• July 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 8th, 2024

Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan.

 

 

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan ang labis na antas ng pag-uulan.

 

 

Paliwanag ni Fr. Cancino na kaakibat ng panahong ito ang paglaganap ng iba’t ibang nakahahawang karamdaman, lalo na ang mapanganib na epekto ng dengue at leptospirosis.

 

 

“Kaya tayo po ay maging mapagmatyag lalong lalo na kapag tayo ay lalabas ng bahay. Meron pa rin tayong mga hamon sa buhay…Ang paglilinis ang importante sa kapaligiran. Huwag lamang tayo umasa sa paglilinis ng barangay. Tayo ‘yung barangay, tayo ‘yung kapitbahayan, at tayo ‘yung komunidad. Pag minsan umaasa lang tayo, ‘ay trabaho mo ‘yan’. Wala pa ring maitutulad kapag tayo ay naglilinis ng kapaligiran natin,” ayon kay Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Ang dengue ay nakukuha mula sa infected na lamok o aedes aegypti na nangingitlog sa mga lugar na mayroong nakaimbak na tubig, at karaniwang tinatamaan ay mga bata at sanggol.

 

 

Habang ang leptospirosis naman ay sakit na naipapasa mula sa mga kontaminadong tubig tulad ng baha na mayroong ihi ng daga, at lubhang mapanganib sa mga taong mayroong sugat sa bahagi ng binti hanggang paa.

 

 

Mayroong pagkakatulad sa mga karaniwang sintomas ang dengue at leptospirosis tulad ng pagkakaroon ng lagnat na may kasamang pananakit ng ulo at kalamnan, pagsusuka, at skin rashes.

 

 

Paalala naman ni Fr. Cancino sa publiko na huwag balewalain sakaling magkaroon ng anuman sa mga nabanggit na sintomas at sa halip ay agad na magpakonsulta upang malapatan ng karampatang lunas.

 

 

“Kung tayo ay nakakaranas ng mga sintomas ng dengue at leptospirosis na tumataas ang kaso ngayon ay tayo ay pumunta kaagad sa ating doktor, magpakonsulta, pumunta sa pampublikong clinic, humingi ng tulong sa barangay o sa ating mga health center…Maagap na pumunta sa ospital o klinika upang maibsan at magkaroon ng tamang lunas dito sa mga sakit na tumataas tuwing tag-ulan,” paalala ni Fr. Cancino.

 

 

Batay sa huling ulat ng Department of Health na mula unang araw ng Enero hanggang Hunyo 15 ngayong taon ay tumaas ng halos 78-libo ang kaso ng dengue sa bansa, kabilang ang 205 nasawi.

 

 

Sa nasabing bilang, mas mataas ito ng 15-porsyento kumpara sa higit 67-libong kaso sa kaparehong panahon noong 2023.

 

 

Samantala, tumaas naman sa halos 900 ang kaso ng leptospirosis, kung saan 84 dito ang naitalang nasawi.

Utang ng bansa, lumobo pa sa P15.35T

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Bureau of Treasury na lumobo pa ang utang ng Pilipinas sa P15.35T as of May ng kasalukuyang taon.

 

 

 

Ayon sa ahensya, ang kabuuang utang ay tumaas ng P330.39 bilyon o katumbas ng 2.2 percent sa katapusan ng April 2024.

 

 

 

Ito ay dahil na rin sa epekto ng pagbaba ng halaga ng local currency sa valuation ng foreign-currency denominated debt.

 

 

 

Nakapagtala rin ang bansa ng year-on-year na pagtaas sa utang nito na aabot sa 8.4 percent.

 

 

Batay sa kabuuang debt stock ng national government, 31.96 percent ang external debt habang 68.04 percent ang domestic debt.

 

 

 

Ang domestic debt level sa katapusan ng buwan ng Mayo na P10.44 trilyon ay mas mataas ng 1.3 percent kumpara sa katapusan ng Abril.

 

 

 

Paliwanag ng BTr na ang pagtaas ay nagresulta mula sa P131.66 bilyong net issuance ng government securities at P2.68 bilyong epekto ng peso depreciation sa foreign-currency denominated domestic debt.

