• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 17th, 2024

Nais maging pribado ang tungkol sa kanila ni Kathryn: ALDEN, nagbabala sa publiko laban sa fake tweets

Posted on: May 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA si Alden Richards sa publiko laban sa fake tweets na ginagamit ang kaniyang pangalan, pati sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

 

 

 

Muling sinabi ni Alden na nais niyang maging pribado ang tungkol sa kanila ni Kathryn.

 

 

 

“Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyadong nakakasama at wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy dun sa mga fake tweets na kumakalat.

 

 

 

“Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po eh pugad ng fake news, so not until ‘yung mga official accounts po ng mga artista ang nag-post nung mga tweets na kumakalat diumano, eh huwag po nating agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgement,” paalala pa ng aktor.

 

 

 

Muling nagkasama sina Alden at Kathryn nang kilalanin sila bilang Box Office King at Box Office Queen ng 2024.

 

 

 

Sa isang panayam sa magazine, nabanggit na rin ni Alden na nais niyang maging pribado kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Kathryn na kaniyang naging malapit na kaibigan nang gawin nila ang pelikulang “Hello Love Goodbye.”

 

 

 

Sinabi rin ni Alden sa hiwalay na panayam na, “what you see is what you get,” ang tungkol sa kanila ng aktres.

 

 

 

Bibida si Alden ang upcoming series ng GMA na “Pulang Araw,” at makakasama niya sina Dennis Trillo, Barbie Forteza, David Licauco, at Sanya Lopez.

 

 

 

***

 

 

 

INAMIN ni Jestoni Alarcon na kinikilatis niya ang mga lalaking nanliligaw sa kanyang anak na si Angela.

 

 

 

“Actually, may mga dumadalaw sa kanya na boys sa bahay talaga. Ang gusto ko lang kasi, makilala ko. So natutuwa ako kapag nakikilala ko in person. Kung ano man ang magiging development nila, nasa kanya na ‘yon. Hindi naman ako magsasabing ‘O huwag ‘yan kasi ganiyan.’

 

 

 

“Tinitingnan ko rin kung okay. Kung sa tingin kong mukhang okay naman ‘yung bata, mabait naman, sa tingin ko mamahalin nang husto ‘yung anak ko, why not, ‘di ba?” kuwento ng aktor.
Si Angela naman, kinikilala rin nang mabuti ang kanyang mga manliligaw.

 

 

 

“Siguro it should be multiple dates po muna. I need to know first if worth it na po bang ipakilala sa parents. If genuinely I have a connection with the person, if alam ko naman ‘yung intention niya sa akin is mahal talaga niya ako, doon na po talaga ready ko siyang ipakilala.

 

 

 

“It’s more of my dad talaga. My mom is pretty chill about it. Okay lang kay mommy lahat. Happy siya basta happy ako. Pero si dad po talaga, talagang bina-background check niya,” sabi ni Angela.

 

 

 

Magkasama ang mag-amang Angela at Jestoni sa Kapuso action series na “Black Rider.”

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Nag-leave sa senado para magpagaling: Sen. BONG, ‘di na muna itutuloy ang pagbabalik-pelikula

Posted on: May 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IIWANANG pansamantala ni Senator Bong Revilla ang senado.

 

 

 

Nag-medical leave ang senador last Tuesday, May 14 ayon na rin sa payo ng kanyang mga doktor.

 

 

 

Kailangan kasi ni Sen. Bong na ipahinga nang husto ang kanang paa na kailangan ang maayos at mabilis na pagpapagaling nito.

 

 

 

Na-shelve naman at mukhang hindi na muna itutuloy ang pelikulang “Alyas Pogi 4” dahil sa kalagayan niya.

 

 

 

Last Monday ay pinilit pa raw ni Sen. Bong na dumalo sa session sa Senado. Pero sa kasamaang palad ay wala raw sa loob na aksidenteng naitapak kung kaya parang bumuka nang bahagya ang operasyon nito.

 

 

 

Ayon pa sa report o sa medical certificate ni Sen. Bong ng St. Luke’s Global sa BGC, Taguig ay kailangan na ipahinga nang at least two weeks ang injured na pal ng senador.

 

 

 

May napansin daw ang mga doktor na pagdurugo sa inoperahang paa ng senador.

 

 

 

“We have advised that he keep the leg elevated at all times for the next 2 weeks (May 14 to May 31, 2024) to decrease potential swelling that can aggravate our postoperative wound site.” ayon pa sa medical certificate.

