• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 23rd, 2024

PBBM, FL Liza nag-host ng casual dinner sa mga senador at asawa ng mga ito

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG CASUAL DINNER ang inihanda ng First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos sa mga senador at asawa ng mga ito sa Bahay Pangulo, Martes ng gabi matapos ang pagbabagong bihis sa liderato ng Senado.

 

 

 

Sa katunayan nag-post ang Unang Ginang ng larawan sa Instagram na may caption na, ”Had a nice time breaking bread with the Senators & their spouses.”

 

 

Ipinost din ng Unang Ginang ang kahalintulad na larawan sa Facebook na may caption na, “Casual dinner with the Senators & their spouses, Bahay Pangulo, Manila.”

 

 

 

Makikita sa larawan sina newly elected Senate President Francis ”Chiz” Escudero, Senators Robin Padilla, Alan Peter Cayetano, Francis Tolentino, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Mark Villar, Jinggoy Estrada, Grace Poe, Cynthia Villar, Loren Legarda, at Pia Cayetano.

 

 

Sa mga dumalo sa pulong, tanging sina Gatchalian at Legarda ang hindi sumuporta para patalsikin bilang Senate president si Juan Miguel Zubiri.

 

 

Sa ulat, inihalal ng mga senador nitong Lunes ang kanilang kasamahan na si Francis “Chiz” Escudero bilang bagong Senate President, kapalit ng “heartbroken” na si Juan Miguel Zubiri, na iginiit na prinotektahan niya ang pagiging independent ng Senado.

 

 

 

Matapos ang talumpati ni Zubiri para ihayag ang kaniyang pagbibitiw bilang lider ng Senado, iminungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano sa plenaryo si Escudero na maging bago nilang lider, na sinang-ayunan naman ng mayorya.

 

 

Ginawa ni Escudero ang panunumpa bilang bagong Senate President kay Sen. Mark Villar, na siya namang pinakabatang miyembro ng kapulungan.

 

 

Kasama ni Escudero sa panunumpa ang kaniyang asawa na si Heart Evangelista.

 

 

Sa kanyang pahayag matapos ang oath-taking, pinasalamatan ni Escudero si Zubiri sa pagmamahal nito sa bayan at sa Senado bilang isang institusyon.

 

 

 

“My hats off to you, Senate President Zubiri. I salute you and I hope I will make you proud. You especially among all our other colleagues and hopefully, you will not leave my side whenever I ask for guidance, whenever I ask for help and whenever I ask for your wisdom. Mas malayo po at mas marami kayong alam sa akin lalo na bilang taga-pangulo ng Senado,” ayon kay Escudero.

 

 

Tiniyak ni Escudero na walang mangyayaring pagkakahati-hati sa Senado sa kabila ng pagbabago sa liderato.

 

 

“Walang my team, walang your team para sa akin. Walang SP Migz, wala ring Chiz para sa akin. Ang tingin ko sa bawat isa sa atin ay mga miyembro ng nag-iisang Senado. At kung may kulay man tayong dadalhin, para sa akin, ang mga kulay na yan ay dapat sumasagisag as bandila ng Pilipinas na nagkataon lamang na nasa likod at nasa harap natin ngayon,” dagdag niya. (Daris Jose)

MAYOR TIANGCO, PINAYUHAN ANG GOV’T INTERNS

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAYUHAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) na magsimula nang malakas at magtrabaho nang mahusay mula sa kanilang unang araw.

 

 

Sa kanyang mensahe sa GIP orientation, malugod na tinanggap ni Tiangco ang 20 benepisyaryo at pinaalalahanan sila na bumuo ng magandang ugali.

 

 

“By cultivating positive habits, we build good character that we will carry wherever our journey takes us. Through this, we also create a positive impact in our society. So, we should start strong from our first day at work,” aniya.

 

 

Ang mga intern ng GIP ay pinili mula sa isang grupo ng mga kwalipikadong aplikante. Ito ang ikalawang batch ng mga benepisyaryo para sa programa ngayong taon. Maglilingkod sila sa pamahalaang lungsod mula Mayo 16 hanggang Nobyembre 21, 2024 at tatanggap sila ng P610 na suweldo kada araw.

 

 

Ang GIP ay isang programa sa ilalim ng Department of Labor and Employment sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) Navotas, na naglalayong magbigay ng mga pagkakataon at makisali sa mga kabataang manggagawa sa larangan ng serbisyo publiko. (Richard Mesa)

Lalaking nangholdap at nanakit sa estudyante sa Valenzuela, timbog

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-SELDA ang isang lalaki matapos holdapin at saktan pa ang 18-anyos na babaeng estudyante nang pumalag ang biktima sa Valenzuela City.

 

 

 

Kinilala ni P/Col. Allan Umipig, Officer-in-Charge (OIC) ng Valenzuela City Police ang suspek na si alyas Ramos, 29, ng Road 5, Hagdang Bato, Brgy., Marulas.

 

 

 

Sa imbestigasyon ni PSMS Regor Germedia, naglalakad ang biktimang si alyas Jhan, sa Ilang-Ilang St., Brgy., Marulas nang harangin ng suspek at pilit umanong inagaw ang kanyang cellphone at bag subalit, pumalag ang dalaga.

 

 

 

Naglabas ang suspek ng baril na replika at hinampas sa likod ang biktima saka nagpambuno ang mga ito bago inuntog pa ng holdaper sa semento ang dalaga hanggang maagaw ang kanyang cellphone.

 

 

 

Tumakas ang suspek habang nakahingi naman ng tulong ang biktima sa nagpapatrulyang mga tauhan ng Marulas Sub-Station 3 na nagresulta sa pagkakaaresto kay ‘Ramos’ at narekober sa kanya ang cellphone ng dalaga at ginamit na replika na baril.

 

 

 

Ani PSMS Germedia, si ‘Ramos’ ay nakulong ng walong taon sa Maximun Security Compound, New Bilibid Prison dahil sa mga kasong paglabag sa R.A. 9165, frustrated homicide, at robbery kung saan kalalabas lamang nito noong Marso 19, 2024.

 

 

 

Nasangkot din aniya ito sa sunod-sunod na kasong theft at robbery noong 2016 sa Barangay Marulas.

 

 

 

Ayon kay P/Cpt. Armando Delima, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch, si Ramos ay nahaharap sa kasong Robbery with Violence against or Intimidation of Persons at paglabag sa RA 10591. (Richard Mesa)

MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 20 benepisyaryo ng Government Internship Program

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 20 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) kung saan sa kanyang mensahe sa ginanap na GIP orientation, ay pinayuhan ni Mayor John Rey Tiangco ang mga ito na magsimula nang malakas at magtrabaho nang mahusay mula sa kanilang unang araw ng trabaho. (Richard Mesa)

Meet the Pawsome Characters of “The Garfield Movie”

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MEET the pawsome characters of The Garfield Movie, starring Chris Pratt. Discover the hilarious and heartwarming adventures of Garfield, Jon, Odie, and more. In cinemas May 29

 

 

Get ready to embark on an exciting adventure with Garfield in the all-new, all-animated “The Garfield Movie“! Opening in cinemas on May 29, this film promises laughter, fun, and a dash of mischief with your favorite lasagna-loving, Monday-hating cat and his quirky friends. Let’s get to know the pawsome characters bringing this story to life.

 

 

Garfield
Voiced by Chris Pratt

Garfield is everyone’s favorite lazy, quick-witted, and comedic cat. Known for his love of lasagna and disdain for exercise, Garfield embodies the dream of doing nothing all day long. Despite his lazy demeanor, Garfield’s occasional “workouts” include walking to the fridge, turning over in bed, and lifting his fork to eat. He enjoys a pampered life with his owner Jon and their faithful dog, Odie.

 

Chris Pratt, the filmmakers’ top choice for Garfield, perfectly captures the character’s sarcasm and laziness. Director Mark Dindal humorously remarks, “Chris just captures that laziness and sarcasm in his natural voice.”

 

 

Jon Arbuckle
Voiced by Nicholas Hoult

Jon’s life changed for the better when he adopted Garfield after a chance encounter at Mamma Leoni’s restaurant. A cartoonist by trade, Jon works from home, often falling asleep at his draftsman table. With Garfield and Odie by his side, Jon feels he has the perfect family.

 

 

Producer Andrew Kosove praises Nicholas Hoult, saying, “Hoult’s performance is both funny and empathetic.”

 

Odie
Barked by Harvey Guillén

Odie, the loyal and sweet dog, is Garfield’s faithful companion. Always eager to help, Odie has a keen sense of introspection and is often the voice of reason. He is Garfield’s emotional anchor and the glue that holds their little family together.

 

 

 

Vic
Voiced by Samuel L. Jackson

Vic, Garfield’s estranged father, is a street-smart, larger-than-life cat. Known for his ability to charm and con his way through life, Vic brings mischief and adventure wherever he goes. His mysterious disappearance long ago adds to his enigmatic character.

 

 

Samuel L. Jackson’s performance brings both humor and emotion to Vic. Producer Broderick Johnson notes, “Sam brings comedy, but also tremendous emotion, and he balances them very successfully – as well as anybody in the business.”

 

Jinx
Voiced by Hannah Waddingham

Jinx, a British cat with dreams of stardom, fell on hard times and joined Vic’s criminal crew. After a heist gone wrong, she was sent to the pound. Feeling betrayed by Vic, Jinx escapes, determined to seek revenge.

 

 

Director Dindal comments, “I think the performance she gave inspired the animation and made her a rich, sympathetic villain. Of course, she can’t succeed, but you understand where she’s coming from.”

 

Otto
Voiced by Ving Rhames

Otto, a former mascot for Lactose Farms, now spends his days grazing near his beloved Ethel in a petting zoo. His determination to rescue Ethel leads him to join Garfield and Vic on their heist.

 

 

Producer Kosove shares, “When the character was written, we didn’t think of anyone other than Ving Rhames to play Otto, the lovelorn bull.”

