• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 23rd, 2024

Mas bet ng fans sa seryeng pagbibidahan ni Anne: HEART, ‘di kayang pantayan nina KYLIE at PIA sa pagrampa

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANUMPA na nga si Sen. Chiz Escudero bilang Senate President last Monday, May 21 at siyempre nasa tabi ang kanyang esposa na si Heart Evangelista.

 

 

 

Marami nga ang nagulat sa pagpapatalsik o pagre-resign ng dating Senate President na si Miguel Zubiri noong Lunes.

 

 

 

Mukhang magiging aktibo na si Heart sa Senate Spouses Foundation, Inc. na pinamumunuan ni Audrey T. Zubiri, asawa ng former Senate Pres. Zubiri.

 

 

 

Samantala, si Senator Jinggoy Estrada naman ang nanumpang Senate President Pro Tempore, na kapalit ni Senator Loren Legarda.

 

 

 

Ang tanong makakaapekto kaya ito sa pagiging abala ni Heart sa mga fashion event sa Europe?

 

 

 

Nag-viral naman ang video na kumalat na kung saan nagbeso pa si Heart kay Sen. Zubiri.

 

 

 

At dahil sa kaganapan, mukhang ilang panahon na lang, ay puwede nang maging first lady si Heart.

 

 

 

Tungkol pa rin kay Heart, may ibang fans na mas bet daw nila ang fashion icon na gumanap na bida sa Philippine a­daptation ng hit Korean drama series na ‘It’s Okay To Not Be Okay’ na pagbibidahan nina Anne Curtis, Carlo Aquino, at Joshua Garcia.

 

 

 

***

 

 

 

MARAMING nakapansin na ang mga, rumampa sa Cannes Film Festival ay wala namang pelikula.

 

 

 

Mas bongga sana kung rumarampa na Pinoy celebrities ay meron man lang pelikula na napapansin din sa nasabing prestigious filmfest.

 

 

 

Pero ang sexy nina Kylie Verzosa, Franki Russel (Miss Universe New Zealand 2024 and actress) at si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

 

 

 

Pero obserbasyon ng marami, iba pa rin daw si Heart Evangelista ‘pag rumarampa, mas nagka­kagulo ang photographers at kalat kaagad sa social media.

 

 

Na ibang-iba sa treatment kina Kylie, Franki at Pia ng mga photographers, na makikitang nakatingin sa red carpet.

Madalas silang nag-aabot sa mga race: BUBOY, itinuring na mahigpit na kalaban ni KOKOY sa ‘Running Man PH’

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUKOD nga sa napakalamig na klima sa South Korea at unang beses na makaranas ng snow, nagkuwento si Kokoy de Santos ng karanasang hindi niya malilimutan habang nagsu-shoot sila para sa Season 2 ng Running Man Philippines.

 

 

 

Dito namin napag-alaman na matatakutin pala si Kokoy.

 

 

Sa trailer ng Running Man Philippines Season 2 ay ipinakita na pumasok sa tila isang horror house ang pitong runners na sina Kokoy, Glaiza de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Mikael Daez at ang pinakabagong runner na si Miguel Tanfelix.

 

 

 

Pagpapatuloy pa ni Kokoy, “Isa po iyan sa mga kinatatakutan ko. Actually dalawa yan, rides tsaka horror. Yung rides nilagay nila ng Season 1 yung horror nilagay ng Season 2.

 

 

 

“So talagang parang ayaw nila akong mabuhay e,” at muling natawa si Kokoy.

 

 

 

“Pero iyon, sobrang ano naman yun, sabi ko nga kundi dahil sa Running Man hindi ko din mae-experience yung ganung klaseng production number, talagang iba yung production design na… nilalagay ko sa kukote ko, paulit-ulit nung nag-i-start yung race na yun, set-up lang ‘to, trabaho lang ‘to… pero hindi parang ayoko rin talagang ituloy, e!

 

 

 

“Pero iyon lang talaga, sabi nga ni Boss G [Glaiza], sabi dun sa kanta namin [Running Man theme song], ‘Go lang nang go!’

 

 

 

Dumating din si Kokoy sa punto na naisipan na niyang mag-quit sa race dahil sa horror rides.

 

 

 

“Pero hindi naman po para bumalik ng Pinas. “Para lang mag-backout dun sa race. E kaso parang bungad pa lang po yun, pang-ilang race pa lang po namin iyon.

 

 

 

“Kinausap lang din talaga ako nung interpreter namin na parang hindi puwedeng mag-backout. Parang pinaka sabi ko lang talaga baka puwedeng may kasama ako, at least kasama lang.

 

 

 

“Hindi talaga puwede.

 

 

 

“Iyon lang naman po. Mababaw lang naman para sa kanila pero sa akin hindi. Chariz,” at muling natawa si Kokoy.

 

 

 

Tinanong naman namin si Kokoy kung sino ang itinuring niya among the six other runners na pinakamahigpit niyang kalaban.

 

 

 

“Si Buboy na lang kasi parang nag-a-assume si Buboy, e. Chariz! Hindi, si Buboy, isa si Buboy din talaga.

 

 

 

“Kasi madalas kaming mag-abot talaga, e. Hindi rin namin alam kung bakit. Bukod sa amin ni Angel, si Angel kasi pag nagtatapat kami parang ang hirap hindian, alam mo yun, may ganun.” ang tila kinikilig na sambit ni Kokoy.

 

 

 

Pagpapatuloy pa ni Kokoy…

 

 

 

“Kami ni Buboy talaga pag nag-aabot kami, parang, ‘Ano ba yan?’

 

 

 

“Parang gusto namin lagi parang chill lang kami pero pag kami ang nag-aabot parang, ‘Hindi e, minsan lang ‘to mangyari, ibigay na natin ‘to!’

 

 

 

“Pero kalmado, pero ibigay natin kung ano yung deserve ng mga manonood,” pahayag pa ni Kokoy.

 

 

 

Napapanood na ito tuwing Sabado at Linggo sa GMA-7.

***
DAHIL ‘Kulong’ ang titulo ng proyekto nina Caris Manzano, Aica Veloso, JD Aguas, at Jenn Rosa para sa Vivamax, natanong sila kung ano ang bagay sa kanilang nakaraan ang nais nilang makawala o makalaya.
Dito ikinuwento ni Caris ang kagimbal-gimbal na mga nangyari sa buhay niya.
“May dalawang bagay po akong gustong mapalaya sa sarili ko. Nung bata po kasi ako nakaranas ako ng sexual harassment.
“Sa stepfather ko po.
“So medyo mabigat siya. So dinala ko  po iyon hanggang paglaki ko tapos nung nakakaranas akong magkaroon ng boyfriend everytime naming ta-try na mag-sex lagi po talagang bumabalik yung trauma sa akin.
“So ang nangyari is siyempre tao lang ako talagang nakakaramdam ako ng libog so instead makipag-sex ako mas pinipili ko na lang mag-masturbate,” ang matapang na rebelasyon ni Caris.
May pasabog pang inamin si Caris.
“But yung fantasy ko is gusto ko nire-record ko yung sarili ko.
“Dito na papasok yung pangalawang gusto kong makalaya ako.
“Whenever na nire-record ko yung sarili ko nasa-satisfy ako, ganyan. But then last 2020 pandemic, account ko, na-hack! Nanakaw yung phone ko.”
Dahil raw dito ay kumalat ang mga maseselang videos ni Caris.
Aniya, “So gusto kong makalaya dun sa judgment ng mga tao sa akin kasi napanood nila yung video ko, e.
“Especially sa mga relatives ko na nakakita, sa mga friends ko,” at dito na nagsimulang maging emosyunal si Caris at umiyak.
“Sorry,” paghingi ng paumanhin ni Caris sa hindi niya napigilang damdamin, “so parang ang bigat-bigat. Bakit ganoon ang judgment sa akin?
“Tao lang naman ako! Normal lang naman na meron akong fantasy, na nalilibugan ako. Hindi lang naman ako yung gumagawa nun, kaya nga may porn e, di ba po?
“So gusto kong makalaya sa ganung pakiramdam, sana makayanan ko siyang i-face.
“Kapag tinitingnan kasi ako ng ibang tao, pakiramdam ko napanood niya yata yung video ko.
“Tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
“Iyon, iyon yung gustung-gusto kong makalaya.
“Sana soon.”
Ang kanyang mga alagang aso ang dahilan kaya nakakayanan ni Caris ang kanyang mabigat na pinagdadaanan.
Sa tanong naman kung nagtagumpay ang kanyang stepfather sa panghahalay sa kanya…
“Ah hindi po, lumaban po kasi ako, e! To the point na pati yung mom ko nasira yung relationship namin dahil dun,” ang malungkot na pahayag ni Caris.
Samantala, simula na ang streaming sa Vivamax ngayong May 24 at sa direksyon ni Sigrid Polon, nasa Kulong rin sina Ghion Espinosa at Ralph Engle.
(ROMMEL L. GONZALES)

Ads May 23, 2024

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

2 kelot na nasita sa yosi sa Caloocan, isinelda sa baril

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang dalawang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng police visibility patrol ang mga tauhan ng Sub-Station 13 sa Phase 8B, Bagong Silang, Brgy 176, nang maispatan nila ang isang lalaki na naninigarilyo sa pampublikong lugar dakong alas-10:00 ng gabi.

 

 

Nang hingan ng kanyang identification card para maisyuhan ng Ordinance Violation Receipt ay tumakbo ang suspek kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang aksidenteng matalisod kaya nagawa siyang makorner at dito, napansin nila ang puluhan ng baril na nakausli sa kanyang kanang baywang.

 

 

Nang walang maipakita ang suspek na dokumento hinggil sa ligaledad ng nakuha sa kanya na isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala ay binitbit siya ng mga pulis.

 

 

Nauna rito, alas-12:30 ng mdaling araw nang madakip din ng mga tauhan SS13 ang isa pang lalaki makaraang mabuking ang dalang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala at wala ring dokumento hinggil sa ligaledad nito matapos masita nila dahil sa paglabag sa city ordinance (smoking in Public Places) sa Phase 8A, Brgy 176, Bagong Silang.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Caloocan police sa kanilang pina-igting na police visibility patrol na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 10591. (Richard Mesa)

Binata itinumba ng riding-in-tandem sa Malabon

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUMIMBUWANG ang duguan at walang buhay na katawan ng 21-anyos na binata matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek habang ipinaparada ng maayos ang kanyang motorsiklo sa Malabon City.

 

 

Nakuhanan ng CCTV ang ginawang pamamaril ng suspek sa biktimang si alyas “Julius Kulot” residente ng Bagong Barrio, Caloocan City na namatay kaagad sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

 

 

Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nangyari ang insidente dakong ala-1:15 ng hapon ng Sabado sa harapan ng De La Salle University sa Brgy. Potrero habang inaayos ng biktima ang pagparada ng kanyang motorsiklo sa harapan ng naturang Pamantasan.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si alyas “Rolly” 39, vendor ng mani sa lugar, nakita niya ang pagdating ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo na parehong nakasuot ng itim na jacket at huminto sa tabi ng biktima.

 

 

Bumaba ang naka-angkas na armado ng baril at malapitang pinaputukan ng tatlong beses ang biktima bago mabilis na nagsitakas patungo sa Bagong Barrio sa Caloocan.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakadakip sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaril. (Richard Mesa)

190K HCWs ang kailangan para mapunan ang patlang sa healthcare system sa Pinas

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY kabuuang 190,000 healthcare workers ang kailangan para mapunan ang puwang sa healthcare system sa Pilipinas.

 

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na tinalakay niya ang bagay na ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sectoral meeting araw ng Miyerkules,

 

 

”We will need the human resources, so we saw the gap. Prinesent ko sa presidente na we [need to] have about 190,000 to actually fill-in the gaps of our health care system – that’s with the net flow ‘no, iyong mga nag-migrate at iyong mga nag-OFW plus iyong nagga-graduate from our schools,”ayon kay Herbosa.

 

 

Aniya, magpapatuloy ang pagha-hire ng mga medical practitioners.

 

 

Sinabi pa rin niya na mayroong scholarship programs para sa mga nagnanais na makakuha ng career o karera sa medical field.

 

 

”So, tuloy-tuloy na iyong programa na iyan ano because most of them are… have gotten scholarship through the private sector – iyong members ng PSAC, Private Sector Advisory Council for Health and may mga nakapasa na actually eh,” aniya pa rin.

 

 

”So, may mga na-enroll na diyan, may nakapasa na and some of them I think a 140 plus and they’re now hired as nurses kasi pasado na,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sa kabilang dako, sa isinagawang sectoral meeting, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng National Human Resources Master Plan 2020-2024 gaya ng “human resources at preventive healthcare, BUCAS Centers o Bagong Urgent Care and Ambulatory Services, korporatisasyon ng tertiary hospitals, at pamumuhunan sa kalusugan ng mga kababaihan.

 

 

Winika pa ni Herbosa na pinag-usapan din nila ang reporma na nais na ipatupad ni Pangulong Marcos sa healthcare system.

 

 

”It focused really on… emphasis on primary care. We talked about how the idea of we’re spending a lot of money on improving a lot of our specialty hospitals but a lot of the diseases that Filipinos die from are actually preventable if we have good primary care services at the local level,” ang pahayag ni Herbosa. (Daris Jose)

Sa upcoming serye na ‘Pulang Araw’ BARBIE, excited na sa pagganap bilang Filipina Vaudeville performer

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PROUD husband at daddy si Kuya Kim Atienza dahil sa achievement na natanggap ng kanyang wife at anak.

 

 

Sa Instagram post ng Dapat Alam Mo! host, na-share niya na nakapagtapos ang kanyang wife na si Felicia ng master’s degree in Nutrition Science, samantalang ang anak niyang lalaki na si Jose ay nakapagtapos sa Tufts University in Boston with a degree in Economics.

 

 

“Congratulations to my only son, Jose, for his Economics degree and Felicia for her MA in nutrition science at @tuftsuniversity! Today we have been blessed double. May you both. Continue to be a blessing to all you meet and work with. I am so proud of you and the family,” caption ni Kuya Kim.

 

 

Nagdagdag pa ng Bible verse si Kuya Kim sa kanyang post: “You prepare a table before me in the presence of my enemies; you anoint my head with oil; my cup overflows.’ — Psalm 23:5.’”

 

 

***

 

 

NAGKUWENTO si Barbie Forteza tungkol sa kanyang role sa upcoming serye na ‘Pulang Araw’ bilang si Adelina na isang Filipina Vaudeville performer noong panahon ng Japanese occupation sa Pilipinas, at kapatid nina Teresita at Eduardo na ginagampanan naman nina Sanya Lopez at Alden Richards.

 

 

“Ang pinakanagustuhan ko sa character ko dito sa Pulang Araw ay ‘yung mga dress ko. Charot! Ang cute kasi ‘di ba? Ang cutie cutie. Little girl.

 

 

“Napakaganda ng proyekto, talagang tungkol siya sa totoong mga karanasan nating mga Pilipino nung nag-World War ll.

 

 

“Bukod doon ay bibigyan natin sila ng entertainment at doon papasok ang aming Vaudeville hindi ba? At bago pa magkaroon ng digmaan ay magkakaroon na agad ng mabibigat na eksena within the family.”

 

 

“Siyempre kuwento ito ng pag-ibig, pag-ibig sa kapatid, sa pamilya, sa bayan at siyempre sa karelasyon.”

 

 

Ang Pulang Araw ay sa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata at sa panulat ni Suzette Doctolero.

 

 

***

 

 

FEELING blessed at puno ng pasasalamat si, Christian Antolin sa GMA Network na binigyan siya ng opportunity na mapabilang sa My Guardian Alien.

 

 

Dito, nakatrabaho niya sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Gabby Concepcion, Raphael Landicho, at Max Collins.

 

 

Mula sa paggawa ng skits online, gumaganap na siya nayon sa serye bilang ang katiwalang si Sputnik. Ngunit sa interview niya sa morning show na Unang Hirit, inamin ni Christian na ito rin ang pinaka-challenging na character na ginampanan niya sa lahat.

 

 

“Nakakatawa kasi ‘di ba, since ang dami ko ngang characters na pino-portray sa social media, katulad ng sabi n’yo, nailalabas ko siya sa TV, and isa ito sa mga challenging roles na ibinigay sa’kin, straight ‘yung role ko dito, nakakatawa.”

 

 

Mula kasi sa mga nanay at female characters na pinasikat niya sa kanyang skits, isang straight na katiwala naman ang kanyang karakter sa serye.

 

 

Pagpapatuloy niya, “Pero naitatawid naman natin and nabibigyan naman natin ng hustisya.”

(RUEL J. MENDOZA) 

Pinas nakapagtatala ng 55 kaso ng HIV kada araw-Sec Herbosa

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUMAAS ang bilang mga bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas.

 

 

Sa katunayan, nakapagtatala ang departamento ng 55 bagong kaso ng HIV kada araw.

 

 

”We have about 59,000 people living with HIV… That’s still low for a country with 110 million. But ang ating mataas is new cases, 55 new cases a day, highest in the world. That’s why we need to stop,” ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa sa press briefing sa Malakanyang.

 

 

Tinuran pa rin ng Kalihim na nakipagpulong siya kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte para pag-usapan ang pangangailangan na turuan ang mga kabataan ukol sa HIV.

 

 

Pinag-usapan naman aniya ng departamento ang pagbibigay ng pangkaraniwang HIV services sa pangkalahatang pangunahing helath care facilities sa bansa.

 

 

Winika nito na makatutulong ito para pangalagaan ang bilang ng HIV infections sa bansa.

 

 

“The data we have shows the way for what we do. Better health literacy including age- and culture-appropriate information and commodities for safe sex, routine HIV testing at primary care, and early access to antiretrovirals are clear directions to take,” ang sinabi ni Herbosa sa isang kalatas.

 

 

Tinukoy ang data mula sa HIV & AIDS at antiretroviral therapy (ART) Registry of the Philippines (HARP), sinabi ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang Pilipinas ng 3,410 bagong kaso ng HIV mula Enero hanggang Marso 2024 na may 82 na napaulat na nasawi.

 

 

Sa mga kaso naman ngayong taon may 1,224 ang naitala para sa buwan ng Marso lamang na mayroong 12 ang nasawi kung saan ang edad ay mas mababa sa 1 taon hanggang 55 taong gulang na mayroong panggitnang edad na 28 taong gulang. (Daris Jose)

DOH: Kaso ng COVID-19, tumataas

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngunit tiniyak na hindi ito sapat na basehan upang magpatupad ng travel restrictions.

 

 

Siniguro rin ng DOH na ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay nananatili pa rin namang nasa ‘low risk’ sa COVID-19.

 

 

Sa datos ng DOH, hanggang noong Mayo 12, 2024 ay nasa 11% o 119 mula sa 1,117 dedicated COVID-19 ICU beds ang okupado habang 13% o 1,238 ng 9,571 dedicated COVID-19 non-ICU beds ang ginagamit.

 

 

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngunit tiniyak na hindi ito sapat na basehan upang magpatupad ng travel restrictions.

 

 

Siniguro rin ng DOH na ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay nananatili pa rin namang nasa ‘low risk’ sa COVID-19.

 

 

Sa datos ng DOH, hanggang noong Mayo 12, 2024 ay nasa 11% o 119 mula sa 1,117 dedicated COVID-19 ICU beds ang okupado habang 13% o 1,238 ng 9,571 dedicated COVID-19 non-ICU beds ang ginagamit.

 

 

Kabilang anila dito ang pitong pasyente na may severe o critical disease habang lima ang namatay dahil sa karamdaman, na naganap mula Abril 30-Mayo 13.

 

 

“It is important to note that by law, doctors, their clinics, hospitals and other facilities are required to accurately and immediately report cases of CO­VID-19, whether tested by PCR or rapid antigen test. This will help guide public health decision-making,” anang DOH.

 

 

Batay sa May 17, 2024 World Health Organization (WHO) COVID-19 Epidemiological Update, mayroong tatlong bagong variants under monitoring (VUM) kabilang dito ang JN.1.18, KP.2 at KP.3, na pawang descendants ng JN.1.

 

 

Ang variants na KP.2 at KP.3 ay ang tinaguriang “FLiRT” variants.

 

 

Kabilang anila dito ang pitong pasyente na may severe o critical disease habang lima ang namatay dahil sa karamdaman, na naganap mula Abril 30-Mayo 13.

 

 

“It is important to note that by law, doctors, their clinics, hospitals and other facilities are required to accurately and immediately report cases of CO­VID-19, whether tested by PCR or rapid antigen test. This will help guide public health decision-making,” anang DOH.

 

 

Batay sa May 17, 2024 World Health Organization (WHO) COVID-19 Epidemiological Update, mayroong tatlong bagong variants under monitoring (VUM) kabilang dito ang JN.1.18, KP.2 at KP.3, na pawang descendants ng JN.1.

 

 

Ang variants na KP.2 at KP.3 ay ang tinaguriang “FLiRT” variants.

Kumpanya ng parmasyutiko nagsampa ng cyberlibel laban kay Dr. Leachon

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAMPA ng cyberlibel charges ang Pharmaceutical Inc. sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Dr. Antonio “Tony” Leachon.

 

 

Sa isang press conference sinabi ni Atty. Alex Avisado Jr. na magsasampa sila ng kaso laban sa mga malisyosong paratang ni Leachon.

 

 

Ang mga paratang ni Leachon sa Bell-Kenz ay labis na naniningil at di umano’y nakikisali sa hindi etikal na pamantayan.

 

 

Ayon kay Avisado, maaari silang magsampa ng administrative complaint laban kay Leachon para mabawi ang kanyang lisensya sa pag-practice ng medisina.

 

 

Idinagdag ni Avisado na hindi lang nila pinapanagot si Leachon kundi pati na rin ang iba pang mga doktor na sumisira sa reputasyon ng Bell-Kenz na nagbibigay lamang ng mga gamot na mas mura ng 30 porsiyento sa mga mamamayang Pilipino.

 

 

“Bukas ang Bell-Kenz sa lahat ng ahensya ng gobyerno para sa pagsasagawa ng imbestigasyon para malinis ang pangalan ng Bell-Kenz sa mga malisyosong alegasyon ni Leachon,”

 

 

Sinabi ni Avisado na nagtungo si Leachon sa Senado at inakusahan ang Bell-Kenz na diumano’y pagpapalit ng kanilang mga reseta.

 

 

Sinabi ni Atty. Dezery Perlez, tagapagsalita ng Bell-Kenz na nagsampa sila ng reklamong kriminal para sa paglabag sa Anti-Cyber ​​Law laban kay Dr. Antonio Leachon.

 

 

Inakusahan o iginiit ni Leachon na ang mga doktor ng Bell-Kenz ay labis na naniningil sa kanilang mga pasyente kapalit ng mga mamahaling sasakyan.

 

 

“Ang inihain namin ay criminal complaint at hindi civil complaint which is penalized with imprisonment,” ani Perlez.

 

 

Dagdag pa ni Perlez, aaksyunan ng NBI ang mga malisyosong post sa social media ni Leachon na sumisira din sa reputasyon ng mga doktor.

 

 

Sinabi ni Joseph Vincent Go, legal na tagapayo ng Bell-Kenz, na ang mga paratang ni Leachon ay nakakasira sa reputasyon ng Bell-Kenz.

 

 

“Sa puntong ito,” sabi ni Go, “hindi kami sigurado kung saan kinuha ni Leachon ang kanyang mga paratang sa mga doktor ng Bell-Kenz na umano’y nakikibahagi sa hindi etikal na pamantayan kapalit ng mga mamahaling sasakyan, alahas at iba pa.” sabi ni Go, ay mayroon ding malisyosong pag-post sa Twitter. (PAUL JOHN REYES)