• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 5th, 2024

PBBM nilagdaan na ang batas na magtataas sa P10-K teaching allowance ng mga guro

Posted on: June 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, naglalayong suportahan ang mga public school teachers sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng allowances.

 

 

Layon ng nasabing allowance na pagaanin ang ‘financial burdens’ o pasanin sa pananalapi na nauugnay sa pagbili ng teaching supplies at materials, upang sa gayon ay magawa ng mga guro na mag-pokus sa kanilang mahalagang papel sa edukasyon at mas maliit na out-of-pocket expenses.

 

 

Itinakda ng bagong batas ang initial teaching allowance na P5,000 kada guro para sa School Year (SY) 2024-2025, sinundan ng P10,000 para sa SY 2025-2026 at bawat taon pagkatapos.

 

 

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati na ang pagsasabatas ng

 

Kabalikat sa Pagtuturo Act ay “significant milestone” para sa sektor ng edukasyon dahil nagbibigay ito ng malaking suporta para sa mga guro “so they can concentrate on teaching.”

 

 

“I think we’re all familiar with the situation when a teacher finds themselves in financial straits. then sometimes, they’re distracted and spend their time trying to increase the support that they can provide their families and to the detriment of the actual teaching,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati.

 

 

“But teachers teach because it is a vocation. It is not a job; it is a vocation. Teachers teach because they feel they have to teach and they want to teach and that’s why we must give them the support so that they are allowed to do precisely that,” aniya pa rin.

 

 

Winika pa ng Pangulo na tungkulin ng gobyerno na tiyakin ang kapakanan ng mga guro, Inilarawan niya ang mga ito bilang “unsung heroes” ng lipunan.

 

 

“They toil and burn the midnight oil. They teach our children not for money nor for prestige. They serve our country each day by teaching our children the basic foundations to make them responsible and productive citizens,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“It is our responsibility as the government and as a society to take care of them,” lahad ng Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang mga miyembro ng dalawang Kapulungan ng Kongreso para sa pagsusulong ng “long-overdue increase” sa teaching allowance.

 

 

“We have listened, we have persevered, and now we have taken action,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Samantala, ang initial funding na kakailanganin para sa implementasyon ng bagong batas ay huhugutin mula sa pondo ng Department of Education.

 

 

Pagkatapos nito, ang halaga na kakailanganin para sa pagsasabatas ay isasama sa annual General Appropriations Act.

 

 

Ang bagong batas ay magiging epektibo, matapos ang 15 araw na paglalahtala rito sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation. (Daris Jose)

Magkapatid na bebot timbog sa P.5M droga sa Caloocan

Posted on: June 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM ng pulisya sa magkapatid na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng droga ang mahigit P.5 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng umaga.

 

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Pinky, 54 ng Brgy. 5 at alyas Lucel, 46 ng Malolos, Bulacan.

 

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, ikinasa ng mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation kontra sa mga suspek matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito.

 

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang P6,500 marked money na kinabibilangan ng isang tunay na P500 bill at anim pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba sa Jacinto St., Brgy. 5.

 

 

 

Ani Lt. Mables, nakumpiska nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 77 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P523,600.00, buy bust money, cellphone at coin purse.

 

 

 

Sinabi ni Col. Lacuesta na sasampahan nila ang mga suspek ng kasong pagsasabuwatan, pag-iingat at pagbebenta ng ilegal na droga sa ilalim ng R.A. 1965 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa piskalya ng Lungsod ng Caloocan.

 

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Caloocan police sa kanilang pagsisikap para mahuli ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga na nagresulta sa pagkakatimbog sa mga suspek. (Richard Mesa)

DOH nagdeklara ng Code White

Posted on: June 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGDEKLARA na  ng Code White ang Department of Health (DOH) sa mga ospital malapit sa Kanlaon Volcano.

 

 

Payo ng DOH sa mga residente , mag-ingat at making sa mga  abiso ng local government officials .

 

 

Ang pagdedeklara ng Code white alert ay kadalasang ginagawa tuwing malalaking kaganapan o holidays na nagdudulot ng mass casualty incidents o emergencies.

 

 

Itinaas ng PHIVolcs ang alert level; sa Kanlaon Volcano mula Alert level 1 hanggang Alert Level 2 nitong Lunes na nangangahulugang ang pagtaas ng kaguluhan na dala ng shallow magmatic processes ay maaaring mauwi sa karagdagang pagputok ng bulkan o kahit na tumaas ang mapanganib na pagsabog ng magmatic.

 

 

Ngayong Martes, kabuuang 1,562 indibidwal  o 210 pamilya na sa probinsya ng Negros Occidental ang nailipat sa evacuation centers kasunod ng pagputok ng bulkan ,ayon sa provincial disaster risk reduction and management council (PDRRMC). GENE ADSUARA

Ads June 5, 2024

Posted on: June 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

2 kelot arestado sa baril sa Caloocan

Posted on: June 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang magwala at masita sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.

 

 

Sa nakarating na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 2 kahabaan ng 3rd Avenue, Brgy., 118, alas-9:00 ng gabi nang makita nila ang isang lalaki na nagyoyosi sa pampublikong lugar.

 

 

Nang lapitan ng mga pulis para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) dahil sa paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod ay tumakbo ang suspek na may bitbit na isang eco bag.

 

 

Hinabol siya ng mga pulis at nang makorner ay nakuha sa suspek na si alyas ‘Boy Sumpak’ ang isang green ecobag na naglalaman ng isang improvised gun na kargado ng isang bala ng shotgun.

 

 

Alas-11:00 ng gabi nang maaresto naman ng mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station-11 ang isa pang lalaki na si alyas ‘Boy Siga’ matapos magwala at maghamon ng ayaw habang armado ng baril sa Robes-II, Brgy 175, Camarin.

 

 

Nakumpiska sa kanya ng mga pulis ang isang improvised firearm na kargado ng bala at nang kapkapan ay nakuha pa sa kanya ang dalawang bala ng M-16 Rifle.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. (Richard Mesa)

Pagdami ng Pinoy na nagkakasakit sa bato, nakaaalarma – NKTI

Posted on: June 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUBHA umanong nakakaalarma na ang pagdami ng taong may matinding sakit sa bato.

 

 

 

Ayon sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) tumaas ng 42 percent ang bilang ng mga taong may matinding sakit sa bato o chronic kidney disease sa Pilipinas.

 

 

 

Sa pagdiriwang ng National Kidney Month, sinabi ni Dr. Romina Danguilan, Deputy Executive Director for Medical Services ng NKTI, 60,000 na ang bilang ng mga nagpapa-dialysis na pasyente at nasa 35,000 ang bagong pasyente na naitala noong nakaraang taon

 

 

 

Anya, nasa 17 percent ang itinaas ng bilang ng in-patient mula taong 2022 na ngayon ay nasa 12,000 na ang bilang. Ang outpatient naman ay nasa 38 percent na ang itinaas mula taong 2022 na ngayon ay nasa 58,000 na ang bilang.

 

 

 

“It’s alarming, it’s very high. Dati po 5 years ago ‘yung itinataas  lang ng incidents of dialysis patients was only about  30 percent, now it’s already 42 percent,” sabi Danguilan.

 

 

Anya, nasa 17 percent ang itinaas ng bilang ng in-patient mula taong 2022 na ngayon ay nasa 12,000 na ang bilang. Ang outpatient naman ay nasa 38 percent na ang itinaas mula taong 2022 na ngayon ay nasa 58,000 na ang bilang.

 

 

 

“It’s alarming, it’s very high. Dati po 5 years ago ‘yung itinataas  lang ng incidents of dialysis patients was only about  30 percent, now it’s already 42 percent,” sabi Danguilan.