• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 3rd, 2024

Manibela at Piston bigo ang welga

Posted on: May 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NABIGO ang grupong Manibela at Piston na maparelisado ang transportasyon noong nakaraang April 30 at May 1 dahil karamihan sa mga operators at drivers ng mga public utility vehicle (PUV) ay hindi sumama sa ginawang welga.

 

 

 

Matigas pa rin ang paninindigan ng Piston at Manibela na hindi sila susunod at makikilahok sa programa ng pamahalaan sa modernisasyon ng mga jeepneys.

 

 

 

Sa isang panayam kay Orlando Marquez, Sr., national president ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na hindi naging matagumpay ang welga sapagkat karamihan sa sektor ng transportasyon ay hindi lumahok dahil natanggap na nila ang hindi maiiwasang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

 

 

 

“Only those who are benefitting from the old system are resisting consolidation. They make a lot of money from the butao-butao system (illegal terminals) and they realize that they can no longer get away with these illegal practices once operators consolidate,” wika ni Marquez.

 

 

 

Ang mga grupo na hind sumama sa welga ay ang Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), at Stop and Go.

 

 

 

Nilinaw ni Marquez na ang hanay ng grupo ng Piston at Manibela ay may 10 porsiento lamang sa kabuohang bilang ng sektor ng transportasyon sa bansa. Dagdag pa ni Marquez na kulang sila sa bilang ng miyembro upang maparalisadao ang buong sektor ng transportasyon sa pamamagitan ng ginawa nilang welga.

 

 

 

“When you come to think of it, how many members does Manibela have? It is an insignificant transport organization. However, its leadership seems to have political ambitions, thus, they are making a lot of noise,” saad ni Marquez.

 

 

 

Samantala, sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) na wala silang nalikom na report na nagkaron ng hindi magandang pangyayari sa simula at hanggang matapos ang welga noong Martes. Naglabas ng 51,000 na pulis ang PNP sa buong bansa upang mapangalagaan ang mga lugar ng may welga. Subalit tangahali pa lamang ng Lunes ay natapos ang welga.

 

 

 

Naglabas din ng may mahigit na 1,780 na mobility assets tulad ng patrol vehicles na nagbigay ng libreng sakay sa mga pasahero at 2,642 na pulis para sa mobile patrol sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) habang mga lokal na pamahalaan ay naglabas din ng mga mini buses.

 

 

 

“So far, it was relatively peaceful although we received information about those harassing other drivers who did not join the strike. I would like to take this opportunity also to call on those who are rallying. You have the right to air your sentiments especially those pertaining to the franchise consolidation move but you should also respect the rights of those opted to make a living and continued rendering services to commuters,” saad ni PNP spokesperson Col Jean Fajardo.

 

 

 

Matigas pa rin ang pamahalaan sa binigay na deadline noong nakaraang April 1 at sinabing wala ng pagpapalawig ng nasabing deadline.  LASACMAR

Panlaban sa init, Valenzuela naglagay ng mobile showers

Posted on: May 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon.

 

 

 

Ngayong taon, sunud-sunod na umabot sa mataas na heat index ang bansa. Bilang tugon, nakahanap ng paraan ang pamahalaang lungsod upang matulungan ang publiko.

 

 

 

Sa kabuuang halaga na PhP 12,750,000, bumili ang pamahalaang lungsod ng dalawang mobile shower at toilets na may kasamang apat na shower enclosure, apat na palikuran, handwash basin, at isang folding clothes rack sa bawat mobile shower. Ito ay karagdagan sa disaster response fleet ng lungsod na ipapakalat sa mga evacuation center. Araw-araw itong iikot sa bawat barangay upang ang Pamilyang Valenzuelanos na nakakaranas ng kakulangan sa tubig ay maari nilang magamit ng libre ang mga shower room.

 

 

 

“Ito pong dalawang mobile shower ay papaikutin po natin sa atin pong komunidad, at uumpisahan natin yan dito sa [Barangay] Parada. Libreng shower po ‘yan, libreng toilet… ito po ay iikot dahil po may mga komunidad tayo na medyo may kaunting power interruption, at hindi po sila makaligo dahil walang kuryente sa kanilang bahay. Kaya po sa pamamagitan po ng mobile shower natin, araw-araw [ay] papaikutin po natin… para po maiwasan natin ang sakit na mula sa heat wave na nararanasan natin ngayon.” mensahe ng Mayor Wes. (Richard Mesa)

Naging totoo lang sa kanyang nararamdaman: YASSER, inamin na nagkaroon ng pagtingin kay CLAUDINE

Posted on: May 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Yasser Marta na nagkaroon siya ng pagtingin kay Claudine Barretto nang gawin nila ang GMA/Regal Entertainment series na “Lovers/Liars.”

 

 

Ginawa ng Sparkle hunk ang pag-amin nang masalang sa “hot seat” ng programang “Sarap Di Ba?” nina Carmina Villarroel at mga anak nito na sina Mavy at Cassy Legaspi.

 

 

Sa naturang segment, tinanong si Yasser kung gaano sila ka-close ni Claudine?

 

 

Sagot ng aktor: “Well, sa closeness namin ni Miss Clau, 10 talaga. As in sobrang naging close kami, ginagawa namin yung ‘Lovers/Liars.’ Talagang oo.”

 

 

Sinabi rin ni Yasser na naging kaibigan na rin niya ang mga anak ni Claudine.

 

 

Sunod na tanong ay kung nagkaroon ba siya ng feelings para kay Claudine?

 

 

Sagot ni Yasser: “I’m going to be honest. Totoo. Ako naman, ‘yung naramdaman ko at that moment, naging totoo ako, gusto ko rin naman talaga si Claudine. Kahit hindi siya si Claudine, kahit naman sinong lalaki, magugustuhan pa rin po siya eh. Bukod sa mabait, napakalambing, napakabuti ng puso niya.”

 

 

***

 

 

NAISUOT na ni Glaiza de Castro ang bagong warrior costume ni Sang’gre Pirena sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang’gre.

 

 

Kuwento ni Glaiza sa 24 Oras, hindi niya naiwasang kiligin sa excitement sa pagbabalik bilang Sang’gre Pirena.

 

 

“Nakakailang taping days na rin po ako. Habang ginagawa namin ‘yung mga eksena namin, saka ko binabalikan si Pirena. Ang maganda naman sa ‘Sang’gre,’ hindi mahirap balikan.

 

 

Ayon pa kay Glaiza, dumating din sa punto na naging emosyunal sila ni Bianca Umali nang malaman ang mga gagawin nilang eksena.

 

 

“Kagabi ipinakita sa amin ni Bianca ni Direk Mark [Reyes] ‘yung ibang mga eksena, they put it all together. Naiyak kami kasi parang this time, masaya kami na na-continue ang legacy ng ‘Encantadia,'” sabi ni Glaiza.

 

 

Nagsimulang sumalang si Glaiza sa taping ng Encantadia Chronicles: Sang’gre noong Marso.

 

 

Makakasama ni Glaiza sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA ang bagong henerasyon ng mga Sang’gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.

 

 

Magbabalik din sina Sanya Lopez, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Rocco Nacino mula sa Encantadia 2016.

 

 

Nasa serye rin sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.

 

 

***

 

 

SASABAK sa Jinseo Arigato International Film Festival ang comedy film ni Njel de Mesa na Malditas in Maldives.

 

 

Pinagbibidahan ito nina Arci Muñoz, My Guardian Alien star Kiray Celis at ni Janelle Tee.

 

 

Ang Jinseo Arigato International Film Festival ay isang paraan para ipagdiwang ang Cross-Cultural Cinematic Achievement ng mga Pilipino at Japanese sa larangan ng pelikula.

 

 

Gaganapin ang festival sa May 25-26, at ipapalabas ang mga pelikula sa Philippine Cinemas pagkatapos nito.

 

 

Nag-post kamakailan ang NDM Studios sa kanilang Facebook page at nagpahtid ng kanilang congratulations.

 

 

“OFFICIAL JAPANESE TRAILER – PANG-INTERNATIONAL NA YARN!!! CONGRATULATIONS, OMEDETO GOZAIMASU for being selected as one of the entries to the JINSEO ARIGATO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL (in Japan) –to our hardworking cast, staff, production, and creative team for this cinematic achievement kineme!” sulat nila sa post.

 

 

Sa hiwalay na Instagram post, sinabi ng studio na honored silang mapabilang sa unang announcement video kung saan makikita ang iba’t ibang pelikula na kasama sa film festival.

 

 

Iikot ang kuwento ng pelikula sa tatlong vloggers na gusto mag-feature ng isang magarang resort sa Maldives. Ngunit mapapansin ng tatlo na tila paulit-ulit ang mga pinagdadaanan nilang araw, dahilan para maghinalang sumakabilang buhay na sila.

 

 

Bukod sa Malditas in Maldives, makakasama rin sa film festival ang pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco na That Kind of Love. Napili ang kanilang pelikula bilang spotlight entry sa nasabing film festival.

