• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Editorial’ Category

Babaeng biktima ng trafficking napigil, escort nito inaresto

Posted on: May 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAPIGIL ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng biktima ng human trafficking  nang tinangkang eskortan  ng kanyang lalaking trafficker sa Davao City.

 

 

Ang biktima na isang babae ay ni-rescue sa Davao International Airport  habang papasakay ito ng Scoot Airlines flight patungong Singapore.

 

 

Ayon sa biktima, biyaheng Singapore umano siya bilang turista kasama ang kanyang employer pero kalaunan ay inamin niya na ni-recruit lamang siya upang magtrabaho bilang katulong sa United Arab Emirates na hindi binanggit kung magkano ang suweldo.

 

 

Sinabi pa ng biktima na sinabihan siya ng kanyang lalaking escort na kunwaring katulong siya sa kanyang pagbabakasyon.

 

 

Pero base sa datos, nalaman na ang escort na lalaki ay mayroon nang dating kaso kung saan nag-sponsor na rin ito ng iba pang babae subalit walang datos kung kailan bumalik ang nasabing babae kung saan nalaman na ang babae ay inilipat sa Thailand.

 

 

Suspeta ng BI  immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) na gawain talaga ng nasabing escort na lalaki na nagrerecruit ng mga Filipino upang magtrabaho sa Middle East  pero iniiwan na lamang niya ito sa ere.

 

 

“These traffickers dupe victims into agreeing to such schemes, only to leave them penniless in the middle of an unfamiliar foreign country,” ayon kay Tansingco.  “Aspiring workers should never ever agree to such arrangements,” dagdag pa nito.

 

 

“We thank the IACAT for actively pursuing cases against these traffickers,”ayon pa  kay Tansingco.  “It makes our job meaningful because we know that these escorts are finally put behind bars,” pagtatapos nito. GENE ADSUARA

6 milyong metric tons ng basura nahakot sa cleanup drive ng SMC

Posted on: May 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT sa 6 milyong metriko tonelada ng basura ang nahakot ng San Miguel Corporation (SMC) sa isinagawang clean up drive sa mga  ilog sa Metro Manila.

 

 

Kabilang sa nakuhang mga basura ang nasa 3 milyon tonelada sa flood prone area sa lalawigan ng Bulacan at mag-uugnay sa bayan ng Meycauayan, Obando, Bulakan, Bocaue, Marilao, Balagtas at Guiguinto.

 

 

Ayon kay SMC President and CEO Ramon Ang, ito ang pinakamalawak at mahabang clean up drive na kanilang ginawa na sinimulan noong pang 2020 sa ‘heavily-polluted’ river systems na Pasig River, Tullahan River, at San Juan River.

 

 

Nabatid na halos 1.2 milyon metriko tonelada ng basura ang nahakot sa Pasig River; 1.1 milyon ­tonelada sa Tullahan River, at halos 320,000 tonelada sa San Juan river mula 2020 hanggang ngayon.

DepEd kinansela Face to Face classes sa tindi ng init, tigil-pasada

Posted on: April 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
INIUTOS ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng asynchronous classes at distance learning sa lahat ng pampublikong paaralan kahapon Abril 29, Lunes, at Abril 30, Martes, bunsod ng nararanasang mainit na panahon at pagdaraos ng 3-araw nationwide transport strike.
“In view of the latest heat index forecast of the Philippine Atmospheric, Geophysi­cal and Astronomical Services Administration (PAGASA) and the announcement of a nationwide transport strike, all public schools nationwide shall implement ASYNCHRONOUS CLASSES/DISTANCE LEARNING on April 29 and 30, 2024,” abiso ng DepEd.
Maging ang mga tea­ching at non-teaching personnel sa lahat ng public schools ay hindi rin nire-require ng DepEd na pumasok sa kani-kanilang istasyon.
Ang mga aktibidad naman umano na inorganisa ng Regional at Schools Division Offices, gaya ng Regional Athletic Association Meets at iba pang division o school level programs, ay maaaring ituloy sa mga nasabing petsa.
Gayunman, mahigpit ang paalala ng DepEd na kailangang tiyakin at masu­sing ikonsidera ang kaligtasan ng mga kalahok sa mga nasabing aktibidad.
Hindi naman sakop ng kautusan ng DepEd ang mga private schools ngunit binigyan sila ng opsiyon na ipatupad rin ang nasabing kautusan.

KILO/s KYUSI STORE, pormal nang binuksan sa publiko

Posted on: April 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINASINAYAAN at pormal nang binuksan ang permanent store ng Kilo/s Kyusi Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan sa QC!

 

 

Ang nasabing store ay isang fund raising project para sa QC Learning Recovery Trust Fund na layong suportahan ang Zero Illiteracy Program ng lungsod.

 

 

Nilalayon din ng proyekto ang pag-iwas sa ‘fast fashion’ upang mabawasan ang textile waste sa mga landfill. Ang fast fashion ay ang maramihang produksyon ng damit upang makahabol sa demand o uso na kalaunan ay agad na pinagsasawaan at itinatapon.

 

 

Tampok sa store ang mga donasyon na pre-loved items tulad ng damit, sapatos, accessories at marami pang iba.

 

 

Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng Kilo/s Kyusi Store, kasama sina Vice Mayor Gian Sotto, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Supervising Undersecretary Marilou Erni, Undersecretary Jonas Leones at iba pang opisyal ng lungsod.

 

 

Iniimbitahan ang lahat na bisitahin at tangkilikin ang Kilo/s Kyusi Store na matatagpuan sa QC Hall Lagoon Area mula April 22, 8am to 6pm.

 

 

Ipinababatid din sa lahat na tumatanggap ng donasyon gaya ng pre-loved items ang Kilo/s Store. (PAUL JOHN REYES)

Pamilyang nagsabing sila ay mahirap bumaba – OCTA

Posted on: April 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA ang bilang ng mga Pilipino na nakaranas ng gutom at kahirapan sa unang quarter ng 2024.

 

 

Sa pinakahuling OCTA Research survey, lumalabas na 42 percent o 11.1 milyong pamilya sa bansa ang itinuturing na mahirap.

 

 

Mas mababa ito sa 45% o katumbas ng 11.9 milyong Pinoy na nagsabing sila ay mahirap noong 4th quarter ng 2023.

 

 

Ayon sa OCTA, nagpapakita rin ito ng tuluy-tuloy na downward trend sa self-rated poverty na nasa 50% noong Hulyo 2023.

 

 

Malaki ang ibinaba ng self-rated poverty sa Metro Manila, 29% mula 40%; Balance Luzon, 28% mula rsa 46%; habang 47% sa Visayas.

 

 

Bumaba rin sa 11% o 2.9 milyong pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger sa unang quarter ng 2024, mas mababa sa 14% noong 2023.

 

 

Kabilang naman sa mga rehiyong may pagbaba ng self-rated hunger ang Visayas at Mindanao.

 

 

Isinagawa ang Tugon ng Masa survey ng OCTA mula March 11-14 ngayong taon sa 1,200 respondents nationwide.

MMDA maghihigpit pa rin sa mga e-bikes, light vehicle kahit suspendido ni PBBM ang pagpapatupad

Posted on: April 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGIGING mahigpit pa rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbabawal sa mga light vehicles tulad ng e-bikes, e-trike, at tricycles sa kanilang pagdaan sa mga pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila.

 

 

 

Ito ay ayon kay MMDA acting chairman Romando Artes at kung saan sinabi rin niya na susunod naman sila sa utos ni President Ferdinand Marcos na magkaroon ng “partial suspension” sa multa at ang pag-impound ng mga e-bikes.

 

 

 

“Enforcers from MMDA and local government units (LGUs) in Metro Manila would still accost light vehicle users violating the restriction. We would do more to inform them of alternate routes. We were not able to release information on which roads are prohibited, which ones are allowed,” wika ni Artes.

 

 

 

Dagdag pa ni Artes na siguro naman ay sapat na ang isang (1) buwan grace period para sa suspension ng pagpapataw ng multa at impounding ng mga ito. Sapat na rin ang isang buwan upang magkaron ng information dissemination sa mga drivers tungkol sa mga alternate routes habang ang mga pasahero naman ay magiging handa rin kung saan sila puwedeng sumakay ng ibang alternate mode ng transportasyon.

 

 

 

Nagbigay naman ng reaksyon si Artes sa kumento ni President Marcos na ang multang P2,500 ay masyadong malaki subalit kanyang sinagot na ginawa nilang mataas upang talagang parusahan ang mga sumusuway at hindi sumusunod sa batas.

 

 

 

“There would be no changes to be made in the regulation following the President’s declaration. There were 290 light vehicles, mostly e-trikes and tricycles, were fined, with 69 light vehicles impounded in the two days before Marcos’ order,” saad ni Artes.

 

 

 

Sa mga mga na impound na sasakyan, ayon kay Artes na ang mga LGUs sa Metro Manila ang siyang magdedesisyon kung anong gagawin sa mga nakuhang sasakyan dahil mayron naman silang sariling mga ordinances na pinatutupad tungkol sa banning ng mga light vehicles sa mga national roads.

 

 

 

Tinatawagan rin ni Artes ang mga may-ari ng mga light vehicles na irehistro nila sa Land Transportation Office (LTO) ang kanilang mga sasakyan at kumuha rin sila ng kanilang driver’s license habang may month-long grace period pa na ipinatutupad ang pamahalaan.

 

 

 

Noong nakaraang Huwebes ay inutusan ni Marcos ang MMDA at mga LGUs na ihinto muna ang pagpapataw ng multa at impounding ng mga light vehicles na mahuhuli sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila kung saan bawal dumaan ang mga ito.

 

 

 

Binigyan ni Marcos ng isang buwan na grace period ang mga may-ari ng mga light vehicles upang mabigyan sila ng sapat na panahon upang pag-aralan ang banning.

 

 

 

“I ordered the MMDA ang LGUs in Metro Manila to give a grace period to e-bikes, e-trikes and other affected vehicles plying the roads of Metro Manila. We need to give enough time for a wider dissemination of information on the implementation of the ban,” sabi ni Marcos. LASACMAR

34 heat-related illness, 6 patay naitala ng DOH

Posted on: April 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA na ang Department of Health (DOH) ng 34 kaso ng heat-related illnesses sa bansa, kabilang ang anim na namatay, ngayong mataas ang heat index sa ilang lugar.

 

 

Base sa kanilang Event-Based Surveillance and Response System, ang naturang 34 heat-related illness cases ay naiulat mula Enero 1 hanggang Abril 18, 2024 lamang.

 

 

Ang mga pasyente ay mula sa Central Visayas, Ilocos Region, at Soccsksargen.

 

 

Sa naturang bilang, anim katao na umano ang iniulat na nasawi ngunit biniberipika pa ang dahilan ng kanilang kamatayan.

 

 

“The most number of heat related illnesses in recent years was recorded at 513 in the year 2023,” wika pa nito.

 

 

Nabatid na ang heat index ay ang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng isang tao.

 

 

Ito ay iba umano sa aktwal na temperatura ng hangin. Nasusukat ito sa pamamagitan ng humi­dity at air temperature.

Init titindi pa sa 16 lugar – PAGASA

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophy­sical Astronomical Service Administration (PAGASA) ang publiko na mas marami pang tubig ang inumin araw-araw bunsod ng mas tumitinding init ng panahon.

 

 

Ito’y ayon sa PAGASA, sa posibilidad na maitala ngayong araw sa 16 na lugar sa bansa ang delikadong lebel ng heat index o “dangerous heat index”.

 

 

Sa huling monitoring ng PAGASA-DOST, inaasahang papalo sa 42°C sa Metro Manila habang pinakamainit na 45°C ang heat index sa Roxas City, Capiz; 44°C sa Puerto Princesa at Aborlan, Palawan maging sa Guiuan, Eastern Samar.

 

 

Nasa 43°C naman ang posibleng maranasan sa Dagupan City, Pangasinan at Catarman Northern Samar; 42°C sa Metro Manila at Bacnotan, La Union; Aparri at Tuguegarao sa Cagayan; Sangley Point, Cavite; Ambulong, Tanauan­ Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Pili, Camarines Sur; Iloilo City at Dumangas, Iloilo.

 

 

Ang dangerous heat index ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C na posibleng magdulot ng matin­ding pagkapagod, heat cramps at heat stroke sa tao.

 

 

Dagdag ng PAGASA na panatilihing nasa malilim na lugar, nakasuot ng komportableng damit at ugaliin ang madalas na pag-inom ng tubig.

PBBM, inilunsad ang National Fiber Backbone Phase 1 sa iba’t ibang lalawigan kabilang ang Bulacan

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang paglulunsad ng National Fiber Backbone-Phase 1 (NFB-P1) sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Biyernes sa Sofitel Philippine Plaza Manila-Harbor Garden Tent, na matatagpuan sa South Parking CCP Complex on Roxas Blvd., Pasay City na naglalayong palakasin ang internet connectivity service capacity ng mga tanggapan sa pamahalaan na titiyak sa high-speed internet access sa buong bansa.

 

 

Sa inisyal na bahagi, mayroong 600 Gbps optical spectrum capacity and NFB na aabot sa may 14 na lalawigan sa Hilaga at Gitnang Luzon. Kabilang sa malawakang network na ito ang dalawang National Government Data Centers at apat na BCDA ecozones na kapag natapos ay makapagbibiay ng koneksyon sa may kabuuang 346 na nasyunal at lokal na tanggapang pampamahalaan na konektado sa GovNet.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na ang National Fiber Backbone ay ang una at tanging pag-aari ng pamahalaan sa bansa na mag-aalok ng digital connectivity sa mahigit 3,000 Free Wi-Fi Sites, na magpapagana sa may 750,000 na benepisyaryo sa Rehiyon I, III, at NCR na magkaroon ng direktang access sa internet.

 

 

“Even this early, we are assured that the NFB Phase 1 will already make a significant impact on our internet connectivity as well as in the day-to-day activities of ordinary Filipinos,” anang Pangulo.

 

 

Bilang isa sa mga benepisyaryo ng proyektong ito, sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na magbubukas ng mga oportunidad ang proyekto para sa mas maunlad na ekonomiya sa pamamagitan ng mas pinalawak na koneksyon at mas pinahusay na serbisyong pampubliko.

 

 

“On behalf of the people of our province and indeed the entire nation, I extend my heartfelt gratitude to our President Ferdinand Marcos, Jr. Through this project, we are we are increasing internet accessibility for citizens, businesses, and government institutions across the country, thereby reducing the digital divide. Magpapadali ito ng paghahatid ng mga serbisyong pampamahalaan gamit ang mga digital platform na abot-kamay ng mga mamamayan,” anang The People’s Governor.

 

 

Samantala, dinaluhan ang programa ng kinatawan ni US Ambassador MaryKay L. Carlson, DICT Secretary Ivan John E. Uy, Executive Secretary Lucas P. Bersamin habang sinamahan naman si Fernando nina Bise Gob. Alexis C. Castro, Provincial Information Technology Officer Inh. Rhea Liza R. Valero at Provincial Information Officer Katrina Anne S. Bernardo-Balingit.

DOTr: Di na papayagan ang karagdagang motorcycle taxis sa MM

Posted on: April 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na papayagan ang pagkakaroon ng karagdagang motorcycle taxis sa Metro Manila dahil sa pagkakaroon ng negative impact sa lumalalang pagsisikip ng trapiko lalo na kung daragdagan pa ang mga bilang nito.

 

 

Kamakailan lamang ay naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may 2,000 slots pa ang ibibigay sa bawat isa ng apat (4) na bagong kumpanya ng motorcycle taxis na kung saan sila ay binigyan ng pagkakataon hanggang noong April 15 na makumpleto ang nasabing alokasyon.

 

 

Ang nasabing alokasyon ay ginawa matapos sabihin ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz na magkakaroon ng moratorium sa pagpapalawig ng motorcycle taxis. Kung kaya’t nagkaroon ng paglilinaw ang DOTr tungkol sa nasabing moratorium at alokasyon dahil sa kalituhan sa sinabi ni Guadiz.

 

 

Sa isang panayam kay DOTr Secretary Jaime Bautista ay kanyang sinabi na ang 8,000 slots na pinayagan ng LTFRB ay magkakaroon ng operasyon sa labas ng Metro Manila.

 

 

 

“The LTFRB will stop adding the motorcycle taxi units in Metro Manila. The eight thousand slots for new players recently announced were intended only in the provinces,” sabi ni Bautista.

 

 

 

Ang nasabing paglilinaw ay lumabas sa gitna ng panawagan at debate na magkaroon ng moratorium sa pagpapalawig ng motorcycle taxis sa kalakhang Maynila.

 

 

 

Isa na rito ang panawagan ng House Committee on Metro Manila Development kasama rin ang panawagan ng iba’t ibang grupo sa transportasyon na may advocacy para sa paghihinto ng pagpapalawig ng motorcycle taxis dahil na rin sa maraming problema tungkol dito.

 

 

 

“This decision aligns with the department’s vision to balance transportation services across different regions while addressing the specific needs and challenges of each area. By redirecting additional MC taxi units outside of Metro Manila, the DOTr aims to alleviate congestion and enhance mobility in the capital region,” saad ni Bautista. LASACMAR