• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Subheadlines’ Category

PBBM, binisita ang mga pamilyang lumikas sa Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City

Posted on: July 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINISITA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pamilyang lumikas sa Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City dahil sa bahang idinulot ng habagat at bagyong Carina. Pinangunahan din ni PBBM ang pamamahagi ng suporta ng pamahalaan sa mga nasalanta.

PBBM pinatitiyak mga isolated areas ang prayoridad na mabigyan ng tulong dahil sa kalamidad

Posted on: July 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga concerned agencies na prayoridad na mabigyan ng tulong ang mga isolated areas dahil sa kalamidad. 
Sa situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, iginiit ni PBBM na mahalaga ang papel at patuloy na suporta ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matiyak ang epektibong relief operations.
Aniya, importante rin ang pakikipagtulungan sa Office of Civil Defense o OCD upang mabigyang-pansin ang mga lugar na ilang araw nang hindi nakakatanggap ng tulong.
Ipinag-utos naman ng Pangulo ang agarang paghahanda at paghahatid ng kinakailangang tulong sa mga kritikal na lugar habang kinilala rin nito ang kagyat na pangangailangan sa sitwasyon ng mga ito. (Daris Jose)

PBBM sa Kongreso, aprubahan ang 2025 budget na may kaunting rebisyon

Posted on: July 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga mambabatas na aprubahan ang executive-crafted National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2025 sa kanilang ” usual timely manner” at umaasa na mayroon lamang na kaunti hanggang sa walang rebisyon o pagwawasto.
“We look to the cooperation of our colleagues in the legislature, not only that our proposed national budget be approved in your usual timely manner, but it be adhered to as closely as possible,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Quezon City, araw ng Lunes.
Tinuran ni Pangulong Marcos na ang 2025 NEP ay ” crafted with utmost care, diligence, and meticulous attention.”
Nakatakda namang magsumite ang Department of Budget and Management (DBM) ng 2025 NEP sa Kongreso sa Hulyo 29.
“We expect all agencies to ensure that every centavo allocated will be judiciously spent for our urgent priorities and socially impactful programs,” ang sinabi ng Chief Executive.
Ang executive-crafted NEP ay dadaan sa ilang buwan ng pagrerebisa at rebisyon ng mga mambabatas, una ay sa mga kongresista at pagkatapos ay sa mga senador.
Ang spending plan ang siyang magiging basehan ng Congress’ General Appropriations Bill, na isusumite naman sa Pangulo para aprubahan, kadalasan ay bago matapos ang fiscal year.
Samantala, ang 2025 national budget ay nakapako sa P6.35-trillion, kung saan 10.1% na mas mataas kaysa sa budget ng bansa ngayong taon. (Daris Jose)

Speech sa SONA, fine-tuning na lang-PBBM

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FINE-TUNING na lang ang ginagawa nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa magiging talumpati niya sa kanyang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 22, 2024 sa Batasang Pambansang Complex sa Quezon City.

 

 

“Tuloy tuloy pero yung kabuuan ng speech ko, tapos na. Fine-tuning na lang ang ginagawa namin. Aayusin namin ‘yan lahat bukas at saka hanggang Linggo para maging handa sa SONA sa Lunes,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.

 

 

 

Ang problema lamang aniya kasi ay maraming problema na nais niyang pag-usapan.

 

 

“So, ang problema, napakarami ang gusto kong pag-usapan, baka humaba masyado, kaya hinahanapan namin, pina- prioritize namin lahat, tapos baka pwede makapag-explain ang ating mga secretary doon sa mga detalye ng iba,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

 

 

 

“Kaya andun tayo ngayon, tapos na yan. Sinusubukan lang natin,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na personal na sinusulat ni Pangulong Marcos ang laman ng kanyang ulat para sa bayan.

 

 

 

Sinabi pa ng kalihim na kasama sa ginagawa ng pangulo ang pag-edit mismo ng kanyang SONA speech.