(RUEL J. MENDOZA)

Tatakbo raw na congresswoman sa Maynila: GRETCHEN, bali-balitang papasukin na rin ang mundo ng pulitika

Posted on: May 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

GAANO kaya katotoo ang tsika na mula sa isang source na isang pulitiko na malaki raw ang posibilidad na papasukin ng aktres na si Gretchen Barretto ang mundo ng pulitika ngayong 2025 elections?

 

Tatakbong kongresista sa isang district ng Maynila si Gretchen. At ang nagpapatakbo siyempre ay no less than ang kilalang negosyante na si Atong Ang.

 

Kinumpirma rin naman Ito ng isang taga-showbiz na malapit din sa nabanggit na negosyante.

 

Dagdag pa ng source namin na nagkaroon daw ng hidwaan at ang incumbent congressman at medyo nahihirapan daw ang mga alipores ni Atong na makapasok sa distrito ng kasalukuyang kongresista.

 

Kung kaya kinausap daw ng negosyante si Gretchen na labanan ang incumbent congressman.

 

Hindi raw naman nahirapang kumbinsihin si Gretchen dahil pangarap na rin naman noon pa ng aktres na maging isang pulitiko.

 

Pero congress diumano ang target ni Gretchen muna sa ngayon.

 

At ngayon pa lang ay super excited na diumano La Greta na mangangampanya at hindi na shocking kung kakandidato man siya.

 

Matandaang tinawag siyang ‘santa ng mga ayuda’ dahil sa ginawa niyang pag-aayuda sa maraming taga-showbiz noong kasagsagan ng pandemic.

 

Sako-sakong bigas din ang ipinamudmod ni Gretchen na şinundan pa ng mga love boxes.

 

Pati ang mga health workers ng ilang government hospitals ay nakatikim din ng pa ayuda ni Gretchen, huh!

 

***

 

PATI pala ang kilalang award-winning na Kapamilyang director na si Cathy Garcia-Sampana ay hindi raw nakaligtas sa kaliwa’t-kanang patutsada matapos nitong dumalo sa birthday party ni Daniel Padilla.

 

Sa programa ni Nay Cristy Fermin sa “Cristy Ferminute” ay ibinalita ng host ang himutok umano ng fans ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa pagdalo ng nasabing direktor sa birthday party ng ex nito.

 

Banggit ng mga tagahanga ni Kathryn ay nagsalita raw itong si Direk Cathy na parang mas kampi siya kay Daniel dahil nagpunta doon sa birthday party.

 

Kapansın-pansin daw kasi na dumalo si Direk Cathy sa birthday party ni Daniel pero hindi man lang sumilip sa kaarawan naman ni Kathryn.

 

Ipinagtanggol naman ni Nay Cristy si Direk Cathy laban sa mga batikos na natatanggap nito.

 

: “Hindi ako naniniwala na sasabihin niya na mas kampi siya kay Daniel. […] Huwag tayong bumili ng kakampi. Huwag tayong humamig ng kakampi sa atin. Ang naghiwalay, si Daniel at si Kathryn. Ano namang kinalaman ng ibang tao do’n?” Sey pa ni Nay Cristy.

 

“Ipagpalagay na nating nagpunta si Direk Cathy Sampana sa birthday ni Daniel Padilla. Bakit? Wala ba siyang karapatan? Naging artista niya si Daniel,” dugtong pa rin ni Nay Cristy.

(JIMI C. ESCALA)

DOH, hinikayat ang publiko na ” to stay cool, hydrated” sa gitna ng nagpapatuloy na matinding init ng panahon

Posted on: May 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANG paghahanap ng mga praktikal na paraan para manatiling “cool at hydrated” ay makatutulong sa publiko habang nagpapatuloy ang mainit na panahon hanggang sa susunod na buwan.

 

 

Sa press briefing ng Task Force El Niño, binigyang-diin ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang kahalagahan ng pananatiling “hydrated.”

 

 

Kaya nga, mabilis na nagpayo si Herbosa kontra sa makailang ulit na pagligo sa isang araw.

 

 

“Hindi ko ma-recommend ‘yan. Mauubos naman yung tubig para sa tubigan, mawawalan tayo ng pagkain. Ang payo ko talaga is to conserve water,” ayon kay Herbosa.

 

 

Bilang tip, inirekomenda ni Herbosa ang pagdaragdag ng isang pinch o kurot ng asin sa inuming tubig para itaas ang electrolytes sa katawan at mapigilan ang cramps dahil sa dehydration.

 

 

Ang isa pang tip mula sa Kalihim ay regular na magdala ng isang atomizer o spritzer na may tubig para i-spray sa mukha at iba pang bahagi ng katawan para i- hydrate at panatiling ‘cool’ ang balat.

