• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 13th, 2024

LTO hindi maglalabas ng mga na-impound na colorum na sasakyan hanggang walang kautusan ang korte

Posted on: June 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Tanging korte lamang ang maaring magbigay ng kautusan para mabawi ang mga nakumpiskang colorum na sasakyan.

 

 

 

 

Sinabi ng Land Transportation Office (LTO), na hindi sila basta naglalabas ng mga nakumpiskang colorum na sasakyan kahit na nakapagbayad na ang mga operators ng mga multa.

 

 

 

 

Giit ni LTO chief Vigor Mendoza na marapat na kumuha ang mga operators ng court order bago nila mai-release ang nasabing sasakyan.

 

 

 

 

Layon ng nasabing hakbang ay para tuluyang mapahinto ang operasyon ng colorum na sasakyan sa bansa.
Inirereklamo kasi ng mga legal na may prankisa na nababawasan ang kanilang kita dahil sa talamak an pamamasada ng mga kolurm na sasakyan sa bansa.

Halos 400 million na mga bata sa buong mundo, dumaranas ng maranas na pagdidisiplina – UNICEF

Posted on: June 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Dumaranas umano ng marahas na pagdidisiplina sa kanilang mga tahanan ang halos 400 milyong mga bata sa buong mundo, batay sa isinagawang pag-aaral ng UN Children’s Fund (UNICEF).

 

 

 

 

Ang mga naturang bata ay may edad 5 pababa kung saan natukoy na dumaranas sila ng pangmamaltrato, physical at psychological discipline katulad ng pamamalo at pang-iinsulto, atbpa.

 

 

 

 

 

Kabilang sa mga psychological abuse na kinokonsidera ng UNICEF ay ang pagsigaw sa mga bata, at pagtawag sa kanila bilang mga tamad at bobo.

 

 

 

 

Habang ang physical abuse ay kinabibilangan ng pamamalo, pananampal, panggugulo, at iba pang paraan ng pananakit sa mga bata.

 

 

 

Mula sa halos 400 million na mga bata, 300 million sa kanila ang umano’y nakakaranas ng physical punishment.

 

 

 

 

SInabi rin ng UNICEF na bagaman ipinagbabawal ang corporal punishment sa mga bata, halos 500 million ng mga bata umano sa buong mundo na may edad lima pababa ay walang legal na proteksyon laban dito.

 

 

 

 

Ayon kay UNICEF Executive Director Catherine Russell, kung ang mga bata ay laging nakakaranas ng physical o verbal abuse sa kanilang mga tahanan, o kung sila ay pinagkakaitan ng social at emotional care mula sa kanilang mga magulang, maaapektuhan ang kanilang pagmamahal sa sarili at kabuuang pagtanda. (Gene Adsuara)

Online transactions ng PNP-FEO balik normal na

Posted on: June 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BALIK na ang online transactions ng Philippine National Police-Civil Security Group’s online system.

 

 

 

 

Ito ay matapos na naayos na nila ang naganap na data breach noong Mayo 17.

 

 

 

 

Sinab ni CSG spokesperson Lt. Col. Eudisan Gultiano, na matitiyak na ngayon na ang Firearms and Explosives Office (FEO) online system ay mayroon ng mga bagong security features para maiwasan ang data breach.

 

 

 

 

Patuloy na rin silang tumatanggap ng mga aplikasyon ng firearms registration. (Daris Jose)

Pangulong Marcos ‘di dadalo sa Peace Summit ni Zelenskyy

Posted on: June 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPAPADALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Presidential Adviser on Peace, Reconcialia­tion and Unity Carlito Galvez, bilang kinatawan ng Pilipinas sa Ukraine Peace Summit sa Switzerland.

 

 

 

 

Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO), subalit hindi naman tinukoy kung bakit hindi makakadalo si Pangulong Marcos sa naturang summit.

 

 

 

 

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nagtungo sa Malakanyang si Ukrainian President Vlodymyr Zelenskyy para personal na imbitahin si Pangulong Marcos sa nasabing conference.

 

 

 

Hiningi rin ni Zelenskyy ang tulong ng Pilipinas para sa mental health professional dahil karamihan sa kanilang mga sundalo at sibilyan ay nangangailangan ng mental wellness dulot na rin ng patuloy na giyera sa Russia.

 

 

 

 

Ang peace summit ay gaganapin sa Hunyo 15-16 sa Switzerland kung saan inaasahan na ang Ukraine ay gagawa ng isang draft resolution para matapos na ang 28 buwan na giyera sa Russia.

 

 

 

Inaasahan naman na 90 mga bansa ang dadalo sa Ukraine peace conference sa Lucerne. (Daris Jose)

“Freedom is not only a privilege but a responsibility to fight for it” – Romualdez

Posted on: June 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

CITY OF MALOLOS – “Freedom is not only a privilege but a responsibility to fight for it. We, as Filipinos in the new generation, have responsibilities to continue the fight for freedom.”

 

 

This was the message of House Speaker and Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin G. Romualdez during the commemoration of the 126th Anniversary of Philippine Independence held at Barasoain Church in this city earlier today.

 

 

The house speaker added that it is not only a battle against the conquerors, but also against poverty, corruption, and lack of justice.

 

 

“Ang araw na ito ay hindi lamang pagbabalik-tanaw sa ating makulay na kasaysayan. Pagkakataon din ito para tayo ay magkaisa sa pagbuo ng isang mas maunlad at makatarungang lipunan,” Romualdez said.

 

 

Likewise, Governor Daniel R. Fernando believed that freedom is affiliated with a responsibility for the society we live in.

 

 

“Sa ating makabagong panahon, ipagpatuloy natin ang labang kanilang nasimulan. Sikapin nating itaguyod ang tunay na kalayaan- kalayaan sa gutom at kahirapan, kalayaan mula sa iba’t ibang uri ng pagmamalupit at karahasan, at kalayaan mula sa kamangmangan at baluktot na kaisipan,” the governor said.

 

 

This year’s Indepence Day celebration is anchored on the theme “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan” and was made possible by the joint efforts of the National Historical Commission of the Philippines, Provincial Government of Bulacan, and the City Government of Malolos.

Kagawad arestado sa panunutok at pagpapaputok ng baril sa Malabon

Posted on: June 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DINAKIP ng pulisya ang 63-anyos na Kagawad ng barangay matapos ireklamo sa panunutok at pagpapaputok ng baril ng kanyang ka-lugar sa Malabon City.

 

 

 

 

Kusang isinuko ni alyas “Kagawad Jaime” residente ng Karisma Village, Brgy. Panghulo, ang kanyang lisensiyadong kalibre .45 baril na may kalakip na “permit to carry outside residence” sa mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nagresponde sa sumbong ng nagaganap na walang habas na pagpapaputok ng baril dakong alas-4 ng madaling araw sa Road 1, Karisma Village.

 

 

 

 

Sa imbestigasyon ng pulisya, may okasyon sa bahay ng 28-anyos na si alyas “Karl” sa Blk 4 kaya nagamit nila ang kalsada sa Road 1 para sa pag-iinuman ng mga bisita nang dumaan ang kagawad at sinita umano ang mga nag-iinuman.

 

 

 

Nagkaroon umano ng pagtatalo hanggang umuwi ang suspek at nang bumalik, dito na narinig ng mga residente sa lugar ang sunod-sunod na putok ng baril.

 

 

 

Nakuhanan pa ng video ng nakatatandang kapatid na babae ni ‘Karl’ ang kagawad habang hawak ang baril at nagtatatalak sa harap ng bahay ng biktima.

 

 

 

Nakuha rin ng mga nagrespondeng tauhan ng Malabon Police Sub-Station-3 ang anim na basyo at dalawang depormadong bala ng kalibre .45 baril na dahilan naging upang arestuhin ang suspek.

 

 

 

Inihahanda na ng mga tauhan ni Col. Baybayan ang pagsasampa ng mga kasong Grave Threat at Alarm and Scandal laban sa Kagawad ng barangay sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at simbahan, panawagan ng military bishop sa mamamayan

Posted on: June 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan at Simbahan upang maging mabuting lingkod at tagapaggabay sa bawat isa.

 

 

 

 

Ito ang bahagi ng mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

 

 

 

Pagbabahagi ng Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, bukod sa pananalangin para sa maayos at matuwid na pamumuno ay mahalaga ring ipagdasal ang mga opisyal ng Simbahan upang patuloy na magsilbing gabay sa pagkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.

 

 

 

Kasabay ng taunang paggunita ng Araw ng Pagpapahayag ng Kalayaan ng bansa tuwing ika-12 ng Hunyo ay ipinapanalangin din ni Bishop Florencio ang patuloy na paggabay sa bansa upang malagpasan ang mga kinahaharap na suliraning panlipunan at relasyon sa iba’t ibang mga bansa.

 

 

 

“Greetings to my beloved Philippines as she celebrates Independence Day. I pray that Our Almighty Father to bless our beloved country as she faces today herculean challenges both locally and internationally. I pray also that we the constituents of the Philippine Republic be blessed as well so as to rally behind our leaders both the government and the ecclesiastical leaders for the betterment of our country and not just few people.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

 

 

 

Ipinaalala ng Obispo ang kahapagahan ng pagbabalik loob at pagpapakumbaba sa Panginoon upang masumpungan ang biyaya ng Banal na Espiritu para sa bansa.

 

 

 

“Send your Holy Spirit upon us oh Lord so that together we renew our community and our country with much humility and love so that this beloved country might be a better place to live. We shall proclaim to the whole world that you are our Father and Lord. Mabuhay ang Pilipinas.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

 

 

 

Tema ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ngayong taong 2024 ang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan” na layuning isulong ang pagbabalik-tanaw ng bawat mamamayan sa kasaysayan ng bansa bilang gabay at aral sa kinabukasan ng Pilipinas.

 

 

 

Ang Araw ng Kalayaan ay taunang ginugunita sa Pilipinas tuwing Hunyo 12 alinsunod na din sa Republic Act No. 4166 na nilagdaan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal noong August 4, 1964 upang alalahanin ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898.

3 kulong sa cara y cruz at shabu sa Valenzuela

Posted on: June 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang tatlong kalalakihan, kabilang ang 64-anyos na lolo matapos maaktuhan ng mga pulis na naglalaro ng illegal na sugal kung saan isa sa kanila ang nakuhanan pa ng shabu sa Valenzuela City.

 

 

 

Sa report ni PMSg Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang Bignay Police Sub-Station 7 hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity sa Blk 2, Northville, Brgy. Bignay.

 

 

 

Kaagad namang inatasan ni SS7 Commander P/Capt. Manuel Cristobal ang kanyang mga tauhan na puntahan ang nasabing lugar para alamin ang nasabing report.

 

 

 

Pagdating ng mga pulis sa naturang lugar dakong alas-12:35 ng madaling araw, naaktuhan nila sina alyas John, 30, alyas Julius, 48 at alyas Turo, 64, pawang residente ng Brgy. Bignay naglalaro ng ‘cara y cruz’ na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

 

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong one-peson coin na gamit bilang ‘pangara’, at P550 bet money sa magkakaibang denomation habang nakuha naman kay ‘John’ nang kapkapan ang apat na transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4,760.

 

 

 

Ayon kay Capt. Cristobal, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin pa ni ‘John’. (Richard Mesa)

NAVOTAS, DOH, PHILHEALTH lumagda sa MOU para sa UHC INTEGRATION SITE

Posted on: June 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Understanding sa Department of Health (DOH) at PhilHealth para sa pagtatatag ng integrated city-wide health system sa Navotas, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary nito.

 

 

 

Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOU, kasama si Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH Metro Manila Center for Health Development (MMCHD); at Brian Florentino, Local Health Insurance Office Head ng PhilHealth NCR-North
Ang inisyatiba na ito ay bahagi ng pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Act.

 

 

 

“Through the MOU, we can secure additional technical and financial support from the national government for the UHC program. This agreement ensures equitable access to quality and affordable healthcare for Navoteños,” pahayag ni Mayor Tiangco.

 

 

 

“Establishing the UHC integration site in Navotas also facilitates the faster and more efficient delivery of health services to our constituents. We are grateful to DOH and PhilHealth for their continuous support to our city,” dagdag niya.

 

 

 

Sinaksihan ang seremonya ng paglagda ni Dr. Eric David, Navotas City Health Officer at Dr. Karen Fernandez, DOH-MMCHD Assistant Regional Director.

 

 

 

Ang integrated health system ay isang diskarte kung saan ang isang local government unit, na may mga katuwang tulad ng DOH, Department of the Interior and Local Government, Department of Education, Department of Social Welfare and Development, at civil society organizations ay nagbabahagi ng responsibilidad sa pag-oorganisa, pamamahala, paghahatid, at pagpopondo ng mga sama-samang mapagkukunan upang mapabuti ang health outcomes para sa lahat ng mga stakeholder. (Richard Mesa)

Buntis, nagpapa-breastfeed na ina kasali na sa 4Ps

Posted on: June 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAAARI nang isama ang mga buntis at nagpapa-breastfeed na mga ina sa listahan ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

 

 

 

 

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig pa sa coverage ng 4Ps para masiguro ang kaligtasan ng mga sanggol sa unang 1,000 araw.

 

 

 

 

Nauna nang ipinanukala ng DSWD ang panukalang reporma sa 4Ps noong Pebrero kung saan nais nila itaas ang cash grants sa First 1,000 days (F1KD) ng mga bata para tumaas din ang purcha­sing power ng 4Ps bene­ficiaries at maiwasan ang malnutrisyon sa mga bata.

 

 

 

Kahapon sa ginanap na sectoral meeting ay inaprubahan ni Pangulong Marcos ang panukala ng DSWD na maglaan ng ayuda sa mga buntis at nagpapasusong mga ina para masiguro na mabibigyan sila ng serbisyong pangkalusugan at matugunan din ang kalusugan ng mga bata sa unang 1,000 days.

 

 

 

Sa ilalim ng kasaluku­yang programa, ang isang 4Ps beneficiary-family ay makakatanggap ng daycare at elementary grant na P300 kada bata kada buwan sa loob ng isang buwan sa kondisyon na sila ay pumapasok sa eskwelahan; P500 kada bata tuwing isang buwan sa loob ng 10 buwan para sa junior high school at P700 kada bata tuwing isang buwan at sa loob ng 12 buwan.