• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 24th, 2024

Pinas, handang makatrabaho ang Tsina para resolbahin ang alitan – Bersamin

Posted on: June 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na paabutin pa ng Pilipinas sa mas mataas na international body ang pinakabagong insidente sa Ayungin Shoal.

 

 

Ito ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasabay ng kahandaan ng Pilipinas na makatrabaho ang Tsina para resolbahin ang alitan.

 

 

Tinanong kasi si Bersamin sa press briefing sa Malakanyang kung kinokonsidera ng gobyerno na idulog ang usapin sa global body.

 

 

“That’s not yet in consideration because I think this is a matter that can easily be resolved very soon by us. And if China wants to work with us, we can work with China,” ang sinabi ni Bersamin.

 

 

Winika pa ni Bersamin, chairman ng National Maritime Council (NMC) na hindi pinag-usapan ng body ang panawagan na Mutual Defense Treaty (MDT) sa nangyari ng second meeting, araw ng Biyernes.

 

 

Gayunman, inanunsyo ng NMC ang naging rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagpapatuloy ng “routinary at regular rotation and reprovision (RORE) missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa kabila ng nakagagalit na aksyon ng Tsina.

 

 

Aniya, ang anunsyo para sa RORE missions ay gagawin bago pa ito isagawa.

 

 

Hindi naman kinokonsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang insidente bilang armed attack, ayon kay Bersamin sabay sabing “it may be a misunderstanding or an accident.”

 

 

Napaulat na may 8 Filipino servicemen ang nasugatan sa nangyaring June 17 hostile incident. Subalit, nilinaw ng NMC na isa lamang ang nasaktan.

 

 

“The Council recognizes a peaceful, stable, and prosperous West Philippine Sea (WPS) and South China Sea (SCS) is still a distant reality,” ayon pa rin kay Bersamin.

 

 

Tinuran pa nito na pumayag ang Konseho sa policy recommendations para sa konsiderasyon ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Higit 4K ng 4Ps beneficiaries, lisensyadong guro na – DSWD

Posted on: June 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa 4,000 da­ting monitored children ng Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mga licensed professional teachers (LPT) na nga­yon.

 

 

 

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, patunay ito na epektibo ang 4Ps sa pag-aaral ng mga anak ng mga benepisyaryo.

 

 

 

Base sa talaan ni Director Gemma Gabuya ng 4Ps’ National Program Management Office (NPMO), 1,225 Elementary-level at 3,129 Secondary-level education graduates ang nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET).

 

 

“In the recent LET given last March with the results released in May, we also have reported former 4Ps monitored children who topped the said exam,” pahayag ni Dumlao.

 

 

 

Ilan sa mga 4Ps monitored children ang naging topnotchers sa March 2024 LET. Ito ay sina Khane Jevie Rose S. Cervantes (Top 1) mula sa Davao Region Jennifer G. Manrique (Top 9) mula sa MIMAROPA Region para sa Elementary Level.

 

 

Para sa Secondary Level, naging topnot­chers sina Christian Albert B. Paskil at Clarence Joy D. Salmorin na parehong galing sa MIMAROPA (Top 5); Jellian H. Calipes (Top 6) mula Davao Region, at Joanne E. Cagata (Top 8 ng Caraga Region.

 

 

 

Nagpasalamat sa DSWD si Clarence Joy Delos Santos Salmorin na nagtapos ng Magna Cum Laude sa Secon­dary Education, Major in Science sa Mindoro State University (Bongabong Campus) dahil sa tulong sa kanyang pag-aaral ng cash grants na natanggap mula sa DSWD bilang dating benepisyaryo ng 4Ps.

PBBM, idineklara ang Oktubre 30 bilang “NATIONAL DAY OF CHARITY”

Posted on: June 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINALABAS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 598 na nagdedeklara sa Oktubre 30 kada taon bilang “National Day of Charity.”

 

 

Ang proklamasyon ang bumubuo ng bahagi ng ‘commitment’ ng administrasyon para i-promote at iangat ang buhay ng bawat Filipino sa “Bagong Pilipinas.”

 

 

 

Sa paglagda sa proklamasyon, tinukoy ni Pangulong Marcos ang Section 9, Article II ng Saligang Batas, may mandato ng isang “just and dynamic social order” para tiyakin ang kasaganaan at kasarinlan at palayain ang mga tao mula sa kahirapan sa pamamagitan ng polisiya na nagbibigay ng social services, nagpo-promote ng ganap na trabaho at paghusayin ang ‘standard of living’ at kalidad ng buhay para sa lahat.

 

 

 

“Bagong Pilipinas, as the overarching theme of the Administration’s brand of governance and leadership, calls for deep and fundamental transformations in all sectors of society and government, and visions to emphasize compassion, solidarity and social responsibility among Filipinos,” ang nakasaad sa proklamasyon.

 

 

 

Tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang dalawang pahinang Proclamation No. 598 noong Hunyo 13 ngayong taon.

 

 

 

Sa ilalim ng proklamasyon, inatasan ni Pangulong Marcos ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na pangunahan, makipag-ugnayan at pangasiwaan ang paggunita sa “National Day of Charity,” at tukuyin ang mga programa, aktibidad at proyekto para sa selebrasyon.

 

 

 

Ang PCSO “has shown its dedication to fulfil its mandate through the provision of medical services, the conduct of free medical and dental services, the establishment of an out-patient clinic, and its partnerships with qualified government and non-government welfare institutions/agencies that promote the well-being of the marginalized sectors of society.”

 

 

 

Ang lahat ng government agencies at instrumentalities, kabilang na ang government-owned or -controlled corporations, financial institutions at state universities and colleges ay inatasan at hinikayat na magpartisipa sa paggunita sa “National Day of Charity.”

 

 

Gayundin, ang lahat ng local government units, non-government organizations at pribadong sektor ay inatasan ng kahalintulad na kautusan. (Daris Jose)

The Dengue Fight: From Personal Vigilance to Collective Resilience

Posted on: June 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ever wondered why getting dengue again can be worse?

 

 

Dealing with dengue fever as a family is a difficult journey marked by fear, financial strain, and constant worry. Watching a loved one suffer from fever, joint pain, and exhaustion is heart-wrenching, with the uncertainty of their recovery adding to the stress. Mounting hospital bills and draining savings compound the financial burden. Additionally, the persistent fear of another family member contracting the virus from mosquitoes exacerbates the anxiety. Every mosquito bite feels like a potential threat, leading to frantic efforts to get rid of any standing water where they could breed. In the middle of it all, there is the mental toll of living under the constant shadow of dengue fever.

 

 

Dengue poses a unique challenge as it can infect individuals a multiple times, with a second infection often proving more severe due to a phenomenon known as antibody-dependent enhancement (ADE). In ADE, antibodies from a previous infection inadvertently assist a new strain of the virus in entering immune cells and replicating. Unlike diseases where immunity provides protection against reinfection, dengue’s various strains complicate the immune response. Normally, our immune systems retain memory of past infections, enabling swift responses.

 

 

Dengue has four different strains, and even though we become immune to the one we were infected with, that immunity might not last long against the other three. This means the risk of getting dengue again, especially during an outbreak, is high.

 

 

Dengue cases surge in several provinces

 

 

 

Dengue fever is endemic in the Philippines. The risk of transmission is highest during and immediately following the rainy season, which typically occurs May-November. Dengue fever is transmitted through the bite of an infected mosquito. The risk of infection is often highest in urban and semi-urban areas.

 

 

 

Health authorities have reported elevated dengue fever activity in multiple areas in Central Visayas (Region VII), with 6,539 total cases reported in January 1 to May 25, 2024. This is compared to the 3,246 cases reported during a similar period in 2023. Bohol (2,434 cases) is the most affected, followed by Cebu (1,900 cases), Negros Oriental (1,086 cases), and Siquijor (282 cases). Local health officials urge the public and local government to prepare for the surge in dengue fever cases in the coming months by remaining vigilant, keeping surroundings clean, and clearing potential mosquito breeding sites.

 

The Department of Health (DOH) is vigilant against a potential surge in dengue cases with the onset of the rainy season, expected to be intensified by La Niña. DOH emphasized the importance of remaining cautious as the weather transitions.

 

 

 

The Importance of Personal Risk Recognition

 

 

In the fight against dengue fever, the collective efforts of governments are undeniably vital. However, the importance of personal risk recognition cannot be overstated. Individuals play a crucial role in protecting themselves and their loved ones from this mosquito-borne disease by understanding and actively addressing the factors that contribute to dengue transmission.

 

 

 

Personal risk recognition begins with education and awareness. By familiarizing themselves with the symptoms of dengue fever – such as high fever, severe headache, joint and muscle pain, and rash – individuals can detect the disease early and seek timely medical intervention. Early detection is key to effective treatment and can prevent the progression to severe dengue.

 

 

 

Another essential aspect of personal risk recognition is the identification and elimination of mosquito breeding sites. Stagnant water in containers, flowerpots, and discarded tires are common breeding grounds for mosquitoes. By regularly inspecting and removing these potential breeding sites in and around their homes, individuals can significantly reduce mosquito populations and curb the spread of dengue.

 

 

 

In addition to proactive measures to eliminate breeding sites, practicing preventive measures is crucial in reducing the risk of mosquito bites. This includes wearing long sleeves and pants, using mosquito repellents, and installing screens on windows and doors to prevent mosquitoes from entering living spaces. These simple yet effective strategies can help individuals minimize their exposure to mosquitoes, especially during peak mosquito activity periods.

 

 

 

Equally important is the prompt seeking of medical care upon recognizing dengue symptoms. Timely medical attention is essential for early diagnosis and appropriate management of the disease. By seeking medical care promptly, individuals can receive the necessary treatment to prevent complications and reduce the risk of severe dengue.

 

 

 

By understanding the importance of early symptom recognition, eliminating mosquito breeding sites, practicing preventive measures, and seeking timely medical care, individuals can empower themselves to protect against dengue and contribute to the collective effort in combating this disease.

 

 

 

 

Empowering individuals and communities through collaboration

 

 

 

Ongoing efforts by the government, supported by community programs, are crucial in the fight to prevent dengue. These initiatives focus on expanding educational campaigns and providing accessible tools and resources. Among these resources is “Iwas Dengue,” a dedicated platform aimed at heightening awareness about dengue fever. By enhancing educational opportunities and leveraging platforms like “Iwas Dengue,” individuals can become better equipped to recognize and mitigate dengue risks, thereby strengthening community resilience against this persistent threat.

 

 

 

The pressing need for collaboration and innovation is evident as we delve into the complexities of dengue infection. The first-ever Dengue Summit provides a platform to address these challenges head-on, advocating for new technologies like vaccination and innovative solutions to combat this relentless disease. It’s not just about responding to outbreaks; it’s about proactively preventing them and safeguarding communities against future threats.

 

 

 

The Dengue Summit aims to be an influential event. To align with United Nation’s Sustainable Goal 3, the summit is a crucial step towards a future where “Zero Dengue Deaths by 2030” becomes a reality. With over 121 medical societies joining forces under the Philippine Medical Association (PMA), alongside more than 40 private partners, this summit is a testament to the collective determination to combat dengue. The aim is clear: to strengthen the integrated efforts of national and local governments in controlling outbreaks and preventing dengue-related fatalities. The urgency of this mission cannot be overstated, especially in light of the alarming statistics showing a spike in dengue cases.

 

 

 

Together, through collective effort and educational initiatives, we can turn the tide against dengue, ensuring a healthier and safer future for all.

2 ‘tulak’ tiklo sa P224K shabu sa Caloocan at Valenzuela

Posted on: June 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang dalawang umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, dakong alas-12:08 ng tanghali nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables sa buy bust operation sa BMBA Compound, 3rd Avenue, Brgy 118, si alyas ‘Cecil’, 39.

 

 

 

Nakumpiska sa suspek ang himigi’t kumulang 11 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P74,800.00 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang anim pirasong P1,000 boodle money.

 

 

 

Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Joselito Suniega sa buy bust operation sa Bagumbong Road, Brgy. Bignay dakong alas-5:15 ng umaga si alyas ‘Regor’.

 

 

 

Sa report Lt. Suniega kay Valenzuela police chief Col. Nixon Cayaban, nakuha sa suspek ang nasa 22 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P149,600, buy bust money na isang P500 bill, kasama ang walong pirasong P1,000 boodle money, P300 recovered money at cellphone.

 

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang C aloocan at Valenzuela police sa kanilang matagumppay na operasyon kontra droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

China harassment sa Ayungin hindi armadong pag-atake -Malakanyang

Posted on: June 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na hindi armadong pag-atake na maaaring mag-trigger sa Mutual Defense Treaty ng Pilipinas sa Estados Unidos ang bagong insidente ng harassment ng China vessels sa Philippine boats, dahilan para maputulan ng hinlalaki ng daliri ang isang Navy man at nasugatan ang iba.

 

 

 

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang insidente ay ”probably a misunderstanding or accident.”

 

 

”No, well this was probably a misunderstanding or accident, we are not yet ready to classify this as an armed attack. I don’t know kung ‘yung mga nakita namin is mga bolo, ax, nothing beyond that,” ayon kay Bersamin.

 

 

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na labis na nasaktan ang Philippine Navy serviceman sa banggaan sa pagitan ng Chinese ship at Filipino vessel na nagsagawa ng “rotation at resupply mission” sa Ayungin Shoal.

 

 

Ayon sa ulat, may pitong servicemen ang nasaktan noong June 17 hostile incident kabilang na ang na walang ng hinlalaki.

 

 

Nauna rito sinabi ni AFP Public Affairs Office chief Colonel Xerxes Trinidad na ang service member ay ligtas na nailikas at nakatanggap ng agarang medical treatment matapos na ang China Coast Guard’s (CCG) ay “intentional high-speed ramming” sa Philippine vessel.

 

 

Sinabi naman ni Presidential Assistant for Maritime Concerns Andres Centino na ang ipanawagan ang Mutual Defense Treaty (MDT) ay hindi pa kinokonsidera sa kabila ng  June 17 incident sa Ayungin Shoal sangkot ang Philippine Navy sailors at Chinese Coast Guard personnel.

 

 

”That has not been—, your question about the invocation of the Mutual Defense Treaty, that has not been considered in our discussions,” ayon kay Centino sa press conference sa Malakanyang.

 

 

Nauna rito pinangunahan ni Bersamin ang pangalawang pagpupulong ng National Maritime Council sa Palasyo ng Malakanyang isinagawa alinsunod sa mandato na nakasaad sa Executive Order No. 57, serye ng 2024, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

“The meeting was also called upon in light of China’s recent hostile acts in the West Philippine Sea,” ayon kay Bersamin. (Daris Jose)

Top 3 most wanted person ng Leyte, nasilo sa Caloocan

Posted on: June 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG lola na nakatala bilang top 3 most wanted person sa Leyte ang nadakip ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ani Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Sangandaan Police Sub-Station (SS4) hinggil sa kinaroroonan ng 69-anyos na lolang akusado.

 

 

Bumuo ng team ang SS4, kasama ang NDIT- RIU NCR RID-8 Tracker team CIT- Tacloban RIU8 saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa lolang akusado, dakong alas-9:20 ng gabi sa Libis Nadurata, Brgy. 18.

 

 

 

Ang akusado ay inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest nisyu ni Presiding Judge Irene T. Ponejos ng Tacloban City, Leyte RTC Branch 7 noong May 2, 2024, para sa paglabag sa Section 10 (A) of RA 7610, Qualified Trafficking under sec 4(A) (Child Abuse Act) in relation to section 6A(A) of RA 9208 Trafficking in persons under section 4(A) of RA 9208.

 

 

Pansamantalang nasa kustodiya ng ng Caloocan City Police Station ang akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. (Richard Mesa)