 

 

Inulit naman ni Herbosa na ang mga kabataan, may edad na 50 at pataas, mga taong nagta-trabaho sa kalsada at iyong mga kasama sa recreational sports ay “at high risk” na dumanas ng “exposure illnesses” kapag ang heat index ay tumaas sa 50.

 

 

Winika nito na ang critical hours sa araw ay mula alas-10 ng umaga hanggang 4 ng hapon kapag ang heat cramps at heat exhaustion ay nangyari na maaaring mauwi sa heat exhaustion at maging ang pagkamatay kapag hindi kaagad nagamot. (Daris Jose)

Tatlong criminal case for cyber libel: BEA, nagsampa ng kaso laban kina CRISTY at OGIE

Posted on: May 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAMPA ng kaso ang Kapuso actress na si Bea Alonzo laban sa mga showbiz columnist at online hosts na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz kasama ang mga co-host sa kani-kanilang online programs.

 

 

Ayon sa FB post ni Nelson Canlas’ naghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel si Bea sa Quezon City Prosecutors Office.

 

 

Kasama pa sa inireklamo ng Kapuso actress ang isang netizen na nagpapanggap na malapit sa kanya.

 

 

At base sa complaint affidavit ni Bea na naging biktima siya ng mali, malisyoso at mga mapanirang impormasyon na mula sa nagpanggap na malapit sa kanya na naging topic sa online shows nina Nay Cristy at Ogie na wala naman daw naging basehan.

 

 

Kasama pa rito ang umano’y sunud-sunod na paninira nila kay Bea sa kanilang mga columns at mga show.

 

 

Kabilang na ang issue na umano’y di pagbabayad ng tamang buwis ng aktres.

 

 

Kasama naman ni Bea sa paghain ng kaso ang kanyang abogadong si Atty Joey Garcia at manager na si Shirley Kuan.

 

 

Ang kabuuan ng report ni Nelson ay napanood sa 24 Oras.

 

 

As of writing ay wala pang pahayag sina Cristy at Ogie, at yun ang ating aabangan sa darating na mga araw.

 

 

***

 

Hip-Hop Icon ng Pinas na si Flow G, bahagi na ng Puregold!

 

 

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga kulay ng Puregold, may bago na namang sasali na talentadong artista sa inaabangang pasabog ng kompanya.

 

 

 

Isang hip-hop icon ang lalahok sa Tindahan ni Aling Puring, si Flow G, at kamakailang naglabas ng teaser ng kolaborasyon na ito sa isang Instagram post, kung saan nagre-record ang musikero habang mayroong nakikitang Puregold bag.

 

 

 

Kasama na ang rapper sa kahanga-hangang linya ng mga artista na pinangungunahan ng alternative pop band na SunKissed Lola at ng Pinay girl group na BINI. Habang kakaiba yata ang pagsasanib ng BINI, SunKissed Lola, at ni Flow G, binibigyang-diin nito ang layunin ng Puregold na isulong ang iba-ibang genre ng musikang Pinoy.

 

 

 

Flow G, o si Archie dela Cruz, ay kilala sa pagsisimula ng bagong era ng Pinoy hip-hop at OPM. Dahil alam niya ang responsabilidad na kasama ng nagawa niyang ito, nais ni Flow G na mas hikayatin pa ang mga Pilipino ang pagmamahal sa musikang Pinoy, at nakipagsanib siya sa Puregold upang magkuwento ng mga naratibong damang-dama ng mga kapwa-Pilipino.

 

 

 

Naging makulay ang paglalakbay ni Flow G mula noong sumikat siya sa gitna ng 2010. Pagkatapos magsimula ng kaniyang karera, napakaraming mga balakid na dumating, gaya ng mga detraktor, diss track, at iba pang hamon na kasama sa pagnanais na lumikha ng sariling pangalan.

 

 

 

Naging matatag si Flow G at narating ng mga kanta niyang “RAPSTAR” at “High Score” ang tagumpay. Sa pamamagitan ng kolaborasyon kasama ang Puregold, sabik na ibabahagi ni Flow G ang kaniyang kuwentong panalo ng pagpapatuloy para sa pagmamahal sa ginagawa.

 

 

 

Inaanyayahan ang mga tagasubaybay nina Flow G, ng BINI, at ng SunKissed Lola na abangan ang mga inihanda nila at ng Puregold.

 

 

 

Sumubaybay na! Mag-subscibe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa TikTok para sa mga update.

 

 

 

(ROHN ROMULO)