 

 

 

Dagdag pa ng naturang report na kailangan daw munang tumigil ni Sen. Bong sa kanyang mga trabaho.

 

 

 

Mamalagi muna si Senator Bong sa kanilang farm sa Cavite, para doon tuluyang magpagaling.

 

 

 

***

 

 

 

KUNG pagbabasehan ang mga naglalabasang mga larawan at dagdag kuwento pa ng mga taong present sa okasyon ay parang nagkakabalikan na nga sina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

 

 

 

Pareho kasi silang dumalo sa graduation ng anak nilang si Chesca.

 

 

 

Si Sunshine na mismo ang naglabas ng mga larawan sa kanyang instagram post last Wednesday.

 

 

 

“Congratulations to our @chesca.montano! We are so proud of you anak.” Lahad pa ni Sunshine.

 

 

 

Sunod-sunod naman ang mga greetings na nagsidatingan kay Cheska, mga kaklase, malalapit na kaibigan at maski na yung mga bagong kakilala nila ay nagpadala ng mensahe.

 

 

 

At pati sina Shine at Buboy ay nakatanggap din ng mga pagbati para sa anak nilang si Cheska…

 

 

 

“Kudos sa parents good co-parenting talaga. Kitang kita sa mga mata ng mga anak nyo ang saya”

 

 

 

 

“ok na rin to kesa mag away away pa. life is short naman”

 

 

 

 

“Mag Ex na walang hate sa Isat isa o bitterness. Nakaka inspire! I love you both! Congratulations!”

 

 

 

 

“Ang galing naman! No hurt feelings ang mga bagets pati parents especially si wify”

 

 

 

 

“This is the way it should be.. even if the mom and dad are already divorced, they should still be friends and get along as co- parents to their children.. it has a great impact on the well- being of the kids… congrats Sunshine and Cesar for making it through,and raising successful children!”

 

 

 

 

“Very nice family, lahat matino. At yung wifey ni Cesar ngayun super maganda na mabait pa. May God Bless this family always.”

 

 

 

Samantala, naghiwalay sina Shine at Cesar last 2013 at na-annul ang kanilang kasal noong 2018. Nagkaroon sila ng tatlong anak na babae na sina Sam, Angelina, at Chesca.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

New Posters Unveiled: ‘Fly Me to the Moon’ Set to Illuminate Cinemas in July 2024

Posted on: May 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“Fly Me to the Moon,” featuring the dynamic duo Scarlett Johansson and Channing Tatum, is slated for a grand cinematic release in July 2024. This comedy-drama, directed by the acclaimed Greg Berlanti, combines wit, style, and high stakes in an unforgettable journey alongside NASA’s historic Apollo 11 moon mission.

 

 

 

 

Johansson stars as Kelly Jones, a sharp-witted marketing guru hired to revamp NASA’s public image, while Tatum plays Cole Davis, a launch director with the weight of the moon landing on his shoulders. The film’s script, penned by Rose Gilroy and based on a story by Bill Kirstein & Keenan Flynn, crafts a compelling narrative where truth and fiction collide spectacularly.

 

 

 

 

The star-studded ensemble doesn’t stop with Johansson and Tatum; the film also features performances by Nick Dillenburg, Anna Garcia, Jim Rash, Noah Robbins, Colin Woodell, Christian Zuber, and Donald Elise Watkins. Special appearances by Ray Romano and Woody Harrelson add further gravitas and humor to the mix.

 

 

 

 

Excitement is soaring with the release of the film’s new posters, showcasing Scarlett Johansson and Channing Tatum in their captivating roles. These visually stunning posters hint at the dynamic chemistry and high-flying drama awaiting audiences.

 

 

 

 

“Fly Me to the Moon” transcends the traditional boundaries of genre by introducing a plot twist that intertwines reality and staged deception. Tasked with staging a fake moon landing as a backup, Jones’s strategies and Davis’s operational challenges lead to comedic yet tense mishaps that will keep audiences on the edge of their seats.

 

 

 

Produced by Scarlett Johansson, Jonathan Lia, Keenan Flynn, and Sarah Schechter, the film promises to be a cinematic masterpiece. Its engaging plot, combined with impeccable performances and high production values, positions “Fly Me to the Moon” as a must-see film of 2024.

