, so yeah I mean, I guess you could say that,” sagot niya agad.

 

So, sigurado na ba siyaNg manliligaw kay Kim?

 

“Ahm, I don’t think it’s fair that I speak about that without Kim’s permission, so, I’m so sorry I hope you understand, but Kim is pretty nice,” sagot pa ng abogado.

 

***

 

IPINAKILALA kamakailan sa media ang sinasabing newest Pop Classical Princess na si Ysabelle Palabrica na ginanap sa Music Box sa QC.

 

Kasabay na rin pagpapakilala ang launching ng kanyang first single entitled “Kaba” na unang pinasikat nina Tenten Muñoz at si Tootsie Guevara na likha ng multi-awarded composer na si Vehnee Saturno.

 

Si Yssa ay mula sa mga pamilya pulitiko na kung saan ang ama ay isang beteranong pulitiko at kasaluyang mayor ng Bingawan, Iloilo.

 

Nakitaan ng talento ng kanyang mga magulang si Yssa since 6 years old pa lang.

 

Ang ina ni Ysabelle ay si Madam Jean Magno Palabrica na owner and administrator ng isang private school sa Iloilo at may branch sa Bacolod, ang Centerphil Montessori.

 

Marami ang nagsasabing malayo ang mararating ni Ysabelle sa larangan ng showbis. Siyempre sa tulong ng kanyang manager na si Audie See.

(JIMI C. ESCALA)

PBBM, kasama sa ‘100 Most Influential People of 2024’ ng Time Magazine

Posted on: April 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KASAMA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “100 Most Influential People of 2024” ng Time Magazine.

 

 

Kinilala ng Time Magazine ang pagsisikap ni Pangulong Marcos sa ‘economic recovery’ matapos ang COVID-19 pandemic at kung paano itinaas ng Pangulo ang Pilipinas sa “world stage.”

 

 

Hindi rin nakaligtas sa Time Magazine ang paninindigan ng Pangulo sa West Philippine Sea sa gitna ng tumataas na tensyon sa rehiyon.

 

 

“Bongbong has stood steadfast against Chinese aggression in the disputed South China Sea and bolstered his nation’s alliance with the U.S. in the face of “rising tensions in our region and the world,” ang bahagi ng profile ni Pangulong Marcos na mababasa sa 2024 Time 100 issue.

 

 

“Many problems persist, including extra­judicial killings and journalists routinely attacked. But by trying to repair his family name, Bongbong may reshape his country too,” dagdag nito.

 

 

Samantala, ang iba pang Pangulo ng Pilipinas na nasa listahan sa nakalipas na taon ay sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2017 at namayapang dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III noong 2013.  (Daris Jose)

NBA stars bibida sa USA Basketball team na sasabak sa Paris Olympics

Posted on: April 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL ng inanunsiyo ng USA Basketball Team ang mga manlalaro na kanilang isasabak sa 2024 Paris Olympics.

 

 

Gaya ng inaasahan ay star-studded ang nasabing lineup sa pangunguna ng kanilang head coach na si Steve Kerr.

 

 

Pinangungunahan ito nina Los Angeles Lakers star LeBron James, Golden State Warriors Star Steph Curry at Kevin Durant.

 

 

Tanging sina Durant at James ang nakapaglaro ng makailang ulit sa Olympics.

 

 

Si Durant ay apat na beses na itong nakasabak noong makakuha ng gold ang USA sa taong 2012, 2016 at 2020 habang si James ay pangatlong beses pa lamang nitong maglaro na ang unang paglalaro niya ay noong 2012.

 

 

Ang mga unang pagkakataon na sasabak sa Olympics ay sina Curry, Tyrese Haliburton, Joel Embiid, Anthony Edwards at Kawhi Leonard.

 

 

Habang sina Jrue Holiday, Bam Adebayo, Jayson Tatum, Anthony Davis at Devin Booker ay pangalawang beses ng naglaro sa Olympics.

 

 

Ang pinakabatang manlalaro sa listahan ay si Edwards sa edad 22 habang ai James ang pinakamatanda sa edad nitong 39.

 

 

Ang listahan ay pinaghalong kumbinasyon ng mga baguhan at first timers kung saan ito rin ay maaaring huling paglalaro sa Olympics nina James, Curry na edad 36 ay 35-anyos na si Durant dahil maaring sa 2028 Olympics ay magreretiro na sila.

 

 

Tanging si James lamang ang aktibong miyembro ng USA Basketball team kung saan kasama ito noong 2004 USA Olympic ng magwagi sila ng bronze sa edad lamang nito na 19.

 

 

Mula pa noong 2008 ay hindi pumapalya ang USA Basketball team na nagwawagi ng gold medal sa Olympics.

1 John 4:18

Posted on: April 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.

7 drug suspects timbog sa buy bust sa Navotas

Posted on: April 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit P.1 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang lolo na malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

 

Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ng buy bust operation sa Santillan St., Brgy. San Jose, bandang alas-2:02 ng madaling araw.

 

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba sina alyas “Bayag” at alyas “JR” matapos umanong magsabwatan na bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Ayon kay Capt. Sanchez, nakuha sa mga suspek ang nasa 5.4 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P36,720.00 at buy bust money.

 

 

Nauna rito, natimbog namaman ng kabilang team ng SDEU ang dalawang tulak na lolo na sina alyas “Gani”, 62 ng Obando, Bulacan at alyas “Jojo’, 62 ng Brgy. Bangkulasi sa buy bust operation, alas-12:22 ng hating gabi sa Goldrock St., Brgy. San Roque.

 

 

Ani PSSg Ramir Ramirez, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 5.6 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P38,080.00 at buy bust money.

 

 

Dakong alas-2:33 ng madaling araw nang matiklo naman ng isa pang team ng SDEU sa buy bust operation sa Badeo 4 St., Brgy. San Roque sina alyas “Jessie”, 30, alyas“Jayson”, 43, at alyas “Andoy”, 38, pawang residente ng lungsod.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 4.5grams ng hinihinalang shabu na nagkakalahaga ng P30,600.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)