 

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na nakatutok sa lagay ng ekonomiya ng bansa, kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at ilegal na droga, ang pagpagpapabuti sa buhay ng mga Filipino ang laman ng kanyang SONA.

 

 

Inaalaala naman ni Pangulong Marcos kung paano pagkakasyahin sa loob ng isang oras ang kanyang SONA.

 

 

Samantala, okay lang kay Pangulong Marcos kung hindi na magsilbi sa kanyang gabinete si Vice-President Sara Duterte.

 

 

“Eh… Okay. That’s her position,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

VP Sara, pinangunahan ang kick-off event ng ‘Brigada Eskwela 2024’

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
PINANGUNAHAN ni Vice President at outgoing Education Secretary Sara Duterte ang ceremonial kick-off ng “Brigada Eskwela 2024” sa Cebu City, araw ng Miyerkules, Hulyo 17.
Sa kanyang naging talumpati, pinalawig ni Duterte ang kahalagahan ng Brigada Eskwela.
“Some of us might think of cleaning doors and repainting walls or giving out donations, such as books and school supplies. But I assure you, it is much more than that,” ayon kay Duterte.
“‘Brigada’ comes from the military term brigade, which means a group of people organized for a special mission. Today, our special activity goes beyond just organizing an event. It is about bringing the MATATAG Agenda to life outside the confines of our classrooms by putting the ‘eskwela’ in ‘brigada’,” aniya pa rin.
Sa ilalim ng temang, “Bayanihan Para sa MATATAG na Paaralan,” binigyang diin ni Duterte ang kapangyarihan ng ‘partnership’ para pangalagaan ang matibay at malakas na ‘educational environments.’
“We are all here to prove that with the power of partnership, it builds walls to strengthen, not to divide. Today, we have a total of 72 partners standing strong with us in ‘bayanihan’ para sa MATATAG na Paaralan,” lahad nito.
Muling isinatinig ng Department of Education (DepEd) ang commitments nito sa ilalim ng “MATATAG Agenda: Bansang Makabata, Batang Makabansa,”binalangkas ni Duterte ang mga pangunahing prayoridad para sa paparating na school year.
“We have made many strides to resolve basic education challenges,” ayon kay Duterte.
Winika pa ni Duterte na para sa School Year 2023-2024, binibigyang-diin ng Basic Education Report na gawing ligtas ang mga eskuwelahan para sa mga bata, palakasin ang mekanismo sa pagbabantay sa mga mag-aaral laban sa lahat ng uri ng karahasan, diskriminasyon at panganib, at bigyang-diin ang kapakanan ng mga mag-aaral, mangyayari kung kapit-kamay sa promosyon ng ‘inclusivity’ sa eskuwelahan.
“Building on what we have accomplished in the past, DepEd renews its commitments for School Year 2024-2025, and we understand that we cannot do this alone, that to achieve we must muster the support of many, of like-minded people, and dedicated people,” aniya pa rin.
Pinuri naman ni Duterte ang pagsisikap ng DepEd sa paghahanda sa bawat school year, partikular na sa pamamagitan ng Brigada Eskwela.
“In the 2023 edition, we amassed a total of P5.56 billion in resources, including volunteer man-hours and materials. This demonstrates that there is strength in numbers, and even greater strength when we come up and show up together,” ang tinuran ni Duterte.
Aniya pa, ang Brigada Eskwela ay hindi lamang para tugunan ng kaukulangan ng eskuwelahan kundi para ipakita ang ‘social and cultural importance’ ng pagsasama-sama.
“And this bayanihan will be put to waste if we do not continue to show what MATATAG means in our own little way,” aniya pa rin.
“Let us hope that our learners will be ready for the opening of classes and for the challenges that they will be facing. As they look at the four walls around them, may they be reminded not just of the resources that are provided but of the bayanihan experience that we shared,”dagdag na wika ni Duterte. (Daris Jose)

PBBM, abala sa paghahanda sa SONA

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
HANDS on si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagsasapinal ng kanyang magiging talumpati para sa kanyang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 22, 2024 sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Sa katunayan, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay walang anumang engagement ang Pangulong Marcos khapon, Miyerkoles dahil abala ito sa paghahanda para sa kanyang pangatlong SONA.
“The President is on top of finalizing his SONA speech. He has no engagement today because he is preparing for the SONA,” ayon sa PCO.
Nauna rito, sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na handa na ang Kamara para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. na isasagawa sa darating na Lunes.
Sinabi ni Romualdez, na ang mga paghahanda para sa SONA 2024 ay matagumpay kaugnay naman ng isinagawang pinal na interagency meeting sa pagitan ng Office of the President, mga kinatawan ng Kamara at Senado at iba pang ahensya nitong Hulyo 15 para tiyakin ang seguridad sa SONA.
Ayon kay Romualdez habang ang SONA ay sumasalamin sa tagumpay ng administrasyong Marcos ay mai-outline rin ang plano ng Pangulo sa mga susunod na taon kabilang ang papel ng Kong­reso para dalhin ang mga prog­rama ng gobyerno sa mamamayang Pilipino.
Sinabi ni Romualdez na ang mahalagang talumpati sa bayan ng punong ehekutibo ay magbibigay ng komprehensibong pangkalahatang ideya sa progreso ng administrasyon at magtakda ng entablado para sa mga lehislatibong inis­yatibo sa hinaharap para isaayos ang landasin ng bansa. (Daris Jose)

Hamon ni PBBM kay Quiboloy: “Magpakita ka at harapin ang akusasyon laban sa iyo!”

Posted on: July 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
HINAMON ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na lumutang, magpakita at matapang na harapin ang akusasyon na ibinabato laban sa kanya.
Sa isang ambush interview, hiningan ng reaksyon si Pangulong Marcos ukol sa pagkuwestiyon ng kampo ni Quiboloy sa motibo ng mga indibiduwal na nag-alok ng P10 milyong pabuya para ituro ang kinaroroonan ng Pastor.
Sinabi ng Pangulo na sinusunod lamang nila ang batas sabay buweltang pag-kuwestiyon din sa motibo ng kampo ni Quiboloy.
“He can question their motives as much as they want. But magpakita siya. I question his motives. Let me question his motives,” ang sinabi ng Pangulo.
“Bakit lagi kami kinukuwestiyon? Sinusundan lang namin ang batas. Sundin din niya ang batas. ‘Yun lang,” aniya pa rin.
Sa ulat, inakusahan ng sexual at child abuse si Quiboloy.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 (Other Sexual Abuse), na nakapokus sa proteksiyon ng mga kabataan laban sa pang-aabuso, exploitation, at diskriminasyon.
May karagdagan pa umanong kaso sa ilalim ng Section 10(a) ng nasabi ring batas (Other Acts of Child Abuse) ang isinampa laban kay Quiboloy, at kina Jackielyn W. Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid C. Canada, at Sylvia Cemanes.
Inendorso naman ng Davao City Prosecutor’s Office ang reklamo para sa Qualified Trafficking in Persons sa DOJ main office. (Daris Jose)

Binay inireklamo na sa Ethics si Cayetano

Posted on: July 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang naghain ng reklamo si Sen. Nancy Binay laban kay Sen. Alan Peter Cayetano nitong Lunes sa Senate Committee on Ethics and Privilege.

 

 

 

Partikular na inireklamo ni Binay ang pagtawag sa kanya ni Cayetano ng ‘marites’, isang popular na tawag ng mga Filipino sa mga tsismosa.

 

 

 

Binanggit din ni Binay ang akusasyon sa kanya ni Cayetano na nanggugulo sa pagdinig ng Senate committee on accounts tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa New Senate Building.

 

 

Inilagay din ni Binay sa kanyang reklamo ang pagtawag sa kanya ni Cayetano ng “buang.”

 

 

 

“Paulit-ulit na tayo kanina pa na P21.7 billion. Nabuang ka na ‘day,” sinabi ni Cayetano kay Binay sa pagdinig.

 

 

Sinabi ni Binay na maliwanag sa Senate Rules na ituturing na “unparliamentary” ang paggamit ng mga nakakasakit na mga pananalita laban sa kapwa senador o anumang public institution.

 

 

 

Nilabag umano ni Cayetano ang Section 93 at 94 ng Rule 34 na nagbabawal sa paggamit ng unparliamentary act at languages sa pamamagitan ng kanyang mga statements sa public hearing noong Hulyo 3, 2024 at Republic Act No. 9710 o Magna Carta of Women.

 

 

 

Nauna rito, sinimulan ni Cayetano ang pag-iimbestiga sa New Senate Building matapos ipag-utos ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pagrepaso sa halaga ng konstruksyon nito, na sinasabing aabot sa mahigit na P23 bilyon.

 

 

 

Sa panayam, sinabi ni Binay na hindi na niya papalampasin ang mga banat sa kanya ni Cayetano.

 

 

 

“Hindi lang ito tungkol sa akin. Nanay ako. May mga anak ako at alam ko ang mga pinagdaanan ng mga bata noong tinitira niya ‘yung pamilya ko noong 2015 and parang during this time, I cannot let it pass anymore,” ani Binay. (Daris Jose)

Utang ng bansa, lumobo pa sa P15.35T

Posted on: July 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Bureau of Treasury na lumobo pa ang utang ng Pilipinas sa P15.35T as of May ng kasalukuyang taon.

 

 

 

Ayon sa ahensya, ang kabuuang utang ay tumaas ng P330.39 bilyon o katumbas ng 2.2 percent sa katapusan ng April 2024.

 

 

 

Ito ay dahil na rin sa epekto ng pagbaba ng halaga ng local currency sa valuation ng foreign-currency denominated debt.

 

 

 

Nakapagtala rin ang bansa ng year-on-year na pagtaas sa utang nito na aabot sa 8.4 percent.

 

 

Batay sa kabuuang debt stock ng national government, 31.96 percent ang external debt habang 68.04 percent ang domestic debt.

 

 

 

Ang domestic debt level sa katapusan ng buwan ng Mayo na P10.44 trilyon ay mas mataas ng 1.3 percent kumpara sa katapusan ng Abril.

 

 

 

Paliwanag ng BTr na ang pagtaas ay nagresulta mula sa P131.66 bilyong net issuance ng government securities at P2.68 bilyong epekto ng peso depreciation sa foreign-currency denominated domestic debt.

 

 

 

Samantala, ang local debt ng bansa ay pumalo sa pagtaas ng 8.9 porsiyento noong Mayo.

 

 

 

Tumaas rin ang external debt ng gobyerno sa P4.9 trilyon na mas mataas ng 4.2 porsiyento kumpara sa pagtatapos ng buwan ng Abril.

 

 

 

Ang external debt naman ay tumaas ng 7.4 porsyento sa year on year na batayan.

Trillanes, nagsampa ng plunder complaint laban kay Ex-PRRD at Sen. Bong Go

Posted on: July 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang naghain ng reklamong plunder si dating Senator Antonio Trillanes IV sa DOJ laban kay dating President Rodrigo Duterte at Senator Bong Go kaninang hapon.

 

 

 

Ang reklamong ito ay may kinalaman sa mga proyekto ng nakalipas na administrasyon.

 

 

 

“All the elements of plunder are clearly present in this case. Mr. Bong Go, in conspiracy with Mr. Duterte, used his position, authority and influence to corner billions worth of government projects in favor of his father and brother, thus unduly enriching himself and the members of his immediate family. The evidence presented in the complaint is compelling and warrants a plunder charge.” –Ex-Sen. Antonio Trillanes IV

 

 

Kung maaalala, aabot sa  P6.6 billion pesos na halaga ng government projects ang ini-award sa tatay at kapatid ni Bong Go sa ilalim ng administrasyong Duterte.

 

 

Punto nang senador, lahat ng elemento ng plunder ay makikita sa kasong ito.

 

 

Sa ngayon, wala pang komento ang kampo ng dating pangulo at kampo ni Sen. Bong Go.