 

 

 

 

Distributed in the Philippines by Columbia Pictures, a local office of Sony Pictures Releasing International, the film is set to captivate audiences worldwide. Viewers can connect and stay updated through the hashtag #FlyMeToTheMoon and follow @columbiapicph for exclusive insights and behind-the-scenes content.

 

 

 

 

Prepare for a journey to the moon that promises laughter, suspense, and a spectacle like no other. Don’t miss “Fly Me to the Moon” – only in cinemas from July 2024.

 

 

 

 

(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Para sa kanilang 11th commitment anniversary: ICE, tinapatan at ‘di nagpakabog sa mga mensahe ni LIZA

Posted on: May 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAAALIW basahin ang 11th commitment anniversary messages nina OPM Icon Ice Seguerra at Liza Diño, na pinost nila sa Facebook at Instagram na kung saan nagpahayag sila ng kanilang pagmamahal.

 

 

 

Sa post ni Ice, sinimulan niya ito ng, “It’s been 11 years since I committed to…

 

 

 

Kasunod ang mga sentences na may red heart icon…

 

 

 

“Level up my porma at bumili ng sapatos na balat—Nakakahiya eh, maganda yung asawa ko, dapat pogi din ako.

 

 

 

 

“Be more open to new experiences. Eating food na medyo hindi ko kilala, pumunta sa mga lugar na kakaiba.

 

 

 

 

“Sharing my food, especially yung balat ng manok. Sa mga taong kilala ako, alam nilang I’d rather order for you and pay for it kesa bigyan kita ng nasa plato ko. Pero nung minsang pinandilatan ako ng mata ni Liza, bigla akong nagbago.

 

 

 

 

“Be more spontaneous. I usually hate (and still do) going out na hindi planado, but I think I’m getting better at it.

 

 

 

 

“Sharing my alone time. Like when watching films, I usually like it quiet pero ang asawa ko, kundi sumisigaw dahil takot o galit sa kontrabida, mahilig mag comment sa pinapanood.

 

 

 

 

“Saying sorry na alam ko dapat ang rason bakit ako nag a-apologize.

 

 

 

 

“Smiling more often ‘coz meron daw akong resting bitch face

 

 

 

 

“Listening to understand and put myself in someone else’s shoes before I say and do things.

 

 

 

 

“Communicating my feelings, sharing my problems, and not keeping it bottled inside.

 

 

 

 

“’Wag mag copy paste nang greeting para magpakilig. Kahit maikli, basta orig at galing sa puso.

 

 

 

 

“Be a better person every day.

 

 

 

 

Pagtatapos niya, “11 years went by so fast, my love. Life with you is an amazing adventure. I love you so much! Happy Anniversary!”

 

 

 

Sa post naman ni Liza, mababasa ang panimulang, “It has been 11 years since….

 

 

 

Kasunod din ang mga nakaka-touch na litanya na may red heart icon din sa simula…

 

 

 

“I committed to stop wearing high heels esp pag kasama ka.

 

 

 

“I committed to wearing just jeans and shirt para di ako magmukhang matured.

 

 

 

“I committed to not wearing too much makeup dahil sabi mo mukha akong matanda.

 

 

 

“I’ve accepted na kahit two years lang ang agwat natin mukha tayong magnanay.

 

 

 

“I’ve embraced the fact na san mang lupalop ng mundo, may nakakakilala sa’yo.

 

 

 

“I’ve committed to love everything that you are and you are not.

 

 

 

“I’ve accepted that I sometimes really do play the role of a Nanay to you.

 

 

 

“I’ve realized I’m willing to sacrifice my personal dreams just to support yours.

 

 

 

“I found happiness in seeing you succeed and becoming better and better at your craft.

 

 

 

“I’ve made it my mission to be your biggest fan as well as your most honest critic

 

 

 

“I told myself over and over how lucky am I to have found my forever in you.

 

 

 

“HAPPY 11th COMMITMENT ANNIVERSARY SA’TIN and CONGRATULATIONS SA SOLDOUT CONCERT!!!

 

 

 

“So proud of you my love. Mahal na mahal na mahal kita!!!.”

 

 

 

Ang speaking of the sold-out concert ni Ice ng ‘Videoke Hits’, magkakaroon ito ng repeat sa June 1, 2024 sa Music Museum. May pre-selling na ng tickets through Fire and Ice PH, mag-text lang sa 09175420303 and soon sa Ticket World.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads May 17, 2024

Posted on: May 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments