• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 29th, 2024

Obrero kalaboso sa patalim at pagwawala sa Valenzuela

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang isang construction worker matapos magwala at maghasik ng takot habang armado ng patalim sa Valenzuela City, Lunes ng umaga.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 (Alarms and Scandal) at Batas Pambansa bilang No. 6 (Illegal Possesion of Bladed, Pointed or Blunt Weapon) ang naarestong suspek na si alyas Rueleu, 33 ng Tiago St., Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

Sa ulat nina police investigators PSSg Jeff Bautista at PSSg Raquel Angoluan kay Valenzuela police chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-10:50 ng umaga nang maaresto ng RCSP Valenzuela Team 1 ang suspek sa kanto ng Aster at De Castro Sts., Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon na habang sagsasagawa ng police visibility patrol ang mga miyembro ng RCSP sa pangunguna ni PCMS Roberto Santillan sa nasabing lugar nang makita nila ang suspek na may bitbit na patalim habang nagsisigaw at nagwawala na nagdulot ng takot sa mga tao sa lugar.

 

 

Kaagad nilapitan ni PCMS Santillan ang suspek at inaresto saka kinumpiska ang hawak niyang patalim na isang folding knife bago dinala sa Station Investigation Unit (SIU) ng Valenzuela CPS. (Richard Mesa)

Japanese National, inaresto sa pagnanakaw

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa  Tokyo sa kasong theft at robbery.

 

 

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Nagaura Hiroki, 26 na inaresto sa Estrella Avenue sa  Bgy. Poblacion, Makati City ng mga operatiba ng BI fugitive search unit.

 

 

“He was already placed in our immigration blacklist of undesirable aliens, thus he is perpetually barred from reentering the Philippines,” Tansingco added.

 

 

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si  Hiroki ay nagtatago sa Pilipinas simula pa noong November 20, 2019  kung saan siya ay dumating bilang turista. Taong 2022 lamang ng ipaalam sa BI ang kanyang kaso sa Japan.

 

 

Si Hiroki ay may standing warrant of arrest na insiyu ng Tokyo Summary Court  dahil sa kasong  theft na isang paglabag  sa Japanese penal code.

 

 

Ayon sa Tokyo policemen, nakipagsabwatan ang suspek sa isa pa upang makapagnakaw sa isang bahay sa pamamagitan ng pagpapakilala bilang isang police at makapasok sa loob upang mag-imbestiga hinggil sa ninakaw na ATM card.

 

 

“Further, he is being investigated by the Japanese authorities for his involvement in alleged telecommunications fraud activities,” ani Sy. GENE ADSUARA .

Pahayag sa preemptive evacuation sa mga residente ng Agustin Street sa Valenzuela

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINATUPAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang preemptive evacuation measures para sa dalawampu’t anim na pamilyang naninirahan sa Agustin St., Brgy. Karuhatan upang mapanatili ang kanilang kaligtasan.

 

 

 

Ito’y matapos maglabas ang Office of the Building Official ng Declaration of Dangerous Structures (batay sa PD 1096 o National Building Code) nitong Mayo 26, 2024, na nagsasaad na ang lugar ay nanganga-ilangan ng agarang paglikas dahil sa mga pinsala at paglilinis sa konkretong kalsada na dulot ng labis na pagtagos ng tubig.

 

 

 

Ang mga apektadong mamamayan sa kahabaan ng Agustin Street ay nasa tabi ng lote ng pamahalaang lungsod, kung saan itinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 4-storey Legislative Building na may basement parking.

 

 

 

Para sa kanilang kaligtasan, ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang pinatira sa Malinta Junior High School campus at bibigyan sila ng mga pagkain at family comfort packs.

 

 

 

Kasama ang DPWH, nais naming tiyakin sa lahat ng mga residente na ang J. Simeon Construction Firm, ang pribadong kontratista na responsable sa pagtatayo ng Legislative Building sa tabi ng Agustin St., ay mananagot sa mga pinsalang natamo, kung mayroon man.

 

 

 

Magsasagawa ng agarang aksyon upang matugunan ang ugat ng isyu at magpatupad ng mga permanenteng solusyon. Kasama sa mga solusyong ito ang:

 

 

 

Pagwawasto ng mga kalsada at drainage system upang maiwasan ang karagdagang pag-agos ng tubig at pagguho; Pagtatasa ng pinsala sa istruktura upang matiyak ang kaligtasan at katatagan ng mga istruktura ng tirahan; at Pag-install ng retaining wall upang mabawasan ang mga panganib sa hinaharap ng pagguho at pag-agos ng tubig.

 

 

 

Nauunawaan namin na ang mga solusyong ito ay mangangailangan ng oras upang mabisang maipatupad. Samakatuwid, inaasahan namin na ang paggawa nito ay tatagal ng humigit-kumulang anim na buwan.

 

 

 

Ang mga apektadong mamamayang sa lugar ay pinapayuhan din na huwag bumalik sa kanilang mga tirahan hangga’t hindi nareresolba at nakumpleto ang pagpapanumbalik ng mga istruktura, maliban kung kinakailangan at napapailalim sa ilang mga kundisyon at mga hakbang sa pag-iingat. Ang Pamahalaang Lungsod ay magbibigay din ng tulong pinansyal sa mga apektadong pamilya na nagkakahalaga ng P20,000 bawat isa at maglalaan ng nakatalagang parking space.

 

 

 

Regular na magbibigay ng update ang pamahalaan ng lungsod sa mga apektadong pamilya at nagpapasalamat ito sa lahat para sa kanilang kooperasyon, pang-unawa, at pasensya habang nagsusumikap sa paglutas ng isyung ito. (Richard Mesa)

Service Caravan ng BI sa Batangas, sinimulan

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BIYAHENG Batangas ngayon ang Bureau of Immigration para sa kanilang fourth leg  na nationwide  caravan.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang Bagong Immigration Service Caravan ay gaganapin sa Batangas City.

 

 

“Our goal is to bring our services closer to people,” ani Tansingco. “While many of our services are now accessible online, we recognize the importance of personally engaging with our communities to facilitate immigration compliance,” dagdag pa nito.

 

 

Ang service caravan ay nagtungo na sa iba’t ibang lugar sa bansa upang magbigay ng iba-ibang  serbisyo kabilang ang mabilis na pagproseso  ng visa , tourist visas, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang mga serbisyo.

 

 

Sa pamamagitan ng caravan, mabilis na makapag-proseso ang mga dayuhan sa ating bansa  at sumbungan din para sa mga illegal na dayuhan. foreign sexual predators  sa Batangas City at kalapit na lugar.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon at updates sa kanilang service caravan ay maari  silang bumisita sa kanilang official website of the Bureau of Immigration at www.immigration.gov.ph. . GENE ADSUARA

Mura, mabilis na annulment mas bet ni Chiz kesa divorce

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA HALIP na diborsiyo, nais ni ­Senate President Francis “Chiz” Escudero na isulong ang mura at accessible na annulment.

 

 

 

“Ang personal stand ko ay ito: mas nais kong palawakin at affordable at accessible ‘yung annulment na nasa family code natin ngayon,” ani Escudero.

 

 

Ginawa ni Escudero ang pahayag kasunod ng pag-apruba ng Kamara kamakailan sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang batas na naglalayong gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas.

 

 

 

Ayon kay Escudero, ang pagpapabuti sa proseso ng annulment ay maaaring gawin sa iba’t ibang paraan, lalo na sa pagpayag sa mga abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) na tanggapin ang mga naturang kaso.

 

 

 

Dagdag pa niya, idineklara ng Supreme Court (SC) na hindi na kailangan ng psychologist para patunayan ang psychological incapacity.

 

 

Panghuli, ay para sa Kongreso na malinaw na tukuyin kung ano ang maaaring ituring bilang psychological incapacity.

 

 

 

Sinabi ni Escudero na depende pa rin ito dahil hindi pa niya nababasa ang bersyon ng Kamara ng divorce bill at ang divorce ay may “wide spectrum of definitions”.

 

 

 

Nang tanungin tungkol sa tyansa ng panukalang batas sa Senado, sinabi ni Escudero na itinuturing niyang personal na boto ng konsensya ang diborsyo.

Magtipid sa paggamit ng kuryente sa gitna ng Bagyong Aghon

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente kasunod ng makabuluhang pagbabago ng available power supply sa Luzon sa gitna ng bagyo.

 

 

Sa isang virtual press conference, hinikayat ni DOE Secretary Raphael P.M. Lotilla ang lahat na magtipid sa paggamit ng kuryente para mabawasan ang paghahatid ng mas maraming mamahaling oil-based power plants.

 

 

Winika pa ng Kalihim na ginagawa ng DOE ang lahat para mapahusay ang power supply para sa mga darating na araw.

 

 

“We would like to ask everyone’s cooperation to minimize the use of electricity in Luzon Grid.  The typhoon caused substantial decrease in the available power supply in the grid at the time when the hydropower plants have not recovered from low water supply,” ayon kay Lotilla.

 

 

“While we look forward to the power supply improving in the coming days, the Department encourages everyone to conserve energy in order to minimize dispatch of the more expensive oil-based power plants,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Hinikayat din ni Lotilla ang commercial industrial consumers na magpartisipa sa “interruptible load program” kung saan sinabi nito na ang oil-based powerplants ay ginagamit bilang pansamantalang power source sa Luzon grid sa kawalan ng hydro powerplants.

 

 

“The oil-based powerplants however, have been useful in so far as providing power to the grid, particularly in the absence of the hydro powerplants. Commercial industrial consumers are being encouraged to continue to participate in the interruptible load program,” aniya pa rin.

 

 

Tinuran pa ni Lotilla na ang 1200 MW Ilihan Powerplant ay isinara noong May 25, 2024 dahil sa “disconnection at relocation” nito kasama ang Pagbilao units 1 at 2 (may kabuuang kapasidad na 764MW) at unit 3 na may kapasidad na 420MW.

 

 

Isinara rin ang Masinloc 3, na may kapasidad na 335MW, kasama ang San Buenaventura na may kapasidad na 455MW. Ang Botocan, na may kapasidad na 20.8MW, ay itinigil dahil sa bagyo noong nakaraang May 26, 2024. (Daris Jose)

PBBM, nais na gawing ‘perpektong turismo’ ang Pinas, entertainment destination

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

COMMITTED si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang Pilipinas bilang ‘premier destination’ para sa turismo, relaxation, at entertainment, na naka-ayon sa pananaw ng Bagong Pilipinas.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Solaire Resort North sa Bagong Pag-asa, Quezon City, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na nakagawa ng ‘impressive recovery’ ang ‘Philippine tourism at hospitality industry’ matapos ang Covid-19 pandemic.

 

 

“We have slowly started to witness how hotels, restaurants, recreational amenities and tourist spots have slowly but surely risen to the challenge of travel resurgence, welcoming 5.45 million inbound tourists in 2023. This is more than double the 2.65 million visitors recorded in 2022,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Tinuran ng Pangulo na layunin ng pamahalaan na “let the entire world know that the Philippines is open for tourism, for business” kasunod ng pandemic recovery nito.

 

 

Aniya pa, ang Solaire brand, pagmamay-ari at pinatatakbo ng Bloomberry Resorts Corporation (BRC), ay makatutulong para gawing “unique brand of hospitality” ang Pilipinas na kilala sa buong mundo.

 

 

“I am certain that Solaire Resort North is with us in our desire to capitalize in this strength further to improve our position in the global hospitality sector. It is truly a bold and ambitious move to make the Philippines the perfect destination for tourism, relaxation and entertainment,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“I hope that you all would continue to work with us in making each visit to us a safe, rewarding, and memorable experience. Help us in making this goal the center of efforts in building a Bagong Pilipinas that we dream of,” aniya pa rin.

 

 

Winika ng Pangulo na nabigyan ng Solaire brand ng bagong kahulugan ang ‘resort stay experience’ sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatakda ng “new benchmark” para sa “luxury, entertainment, comfort and service.”

 

 

“It’s first development, the Solaire Resort Entertainment City, already set the standard for quality and innovation in providing tourism and hospitality services to its guests from around the country and all over the world,” ayon sa Punong Ehekutibo, tinukoy ang first branch sa Parañaque City.

 

 

Winika nito na ang second integrated resort, Solaire Resort North, ay makapagpapalakas din sa imahe ng bansa sa international stage.

 

 

“So as we open the doors of Solaire Resort North, let us open the arms to the world, inviting them to experience the warmth and beauty of our country and Solaire Resort North will certainly play a very, very big part in that. Let us show them that we are ready to embrace the opportunities they offer to us and I am confident the world is also ready to embrace us back,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, nakapagbigay naman ang gaming industry ng maraming hanapbuhay sa mga Filipino at nakapag-ambag sa social development, 100,000 Filipino ang nabigyan ng trabaho noong 2019, sumusuporta sa iba’t ibang papel sa casino operations.

 

 

Pinalawak din ang industriya sa mahalagang sektor gaya ng hotels, retail centers, sinehan, at dining establishments.

 

 

Ayon sa Pangulo malaki ang naiambag ng mga ventures na ito para sa operasyon ng mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Philippine Health Insurance Corporation, Philippine Sports Commission at Dangerous Drugs Board.

 

 

“It redounds to the implementation of the universal healthcare, early childhood care and development fund, integrated sports development program, the national endowment for culture and arts, and the establishment and the operation of adequate drug rehabilitation centers,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Bureau of Quarantine, naka-heightened alert laban sa FLiRT COVID-19 variants

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN na ni Department of Health Secretary Ted Herbosa ang Bureau of Quarantine na magsagawa ng masinsinang screening sa points of entry para sa mga pasaherong nagmula sa ibang bansa kung saan na-detect ang bagong COVID-19 “FLiRT” variants.

 

 

 

Kaugnay nito, kinumpirma ni Department of Health (DOH) spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na inilagay na ang lahat ng BOQ stations at iba pang mga ahensiya sa heightened alert sa bisa ng BOQ Memorandum No. 2024-48.

 

 

 

Nakasaad din sa naturang memorandum na dapat obserbahan ng publiko ang basic health measures gaya ng regular na paghuhugas ng kamay, tamang pag-ubo, iwasan ang matataong lugar at magkaroon ng contact sa mga taong may flu-like symptoms.

 

 

 

Ayon sa DOH, lahat ng mga rehiyon sa bansa ay nananatiling nasa low risk para sa COVID-19 sa kabila ng naobserbahan na bahagyang pagtaas sa mga kaso kamakailan at namonitor na bagong variants sa ibang mga bansa.

 

 

Sa kabila naman ng paglitaw ng bagong variants, sinabi ni Sec. Herbosa na hindi inirerekomenda sa ngayon na magpatupad ng restriksiyon sa biyahe o border control.

 

 

 

Nagpaalala naman ang BOQ sa mga biyahero na kumpletuhin ang health questionnaire sa e-travel app. Inaabisuhan din ang mga mayroong sintomas ng COVID-19 na sumailalim sa home isolation.

 

 

 

Ang KP.2 at KP.3 o mas kilala sa tawag na “FLiRT” covid-19 variants ay under monitoring ng World Health Organization. Ito ay descendants ng JN.1, isang variant of interest na responsable sa pagtaas ng impeksiyon ng naturang virus sa unang bahagi ng 2024. (Daris Jose)

Ads May 29, 2024

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments