• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 27th, 2024

Willing na makatrabaho uli si Nora: VILMA, nakatanggap ng nominasyon bilang ‘National Artist’

Posted on: June 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ng nominasyon si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto para maging bahagi ng next batch ng mga tatanggap ng National Artist.

 

 

Kinumpirma ng Cultural Center of the Philippines na kabilang si Vilma sa mga nominado ng National Artist, ang buong listahan nito ay magiging available sa katapusan ng Hunyo.

 

 

Deadline ito para sa mga nominasyon, ngunit hindi ito iaanunsyo sa publiko. Ang mga nanalo naman ay kanilang ipaalam
Ang naghain ng nominasyon ang Aktor PH (League of Filipino Actors), ang organisasyon ng mga aktor na Pilipino na pinamumunuan ni Dingdong Dantes. Ang naturang nominasyon ni Vilma sa pinakamataas na karangalan para sa isang alagad ng sining ang pagkilala ng Aktor PH sa mga kontribusyon ng aktres sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng anim na dekada.

 

 

 

Sa pamamagitan ng nominasyon ng Aktor PH kay Vilma sa National Artist award, ipinagdiriwang ang kanyang walang hanggang pamana, pambihirang versatility, at makabuluhang kontribusyon sa sining at kultura ng Pilipinas.

 

 

 

Ang Order of National Artist (ONA), na itinatag noong 1972, ay kumikilala sa mga Filipino na gumawa ng mga mahalagang kontribusyon sa pagsulong ng Philippine arts and letter, iginagawad ito kada apat na taon.

 

 

 

Nagpahayag noon ni Vilma na ang National Artist award na ipinagkaloob sa kapwa aktres na si Nora Aunor ay “the highest” honor na matatanggap ng isang artista.

 

 

 

“Alam mo, if it’s meant for you, it’s meant for you,” say ni Vilma nang tanungin kung gusto rin niyang maging National Artist.

 

 

“‘Pag hindi napunta sa’yo, it’s not meant for you. So d’un sa mga nabigyan, it’s meant for them, like ‘yung kay Ate Guy. So kung meron akong space d’yan, darating ‘yung panahon na ‘ yun, para sa akin na ‘yun.”

 

 

Inamin din ni Ate Vi sa interview na willing siya to work again with Nora, basta maganda at right material, “If we can offer something new and something different, why not? Lalo na sa edad namin ngayon, ‘di ba?”

 

 

Samantala, nominado si Ate Vi sa The 7th EDDYS sa July 7, na gaganapin sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, New World Resort sa Pasay City.

 

 

Makakalaban niya sa Best Actress category sina Marian Rivera, Kathryn Bernardo, Charlie Dizon, Julia Montes, at Maricel Soriano.

 

 

***

 

 

SA June 29, 2024 ay makipag-rakrakan, kantahan, at sayawan kasama ang ilang mga sikat na performers, banda at dancers sa CC6 Music Fest 2024.

 

 

Pangungunahan ang naturang concert ng Rocksteddy, Mayonnaise, at Ilan pang mga banda.

 

 

Kasama rin ang social media influencer na si Lai Austria, Sexbomb New Gen, Showtime Dancers at iba pa.

 

 

Handog ito ng CC6 and JAF Digital, free admission at marami pang sorpresang handog ang CC6 sa mga masugid na manonood. May mga giveaways and raffle prizes din.

 

 

Kaya sugod na sa VISTA Mall Concert Grounds, Tanza, Cavite ngayong June 29, 2024, Sabado. Magbubukas ang gate sa ganap na ala-una ng hapon.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

GET READY FOR AN ACTION-PACKED JOLLY CHRISTMAS! WATCH THE TRAILER FOR “RED ONE,” STARRING DWAYNE JOHNSON AND CHRIS EVANS

Posted on: June 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

It’s never too early to get jacked for Christmas. Watch the trailer for “Red One” now, starring Dwayne Johnson and Chris Evans, and see the film only in cinemas November 13.

 

 

 

 

YouTube: https://youtu.be/vGmahWH8Awg

 

 

 

Facebook: https://web.facebook.com/WarnerBrosPH/videos/697488442503837

 

 

 

 

About “Red One”

After Santa Claus – Code Name: RED ONE – is kidnapped, the North Pole’s Head of Security (Dwayne Johnson) must team up with the world’s most infamous bounty hunter (Chris Evans) in a globe-trotting, action-packed mission to save Christmas.

 

 

 

 

Directed by Chris Morgan, from a screenplay by Hiram Garcia. Produced by Dwayne Johnson, Hiram Garcia, Dany Garcia, Jake Kasdan, Melvin Mar and Chris Morgan.

 

 

 

 

The film stars Dwayne Johnson, Chris Evans, Kiernan Shipka, Lucy Liu, Mary Elizabeth Ellis, Nick Kroll, Kristofer Hivju and J. K. Simmons and Bonnie Hunt.

 

 

 

 

In cinemas November 13, “Red One” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

 

 

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #RedOneMovie

 

 

 

 

Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Sofia at Althea, busy rin sa kanilang serye: ELIJAH, pinagsasabihan si JILLIAN na magpahinga dahil overfatigue na

Posted on: June 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MGA baguhang artista halos ang kasama ni Elijah Alejo sa pelikulang ‘Field Trip.’

 

 

 

Kaya tinanong namin ang Kapuso young actress kung may nadarama ba siyang pressure dahil parang siya ay ang magdadala ng pelikula?

 

 

 

“Okay, parang naano ako dun ah,” ang natatawang umpisang reaksyon ni Elijah. “Parang ngayon po ako na-pressure sa question na yun.

 

 

 

“Honestly po hindi po ako nanakaramdam ng pressure kasi I know naman po na hindi rin po sila kumbaga ilalagay dito ni direk kung wala pong nakikita si direk in them na kumbaga makakapag-add to the movie.

 

 

 

“So I know for a fact na lahat po kami dito magtutulung-tulungan regardless of newcomer man or veteran.”

 

 

 

At bilang isang young actress na matagal na sa industriya ng pelikula at telebisyon, may advise ba siyang maibibigay sa mga mga bago pa lamang nag-aartista?

 

 

 

“Ahmmm ang advise ko lang is, okay yung kinakabahan ka. Kasi iyon din yung advise sa akin nina Papa Wendell e,” pagtukoy ni Elijah kay Wendell Ramos na co-star niya sa ‘Prima Donnas’ TV series ng GMA.

 

 

 

Pagpapatuloy pa niya, “So okay lang yung kinakabahan ka kasi alam mo na kapag kinakabahan ka alam mo rin na meron kang something na maibibigay talaga dun sa movie.

 

 

 

“Meron kang maibubuga. Alam mong kaya mong makipagsabayan.”

 

 

 

Speaking of ‘Prima Donnas’, natanong namin si Elijah kung may bonding moments pa sila nina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan?

 

 

 

“Ahmm as of now wala na po masyado,” sagot ni Elijah, “kasi si Jill po nasa Abot Kamay [Na Pangarap] so halos everyday po yung taping niya.

 

 

 

“Pinagsasabihan ko na nga po na magpahinga kasi nag-o-overfatigue po siya lagi.

 

 

 

“Si Althea naman po busy rin po sa taping ng Forever Young.

 

 

 

“Si Sofia po nagsisimula na po siya for Ang Prinsesa Ng City Jail.”

 

 

 

Ang ‘Forever Young’ at ‘Ang Prinsesa Ng City Jail’ ay mga upcoming TV programs ng Kapuso Network.

 

 

 

Pagpapatuloy niya, “So ako naman po medyo rest po ngayon naka-focus po ako sa school kaya hindi rin po magka-ano po yung mga paths namin.”

 

 

 

Bukod sa pag-aartista ay nag-aaral si Elijah sa Manila Central University at kasalukuyang first year college student sa kursong Medical Technology.

 

 

 

Ang Field Trip na isang surprise/adventure movie ng PinoyFlix Entertainment Production, Inc. ni Jose “JR” Olinares na siya ring direktor.

 

 

 

Gaganap si Elijah sa pelikula bilang si Angela.

 

 

 

Nasa pelikula rin, na isinulat ni Eric Ramos at ipapalabas sa Nobyembre 2024, sina Jeffrey Santos, Dindo Arroyo, Simon Ibarra, Alex Medina, Dexter Doria, Jennifer Lee at Poppo Lontoc.

 

 

 

Nasa pelikula rin bilang si Jerry si MJ Manuel (na nominadong Best New Movie Actor sa PMPC’s 40th Star Awards for Movies para sa pelikulang Unspoken Letters) at si Gab Dekit bilang si Rhian.

 

 

 

May pakulo ang PinoyFlix Entertainment Production, Inc. (nina direk JR at Production Manager Sam Faj. Calaca) sa mga manonood ng ‘Field Trip’ dahil may pa-raflle sila sa mga movie ticket holder kung saan may mapapanalunang condo unit at marami pang malalaking papremyo.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

‘The Eras Tour’, highest-grossing concert tour of all time: TAYLOR SWIFT, tinalo na ang record ni Elton John

Posted on: June 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MASUWERTE ang Sparkle artist na si Matthew Uy dahil hindi na niya kailangan pang mag-audition para mapasama sa cast ng Widows’ War.

 

 

 

 

Ginagampanan ni Matthew ang role bilang Edward na kapatid ni George played by Carla Abellana.

 

 

 

 

Di mapigilan ni Matthew na maging emotional noong mapanood niya ang mga eksena niya sa trailer ng Widows’ War.

 

 

 

 

“Sobrang saya ko lang po kasi bata pa lang ako, napapanood ko na sina Miss Carla, Miss Jean at Miss Bea. Di ko inakala na one day makakasama ko sila sa isang teleserye na kasing laki nitong Widows’ War. Masayang-masaya rin yung mom ko kasi di rin siya makapaniwala na artista na ako,” sey ni Matthew.

 

 

 

 

Napansin si Matthew sa summer campaign ng Sparkle na Boys Of Summer kunsaan kasama niyang nagba-basketball ang iba pang Sparkle hunks.

 

 

 

 

“Buti nga po naka-sando ako kasi nahiya ako sa mga abs nila Vince (Maristela), Jeff (Moses), Royce (Cabrera) at Yasser (Marta). Kulang pa po ako sa abs. Pero masaya po yung shoot namin. After lumabas yun, marami nang nakakilala sa akin.”

 

 

 

 

***

 

 

 

 

SIGURADONG marami ang mag-aabang sa kung ano ang sinasabing “isasapusong pangako” ng Kapuso Network.

 

 

 

 

Ayon sa video teaser na inilabas ng GMA sa social media accounts nito ngayong Miyerkules, dapat daw abangan kung ano ito sa Biyernes, June 28, sa 24 Oras.

 

 

 

 

Kapansin-pansin din na napaka-elegante ng ipinakitang patikim ng GMA Network. Kaya naman ang netizens, hindi na mapakali at talagang excited na dito.

 

 

 

 

Kami man ay excited na ring malaman kung ano nga ba ito. Sabay-sabay tayong mag-abang ngayong June 28 sa 24 Oras!

 

 

 

 

***

 

 

 

 

NAGING Eras Tour official na sina Taylor Swift and Travis Kelce.

 

 

 

 

For the first time, nag-participate ang Kansas City Chiefs boyfriend ni Taylor sa concert nito sa London.

 

 

 

Lumabas bigla si Travis sa transitional number before “I Can Do It with a Broken Heart” kasama ang backup dancers na ikinatuwa ng audience. Binibit pa niya si Taylor na parang bride sa song na “The Smallest Man Who Ever Lived.”

 

 

 

 

Ayon sa Rolling Stone, ang The Eras Tour ang highest-grossing concert tour of all time with a gross of $1 billion. Tinalo na ni Swift ang naging tour ni Elton John’s na Farewell Yellow Brick Road.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

 

Kasalan Bayan sa ika-17th Navotas Cityhood Anniversary

Posted on: June 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINAKSIHAN ni Mayor John Rey Tiangco at mga opisyal ng pamahalaang lungsod ang pagpalitan ng mga mangako ng 39 mag-asawa sa isang heartwarming celebration ng pagmamahal sa ginanap na Kasalang Bayan noong June 24, bilang bahagi ng ika-17th Navotas Cityhood Anniversary festivities. Kabilang sa mga mag-asawang matagal nang magkasintahan ay sina Cirilo Arsenio, Jr. at Anabel Alcantara, na nagbahagi ng kanilang buhay sa loob ng 27 taon. (Richard Mesa)

39 MAG-ASAWA IKINASAL SA KASALANG BAYAN SA NAVOTAS CITYHOOD ANNIVERSARY

Posted on: June 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA isang heartwarming celebration ng pagmamahal, 39 mag-asawa ang nagpalitan ng mga pangako sa ginanap na Kasalang Bayan noong June 24, bilang bahagi ng ika-17th Navotas Cityhood Anniversary festivities.

 

 

 

 

Kabilang sa mga mag-asawang matagal nang magkasintahan ay sina Cirilo Arsenio, Jr. at Anabel Alcantara, na nagbahagi ng kanilang buhay sa loob ng 27 taon.

 

 

 

 

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang kahalagahan ng pag-aasawa sa pagbuo ng matatag na pamilya at komunidad.

 

 

 

 

“Although some of you have been together for several years, and perhaps some of you already have children, keep in mind and take to heart the value of the sacrament of marriage,” saad ni Tiangco.

 

 

 

 

“Marriage strengthens your relationship. It binds your union and enables you to overcome any trials you might face together in the future,” dagdag niya.

 

 

 

 

Tiniyak din ni Tiangco sa mga mag-asawa ang tulong at suporta ng pamahalaang lungsod na ang lahat ng mga proyekto at programa ng lungsod ay nakatuon sa pagpapabuti ng hanap buhay ng bawat pamilyang Navoteño.

 

 

 

 

Hinikayat din niya ang mga bagong kasal na yakapin ang kanilang papel sa paghubog ng kinabukasan ng lungsod.

 

 

 

 

“Teach your children self-discipline, love for others, and respect for those around them. What you teach them and what they see in you will shape their character. So be a model and inspiration to your children. They are the next leaders of our city,” aniya. (Richard Mesa)

2 GURO KABILANG SA MGA BAGONG SCHOLAR NG NAVOTAS

Posted on: June 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG guro sa pampublikong paaralan ang nabigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs Academic Scholarship Program para sa paparating na school year 2024-2025.

 

 

 

Pumirma ng memorandum of agreement si Mayor John Rey Tiangco kasama si Navotas Schools Division Superintendent Meliton Zurbano at 28 benepisyaryo ng nasabing programa.

 

 

 

Kabilang sa mga benepisyaryo ang 15 incoming high school freshmen, 11 incoming college freshmen, at dalawang guro na nag-aral ng mas mataas na edukasyon.

 

 

 

“Education is the key to a brighter future for our youth and our community. Through the NavotaAs Scholarship Program, we invest in the potential of both our students and teachers. We strive to support their academic pursuits and help them achieve their dreams,” ani Tiangco.

 

 

 

Upang maging kuwalipikado para sa iskolarsip sa mataas na paaralan, ang mga aplikante ay dapat kabilang sa nangungunang 10 porsiyento ng graduating elementary class. Ang mga iskolar ng Navotas Polytechnic College ay dapat magmula sa nangungunang 25 porsiyento ng senior high school graduating class, at ang mga merit scholar ay dapat kabilang sa top 10 ng senior high school graduating class.

 

 

 

Kailangan ding sumailalim sa qualifying exam at interview ang mga aplikante.

 

 

 

Ang pamahalaang lungsod ay nagbibigay ng P18,000 sa mga high school scholars kada academic year para sa libro, transportasyon, at food allowance.

 

 

 

Ang mga iskolar ng Navotas Polytechnic College ay nakakakuha ng P22,000 kada academic year para sa tuition, libro, transportasyon, at food allowance. Samantala, ang mga merit scholar, na maaaring mag-aral sa anumang kolehiyo o unibersidad sa Metro Manila, ay binibigyan ng P262,000 para dito.

 

 

 

Higit pa rito, ang mga iskolar ng guro ay tumatanggap ng P75,000 bawat akademikong taon para sa kanilang matrikula; libro, transportasyon, at allowance sa pagkain; at gawad ng pananaliksik.

 

 

 

Noong nakaraan, tinanggap din ng pamahalaang lungsod ang 145 bagong iskolar sa ilalim ng NavotaAs Sports Scholarship Program.

 

 

 

Nagbibigay din ang Navotas ng mga scholarship sa mga mag-aaral na mahusay sa sining at sa mga bata o kamag-anak ng Top Ten Most Outstanding Fisherfolk. (Richard Mesa)

MOA para sa mga bagong scholar ng Navotas

Posted on: June 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PUMIRMA ng memorandum of agreement si Navotas City Mayor John Rey Tiangco, kasama si Navotas Schools Division Superintendent Meliton Zurbano at 28 benepisyaryo ng NavotaAs Academic Scholarship Program para sa paparating na school year 2024-2025, kabilang ang dalawang guro sa pampublikong paaralan. (Richard Mesa)

Ads June 27, 2024

Posted on: June 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments