• July 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Author Archive

BINIGYAN ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ng Commendation at P10,000 cash na tulong si Ronaldo David

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ng Commendation at P10,000 cash na tulong si Ronaldo David, miyembro ng Valenzuela Traffic Management Office (TMO) dahil sa kanyang ipinakitang katapangan sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang traffic enforcer. Si David ay sinaktan, pinagbantaan at tinutukan umano ng baril ng dalawang tauhan ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District (MPD) matapos niya itong makasabay at matingnan dahil kapwa walang suot na helmet at naka-tsinelas ang dalawang pulis habang magkaangkas sa motorsiklo sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Brgy. Mabolo, noong Linggo ng madaling araw, July 14. (Richard Mesa)

DOTr: Mga proyekto sa sektor ng rail transportasyon may naitalang progreso sa konstruksyon

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MAY naitalang malaking progreso sa konstruksyon ang ginagawang kauna-unahang underground railway na Metro Manila Subway Project (MMSP) mula Bulacan hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paranaque.
“The Metro Manila Manila Subway, touted as the country’s most ambitious infrastructure project to date, has already attained significant progress in its construction,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary Timothy Batan sa ginawang forum ng Presidential Communications Office.
Noong May 31, 2024, may naitalang 14.48 porsiento sa kanyang target completion ang nasabing proyekto.
Ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension ay may naitalang 73.50 porsiento ng kumpleto sa konstruksyon noong May 31, 2024. Ito ay ang extension ng LRT Line 1 kung saan daragradan ng 11.7 kilometro ang existing na LRT 1 at daragdagan na walong (8) estasyon na siyang magdudugtong sa Pasay papuntang Bacoor sa Cavite.
Inaasahan na mababawasan ang travel time at magiging 25 na minuto na lamang mula sa dating 1 oras at 10 minuto sakay ng dyip o bus. Makapagsasakay naman ito ng karagdagang 300,000 na pasahero sa LRT 1 na may 500,000 ngayon na pasahero kada araw sa unang taon ng full operation nito.
Sa MRT Line 7 naman noong May 31, 2024, ito ay may naitalang 70.98 porsiento sa konstruksyo. Ito ay ang 22 kilometrong long rail transit system na magdudugtong sa mataong lugar sa northeast ng Metro Manila. Magkakaron ito ng 14 na estasyon mula North Avenue sa lungsod ng Quezon hanggang papuntang San Jose Del Monte, Bulacan. Inaasahan na mababawasan rin ang travel time mula 2 hanggang 3 oras sakay ng dyip o bus kung saan magiging 35 minuto na lamang ito. Makapagsasakay ito ng 300 hanggang 800,000 na pasahero kada araw.
Habang ang North-South Commuter Railway Project naman ay may naitalang 42.10 porsiento noong May 31, 2024 sa Tutuban-Malolos na bahagi. Ang Malolos-Clark naman ay 31.25 porsiento at ang Manila-Calamba ay may 5.87 na porsiento ng kumpleto.
Samantalang ang MRT Line 4 at PNR South-Long Haul Project ay nasa pre-construction na bahagi pa lamang sa ngayon habang ang Mindanao Railway Project Phase 1 ay nasa development na bahagi pa lang.
Ang MRT 3 Rehabilitation Project naman ay may naitalang 83.11 porsiento ng kumpleto noong May 31, 2024. Kasama sa proyekto ang restorasyon ng MRT Line 3 sa dati nitong kondisyon. Ang nasabing rehabiltasyon ay inaasahang mababawasan rin ang travel time mula end-to-end kung saan ito ay magiging 45 na minuto lamang mula sa dating 1 oras at 15 minuto na pagsasakay.
Sa ginagawang Unified Central Station, ito ay may naitalang 81.42 porsiento ng kumpleto noong May 31, 2024. Ang estasyon na ito ay magdudugtong sa 4 na railway lines sa Metro Manila tulad ng LRT 1 sa bahaging west, MRT 3 sa bahaging gitna at ang MRT 7 sa bahanging north naman.
Ang nasabing tatlong araw na forum ay isang comprehensive platform upang itaguyod ang “Build Better More” na programa sa infrastructure ng pamahalaan upang mas palawakin pa ang pagkakaintindihan ng pamahalaan at media practitioners tungkol sa mga strategic framework at status kasama ang timeline ng mga proyekto. Kasama rin ang infrastructure development policies at programs ng sa ngayon na pamahalaan sa pamumuno ni President Ferdinand R. Marcos, Jr.  LACSAMAR

Angara, opisyal nang uupo bilang Kalihim ng DepEd

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
OPISYAL nang uupo bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd) si Senador Sonny Angara.
Sa isang simbolikong paghahayag sa isinagawang turnover ceremony sa DepEd Complex sa Pasig City, iniabot ni Duterte kay Angara ang ‘seal at flag’ ng departamento.
“Napakalaking karangalan po ang ipinagkaloob sa atin ni Pangulong Bong Bong Marcos upang maglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon,” ayon kay Angara.
“Buong pagpapakumbaba kong tinatanggap ang katungkulan na ito, bilang tugon sa tiwala at hamon ng ating Pangulo na higit na pag-ibayuhin ang mga programa na magsusulong sa mataas na kalidad ng karungan para sa ating mga mag-aaral,” dagdag na wika ni Angara.
Sa kabilang dako, pinuri rin ni Angara si Duterte sabay sabing “Sa loob ng dalawang taon, kayo ang naging sandigan ng ating mga mag-aaral at ng mga guro sa panahon ng mga suliranin.”
“We will build from what you have already started,” ang sinabi nito kay Duterte.
Noong nakaraang buwan ng Hunyo, n agbitiw sa puwesto bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) si Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na personal na nagtungo kahapon ang Bise Presidente sa Malakanyang bandang alas-2 ng hap on ng Hulyo 19 para ibigay ang kanyang resignation letter.
Ayon kay Garafil, bukod sa pagiging miyembro ng Gabinete, nagbitiw din si VP Duterte bilang vice chairman ng National Task Force-to End Local Comnunist Armed Conflict (NTF-eELCAC).
Hindi umano nagbigay ng dahilan si Duterte kung bakit siya umalis sa kaniyang mga posisyon.
She will continue to serve as Vice President. We thank her for her service,” ani Garafil sa inilabas na pahayag.
Si Duterte at runningmate ni Marcos sa nagdaang Eleksyon 2022 sa ilalim ng koalisyon ng UniTeam.
Kamakailan lang, inihayag ni First Lady Louise ”Liza” Araneta-Marcos, na “bad shot” sa kaniya si Duterte dahil sa pagtawa umano nito nang pasaringan ng kaniyang ama na si dating Pangulong President Rodrigo Duterte, na “bangag” ang kaniyang mister na si Marcos.
Nangyari ang insidente sa isang pagtitipon kontra sa Charter Change noong Enero sa Davao City.
Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na walang problema sa kanila ni VP Duterte, at wala siyang nakikitang dahilan para magpalit ng kalihim ng DepEd. (Daris Jose)

2 pulis-Maynila sinampahan ng kaso sa pananakit, pananakot at panunutok ng baril sa traffic enforcer ng Valenzuela

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SINAMPAHAN ng kaso ng Valenzuela City Police ang dalawang tauhan ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District (MPD) dahil sa ginawa umanong pananakit, pananakot at panunutok ng baril sa isang traffic enforcer ng lungsod.
Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Mayor WES Gatchalian, kasong physical injury at grave threat ang isinampa nila nitong Martes sa Valenzuela City Prosecutor’s Office laban sa dalawang pulis na sina alyas “Camacho” at “Cabudoy” na kapuwa may ranggong Staff Sergeant.
Ayon kay Col. Cayaban, ang ikatlong pulis na nakilalang si alyas “James” at may ranggong Corporal ay nagsilbi aniyang testigo laban sa dalawa niyang kabaro.
Lumabas sa pagsisiyasat ni P/Capt. Robin Santos, hepe ng Polo Sub-Station 5, tinatahak ni Ronaldo David ng Valenzuela Traffic Management Office (TMO) ang kahabaan ng M.H. Del Pilar St. Brgy. Mabolo dakong alas-4:30 ng madaling araw noong Linggo, Hulyo 14, sakay ng kanyang motorsiklo nang makasabayan niya ang dalawang suspek na pulis na magka-angkas sa motorsiklo, kasunod ang kanilang kasama.
Napansin ng biktima na kapuwa walang suot na helmet at naka-tsinelas ang dalawa na paglabag sa ordinansa subalit bago pa niya masita ang mga ito, bumaba ang dalawang pulis pagdating sa Hernandez St. Brgy. Mabolo at kinompronta ang biktima.
Bumunot umano ng baril si alyas Camacho at hinataw sa sikmura ng biktima na kanyang ikinabagsak habang bumunot din ng baril si alyas Cabudoy sabay sabing “Gusto mo patayin na kita dito, eh,” bago sabay nang umalis ang mga ito.
Tinulungan naman ni alyas Cpl. James ang biktima na makatayo bago siya pinaalis saka humingi siya ng tulong kay Barangay Chairman Dhang Lee ng Brgy. Mabolo na siya namang nakipag-ugnayan kay P/Capt. Santos.
Sa ginawang follow-up operation ng Detective Management Unit (DMU) ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Capt. Michael Oxina, natunton sa pamamagitan ng pagsusuri sa kuha ng mga CCTV ang pinagparadahan ng motorsiklo ni Cpl. James sa Brgy. Lingunan na siyang kumilala sa dalawa niyang kabaro.
Paalala naman ni Mayor WES sa mga motorista at residente ng iba pang karatig-lungsod na sumunod at irespeto ang mga ordinansang ipinapatupad sa loob ng lungsod.
Aniya, walang kakatigan ang umiiral na batas sa lungsod at hindi palalampasin ang mga ganitong uri ng paglabag, lalo na’t kung sangkot ang kanyang mga mamamayang nasasakupan. (Richard Mesa)

Apat na pugante sa Japan, naaresto

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) fugitive search unit ang tatlong dayuhan na wanted ng krimen sa Japan.
Kinilala ni  BI fugitive search unit Rendel Ryan Sy ang tatlong dayuhan na si Ueda Koji, 27, Kiyohara Jun, 29, at  Suzuki Seiji, 29 na naaresto sa loob ng subdivision sa  Paranaque City.
Inaresto sila sa bisa ng mission order na inisyu ng BI Commissioner Norman Tansingco, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa gobyerno ng Japan hinggil sa kanilang mga kaso.
Base sa kanilang records, may mga outstanding warrants of arrest sila simula pa noong May 2024  na inisyu ng Omiya Summary Court dahil sa pandaraya na isang paglabag sa Japanese Penal Code.
Samantha, iniulat din ni Sy ang pag-aresto sa isang Sawada Masaya, 39, na namataan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
 Ang apat ay  sinasabing founding members ng isang sindikato sa pandaraya sa telecom na nakabase sa Cambodia na may criminal charges kaugnay sa Unlawful Capture, Confinement, Extortion, at  Fraud. GENE ADSUARA

VP Sara, pinangunahan ang kick-off event ng ‘Brigada Eskwela 2024’

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
PINANGUNAHAN ni Vice President at outgoing Education Secretary Sara Duterte ang ceremonial kick-off ng “Brigada Eskwela 2024” sa Cebu City, araw ng Miyerkules, Hulyo 17.
Sa kanyang naging talumpati, pinalawig ni Duterte ang kahalagahan ng Brigada Eskwela.
“Some of us might think of cleaning doors and repainting walls or giving out donations, such as books and school supplies. But I assure you, it is much more than that,” ayon kay Duterte.
“‘Brigada’ comes from the military term brigade, which means a group of people organized for a special mission. Today, our special activity goes beyond just organizing an event. It is about bringing the MATATAG Agenda to life outside the confines of our classrooms by putting the ‘eskwela’ in ‘brigada’,” aniya pa rin.
Sa ilalim ng temang, “Bayanihan Para sa MATATAG na Paaralan,” binigyang diin ni Duterte ang kapangyarihan ng ‘partnership’ para pangalagaan ang matibay at malakas na ‘educational environments.’
“We are all here to prove that with the power of partnership, it builds walls to strengthen, not to divide. Today, we have a total of 72 partners standing strong with us in ‘bayanihan’ para sa MATATAG na Paaralan,” lahad nito.
Muling isinatinig ng Department of Education (DepEd) ang commitments nito sa ilalim ng “MATATAG Agenda: Bansang Makabata, Batang Makabansa,”binalangkas ni Duterte ang mga pangunahing prayoridad para sa paparating na school year.
“We have made many strides to resolve basic education challenges,” ayon kay Duterte.
Winika pa ni Duterte na para sa School Year 2023-2024, binibigyang-diin ng Basic Education Report na gawing ligtas ang mga eskuwelahan para sa mga bata, palakasin ang mekanismo sa pagbabantay sa mga mag-aaral laban sa lahat ng uri ng karahasan, diskriminasyon at panganib, at bigyang-diin ang kapakanan ng mga mag-aaral, mangyayari kung kapit-kamay sa promosyon ng ‘inclusivity’ sa eskuwelahan.
“Building on what we have accomplished in the past, DepEd renews its commitments for School Year 2024-2025, and we understand that we cannot do this alone, that to achieve we must muster the support of many, of like-minded people, and dedicated people,” aniya pa rin.
Pinuri naman ni Duterte ang pagsisikap ng DepEd sa paghahanda sa bawat school year, partikular na sa pamamagitan ng Brigada Eskwela.
“In the 2023 edition, we amassed a total of P5.56 billion in resources, including volunteer man-hours and materials. This demonstrates that there is strength in numbers, and even greater strength when we come up and show up together,” ang tinuran ni Duterte.
Aniya pa, ang Brigada Eskwela ay hindi lamang para tugunan ng kaukulangan ng eskuwelahan kundi para ipakita ang ‘social and cultural importance’ ng pagsasama-sama.
“And this bayanihan will be put to waste if we do not continue to show what MATATAG means in our own little way,” aniya pa rin.
“Let us hope that our learners will be ready for the opening of classes and for the challenges that they will be facing. As they look at the four walls around them, may they be reminded not just of the resources that are provided but of the bayanihan experience that we shared,”dagdag na wika ni Duterte. (Daris Jose)

Personal journey at baka ‘di na maulit: CHARLENE, first time pa lang makasama sina AGA, ATASHA at ANDRES sa isang show

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FIRST time palang magsasama sa isang TV project ang mag-asawang Charlene Gonzalez at Aga Muhlach at ang mga anak nilang si Atasha at Andres Muhlach. 

 

Ito ay sa sitcom na ‘Da Pers Family’ ng TV5.

 

Kaya pagkukuwento ni Charlene, “I would say for Aga and I, I could say Da Pers Family is a personal journey kasi mahabang proseso ang pinagdaanan before we were able to actually say na, ‘Kaya ba natin ito? We’re gonna work together?’

 

“Kasi before this kami ni Aga we would just do commercials together especially pag kasama ang mga bata parang sine-shelter namin sila sa public life.

 

“So it was quite a process that we went through and then once we decided we said, ‘You know what?

 

“Why not get the opportunity to work with our family and what a blessing it is to be able to be witness sa mga unang hakbang nila sa industriya kasama mo sila through every step.”

 

“And not only that, to be able to work with really just great actors and creative people behind ‘Da Pers Family’ is really such a blessing and an honor.

 

“I would say possibly baka the first, maybe only time na gagawin namin ito as a project with us as family.

 

“So it’s very special and I’m happy that we’re gonna get this opportunity to share the laughter and the fun sa inyong lahat, sa lahat ng mga kababayan natin.”

 

Bukod sa Muhlach family ay nasa cast ng ‘Da Pers Family’ sina Bayani Agbayani Ces Quesada, Heart Ryan, Kedebon Colim, Sam Coloso, Chad Kinis at Roderick Paulate, sa direksyon ni Danni Caparas.

 

Mapapanood ito tuwing Linggo simula ngayong Hulyo 21, 7:15 pm sa TV5, at may catch-up airings sa Sari-Sari Channel tuwing Lunes, 7pm.

 

***

 

NAGBAHAGI rin si Charelne tungkol sa first taping day nila.

 

“Yung first taping day namin mararamdaman mo talaga when everyone is together, talagang magical talaga yung moment, everyone’s happy to be there, mararamdaman mo parang naging pamilya kayo kaagad.

 

“So we’re really happy to share this with all of you.”

 

May reaksyon rin siya tungkol sa pag-arte sa harap ng kamera nina Atasha at Andres.

 

“In fairness di ba ang hirap niyan, imagine first time ka aarte tapos kasama mo yung mga great actors and actresses, di ba nakakakaba talaga.”

 

Tinanong naman namin si Charlene; dati ay mga magulang sila kina Andres at Atasha pero ngayon ay magulang na sila sa dalawang celebrities at TV stars at posibleng soon-to-be moviestars; ano ang kaibahan?

 

“Okay, let’s go way back kasi siyempre alam ng lahat magkapatid sila, kambal sila, but growing up Aga really did a conscious effort para magkaroon sila ng sariling identity.

 

“To the point na they went to different schools, they studied in different countries, so as artist naman Aga and I talked about it na parang, ‘Anong gagawin nating diskarte dito?’

 

“When we go on the set do we, will we be a parent, but we decided that we will be co-actors.

 

“And then we will just let our writers, and then of course the cast and our director, to take charge. So we’re just in the backseat.

 

“Pagdating naman sa artistry nila we allow them to grow and create the path or journey that they will be taking.

 

“So, pag humihingi naman sila ng tulong or guidance sa amin we’re there for them but we give them and we respect their individual creativity,” pahayag pa ni Charlene.

(ROMMEL L. GONZALES) 

Ads July 18, 2024

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Dalawang Tulfo, dating Pangulong Digong Duterte sa senatorial winning circle- Pulse Asia poll

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NASA ‘winning circle’ ang dalawang Tulfo at si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte sa June 17-24, 2024 Pulse Asia Survey para sa 2025 Elections Senatorial Preferences.
Tinatayang 58% ng survey respondents ang pumili kay broadcaster na naging ACT CIS Rep. Erwin Tulfo, dahilan para makopo niya ang unang puwesto, sinundan ito ni dating Senate President Vicente Sotto III na nasa pangalawang puwesto na may 50.4%.
Sumunod sina Senator Pia Cayetano na may 42.7% at ang kapatid naman ni Cong. Erwin Tulfo na si Ben Tulfo ay humamig ng 40.9%.
Nakakuha naman ng 38.7% si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte habang si Senator Christopher “Bong” Go ay 36.6%.
Si Senator Imee Marcos ay nakakuha ng 33.8%, dating senador Manny Pacquiao 33.5%, dating senador Panfilo Lacson 32.2%, dating Manila Manila Mayor Isko Moreno 31.7 % at Senador Ronald dela Rosa na may 31.3%.
Si Senator Ramon “Bong” Revilla na may 29.9% ang magsasara ng winning circle.
Naka-abang naman sa labas ng Magic 12 sina dating congresswoman Vilma Santos Recto, Senator Lito Lapid, dating Senator Kiko Pangilinan, Makati Mayor Abby Binay, broadcaster Ted Failon, at dating Senador Gregorio Honasan.
Samantala, itinanggi naman ni Digong Duterte ang pahayag ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na plano niyang tumakbo sa pagka-senador kasama ang kanyang dalawang anak na si Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte sa halala sa susunod na taon.
Ang mga batang Duterte ay bahagi ng survey. si Sebastian Duterte ay mayroong 14.9% na may rank na 20-28 habang si Paulo Duterte naman ay mayroong 13.8% na may rank na 21-30.
Ang pangatlong Tulfo na si Raffy, isa ring broadcaster, ay isa ng Senador na magsisilbi hanggang 2028. (Daris Jose)

Online sellers sinimulan nang patawan ng buwis

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SINIMULAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR).ang pagpapataw ng withholding tax sa mga online sellers.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ay batay sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 79-2024 na ipinalabas ng ahensiya.
“Electronic Marketplace Operators will begin imposing Withholding Tax against their sellers/merchants starting July 15, 2024. We have already extended this by 90 days. No further extensions will be given,” pahayag ni Lumagui.
Una nang binigyan ng BIR ng 90 araw na palugit o dalawang buwan ang mga online sellers para sa natu­rang pagbubuwis.
Saklaw ng kautusan ng BIR ang mga online sellers na nagsasagawa ng negosyo sa electronic marketplace gaya ng Lazada at Shopee.