• July 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Showbiz’ Category

Personal journey at baka ‘di na maulit: CHARLENE, first time pa lang makasama sina AGA, ATASHA at ANDRES sa isang show

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FIRST time palang magsasama sa isang TV project ang mag-asawang Charlene Gonzalez at Aga Muhlach at ang mga anak nilang si Atasha at Andres Muhlach. 

 

Ito ay sa sitcom na ‘Da Pers Family’ ng TV5.

 

Kaya pagkukuwento ni Charlene, “I would say for Aga and I, I could say Da Pers Family is a personal journey kasi mahabang proseso ang pinagdaanan before we were able to actually say na, ‘Kaya ba natin ito? We’re gonna work together?’

 

“Kasi before this kami ni Aga we would just do commercials together especially pag kasama ang mga bata parang sine-shelter namin sila sa public life.

 

“So it was quite a process that we went through and then once we decided we said, ‘You know what?

 

“Why not get the opportunity to work with our family and what a blessing it is to be able to be witness sa mga unang hakbang nila sa industriya kasama mo sila through every step.”

 

“And not only that, to be able to work with really just great actors and creative people behind ‘Da Pers Family’ is really such a blessing and an honor.

 

“I would say possibly baka the first, maybe only time na gagawin namin ito as a project with us as family.

 

“So it’s very special and I’m happy that we’re gonna get this opportunity to share the laughter and the fun sa inyong lahat, sa lahat ng mga kababayan natin.”

 

Bukod sa Muhlach family ay nasa cast ng ‘Da Pers Family’ sina Bayani Agbayani Ces Quesada, Heart Ryan, Kedebon Colim, Sam Coloso, Chad Kinis at Roderick Paulate, sa direksyon ni Danni Caparas.

 

Mapapanood ito tuwing Linggo simula ngayong Hulyo 21, 7:15 pm sa TV5, at may catch-up airings sa Sari-Sari Channel tuwing Lunes, 7pm.

 

***

 

NAGBAHAGI rin si Charelne tungkol sa first taping day nila.

 

“Yung first taping day namin mararamdaman mo talaga when everyone is together, talagang magical talaga yung moment, everyone’s happy to be there, mararamdaman mo parang naging pamilya kayo kaagad.

 

“So we’re really happy to share this with all of you.”

 

May reaksyon rin siya tungkol sa pag-arte sa harap ng kamera nina Atasha at Andres.

 

“In fairness di ba ang hirap niyan, imagine first time ka aarte tapos kasama mo yung mga great actors and actresses, di ba nakakakaba talaga.”

 

Tinanong naman namin si Charlene; dati ay mga magulang sila kina Andres at Atasha pero ngayon ay magulang na sila sa dalawang celebrities at TV stars at posibleng soon-to-be moviestars; ano ang kaibahan?

 

“Okay, let’s go way back kasi siyempre alam ng lahat magkapatid sila, kambal sila, but growing up Aga really did a conscious effort para magkaroon sila ng sariling identity.

 

“To the point na they went to different schools, they studied in different countries, so as artist naman Aga and I talked about it na parang, ‘Anong gagawin nating diskarte dito?’

 

“When we go on the set do we, will we be a parent, but we decided that we will be co-actors.

 

“And then we will just let our writers, and then of course the cast and our director, to take charge. So we’re just in the backseat.

 

“Pagdating naman sa artistry nila we allow them to grow and create the path or journey that they will be taking.

 

“So, pag humihingi naman sila ng tulong or guidance sa amin we’re there for them but we give them and we respect their individual creativity,” pahayag pa ni Charlene.

(ROMMEL L. GONZALES) 

MV ng ‘Cherry on Top’, higit 8 million views na: BINI, nag-trending na naman dahil sa pagbatikos sa kanilang outfit

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-TRENDING nga ang sikat na Pinoy girl group na BINI dahil sa pagbatikos ng ilang netizens.

 

 

Isang video ang nag-viral na ipinost sa isang P-pop group kung saan makikita ang members ng BINI na naka-cap, shades, at face masks, na napaliligiran ng kanilang security escorts nang dumating sa Mactan-Cebu International Airport.

 

 

May mga netizen na nagkomento na napaka-OA raw ang get-up ng mga ito kumpara sa mga mas sikat sa kanila na katulad ni Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

 

 

“Ka-OA ba, feeling na sikat na sikat ahahaha KPOP na KPOP. Balutin niyo rin (mukha) niyo sa concert ha, para tapunan kayo ng kamatis ng mga taga-Cebu,” komento ng isang netizen patungkol sa BINI.

 

 

Isa pang netizen ang ikinumpara ang Ppop group sa asawa ni Matteo Guidicelli.

 

 

“(Sarah) continues to meet the expectations of her supporters and fans with her humility. She never acts like a ‘disney princess,’ whether at the airport or as a guest at events. Her humility sets her apart from others. I hope BINI will follow her example,” kasama ang photos nina Sarah at ng BINI, kuha sa airport.

 

 

May nagtanggol naman na ibang netizens at fans ng BINI at sinabing normal lang naman ang suot nila at baka nag-iingat lang sa kanilang health. Lalo pa nga’t matao ang airport at puwede pa rin silang makakuha ng virus.

 

 

Say pa ng kanilang fan, “Pag may mask, feeling sikat. Pag wala at nakitang walang makeup at mukhang pagod, todo okray naman sa looks. You really can’t win with people na epal at mema lang.”

 

 

Samantala, trending din ang newest music video ng BINI na “Cherry On Top”, dahil ilang oras pa lang ilabas ito noong July 11 ay nakakuha na ito ng mahigit one million views!

 

 

At wala pa ngang isang araw ay na-top trending na ito sa YouTube!

 

 

Kahapon nang i-check namin at higit 8 million views na ito after six days.

 

 

Nakipag-team up talaga ang BINI sa ilang sikat na K-Pop producers upang mabuo ang “Cherry On Top.”

 

 

Nakipag-collaborate sila kina Skylar Mones at Shintaro Yasuda.

 

 

Ang newest single ng BINI ay kasama upcoming album nila, ayon ng ABS-CBN Music head na si Roxy Liquigan.

 

 

Katatapos nga lang ng “BINIverse: The First Solo Concert” last month, at kasama sila matagumpay na Thanksgiving Concert ng Puregold last July 12.

 

 

Pero dapat paghandaan ng Blooms ang next concert nila sa October 4 na gaganapin sa Araneta Coliseum, Quezon City.

(ROHN ROMULO)

Sa direksyon ni Zig Dulay na naghatid ng ‘Firefly’: DENNIS, balik-MMFF din at bibida sa ‘Green Bones’ kasama si SOFIA

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MMFF-bound muli ang GMA Network ngayong taon dahil kasama sa unang batch ng finalists sa Metro Manila Film Festival 2024 ang upcoming film ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na “Green Bones.”
Isa ang “Green Bones” sa mga inanunsyo nitong July 16 na kasama sa mga magtutunggali sa 50th year ng MMFF.  Pagbibidahan ito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Kapuso young actress na si Sofia Pablo.
Ito ay sa direksyon ni Zig Dulay na siya ring nasa likod ng Best Picture “Firefly” na mula rin sa GMA Pictures at GMA Public Affairs.
Ang screenplay ng “Green Bones” ay mula kay National Artist Ricky Lee at MMFF 2023 Best Screenplay winner at GMA Public Affairs Senior Asst. Vice President Anj Atienza. Ang kuwento ay mula naman sa GMA Public Affairs Senior Program Manager na si JC Rubio.
Matatandaang umani ng papuri mula sa mga moviegoer at nag-uwi ng mga award sa loob at labas ng bansa ang “Firefly.”
(RUEL J. MENDOZA)

Naging favorite ang character niya sa ‘Black Rider’: YASSI, nag-enjoy at gusto ulit makatrabaho si RURU

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NAGING paboritong character ni Yassi Pressman si Bane/Vanessa dahil sa mala-roller coaster na pinagdaanaan ng character nito sa GMA actionserye na “Black Rider.”
“There’s just so many emotions din po para sa isang taong nagkaron ng amnesia na hindi ko rin na-portray noon. Hinahanap niya po kung sino siya at kung ano ‘yung mga experiences niya, ‘yung mga taong mahal niya, bakit ganito yung mga nararamdaman niya sa puso niya, kasabay ng mga brainwashing ng mga taong nasa paligid niya.
“Talagang napakatapang niya po at talagang mahal na mahal niya po ‘yung pamilya niya,” sey ni Yassi na gusto ulit makatrabaho si Ruru Madrid sa isang bagong project.
***
BACK to dating after two years ang kontrobersyal na Hollywood actor na si Johnny Depp. And dine-date niya ay isang 28-year-old model named Yulia Vlasova.
Ayon sa People, nothing is official with the 61-year old actor at sa Russian model. Casual dating daw sila for now.
Huling nakita sa big showbiz event si Depp ay noong May 2023 sa Cannes Film Festival kunsaan pinalabas ang pelikula niya na Jeanne Du Barry.
Ang kanyang ex-wife na si Amber Heard ay huling napanood sa ‘Aquaman And The Lost Kingdom’. Naka-base na ito sa Spain kasama ang kanyang daughter.
(RUEL J. MENDOZA)

Naging abala sa marathon habang wala pang serye: KRISTOFFER, nag-first place for the first time sa ‘Super Aquathlon’

Posted on: July 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang launch ng “Isa sa Puso ng Pilipino” station ID ng GMA Network na talaga namang ikinatuwa ng mga manonood at netizens, sumunod namang inilabas ng Kapuso Network ang lyric video nito.

 

 

Mapapanood sa video ang taos-pusong performance ng mga Kapuso artist sa pangunguna ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose. Kasama rin sa nasabing video ang Orchestra of the Filipino Youth (OFY).

 

Mapapanood ang #IsaSaPusoNgPilipino lyric video sa official website at official social media accounts ng GMA Network.

 

***

 

HABANG wala pang bagong teleserye after ‘Makiling’, naging abala ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa kanyang sport na marathon.

 

Last July 7, nag-first place for the first time ang aktor sa Super Aquathlon na ginanap sa Ayala Vermosa Sports Hub. Competing in the All-star category, nakumpleto niya ang 450-meter swim, followed by a 4-kilometer run.

 

Post niya sa Instagram: “Unang 1st place ko po mga nakshie. Naiiyak ako. Pangarap ko to eh. Makalaro ko coach ko sa event. Ang saya pa ng first set pinapace pa niya ko eh. Hahah.

 

“Thanks coach Kevin Eijansantos! One for the books too. Napressure ako dagdag ka pa sa iisipin ko AG ko. Lakas mo! Grabe di ako pwede pumetiks!”

(RUEL J. MENDOZA)

Pagkatapos ng pakikipaglaban sa breast cancer: Hollywood actress na si SHANNEN DOHERTY, pumanaw sa edad na 53

Posted on: July 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW sa edad na 53 ang Hollywood actress na si Shannen Doherty na kilala bilang si Brenda Walsh sa ‘90s drama series na ‘Beverly Hills 90210’ at bilang si Prue Halliwell sa ‘90s fantasy-comedy series na ‘Charmed’.

 

July 13 noong pumanaw ang aktres pagkatapos ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na breast cancer since 2015.

 

Born in Memphis, Tennessee, nagsimula bilang child actor si Shannen at una siyang lumabas sa TV series na Little House on the Prairie.

 

Lumabas siya sa mga pelikulang Girls Just Want To Have Fun, Heathers, Mallrats at Jay & Silent Bob Strikes Back. Huli niyang TV appearance ay sa Riverdale.

 

Tatlong beses ikinasal si Doherty, na ang pinakahuli ay nauwi rin sa divorce noong 2023 sa photographer na si Kurt Iswarienko.

(RUEL J. MENDOZA)

 

 

 

***
GMA Pictures, may YouTube channel na!

 

IBANG level na ang panonood ng mga pelikulang Pinoy dahil ipinakilala na ng GMA Pictures ang official YouTube channel nito – www.youtube.com/@GMAPictures – ngayong Hulyo.

 

Tiyak na mae-enjoy ng viewers ngayong buwan ang high-quality at well-loved films na gawa ng GMA Pictures, katulad ng “The Road,” “Mulawin the Movie,” “Just One Summer,” “My Kontrabida Girl,” “I will Always Love You,” at marami pang iba.

 

Kasama rin sa mapapanood dito ang “Ang Panday,” “Dance of the Steel Bars,” “I.T.A.L.Y.,” “In Your Eyes,” “My Lady Boss,” “The Promise,” “When I Met U,” “Tween Academy,” “You To Me Are Everything,” “Boy Pick-Up The Movie,” “Patient X,” at “Temptation Island.”

 

Bukod pa sa Kapuso films, mahigit 300 pelikula pa ang inaasahang magiging available sa GMA Pictures YT channel, mula sa iba’t ibang genre tulad ng action, drama, comedy, romance, adventure, suspense, at historical movies.

 

Dahil sa paggawa ng mga high-quality at culturally relevant na pelikula, naging prominente ang GMA Pictures sa Philippine cinema landscape at umani ng papuri mula sa mga lokal at internasyonal na manonood.

 

Kabilang na rito ang Philippine Centennial offering ng GMA Films, ang highly successful na “Jose Rizal” na ipinalabas noong 1998. Sinundan pa ito ng “Muro Ami” noong 1999.

 

Noong 2023, muling ipinamalas ng GMA Pictures sa moviegoers ang paggawa ng mga fresh at edgy titles tulad ng “The Cheating Game,” “Video City” (co-produced kasama ang Viva Films), at “Five Breakups and a Romance” (co-produced kasama ang Cornerstone Studios at Myriad). Sa taon ding ito mas lalong pinagtibay ng GMA Pictures ang kanilang comeback sa pamamagitan ng “Firefly” na nanalo ng back-to-back Best Picture awards sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at Manila International Film Festival sa Los Angeles.

 

Ngayong taon naman, inilunsad nito ang latest collaboration kasama ang Viva Films, ang suspense-thriller na “Playtime.”

 

Kabilang din ang GMA Pictures sa 2024 Cinemalaya Independent Film Festival. Mapapanood sa Cinemalaya ang full-length film entry na “Balota” mula sa GMA Pictures at GMA Entertainment Group. Ang kauna-unahang investigative docu-film ng GMA Public Affairs na “Lost Sabungeros” ay magiging bahagi rin ng film festival. Magkakaroon din ng special screening para sa “Firefly,” digitally-restored na “Jose Rizal,” at highly acclaimed documentaries ng GMA.

 

Mag-subscribe sa official Youtube channel ng GMA Pictures www.youtube.com/@GMAPictures. Para malaman ang iba pang tungkol sa GMA Pictures, bisitahin ang www.gmanetwork.com/films/.
Para sa latest updates sa GMA Network, bisitahin ang www.gmanetwork.com.
(ROHN ROMULO)

Sa ika-50 edisyon ng taunang Metro Manila Film Festival: VIC, VICE at PIOLO, nagbabalik dahil pasok ang kanilang movies

Posted on: July 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGDIWANG ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagsisimula ng golden jubilee noong Hulyo 16. 2024, na may engrandeng paglulunsad ng ika-50 edisyon na may temang ‘Sine-Sigla sa Singkwenta.’

 

Itinampok ng espesyal na kaganapang ito ang makabuluhang kontribusyon ng MMFF sa lokal na pelikula. at entertainment industry, gayundin ang papel nito sa pagpapalakas ng malikhaing ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga job fora mga Pilipino.

 

Dumalo si First Lady Louise Araneta-Marcos, ay isang masugid na tagasuporta ng sining at kultura ng Pilipinas. Pinuri niya ang MMFF bilang beacon of Filipino creativity and talent sa loob ng limang dekada, na nagpapatingkad sa makabuluhang impluwensya nito sa diwang masining ng bansa.

 

Nanguna sa mga seremonya sina MMFF at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair, Atty. Romando Artes.

 

Binigyang-diin niya ang makabuluhang suporta para sa industriya ng pelikula. stating, “Nais kong banggitin na simula 2016, ang mga amusement taxes na nai-waive ng mga LGUs para sa MMFF ay 100 porsiyento nang inilaan sa ating mga benepisyaryo, tulad ng Movie Workers Welfare Fund (MOWELFUND), Film Academy of the Philippines ( FAP), Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board (OMB), at Film Development Council of the Philippines (FDCP) – isang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa industriya. Ito ay nagpapakita ng ating suporta sa ating masisipag na manggagawa pelikula, na ngayon sa kanila na ipagpatuloy ang kanilang gawain sa larangan ng paggawa ng pelikula.”

 

Isa nga sa mga highlight ng selebrasyon ay ang pagri-reveal ng ng first five official movie entries para sa #MMFF50, na Mula sa 39 scripts na sinumite.

 

 

Ang first five entries for the #MMFF50 Metro Manila Film Festival (MMFF) ay ang mga sumusunod:”

1. And the Breadwinner Is (ABS-CBN Films Prod./The IdeaFirst Compamy)
Starring Vice Ganda, Eugene Domingo, Maris Racal, Kokoy De Santos, Anthony Jennings, Gladys Reyes and Ms. Gina Pareño
Directed by Jun Robles Lana
2. “Green Bones” (GMA Films)
Starring Sofia Pablo and Dennis Trillo
Directed by Zig Dulay
3. “Strange Frequencies: Haunted Hospital” (Reality MM Studios, Inc.)
Starring Enrique Gil, Rob Gomez, Jane De Leon, Alexa Miro and MJ Lastimosa
Directed by Kerwin Go
4. “Himala, Isang Musikal” (Kapitol Films/Unitel, Inc.)
Starring Aicelle Santos, Bituin Escalante, David Ezra, Vic Robinson
Directed by Jose Lorenzo ‘Pepe’ Diokno
5. “The Kingdom” (APT Entertainment, Inc./MZet TV Prod. Inc./MQuest Ventures, Inc.)
Starring Vic Sotto Sue Ramirez Cristine Reyes Sid Lucero and Piolo Pascual
Directed by Michael Tuviera

 

***

 

ISANG commemorative video ang nagpakita ng limang dekada ng ng MMFF sa naka-apekto sa Philippine cinema, na nagtapos sa pagbubunyag ng 50th-anniversary logo. Binigyang-diin ng visual tribute na ito sa legacy ng festival at ang mga kontribusyon nito sa industriya ng pelikula.

 

Ang mga naging host na sina Jake Ejercito at Isabelle Daza ay nananatiling nakatuon sa kanilang pagtatanghal ng serye ng buwanang aktibidad na binalak upang gunitain ang milestone anniversary:
Agosto: Paglunsad ng isang espesyal na MMFF classic posters mural sa pakikipagtulungan sa i-Academy.

 

Setyembre: ‘Sine-Singkwenta’, tampok ang 50 piling pelikulang Pilipino na ipinalabas sa mga sinehan sa halagang P50 lamang.

 

Oktubre: Regional launching ng MMFF50, kasama ang MMFF50 Student Film Caravan sa Universidad de Manila sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Ang kaganapang ito ay magtatampok ng dalawang araw na masterclass sa pagdidirek, pag-arte, cinematography, at scriptwriting para sa 100 senior high school at mga mag-aaral sa kolehiyo
Bukod pa rito, magkakaroon ng celebrity golf tournament at MMFF50 Masterclass with international Filipino screenwriters, producers, at animators.

 

Disyembre: Ang annual MMFF50 parade sa Disyembre 15, ang Movie Premiere week mula sa December 15 to December 20, MMFF Sponsors Night sa December 21, and the highly anticipated MMFF50 Gabi ng Parangal on December 27.

 

To commemorate this event. MMFF will present a customized trophy for the Gabi ng Parangal, crafted by renowned Filipino artist na si Jefre.

 

Nagpahayag din ng suporta si Manila Mayor Honey Lacuna, na itinampok ang papel ng MMFF sa kultura at ekonomiya ng lungsod. Nabanggit niya na ang MMFF ay naging mahalagang bahagi ng kultural at pang-ekonomiyang eksena ng Maynila, na nagtaguyod ng parehong artistikong talento at espiritu ng komunidad.

 

Binigyang-diin ni Mayor Lacuna na ipinagmamalaki ng lungsod na suportahan ang isang kaganapan na nagpapayaman sa pamana nitong kultura nagbibigay ng trabaho at inspirasyon para sa mga tao nito.

 

Noong Setyembre 1975, pinalawak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang saklaw nito upang isama ang kalakhang Maynila, na pinangalanan itong ‘Metropolitan Film Festival.

 

Ngayon, ang MMFF ay isang taunang kaganapan na inorganisa ng MMDA at ginaganap sa buong bansa, simula sa Araw ng Pasko hanggang sa Araw ng Bagong Taon at hanggang sa unang linggo ng Enero, na eksklusibong nakatuon sa mga pelikulang gawa ng Filipino.

(ROHN ROMULO)

 

Nag-promote ng serye at movie nila ni Kathryn: ALDEN, pinasaya ang mga Kapamilya nang mag-guest sa ‘It’s Showtime!’

Posted on: July 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINASAYA ni Alden Richards ang mga Kapamilya dahil guest siya ngayong araw ng Sabado, July 13 sa ‘It’s Showtime!’

 

 

 

Ang nakakatuwa pa kay Alden, paglabas niya onstage ay isa-isa niyang bineso ang mga hosts ng naturang Kapamilya noontime show, minus Vice Ganda na wala sa show at nasa Japan yata?

 

 

 

Hindi lamang iyan, bumaba si Alden sa audience section at isa-isang kinamayan ang mga taong nanonood sa studio!

 

 

 

Biro nga ni Ogie Alcasid welcome raw sa meet-and-greet ni Alden. Ganoon na,an talaga ka-friendly at kabait si Alden sa mga fans, kaya naman walang kupas ang kasikatan ng binatang Kapuso.

 

 

 

Nag-promote na rin si Alden ng pelikulang gagawin nila ni Kathryn Bernardo ang ‘Hello Love Again’ at malapit na raw silang lumipad patungong Canada ni Kathryn kung saan ang location ng shoot ng movie na isa na namang potential box-office.

 

 

 

At nakakatuwa rin na malayang nai-promote ni Alden sa Kapamilya Network ang upcoming serye nila sa GMA ang ‘Pulang Araw’ kung saan magkakasama sila nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Dennis Trillo na mapapanood na sa GMA simula July 29.

 

 

 

Who would have imagine na darating ang araw na ang show sa channel 7 ay maipa-plug sa channel 2?

 

 

 

Wala na nga yatang imposible sa showbiz.

 

 

 

***

 

 

GANDANG-GANDA kami sa mukha ng bagong alaga ni Rams David na si Jess Martinez.

 

 

Si Jess, na napapanood sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ at talent ng Artist Circle Talent Management.

 

 

Aware si Jess na nangunguna sa ratings game ang naturang serye.

 

 

“Yes, tapos ilang years na,” bulalas niya.

 

 

Hindi raw siya pressured tungkol dito.

 

 

“No, naman kasi I love what I’m doing so hindi siya pressure for me. Actually I’m very honored nga to be part of the show kasi yung mga artista na nandun very bigatin.

 

 

“So to be able to be there parang it’s a huge thing for me.”

 

 

Nakatsika namin si Jess sa opisina ng Medicare Plus kung saan nagtungo si Jess upang gumawa ng Tiktok videos kasama ang South Korean actor/model at ‘Handsome Tigers’ star na si Moon Su-in na brand ambassador ng Medicare Plus.

 

 

Present rin ng araw na iyon, sina Rams at Shyr Valdez na brand ambassador rin ng Medicare Plus at si JayJay Viray na CEO ng Medicare Plus.

 

 

 

Si Jess rin ang celebrity endorser ng Skinlandia, ang bagong beauty and wellness clinic na kapatid ng Nailandia Nail Studio and Body Spa na kapwa pag-aari ng mag-asawang Noreen at Juncynth Divina.

 

 

 

Ano ang pakiramdam na ineendorso niya ang isang bagong clinic na pampaganda at masasabing nakasalay rin sa kanya ang tagumpay nito?

 

 

 

“Well hindi naman siya nakaka-pressure for me pero grabe,” bulalas ni Jess, “I was like super-happy na grabe ang tiwala sa akin ng Skinlandia family kasi andaming ibang artists and then established na yung Nailandia so madali na lang ipaingay yung Skinlandia.

 

 

 

“So they have a lot of options pero ako yung pinili so grabe,” ang masayang sambit pa ni Jess.

 

 

 

“More on grateful than pressured.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Mukhang sigurado na sa pagbabalik sa Maynila: ISKO, tatakbong muli at kakalabanin si Mayor HONEY

Posted on: July 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SIGURADO na raw ang pagbabalik ni Isko “Yorme” Moreno sa pulitika at sa siyudad ng Maynila.

 

 

Tatakbong muli ang dating alkalde ng Maynila na tumalo sa nakaupong mayor noon na si Erap Estrada.

 

 

 

Supposed to be sa senado ang puntirya ni Yorme pero biglang nag-decide siya na babalikan ang pamumuno sa Manila City Hall.

 

 

Umarangkada rin naman sa survey ng mga senatoriables si Yorme pero ayon sa nakuha naming info ay mukhang hindi pa raw nagkakasundo ang partido ni Isko kung kanino sila makipag-alyansa.
Isang cabinet posisyon ang ino-oper sa aktor/politician ng pamunuan ni PBBM pero tinanggihan yun ni Yorme

 

 

Ngayong nagdesisyon na si Isko, marami ang nagtatanong kung itutuloy ni Mayor Honey Lacuna ang pagtakbo sa kongreso kung sakaling babalikan ni Yorme ang dating posisyon.

 

 

Pero ang latest, hindi raw bibitiwan ni Mayor Honey ang pagiging mayor ng Maynila kesehodang si Isko ang makakalaban niya.

 

 

Kaya ngayon nagkakagulo ang mga pulitiko sa Maynila. May aanib pa rin kay Lacuna pero mas higit at karamihan sa mga ito ay nasa tiket ni Isko Moreno.

 

 

***

 

 

TUMAGAL ng tatlong taon ang relasyon ng dating magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque.

 

 

Maraming mga natutunan daw si Bea sa pakikipagrelasyon niyang yun na nauwI lang sa wala.

 

 

”Well, I’ve always known I’m resilient but I didn’t know I’m less resilient. That made me stronger. Natutunan kong i-cancel talaga ‘yung mga noise na hindi kailangan sa buhay ko.

 

 

“And I accept or embrace those opinions that adds values to my life. Maraming salamat, I’m grateful to all the beautiful memories and even the not so beautiful memories because it made me stronger. It made me who I am right now,” sey pa ni Bea sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda.“

 

 

Dagdag pa ng magaling na aktres na medyo ini-enjoy daw niya ngayon ang sarili sa na dating hindi raw niya nagawa.

 

 

“I’m just having fun, meron na rin akong time makipag-hangout sa mga kaibigan ko and do the things that made me happy. I’m just enjoying my life. I guess I’m embracing the uncertainty,” say ni Bea.

 

 

“Kasi na-realize ko, minsan marami tayong plano sa buhay natin but God’s plans are always better. So, I’m just here to embrace the uncertainty. Kung ano ‘yung nakalaan para sa akin,” seryosong banggit pa ng Kapuso aktres.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Dingdong, Marian, Alden at Julia, pararangal: GLADYS, LA at JC, waging best supporting actress at actor sa ‘40th Star Awards for Movies’

Posted on: July 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INILABAS na ng PMPC ang partial list ng mga nagwagi sa minor at technical categories ng 40th Star Awards for Movies.

 

 

Kasama na rin ang special awards sa pangunguna nina Alden Richards at Julia Montes na nanalong Movie Loveteam of the Year para sa pelikulang “Five Breakups And A Romance” at pagbibigay ng parangal sa mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang Takilya King and Queen para sa record-breaking movie nilang “Rewind.”

 

 

Itinanghal bilang Movie Supporting Actor of the Year si JC Santos para sa “Mallari” at si LA Santos para sa “In His Mother’s Eyes.” Si Gladys Reyes naman ang nagwaging Movie Supporting Actress of the Year para sa “Here Comes The Bride.”

 

 

Ang Movie Ensemble Acting of the Year ay nakuha ng cast ng “Mallari”.

 

 

Ang New Movie Actor of the Year ay si Dustin Yu (Shake Rattle And Roll Extreme – Rage episode) at ang New Movie Actor of the Year ay si Ysabel Ortega (Firefly).

 

 

Wagi naman si Euwenn Mikaell (Firefly) ng Movie Child Performer of the Year.

 

 

Malalaman ang mga nagsipagwagi sa huling anim na major categories sa mismong Gabi ng Parangal na magaganap sa July 21, 2024 sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo De Manila University, Quezon City.

 

 

Kabilang dito ang Movie Actress of the Year, Movie Actor of the Year, Movie of the Year, Movie Director of the Year, Indie Movie of the Year, at Indie Movie Director of the Year.

 

 

Kaabang-abang kung sino sa apat na movie queens na magsasabong – sina Star for All Seasons Vilma Santos (When I Met You In Tokyo), Megastar Sharon Cuneta (Family Of Two), Diamond Star Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes), at Superstar Nora Aunor (Pieta) – ang tatanghaling Movie Actress of the Year.

 

 

O baka naman masilat pa ang parangal ng iba pang nominadong aktres na kinabibilangan nina Gina Alajar (Monday First Screening), Ai-Ai delas Alas (Litrato), Alessandra De Rossi (What If), Gladys Reyes (Apag), Kathryn Bernardo (A Very Good Girl), at Marian Rivera (Rewind).

 

 

Maglalaban naman para sa Movie Actor of the Year sina Christopher De Leon (When I Met You In Tokyo), Dingdong Dantes (Rewind), Piolo Pascual (Mallari), Coco Martin (Apag), Alden Richards (Five Breakups And A Romance), Cedrick Juan (Gomburza), Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes), Romnick Sarmenta (About Us Not About Us), Sean De Guzman (Fall Guy), at Alfred Vargas (Pieta).

 

 

Espesyal ang magiging selebrasyon ng PMPC ng ika-40 taon o apat na dekada ng Star Awards for Movies kaya naman apat na tinitingalang mga artista ang pararangalan ng Dekada Awards – sina National Artist Nora Aunor, Christopher de Leon, Piolo Pascual, at Vilma Santos.

 

 

Napili ang apat na Dekada Awardees base sa pinakamaraming bilang ng Acting Awards na napanalunan sa loob ng 40 taon o apat na dekada ng Star Awards for Movies (Top 2 for actors, Top 2 for actresses).

 

 

Igagawad ang Lifetime Achievement Awards sa dalawang haligi ng Philippine showbiz na sina veteran actress Liza Lorena (Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award) at veteran movie producer Vic del Rosario Jr. (Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award).

 

 

Bibigyang-parangal ng Ethel Ramos Dean’s Lister Award ang veteran columnist at dating PMPC President na si Ronald Constantino dahil sa malaking ambag niya sa club at maging sa industriya.
Ang 40th Star Awards for Movies ay inoorganisa ng mga opisyal at miyembro ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nito na si Rodel Ocampo Fernardo. Katuwang ng PMPC ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard. Ang awards night ay ididirehe ni Eric Quizon.

 

 

Ang kabuuan ng awards night ay ipalalabas sa A2Z sa July 27, Sabado,10:30 ng gabi.