• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Editorial’ Category

Approval, trust ratings ni Pangulong Marcos bumaba; Sara tumaas

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DUMAUSDOS pababa ng 2 puntos ang nationwide approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang bumaba ng 5 puntos ang kanyang trust ratings, batay sa latest Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia.

 

 

 

Mas mababa ito sa approval rating ni Marcos na 55 percent noong Marso na ngayon ay nasa 53 percent nito sa nagdaang buwan ng Hunyo.

 

 

Samantala noong Marso ang trust rating ng ­Pangulong Marcos ay nasa 57 percent pero ito ay nasa 52 percent na lamang nitong Hunyo.

 

 

Tumaas naman sa 2 puntos ang approval rating ni Vice President Sara Duterte mula sa 67 percent noong Marso ay naging 69 percent nitong Hunyo. Wala namang nagbago sa trust rating ni VP Sara dahil parehong nasa 71 percent noong Marso at Hunyo ngayong taon.

 

 

Mula sa Luzon nagmula ang pinakamataas na pagbaba ng approval rating ni Pangulong Marcos na 9 percent o mula 66 ay naging 57.

 

 

Ang dalawang puntos na pagbaba naman sa approval rating ni Pangulong Marcos ay nagmula sa Mindanao na pumalo sa 38 mula sa dating 40.

 

 

 

Nakopo naman ni Pangulong Marcos ang 14-point increase sa National Capital Region na mula 47 ay naging 61 at ang 2-point increase ay galing sa Visayas mula 54 ay naging 56.

 

 

 

Bumagsak naman ang approval rating ni Pangulong Marcos ng may 13 percent mula sa Class ABC habang 3 percent na pagbaba sa Class D samantalang sa Class E income bracket, si Pangulong Marcos ay nakakuha ng 4 percent.

 

 

 

Kay VP Sara, ang kanyang approval rating ay tumaas ng 12% sa NCR, 16% sa Visayas at 3% sa Mindanao habang 7% naman ang ibinaba nito sa Luzon.

Pangulong Marcos sinasapinal na SONA

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
ISINASAPINAL na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang laman ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
Sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, walang anumang engagement ang Pangulo kahapon.
Sinabi ni Garafil na personal na sinusulat ni Pangulong Marcos ang laman ng kanyang ulat para sa bayan.
“The President is on top of finaling his SONA speech. He has no enggament today because he is preparing for the SONA”, ayon pa sa kalihim.
Sinabi pa ng kalihim na kasama sa ginagawa ng pangulo ang pag-edit mismo ng kanyang SONA speech.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na nakatutok sa lagay ng ekonomiya ng bansa, kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at ilegal na droga, ang pagpagpapabuti sa buhay ng mga Filipino ang laman ng kanyang SONA.
Inaalaala naman ni Pangulong Marcos kung paano pagkakasyahin sa loob ng isang oras ang kanyang SONA.

Traffic management plan sa SONA, plantsado na

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
TINIYAK ng ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa na ang traffic management plan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakda sa Lunes, Hulyo 22, sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Sinabi ni MMDA Ac­ting Chairman Don Artes na nasa 1,329 nilang tauhan ang naatasang mamahala sa trapiko ng sasakyan at pedestrian, sa pagtugon sa emergency, paglilinis ng mga kalsada at bangketa, crowd control, at pagsubaybay sa trapiko.
“The MMDA is 100 percent ready for PBBM’s SONA. We are in close coordination with the Task Force SONA 2024, Que­zon City Police District, Presidential Security Command, House of Representatives, and Quezon City government to ensure a safe, peaceful and orderly SONA,” ani Artes.
Dagdag pa ni Artes, magpapatupad ang ahensya ng “no day off, no absent” policy sa mga nakatalagang tauhan upang matiyak ang epektibong delegasyon ng mga tungkulin sa pagsasagawa ng SONA.
Bilang bahagi ng traffic management plan nito, magpapatupad ang MMDA ng zipper lane o counter flow sa southbound portions ng Commonwealth Avenue para bigyang-daan ang mga sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno at mga bisitang papunta sa Batasang Pambansa Complex.
Ang Batasan-IBP Road ay isasara sa vehicular traffic alas-8:00 ng umaga bilang bahagi ng pinaigting na security measures para sa ika-3 SONA ng Pangulo.
Sa northbound (Que­zon Memorial Circle hanggang Fairview), ang mga sasakyan mula sa Elliptical Road ay dapat dumaan sa North Avenue, kumanan sa Mindanao Avenue, pagkatapos ay kumanan sa Sauyo Road o dumaan sa Quirino Highway upang marating ang destinasyon.
Sa southbound (Fairview hanggang Quezon Memorial Circle), ang mga sasakyan mula sa Commonwealth Avenue ay dapat dumaan sa Sauyo Road o Quirino Highway, kumaliwa sa Mindanao Avenue, pagkatapos ay kumaliwa sa North Ave­nue upang marating ang destinasyon.

DOTr: Mga proyekto sa sektor ng rail transportasyon may naitalang progreso sa konstruksyon

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MAY naitalang malaking progreso sa konstruksyon ang ginagawang kauna-unahang underground railway na Metro Manila Subway Project (MMSP) mula Bulacan hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paranaque.
“The Metro Manila Manila Subway, touted as the country’s most ambitious infrastructure project to date, has already attained significant progress in its construction,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary Timothy Batan sa ginawang forum ng Presidential Communications Office.
Noong May 31, 2024, may naitalang 14.48 porsiento sa kanyang target completion ang nasabing proyekto.
Ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension ay may naitalang 73.50 porsiento ng kumpleto sa konstruksyon noong May 31, 2024. Ito ay ang extension ng LRT Line 1 kung saan daragradan ng 11.7 kilometro ang existing na LRT 1 at daragdagan na walong (8) estasyon na siyang magdudugtong sa Pasay papuntang Bacoor sa Cavite.
Inaasahan na mababawasan ang travel time at magiging 25 na minuto na lamang mula sa dating 1 oras at 10 minuto sakay ng dyip o bus. Makapagsasakay naman ito ng karagdagang 300,000 na pasahero sa LRT 1 na may 500,000 ngayon na pasahero kada araw sa unang taon ng full operation nito.
Sa MRT Line 7 naman noong May 31, 2024, ito ay may naitalang 70.98 porsiento sa konstruksyo. Ito ay ang 22 kilometrong long rail transit system na magdudugtong sa mataong lugar sa northeast ng Metro Manila. Magkakaron ito ng 14 na estasyon mula North Avenue sa lungsod ng Quezon hanggang papuntang San Jose Del Monte, Bulacan. Inaasahan na mababawasan rin ang travel time mula 2 hanggang 3 oras sakay ng dyip o bus kung saan magiging 35 minuto na lamang ito. Makapagsasakay ito ng 300 hanggang 800,000 na pasahero kada araw.
Habang ang North-South Commuter Railway Project naman ay may naitalang 42.10 porsiento noong May 31, 2024 sa Tutuban-Malolos na bahagi. Ang Malolos-Clark naman ay 31.25 porsiento at ang Manila-Calamba ay may 5.87 na porsiento ng kumpleto.
Samantalang ang MRT Line 4 at PNR South-Long Haul Project ay nasa pre-construction na bahagi pa lamang sa ngayon habang ang Mindanao Railway Project Phase 1 ay nasa development na bahagi pa lang.
Ang MRT 3 Rehabilitation Project naman ay may naitalang 83.11 porsiento ng kumpleto noong May 31, 2024. Kasama sa proyekto ang restorasyon ng MRT Line 3 sa dati nitong kondisyon. Ang nasabing rehabiltasyon ay inaasahang mababawasan rin ang travel time mula end-to-end kung saan ito ay magiging 45 na minuto lamang mula sa dating 1 oras at 15 minuto na pagsasakay.
Sa ginagawang Unified Central Station, ito ay may naitalang 81.42 porsiento ng kumpleto noong May 31, 2024. Ang estasyon na ito ay magdudugtong sa 4 na railway lines sa Metro Manila tulad ng LRT 1 sa bahaging west, MRT 3 sa bahaging gitna at ang MRT 7 sa bahanging north naman.
Ang nasabing tatlong araw na forum ay isang comprehensive platform upang itaguyod ang “Build Better More” na programa sa infrastructure ng pamahalaan upang mas palawakin pa ang pagkakaintindihan ng pamahalaan at media practitioners tungkol sa mga strategic framework at status kasama ang timeline ng mga proyekto. Kasama rin ang infrastructure development policies at programs ng sa ngayon na pamahalaan sa pamumuno ni President Ferdinand R. Marcos, Jr.  LACSAMAR

Online sellers sinimulan nang patawan ng buwis

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SINIMULAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR).ang pagpapataw ng withholding tax sa mga online sellers.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ay batay sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 79-2024 na ipinalabas ng ahensiya.
“Electronic Marketplace Operators will begin imposing Withholding Tax against their sellers/merchants starting July 15, 2024. We have already extended this by 90 days. No further extensions will be given,” pahayag ni Lumagui.
Una nang binigyan ng BIR ng 90 araw na palugit o dalawang buwan ang mga online sellers para sa natu­rang pagbubuwis.
Saklaw ng kautusan ng BIR ang mga online sellers na nagsasagawa ng negosyo sa electronic marketplace gaya ng Lazada at Shopee.

College graduates, hindi lang para kumita kundi para mabuhay ng matagal- Recto

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ni Finance Secretary Ralph G. Recto na ang ‘college diploma’ ay hindi lamang isang piraso ng papel dahil maaari itong makadagdag ng pitong taon sa pag-asang mabuhay.
Aniya, nakatutulong ang higher education na mapahusay ang mahabang buhay at overall well-being at karagdagan sa financial rewards nito.
Sa kamakailan lamang na naging talumpati ni Recto sa mga opisyal ng state universities and colleges, napukaw ang atensyon ng Kalihim sa hindi inaasahang benepisyo na darating sa pagsusulong ng higher education.
“A college graduate also enjoys a longer life expectancy, living seven years more on average from age 25. His likelihood of being in good health is 44 percent greater,” ang sinabi ni Recto sa 2024 Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) annual convention at general assembly.
“A college diploma may not make one as rich as Elon Musk. But it is a tried-and-tested ticket out of poverty–towards a life of prosperity and health,” aniya pa rin, sabay sabing mas maraming manggagawa na may college diplomas ang maaaring makapagpahusay ng ekonomiya ng bansa.
Tinuran pa ni Recto na ang pagkakaroon ng college education ay mayroong ‘higher rate of return’ kumpara sa kung ano ang maiaalok ng Bangko at stocks, maaaring magbunga ng 15%.
“Another study reveals that a college graduate’s chances of unemployment are 2.2 times lower compared to a high school graduate. His likelihood of securing a retirement plan through employment increases by 72 percent,” anito.
Tinukoy nito ang World Bank study kung saan tinatayang 17% ang itinaas sa kita para sa mga college degrees, ang pinakamataas kumpara sa mayroong primary at secondary education lamang.
“The biggest chunk of the P5.767 trillion budget for this year went to the education sector with P969 billion, up by 8.2 percent from the previous year,” ayon kay Recto.
Sinabi pa nito na ang SUCs ay mayroong double-digit increase sa funding ng 19.3% hanggang 132.9 billion pesos ngayong 2024, kabilang na ang P21.7 billion allotment para sa free tertiary education para sa mahigit na 3.1 million students sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Para mapunan ito, sinabi ni Recto na prayoridad din ng gobyerno ang ‘social protection, food security, at physical infrastructure’ para matiyak na ang mga Filipino ay “not just well-educated but are healthy and thriving.”
“This year, the government is spending around P440 billion on social protection programs, P221.7 billion on the agriculture sector, and P1.47 trillion on infrastructure projects including disaster-resilient school buildings,” ayon kay Recto sabay sabing ‘[R]ail projects like the upcoming Metro Manila Subway and the LRT-1 Cavite Extension will dramatically help students within the metro and nearby provinces to travel seamlessly to university areas.”
Hinikayat naman ni Recto ang SUCs na pangunahan na itaas ang ‘competitiveness’ ng educational institutions ng bansa na makapagpo-produce ng AI-ready graduates para sa bagong ekonomiya.
“Rest assured, the DOF stands ready to support the PASUC every step of the way in nurturing a new generation of healthy, smart, and globally competitive Bagong Pilipino,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Mahigit P200K halaga ng marijuana, nasamsam sa Maynila

Posted on: July 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
TINATAYANG mahigit sa P200K halaga ng marijuana ang nasamsam at pagkakaaresto sa isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation sa Sta. Ana Manila Martes ng madaling araw.
Kasong paglabag sa RA9165 ang kinakaharap ng suspek na di Ryngard Joshde Villa Dela ng 2440 Onyx St., Brgy 775 Zone 85 Sta. Ana Manila.
Sa ulat, bandang ala-1:30 ng madalling araw nang nagsagawa ng buy bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) sa loob ng isang bahay sa 2151D San Andres Extension Brgy. 780 Zone 85 Sta. Ana, Manila na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Narekober sa suspek ang 622.1 gramo ng Marijuana fruiting tops na may street value na P74,652.00 at 128.9 gram ng Marijuana kush ay street value na P180,460.00 o kabuuang P255,112, isang watson color brown paper bag at buy bust money. GENE ADSUARA

Jobless Pinoy sumipa sa 2.11 milyon

Posted on: July 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SUMIPA sa 2.11 milyong Pinoy ang walang trabaho noong buwan ng Mayo.
Ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pinakabagong resulta ng Labor Force Survey (LFS).
Sinabi ni PSA chief  Claire Dennis Mapa, ang 2.11 milyong jobless Pinoy noong Mayo ay mas mataas sa naitalang 2.04 noong Abril.
Nagtala rin ang PSA ng 95.9 percent employment rate noong Mayo na mas mataas naman ng bahagya sa 95.7 percent noong Mayo ng nakaraang taon.
Nakapagtala rin ang PSA ng 4.82 milyon underemployed noong Mayo o katumbas ng 9.9% underemployment rate na mas mababa kumpara sa 14.6% tally o 7.04 milyong underemployed Pinoy noong Abril.

Temporary at improvised plates hindi na papayagan simula Aug. 1

Posted on: July 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO) ng Memorandum Circular No. VDM-2024-2721 para sa guidelines ng paggamit ng improvised at temporary plates.
Nakasaad dito na hindi na papayagan ang paggamit ng improvised at temporary plates simula sa darating na August 1.
“The absence of backlog in the production of motor vehicle plates vis-à-vis our continuous improvement and alignment of policies with current standards and practices, the use of all improvised and temporary plates is revoked, which will take effect on August 1,” ayon sa memo.
Subalit kung ang sasakyan ay may non-LTO issued plate, ang permit na binigay ng LTO district/extension office ay valid sa loob kung hanggang kailan ito pinapayagan ng LTO na gamitin habang ang may-ari ng sasakyan ay naghihintay pa ng replacement plate.
Ang temporary vintage plates naman ay kinailangan may nakalgay na “Vintage Vehicle” at ang model year sa sasakyan. Ang may-ari ng ganitong sasakyan ay hindi na kailangan ang permit upang gamitin ito subalit dapat ito ay kasya sa paglalagyan ng license plate.
Habang ang bago na four-wheeled na sasakyan ay pinapayagan lamang na gamitin ang dealer plates sa loob ng 15 araw mula sa issuance ng sales invoice. Kinakailangan din na may conduction sticker number ito upang hindi ito makaparehas ng ibang sasakyan. Kailangan din na ito ay color-coded katulad ng tamang plate.
Ang pribadong sasakyan ay dapat may puting background na may itim na characters. Habang ang electric at hybrid na sasakyan naman ay may puting background na may green na characters. Sa mga sasakyan naman ng pamahalaan, ito ay dapat may puting background na may pulang characters.
Sa mga motorcycles naman na bagong bili pa lamang, ito ay papayagan na gamitin ang temporary at improvised plate sa loob lamang ng 15 araw mula sa issuance ng invoice. Ang mga motorcycles na binili bago ang January 1, 2023 ay papayagan na gamitin ang temporary at improvised plates na may MV File Number na nakalagay hanggang ang actual plate ay di pa dumarating.
Nang mga nakaraan taon, ang license plates issuance ay naging problema ng LTO dahil sa backlog at dahil na rin sa nagkalat na vanity plates. LASACMAR

Mas mataas na bilang ng dadalo sa SONA, inaasahan

Posted on: July 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Tinataya ni House Secretary General Reginald Velasco, sa isinagawang press briefing nitong Martes, na ang attendance sa State of the Nation Address (SONA) ngayon taon ay pinakamalaki base sa ginawang kumpirmasyon na natanggap ng kanyang tanggapan mula sa ma imbitadong bisita.
“We may be opening some viewing rooms for the additional guests kasi overwhelming yung nag-confirm na pupunta sila dito (sa House) sa SONA. So far, we have received confirmation from over 2,000 guests, including House members and members of the Senate who will be joining the Joint Session to hear the SONA of the President,” ani Velasco.
Sinabi pa ng opisyal na may ilang miyembro ng kamara ang humiling na makapagsama ng 10 hanggang 20 bisita sa pagdalo nila sa sona na kinabibilangan ng mga mayors, vice mayors, kaanak at local leaders sa kanilang distrito o probinsiya.
“Ang rule kasi namin, House member plus one usually ung asawa nila except for some. Yung iba kasi may kasamang governor or relative na high-ranking official. We give them the courtesy,” paliwanag nito,
Sinabi pa ni Velasco na ang plenary hall ay may 1,312 upuan. Dala na rin sa dagdag na bisita ay maglalagay sila ng 502 monobloc chairs na inaasahan na magdadala sa total na bilang na 1,814 ang upuan sa plenary hall.
“We’re trying to have additional chairs doon kahit sa second and third galleries. Maglalagay kami ng additional monobloc doon just to accommodate these numerous requests coming from House members and other agencies,” pahayag ni Velasco.
Maglalaan din aniya sila ng karagdagang viewing rooms sa Batasan Complex kung hindi sila kayang maisama sa  plenary hall.
Sinabi pa ni Velasco na inimpormahan naman sila nina dating Vice Presidents Leni Robredo at Jejomar Binay na hindi makakadalo sa SONA habang hinihintay pa ang kumpirmasyon mula naman kay Vice President Sara Duterte.
“We are inviting all these former Presidents, former Vice Presidents, former Senate Presidents, former Speakers. And so far, we have not received confirmation from former President Duterte. We have much leeway doon sa mga VIPs. They can confirm or cancel at the last minute. That’s the privilege of the VIP guests.  We cannot impose any deadline on the VIPs,” ayon pa sa kanya.
Nasa 47 ambassadors ang nagkumpirma na dadalo kabilang na ang Tsina at United States.  (Vina de Guzman)