 

 

 

Samantala, ang local debt ng bansa ay pumalo sa pagtaas ng 8.9 porsiyento noong Mayo.

 

 

 

Tumaas rin ang external debt ng gobyerno sa P4.9 trilyon na mas mataas ng 4.2 porsiyento kumpara sa pagtatapos ng buwan ng Abril.

 

 

 

Ang external debt naman ay tumaas ng 7.4 porsyento sa year on year na batayan.

2 wanted na ‘rapist’, nalambat sa Caloocan

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang dalawang manyakis na lalaki na kapwa wanted sa kaso ng panggagahasa matapos masakote ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan City.

 

 

 

Sa ulat ng Caloocan City Police kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-9 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Caloocan police ang 19-anyos na lalaking akusado sa Phase 4, Powerline, Brgy., 176, Bagong Silang.

 

 

 

Ang akusado na nakatala bilang top 6 most wanted person sa Northern Police District (NPD) ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Raymundo G Vallega ng Regional Trial Court (RTC) Branch Branch 130, Caloocan City noong June 25, 2024, para sa kasong Rape under Art. 266-A (1) (A) of the RPC in relation to Sec. 5 (A) R.A. 8369 (2 Counts).

 

 

 

Nauna rito, bandang alas-8:40 ng gabi nang madakip din ng kabilang team ng SIS sa manhunt operation sa Macabud Street Barangay 179, Amparo, ang isa pang akusadong lalaki sa panggagahasa.

 

 

 

Pinosasan ng mga operatiba ng SIS ang 20-anyos na akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu din Caloocan City RTC Branch 130 noong June 3, 2024, para sa kasong Rape.

 

 

 

Kapwa pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa custodial facility unit ng Caloocan CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. (Richard Mesa)

2 lalaki kalaboso sa baril sa Caloocan

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

 

 

 

          Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS-9) sa Malapitan Road, Brgy. 171, Bagumbong nang parahin nila ang isang lalaki na sakay ng motorsiklo dahil sa paglabag sa dress code.

 

 

 

Saglit na bumagal ang rider subalit, bigla na lamang nitong pinahaharurot ang minamanehong motor kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang sa magawang makorner.

 

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek na si alyas ‘Boy Bakal’ ang isang caliber .45 pistol na may isang magazine na kargado ng anim na bala at isa pang extrang magazine na kargado ng apat na bala.

 

 

 

Nang hanapan siya ng mga papeles hinggil sa legalidad ng naturang baril ay walang naipakita ang suspek kaya binitbit siya ng mga pulis.

 

 

 

Ala-12:55 ng hating gabi nang arestuhin naman ng mga tauhan ng Sub-Station (SS-13) si alyas ‘Tukmol’ matapos makuhanan ng isang caliber .38 revolver na kargado ng dalawang bala at walang kaukulang papeles makaraang takbuhan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Phase 8, Bagong Silang, Brgy.176.

 

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act”. (Richard Mesa)

PBBM saludo, pinuri ang tropa ng pamahalaan sa Mindanao para sa paghina ng Abu Sayyaf

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tropa ng pamahalaan sa Mindanao para sa matagumpay na pagpapahina sa banta na bitbit ng Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang kaaway ng estado sa lalawigan.

 

 

Kasabay nito, nanawagan ang Pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag maging kampante dahil hindi pa tapos ang misyon na ganap na wawasak sa kalaban ng gobyerno.

 

 

 

“I have to congratulate all of you who have worked to achieve this success, who have worked very hard and have made many sacrifices so that we can now say that the capabilities of the main threat, which is the ASG, have been severely reduced,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging pagbisita sa headquarters ng 11th Infantry Division (ID) sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu.

 

 

“Now, that does not mean that the mission is over. As you can imagine, mayroon pa diyan na papasok na baka gustong mag-organize ulit kaya’t kailangan pa rin nating bantayan,” ayon sa Pangulo.

 

 

Bilang Commander-in-Chief, sinabi ng Pangulo na ipinabatid sa kanya ng military command sa Sulu ang ‘very constant drop’ sa “kakayahan ng mga rebelde, manpower, at bilang ng mga armas na nasa pangangalaga ng mga ito.’

 

 

“Ang assessment na nga ay ‘yung threat is only from individual actors. Wala na silang units na gumagalaw as a unit. They are … basically (neutralized)… We have dismantled their machinery for causing, for bringing terror,” aniya pa rin.

 

 

Ipinaalam din sa Pangulo ang tungkol sa lumiliit na banta ng ibang teroristang grupo.

 

 

“We also spoke briefly about the continuing threat of outside terrorist groups coming in, ‘yung mga Al-Qaeda inspired, ‘yung mga ISIS-inspired na dating nakikita nating pumapasok dito ay mukha namang hindi na … tayo masyadong nate-threaten tungkol sa ganyang klase,” pag-uulat ng Chief Executive.

 

 

Binanggit din ng Pangulo ang paglipat ng AFP sa external defense sa gitna ang umuusbong na regional threats partikular na sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Sinabi pa niya na ginagawa na ng gobyerno ang organizational change, lalo na ang paglikha ng task force na mayroong maritime force at Navy. Layon nito na paigtingin ang presensiya ng Philippine Coast Guard at bantayan ang lugar.

 

 

“(I)to ‘yung mga gagawin natin para maging mas secure tayo lalong-lalo na dito sa area ninyo dahil I’m sure that there are many, many instances na mayroon tayong report na mga dumadaan na barko,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga tropa.

 

 

“So, we just have to keep vigilant and to continue to watch what is going on and to make sure that namo-monitor natin lahat ng nangyayari,” dagdag na wika ng Pangulo. (Daris Jose)

Birth cert ni Alice Guo pinapakansela ng OSG

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAKANSELA ng Office of the Solicitor General (OSG) ang birth certificate ng suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, batay sa inihaing petisyon sa Tarlac Regional Trial Court kahapon.

 

 

 

Magkatuwang ang OSG at ang Philippine Statistictics Authority (PSA) sa pagsasampa ng petisyon.

 

 

Sinabi ni Solicitor Gene­ral Menardo Guevarra na ang paghahain ng cancellation of the birth certificate ay maglalatag ng batayan para sa kasunod na paghahain ng petisyon para sa quo warranto para mapatalsik si Guo bilang alkalde ng Bamban, at masampahan pa ng karagdagang kaso.

 

 

Kabilang sa argumento sa petisyon ang umano’y kabiguan ni Guo na sumunod sa mga legal na kinakailangan para sa late registration of birth, ani Guevarra.

 

 

 

Nauna nang sinabi ng PSA na nakakita sila ng mga iregularidad sa birth certificate ni Guo, habang ang National Bureau of Investigation (NBI) naman ang nagkumpirma na tumugma ang fingerprints ng alkalde sa babaeng Chinese na si Guo Hua Ping. (Daris Jose)

PBBM sa AFP, tiyakin ang mapayapang BARMM Parliamentary elections

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sulu na tiyakin na makapagdaraos ng mapayapang eleksyon para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament sa susunod na taon.

 

 

Kailangan na ang BARMM parliamentary elections ay mapayapa at ligtas, ang sinabi ng Pangulong Marcos sa 11th Infantry Division ng Philippine Army (PA) sa lalawigan.

 

 

“Kailangan natin magkaroon ng peaceful na election sa darating na halalan,”ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“Napakahalaga dahil kailangan nating masabi na nahalal itong mga members of the parliament, na nahala ito nang tama,” aniya pa rin.

 

 

Nanawagan din ang Pangulo sa AFP na siguraduhin na ang political exercise ay hindi magagambala ng terorismo at political violence.

 

 

“Walang terrorism, walang political violence. Basta’t minimized natin lahat ‘yan.”ayon sa Chief Executive.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na magdaraos ang bansa ng parliamentary elections para sa BARMM. Ang halalan ay makakasabay ng midterm legislative elections sa May 12, 2025.

 

 

Sa kabilang dako, pinaalalahanan naman ni Pangulong Marcos ang mga uniformed personnel na ang eleksyon ay dapat na mapagtagumpayan sa kapayapaan.

 

 

“Let us not sit on our laurels kung baga. Let us not become complacent because these are challenges that we will have to manage,” ayon sa Pangulo sabay sabing “At alam naman natin na napakalahaga na maganda ang takbo ng halalan, maganda ang pagpatakbo ng BARMM pagakatapos ng halalan.”

 

 

Ang kapayapaan sa Mindanao ay prayoridad ng gobyerno, diing pahayag ng Pangulo.

 

 

“That is all in the interest of peace. We do this because we want peace to continue in this area, in the Southern Philippines. We do not want to see the kind of fighting that we saw many decades ago. Sulu is one of the provinces under BARMM, along with Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, and Tawi Tawi,” ang winika ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

2 kelot na umiwas sa multa, kulong sa droga sa Caloocan

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NABISTO ang dalang mahigit P50K halaga ng shabu ng dalawang lalaki nang takbuhan ang mga pulis na sumita sa kanila dahil sa paglaba sa ordinansa sa Caloocan City.

 

 

 

Sa ulat, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS-2) sa 2nd Aveune, Brgy. 120 nang makita nila ang dalawang lalaki na nagyoyosi sa pampubliko lugar dakong alas-6:45 ng gabi na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

 

Nang lapitan nila para isyuhan ng Ordinance Vilolation Receipt (OVR) ay tumakbo umano ang mga suspek para tumakas kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto.

 

 

 

Nang kakapan, nakumpiska sa mga suspek na sina alyas ‘Ungas’ at alyas ‘Batak’ ang tig-isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 8.5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P57,800.00.

 

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Tsina, itinanggi na banta sa anumang bansa

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN ng Tsina na banta ito sa anumang bansa kasunod ng kamakailan lamang na pahayag ni Senator Imee Marcos na plano ng Beijing na gumamit ng hypersonic missiles target ang military installations sa Pilipinas.

 

 

“I’m not sure what the Philippine side’s source was, but I can tell you that China is committed to peaceful development and a national defense policy that is defensive in nature, and China does not pose a threat to any country,” ayon kay China Foreign Ministry spokesperson Mao Ning.

 

 

Nauna rito, labis na ikinabahala ng senadora ang plano umano ng China na ­gumamit ng hypersonic missiles laban sa mga base militar sa ilalim ng Enhanced Defense ­Cooperation Agreement (EDCA) ng Pilipinas at Estados Unidos.

 

 

Sinabi ni Marcos, na tatargetin ng hypersonic missiles ang mga EDCA sites sa bansa dahil sa tingin umano ng China ay kumampi na ang Pilipinas sa kalaban nila.

 

 

Ang Hypersonic missiles ay isang uri ng armas na may kakayahang lumipad sa target ng lima hanggang 25 beses na bilis sa tunog nito.

 

 

Hindi naman ibinunyag ni Marcos kung saan niya nakuha ang impormasyon.

 

 

Gayunman, nagbabala ang Tsina na papalag at kikilos ito pagdating sa kanilang territorial rights.

 

 

“That said, we will certainly not sit by and watch when our legitimate rights and interests and regional peace and stability are being violated or under threat,” ayon pa rin kay spokesperson Mao Ning.

 

 

“We urge relevant country to listen to the concerns its people have and the call from other countries in the region, bear in mind the fundamental interests of its own people, stay independent, good-neighborliness and friendship, earnestly respect other countries’ security concerns, and act to keep the region peaceful and stable,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, patuloy namang umiigting ang tensyon sa pinagtatalunang West Philippine Sea (WPS) kasunod ng kamakailan lamang na ‘acts of aggression’ ng Beijing.

 

 

Subalit, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kamakailan lamang ay nagsagawa ng bilateral meeting ang Pilipinas at Tsina sa Maynila sa layuning pagaanin at pangasiwaan ang pagtatalo sa WPS. (Daris Jose)

Ads July 8, 2024

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments