• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 10th, 2024

Ads June 10, 2024

Posted on: June 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Kinalimutan na at masaya namang nakatulong: ARCI, inaming may artistang nangutang at ‘di nagbayad

Posted on: June 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SI Arci Muñoz ang kinuhang celebrity endorser ng JuanHand, isang kumpanya na nagpapautang sa mga nangangailangan.

 

Kaya naikuwento niya ang tungkol sa karanasan niya ng pagpapautang na hindi na siya binayaran.

 

Ang natatawang lahad niya, “Ang problem sa akin when people nangungutang sila, I don’t know how to make singil.

 

“Hindi ko alam kung paano sila sisingilin ng hindi ako… ako pa yung nahihiya, ayoko kasing maka-offend, and pagdating sa mga money matters medyo…di ba ang awkward?

 

“Na-experience niyo na ba yun? Na parang kayo pa yung nahihiyang maningil? So nung narinig ko na meron ding program yung JuanHand na nagbibigay ng mga financial advices, I’m very glad na ako yung napili nila talaga.

 

“So I’m really grateful that we have JuanHand now, so hindi na ako magpapautang,” sabay-tawa muli ni Arci, “I’ll just tell them go to JuanHand.”

 

And yes, may artistang nangutang sa kanya.

 

“Oh gosh! Matagal na panahon na yun, bata pa ko eh,” ang natatawa pa ring sinabi ni Arci.

 

At nakakalokang hindi na ito nakabayad sa pagkakautang kay Arci.

 

“Hindi na, hindi na ko naningil. Okay na ‘yun, matagal na matagal na panahon na yun, kinalimutan ko na, tsaka maliit na halaga lang.

 

“Tsaka ‘di ba mas blessed naman na tayo ngayon, so okay na yun, ipaubaya na natin, at least nakatulong tayo,” wika pa ni Arci.

 

Samantala, present sa contract signing ni Arci para sa JuanHand sina Brian Badilla (JuanHand Branding Head), Coco Mauricio (JuanHand President and CEO) at Mark Tubello (JuanHand Senior External Affairs Officer).

 

Para sa mga karagdagang impormasyon at para makautang, bisitahin lamang ang Facebook page ng JuanHand o i-download ang JuanHand app sa Google Playstore o sa iOS Appstore.

 

***

 

GINAGANAP ang The Manila Film Festival simula none June 5, kung saan sa unang pagkakataon (at sa pangalawang taon ng festival) ay mga baguhang filmmakers ang mga kalahok.

 

Ang walong pelikula at direktor ay ang Festival Ballad of a Blind Man ni Charlie Garcia Vitug ng De La Salle – College of Saint Benilde; Happy (M)others Day ni Ronnie Ramos ng UP Film Institute; Una’t Huling Sakay ni Vhan Marco Molacruz ng Colegio De San Juan De Letran – Manila; threefor100: o ang tamang porma ng pag uukay at iba pang mga bagay-bagay, i think! ni Cedrick Labadia ng iACADEMY; An Kuan ni Joyce Ramos ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; Ditas Pinamalas ni Adrian Renz Espino ng Adamson University; Pinilakang Tabingi ni John Pistol Carmen ng Bicol University; at Bahay, Baboy, Bagyo ni Miko Biong ng UP Film Institute.

 

Si Mr. Ed Cabagnot ang festival director-programmer-consultant ng TMFF, ang Kroma/Anima naman ang line producer para sa mga featured shorts ng festival kung saan kabilang sina Dwein Baltazar (Nananahan), JP Habac (Shortest Day, Longest Night), Jose Lorenzo “Pepe” Diokno (Lumang Tugtugin) at Sigrid Bernardo (May At Nila).

 

Tatakbo ang festival hanggang June 11 sa Robinson’s Manila at Robinson’s Magnolia.

 

Sa June 11 din ang awards night sa Metropolitan Theater.

 

Proyekto ito ng City of Manila ni Mayor Honey Lacuna at ng KreativDen ni Kate Valenzuela.

(ROMMEL L. GONZALES)

Isang linggong nanatili sa kumbento para magdasal: SANDY, ni-reveal na minsan nang nilayasan si CHRISTOPHER

Posted on: June 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NI-REVEAL ni Sandy Andolong na minsan din sinubok ang pagsasama nila ng kanyang mister na si Christopher de Leon na mahigit 40 taon na niyang kasama sa buhay.
Ayon sa aktres, minsan niyang nilayasan ang kanyang asawa.
“There was a time I left him. We had two boys that time si Rafael and Miguel. I left the house kasi parang ang chaotic. It was too much already. It was beginning to have a really bad effect on my two children at that time.
“So, I left Christopher. Nagulat si Christopher, pag-uwi niya, wala na ako.”
Nang umalis siya ng bahay, sinabi ng aktres na nanatili siya sa kumbento ng isang linggo para magdasal “and asking God for direction.
Matapos ng naturang pangyayari, nagpasya umano si Christopher na “isuko” na ang kanyang buhay kay Hesus.
“Nag-LSS (Life in the Spirit Seminar) kami together because he kept telling me, ‘No, I want this to work. I don’t want to lose you. I don’t want to lose the boys. I want to have a complete family,’ kasi he comes from a broken family, I came from a broken family, I have an absentee father at that time. So ayun, nag-Oasis kami. That’s when things settled down na,” pagbahagi ni Sandy.
Magkarelasyon sina Christopher at Sandy mula noong 1980, hanggang sa ikasal sila noong 2001.
Sa Halong Bay sa Vietnam nag-renew ng kanilang “vows” sina Sandy at Christopher noong 2019. May lima silang anak na si Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel, at Mica.
***
SIMPLE lamang pero puno ng pagmamahal ang naging marriage proposal ni Nash Aguas kay Mika dela Cruz.
Ikinuwento ni Mika kung paano nag-propose sa kanya si Nash Aguas noong January 4.
“Nakakatawa po. Nandoon lang kami sa living room tapos ako nakapambahay lang. Dala niya ‘yung iPad niya, nag-propose s’ya with the word of God,” kuwento ni Mika.
Ikinasal sina Mika at Nash noong May 18 sa Adriano’s Events Place sa Tagaytay. Sa same day edit video na inilabas ng Nice Print Photography, mapapanood na bago pa man ang seremonya ng kanilang kasal ay nagkaroon ng first touch at first prayer sina Mika at Nash.
“Everything we do syempre we seek God for guidance. It’s just that we wanted to pray before we enter the next season.
“Actually, that was our last prayer before getting married. And, we wanted to thank him kasi umuulan the whole day basically and then nag-stop ‘yung ulan nu’ng malapit na mag-ceremon,” pagbabahagi ni Nash.
Ikinuwento rin nina Mika at Nash kung bakit pinili nila na magkaroon ng intimate wedding. “On that day very important sa amin not because it’s our wedding, pero it’s our wedding with God. Gusto namin na ma-feel namin ‘yung presence ni Lord, ‘yung love for each other. We’re not against naman big weddings, pero I think it’s our personalities,” sabi ni Nash.
Pagpapatuloy ni Mika: “And also siguro rin para our families would be present din, na ‘yung side n’ya and ‘yung side ko makapag-usap.
“In terms of friends po, ang dami po naming friends. Like siya, we came from different networks so it would be so much po if we would invite everyone from that. Iba rin ‘yung work n’ya now so we didn’t want to choose. Ayaw po namin mamili na si ganito lang kasi we love each other, pantay-pantay po.
***
ANG grand finalist na si Rica Maer ay babaunin daw ang komento ni Renz Verano sa darating na grand finals ng ‘Tanghalan ng Kampeon.
Si Rica ay isa sa aabangang grand finalists ng Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock. Gaganapin ang grand finals ng Tanghalan ng Kampeon sa darating na June 12, 13, at 14.
Ayon sa ikalimang grand finalist ng Tanghalan ng Kampeon: “Ang hindi ko po makalimutan na sinabi po ng mga inampalan is ‘yung huwag mag-hold back, huwag kang matakot na ibigay mo ‘yung kung ano ang best mo. ‘Yun po ‘yung hindi ko makakalimutan na sinabi ni Sir Renz Verano po.
Ayon pa kay Rica na bawat komento ng judges ay nakatulong sa kanilang mga performance.
“Sobrang malaking tulong po ‘yung mga advices nila kasi may mga good na comment and mayroon din pong kailangan i-improve. Para sa amin po, sobrang blessed po kami kasi mas lalo po kaming matututo kung ano pa po yung mga kailangan pa po namin ibigay.
Inilahad ni Rica na ang mga payong ito ay babaunin niya sa darating na grand finals ng Tanghalan ng Kampeon.
“Babaunin ko po ‘yun hanggang sa grand finals. Ibibigay ko po talaga ng todo ‘yung performance ko po sa grand finals.
Patuloy na tumutok sa TiktoClock para sa bangaan ng boses sa Tanghalan ng Kampeon. “Masaya Dito!” kaya manood ng TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11 a.m. sa GMA Network at sa GTV. Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.
(RUEL J. MENDOZA)

Kevin Costner’s “Horizon: An American Saga – Chapter 1” premieres in PH cinemas on June 28

Posted on: June 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KEVIN Costner’s “Horizon: An American Saga – Chapter 1” opens in Philippine cinemas on June 28, 2024, the same day as its global release. 

 

 

Kevin Costner returns to the director’s chair with “Horizon: An American Saga,” a four-part epic Western featuring a star-studded cast including Costner himself, Sienna Miller, Sam Worthington, Giovanni Ribisi, Jena Malone, Jamie Campbell Bower, and Luke Wilson.

 

 

Distributed in the Philippines by Parallax Studios and Saga Films Studios, “Horizon: An American Saga – Chapter 1” will premiere simultaneously with its global release on June 28, 2024. The eagerly anticipated Chapter 2 is slated for release in August 2024.

 

 

Kevin Costner, no stranger to the Western genre, made his directorial debut with the acclaimed 1990 film “Dances with Wolves,” which earned him Best Picture and Best Director Academy Awards. Since 2018, he has also starred in the popular neo-Western drama series “Yellowstone,” which has inspired several prequels and spinoffs.

 

 

Jamie Campbell Bower and Kevin Costner in “Horizon: An American Saga – Chapter 1”

 

 

“Horizon: An American Saga” is a passion project for Costner, who also co-wrote the films. The actor-director reportedly invested $38 million of his own money into the sweeping saga, a project he has been developing for over 30 years. The first two chapters, scheduled for release this year, cost $100 million to produce.

 

 

At the recent Cannes Film Festival, the first chapter received a seven-minute standing ovation. Costner, visibly moved, expressed his gratitude: “Such good people. Such a good moment, not just for me, but for the actors that came with me, for people who believed in me who continued to work. It’s a funny business, and I’m so glad I found it. There’s no place like here. I’ll never forget this — neither will my children.”

 

 

Sienna Miller in “Horizon: An American Saga – Chapter 1”

 

 

“Horizon: An American Saga” delves into the lure of the Old West and the trials and tribulations faced by those who lived through it. Spanning the years of the American Civil War from 1861 to 1865, Costner’s ambitious cinematic adventure promises to take audiences on an emotional journey through a country at war with itself.

 

 

According to movie website Next Best Picture, “In Western epics, there are incredible opportunities to explore engaging worlds while showcasing impressive visual artistry within the genre. However, no matter what, you can always count on folks like Kevin Costner to remind audiences of the power these films can still have in today’s age. It’s impossible not to feel that passion with ‘Horizon: An American Saga – Chapter 1’ as so much is packed into this nod to the epics of yesteryear. There’s a lot thrown at the screen that still manages to result in an engrossing experience.”

 

 

 

At the film’s press conference at Cannes, Costner spoke about the financial challenges he faced while making the epic saga. “I believe that when these lights go out and we’re in a movie theater, something magical can happen. Part of why I wanted to make one, two, three and four was to make it for myself because I know what it’s like to sit out there in the audience and the curtain opens and something magical is going to happen, and a story is going to transport us. The movies have always been a place for us to go have a chance at magic. Something that we’ll never ever forget.”

 

 

He humorously added, “To make the third one, I’ve knocked on every billionaire’s boat in Cannes to help me. They go, ‘Oh come, I want to have a picture.’ I say, ‘No, get your checkbook out. Let’s talk money,’” Costner laughed.

 

 

When asked about wearing multiple hats for this project, Costner said, “I’d like to think that I got to this place [in my life] because I like the work. I like the dreaming part. I like the late nights, directing and editing and writing – I like that part of it the best.”

 

 

 

Prepare to be swept away by the first chapter of “Horizon: An American Saga – Chapter 1” distributed in the Philippines by Parallax Studios and Saga Film Studios with Axinite Digicinema, opening in cinemas on June 28, 2024. (Photo Credit: Parallax Studios and Saga Film Studios)

(ROHN ROMULO)

Ngayong isa na sa board member ng PCSO: IMELDA, isang linggong serbisyo ang handog sa mga nangangailangan

Posted on: June 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Imelda Papin, ang newly appointed acting member of the Board of Directors ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office, na palawigin ang operasyon ng ahensa tuwing weekend.

 

Ayon sa naging pahayag ng Asia’s Sentimental Songstress, “Although, I already announced it after the oath-taking, yung aking gustong ipaabot sa board at maaprubahan itong isang linggong serbisyo.”

 

Dagdag pa ni Imelda, gusto raw niyang mapalawak ang tulong medikal ng ahensya sa mas maraming tao.

 

“Ang ibig ko po sabihin dito, since ang ating trabaho ay magmula Lunes hanggang Biyernes, dadagdagan natin ng Sabado hanggang Linggo yung po ang ating gagawin.

 

“So parang walang tulugan, talagang trabaho ang gagawin natin,” sabi pa niya na bagay na bagay sa dahil sa kanta niya na ‘Isang Linggong Pag-ibig’.

 

Matatandaan na two months ago ay natanong na si Imelda, kung totoong siya ang itatalagang chairperson ng PCSO.

 

Kapansin-pansin kasi ang tarpaulins ng PCSO sa premiere night ng pelikula niyang Imelda Papin: The Untold Story na ginanap sa SM MOA last April 7, 2024.

 

Kahit ayaw niya, ay napilitan siya na sagutin ito…

 

“Umuugong po ang balita na ako po’y ilalagay sa PCSO. Pero, may nagsabi po kasi sa akin na, ‘Hintay-hintay ka lang!’

 

“Kung ako po’y mailalagay sa PCSO, e, di salamat sa Diyos makakatulong ako lalo sa mga nangangailangan. Maghintay lang daw nang konti,” pahayag pa niya.

 

At ito nga at naganap na ang oath-taking ceremony noong Martes, June 4, at magsisimula na siyang mag-opisina sa Lunes, June 10.

 

Ayon kay Imelda, nabanggit na raw kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang ideya na palawigin ang serbisyo ng naturang government agency.

 

“We’ll see to it that we’ll be going around the Philippines at talagang alamin natin, siguro makakatulong ako ng malaki. Dahil, siyempre, I’ve been serving my province for the past nine years,” dagdag pa niya at inamin niya na last year pa nabanggit ng presidente ang tungkol sa PCSO.

 

“We’ll see to it that we have to act fast and reach out to so many recipients as possible. Our focus will be on health, because health is wealth.”

 

Tinitignan din niya ang iba pang health-related programs tulad ng mga caravan at medical missions.

 

Hinihikayat din ni Imelda na ipagpatuloy na tumaya sa Lotto, at isipin na hindi ito sugal, dahil ang bawat itataya ay malaki ang maitutulong sa mga nangangailangan.

(ROHN ROMULO)