 

 

Roland and Nolan
Voiced by Brett Goldstein and Bowen Yang

Roland and Nolan are Jinx’s henchdogs, providing comic relief with their unique personalities. Roland, a rotund Shar Pei, and Nolan, a narrow-shouldered whippet, formed an alliance with Jinx while in the pound.

 

Marge
Voiced by Cecily Strong

Marge, Lactose Farms’ head of security, is tough and shrewd. With a Minnesota accent, she takes dairy protection very seriously, willing to do whatever it takes to keep intruders out.

 

 

Producer Kosove says, “Cecily came in and created the voice of that character in a unique way.”

 

 

In “The Garfield Movie,” Garfield’s pampered life takes an unexpected turn when he reunites with his long-lost father, Vic. Joined by Odie, the trio embarks on a high-stakes heist, leading to a wild outdoor adventure.

 

 

Don’t miss the fun and excitement when “The Garfield Movie” hits cinemas on May 29. Join Garfield and his friends on their crazy escapade! #GarfieldMovie

(ROHN ROMULO) 

3 drug suspects kalaboso sa P1 milyon droga sa Caloocan

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P1 milyong halaga ng Ilegal na droga sa tatlong drug suspects matapos maaresto sa magkahiwalay na drug operation sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, ala-1:35 ng Lunes ng madaling araw, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 sa Phase 3-B, Brgy., 175, Camarin nang mapansin nila ang dalawang lalaking nag-uusap at kalaunan ay may iniabot ang isa sa kanyang kausap na hinihinalang shabu kaya nilapitan nila ang mga ito.

 

 

Gayunman, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensya ay nagtakbuhan ang mga ito kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner si alyas Jojo, 54.

 

 

Nang kapkapan, nakuha sa kanya ang isang knotted transparent plastic na naglalaman ng nasa 100.6 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P684,080.00 habang nakatakas ang nag-abot sa kanya ng droga.

 

 

Dakong alas-3:09 ng Linggo ng madaling araw nang matimbog naman ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa buy bust operation sa Sampaguita St, Brgy. 175, sina alyas Boss, 18, ng Caloocan at at alyas Baliw, 27, ng Quezon City.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang aabot 54.20 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P368,560 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang anim pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na drug operation kung saan nadakip ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

PBBM inaprubahan ang July 29 na pagbubukas ng klase

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BILANG tugon sa mga alalahanin ng publiko ukol sa iskedyul ng mga klase, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na simulan na ang pagpapanumbalik sa school calendar ng bansa sa ‘traditional arrangement.’

 

 

Dahil dito ang pagbubukas ng klase para sa school year 2024-2025 ay magsisimula sa Hulyo 29 ngayong taon at magtatapos sa Abril 15, 2025.

 

 

Sisimulan na nito ang unti-unting pagbabalik ng school year sa Hunyo ng bawat taon at magtatapos naman sa buwan ng Marso ng susunod na taon.

 

 

Nauna rito nagpulong sa Palasyo ng Malakanyang sina Pangulong Marcos at Vice President at Education Secretary Sara Duterte para talakayin ang dalawang opsyon para sa implementasyon ng School Year (SY) 2024-2025 calendar bilang paghahanda sa pagbabago sa lumang ‘June to March school calendar.’

 

 

Sa kabilang dako, sa sectoral meeting kay VP Sara sinabi ng Pangulo sa DepEd na simulan na ang pagbabago ng standard school calendar days sa pamamagitan ng SY 2024 hanggang 2025.

 

 

Inilatag naman ni VP Sara ang dalawang opsyon sa Pangulo para sa sinasabing school calendar shift.

 

 

Ang unang opsyon ay binubuo ng 180 school days na mayroong 15 in-person Saturday classes habang ng pangalawang opsyon naman ay magkaroon ng 165 school days subalit wala ng in-person Saturday classes.  Kapwa naman, ang dalawang opsyon ay magtatapos ang school year sa Marso 31, 2025.

 

 

Iyon nga lamang sinabi ng Pangulo na ang 165-day school calendar ay “too short” at mababawasan sa nasabing arrangement  ang bilang ng school days at contact time na maaaring makompromosio ang kalalabasan o resulta ng pag-aaral.

 

 

Ayaw din ng Pangulo na magpunta pa ang mga estudyante sa eskuwelahan kapag araw ng Sabado para makumpleto ang 180-day school calendar dahil “it will jeopardize their well-being and demand more resources.”

 

 

Bilang isang kompromiso, sinabi ng Pangulo na sa halip na matapos sa Marso 31, 2025, dapat na lamang na I-adjust ng DepEd SY ang pagtatapos sa Abril 15, 2025 upang makayanan ng mga estudyante na makompleto ang 180 days na hindi na gagamitin pa ang araw ng mga Sabado para pumunta sa eskuwelahan.

 

 

“Habaan lang natin ‘yung school days. Para matagal, dagdagan na lang natin ‘yung school days basta huwag natin gagalawin ‘yung Saturday . So, school day will remain the same. Standard lang,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay VP Sara sa naturang pagpupulong.

 

 

Sinabi naman ni VP Sara na nakonsulta na nila ang mga guro , school officials, at magulang pagdating sa panukalang school calendar. (Daris Jose)