• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Subheadlines’ Category

Gobyerno ng Pinas, gandang tulungan ang mga Filipinos na apektado ng LA wildfires

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAKAHANDA ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tulungan ang mga Filipinong apektado ng “massive wildfires” sa katimugang bahagi ng estado ng California.
“Sa ngayon, we’ve been trying to reach ‘yung ating mga kababayan through all possible means… Marami sa ating mga kababayan ay under mandatory evacuation,” ang sinabi ni DFA Assistant Secretary Adelio Angelito Cruz sa isang panayam.
Nauna rito, umapela ng tulong ang mga Filipino at Filipino-Americans na apektado ng malawak na wildfires matapos na ang ilan sa mga ito ay mawalan ng lahat dahil sa sunog.
Sa kabilang dako, nagpalabas naman ang Philippine Consulate General sa Los Angeles ng advisory na nananawagan sa mga mamamayang Filipino na pag-ukulan ng pansin ang diplomatic post para sa tulong.
“The Consulate is coordinating with local authorities and closely monitoring the situation of Filipino nationals in the affected areas. Filipino nationals requiring the Consulate’s assistance may call (323) 528-1528,” ang sinabi ng Consulate sa naturang advisory.
Sinabi pa rin ni Cruz na tanging tatlong pamilyang Pinoy lamang ang humingi ng tulong mula sa gobyerno ng Pilipinas.
“Kakaunti lamang ang humihingi ng tulong sa amin. We are assuming na marami silang kamag-anak sa LA at doon muna sila na naninirahan… Sa Palisades, walang masyadong mga Pilipino,” aniya pa rin.
Winika pa nito na may mahigit sa tatlong milyong Filipino ang nasa kabuuang estado ng California. ( Daris Jose)

Pista ng Mahal na Poong Nazareno ‘testamento’ sa pagkakaisa ng mga Filipino- PBBM

Posted on: January 10th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang Pista ng Mahal
na Poong Nazareno ang testamento ng “pagkakaisa at pagkakaibigan” ng mga Filipino.
Inihayag ito ng Pangulo bilang pakikiisa sa mga mananampalatayang Katoliko sa pagdiriwang ng Pista ng Mahal na Nazareno.
Ani Pangulong Marcos, ang makasaysayang tradisyon ay nasa isip na ng mga tao lalo na ang pananalig na ”allows us to find harmony in our faith as a people.”
Sa naging mensahe ng Chief Executive, sinabi nito na ang pagbubuhat sa imahe ng Poong Hesus Nazareno at Kanyang krusipiho ay pagpapa-alala sa lahat ng
“The great sacrifice our Lord and Savior went through in His life.”
”Moreover, it also speaks of the immense power and compassion of God who walks with us and hears our prayers, especially in our time of need,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
”This colossal gathering of Filipinos in the streets of Manila is a testament to our people’s solidarity and camaraderie,” dagdag na wika nito.
Dahil dito, hinikayat ng Pangulo ang publiko na harapin at mapagtagumpayan ang mga hamon na isang pagsubok sa kanilang pananampalataya at mabuting kalooban at abutin ang mga taong nangangailangan ng kanilang kabaitan at pakikiramay sa gitna ng pagdiriwang ng nasabing Kapistahan.
“Every Filipino has been able to epitomize the example of the Jesus Nazareno in their daily walks as hope bearers, peacemakers, and builders of society,’ ang paniniwala naman ni Pangulong Marcos. ( Daris Jose)

Hindi naman kasi saklaw ng election ban: mga proyekto at aktibidad ng DOTr, tuloy-tuloy na gagawin

Posted on: January 9th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TULOY-TULOY ang trabaho ng Department of Transportation (DOTr) lalo na sa mga proyektong matagal nang nais na ipatupad ng departamento.
Sinabi ni DOTr Sec. Jaime Bautista na hindi saklaw ng election ban ang tapusin ang lahat ng mga nagsimulang proyekto at aktibidad ng DOTr.
“”Iyong election ban natin is in a few days ‘no. You know, most of the projects of the Department of Transportation are to be implemented long-term ‘no. So, we will continue to implement the program ‘no. Siguro hindi naman kami maku-cover election ban because we have started all activities/projects already ‘no so we don’t think the election ban will affect the implementation of any of our projects in DOTr,” ang sinabi ni Bautista.
Sa ulat, magpapatupad ng nationwide gun ban ang Philippine National Police (PNP) simula January 12, kasabay ng pagsisimula ng election period para sa 2025 midterm elections sa May.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, magsasagawa ang mga pulis ng checkpoint operations sa mga estratehikong lugar upang tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng gun ban.
Base sa resolusyon ng Commission on Elections (Comelec), tanging mga lehitimong miyembro ng pulisya, militar, at iba pang law enforcement agencies at nasa official duty lamang ang papayagang magdala ng baril sa panahon ng election period.
Ang mga hindi sakop ng exemptions ay kailangang kumuha ng Certificate of Authority mula sa Comelec Committee on Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) upang mabigyan ng permiso. ( Daris Jose)

Galaw ng monster ship mahigpit na binabantayan at sinusundan ng PCG – NSC

Posted on: January 8th, 2025 by Peoples Balita No Comments
TINIYAK ng National Security Council (NSC) na tatapatan ng karampatang aksyon ng Pilipinas sa oras na gumawa ng anumang provocative action ang namataang  monster ship ng China sa karagatan malapit sa Zambales.
Ayon kay NSC Assistant Girector-General Jonathan Malaya na hindi pinababayaan at patuloy na sinusundan at minamanmanan ang galaw ng ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines (AFP)  sa Chinese coast guard 5901 vessel.
Dagdag pa ni Malaya, mahigpit din mino monitor ito ng Task Force North at National Task Force for the West Philippine Sea.
Patuloy din na binibigyan ng challenge ng ating mga otoridad ang Chinese vessel at binibigyang-diin na sila nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas at mali ang kanilang iginigiit na nagsasawa sila ng patrolya sa kanilang area of jurisdiction.
Naniniwala naman si Malaya na ang ginagawa ng China ay isang uri ng intimidation, coercion, deception, at agression kung saan ipinapakita nilang may ganito silang barko upang takutin ang mga mangingisda.
Dagdag pa ni Malaya na sa ngayon wala silang na monitor na nagsagawa ng pangha-harang at delikadong maneuvers ang Chinese monster ship.
Pinayuhan naman ng pamahalaan ang mangingisda sa lugar na ipagpatulong lamang ang kanilang pagpalaot at nakasuporta sa kanila ang gobyerno. (Daris Jose)

Mga patakaran sa AKAP, halos tapos na -DSWD

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments
HALOS tapos na ang binabalangkas na mga patakaran para sa kontrobersiyal na cash assistance program na Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (Akap).
Sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na layunin ng panukalang mga patakaran o alituntunin ay ang tiyakin ang ‘eligibility’ ng mga indibiduwal bago maging kuwalipikado bilang benepisaryo sa ilalim ng Akap, itinuturing itong ‘last-minute insertion’ sa 2025 General Appropriations Act at labis na inulan ng kritisismo dahil sa posibilidad na gamitin para ugain ang mga botante para sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Sinabi ni Gatchalian na nakapulong niya sina Labor Secretary Bienvenido Laguesma at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan noong nakaraang Biyernes para talakayin ng “refined intake form” para sa Akap.
Pagtugon ito sa naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa bagong guidelines para sa “conditional implementation” ng Akap at pagtalima sa kanyang line-item veto message ukol sa Akap.
“One of the agreed salient provisions in the guidelines was maintaining a ceiling on the number of household members who can avail the program to “minimize instances of duplication of aid,” ayon kay Gatchalian.
Maglalagay din sa guidelines ng mga “consequences” para sa mga mapanlinlang na gawain gaya ng ‘forging documents at beneficiary lists’ bagaman hindi naman nito idinetalye.
“Both Laguesma and Balisacan agreed to the proposed guidelines, believing this would “help pacify pertinent public concern” amid initial backlash to the program,” ang sinabi ng Kalihim.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na ang programa ay “intends to address the significant strain of inflation to the financial capacity of those who earn less than minimum wage,” bagaman ang tinutumbok ng mga kritiko ay kung paano na ang cash assistance program ay maaaring maging ‘prone’ sa korapsyon.
“In case of the social welfare in take, [the refined intake form] will show us if our clients’ goods are affected by the effects of inflation,” ang tinuran pa rin ni Gatchalian.
“Anybody can refer [a beneficiary to the program], but our social workers and the result of interviews and assessment will be followed at the end of the day,” aniya pa rin.
“The new intake form will also determine if the beneficiaries in the program were “indeed affected” by inflation,” ani Gatchalian, habang kinikilala naman nito ang mga state social workers na palaging “practiced prudence” sa pagsala sa mga indibiduwal bago pa hayaan ang mga ito sa programa. (Daris Jose)

Para bigyang daan ang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno: Enero 9, special non-working day sa Lungsod ng Maynila – Malakanyang

Posted on: January 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Para bigyang daan ang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno:
Enero 9, special non-working day sa Lungsod ng Maynila – Malakanyang
IDINEKLARA ng Malakanyang ang araw ng Huwebes, Enero 9, 2025, bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila para sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.
Nakasaad ito sa ipinalabas na  Proclamation No.766 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, may petsang Enero 3 na may pahintulot naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ginawa ni Pangulong  Marcos ang nasabing deklarasyon “in order to ensure orderly procession of devotees and to facilitate the flow of traffic”, at tugon na rin sa kahilingan ng city government.
May ilang aktibidad naman na naka-iskedyul para sa Feast of the Jesus Nazareno. Kabilang na rito ang ‘visitations’ na kasalukuyang nagpapatuloy mula Enero 1 hanggang 6, na may kasamang First Friday Masses noong Enero 3 at isang special Mass for volunteers sa Enero 6.
Ang tradisyonal na pahalik (kissing of the image) ay isasagawa mula Enero 7 hanggang 9.
Isang overnight vigil at programa naman ang magsisimula sa gabi ng Enero 8 at magpapatuloy hanggang sa umaga ng Enero 9.
Sa Enero 9, pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang midnight Mass bago pa ang Traslacion, isang grand procession na dinaluhan ng milyong mga deboto. (Daris Jose)

Pagpapaliban sa implementasyon ng mga infra projects, kinuwestiyon

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGBABALA  ang isang mambabatas sa negatibong epekto sa panukalang pagpapaliban ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa implementasyon ng ilang public works  project hanggang matapos ang midterm elections.
Ayon kay CamSur Rep. LRay Villafuerte, ang pagpapaliban sa mga ito kabilang na ang mga infrastructure projects para sa pagpapaggawa ng mga nasirang imprastraktura ay makakaapekto sa pagsusumikap ng gobyerno para palakasin ang katatagan sa mga high-risk communities, pagkakaroon ng dagdag trabaho at pagpapatuloy sa paglago ng ekonomiya.
 “Putting infrastructure projects on hold till the year’s second half, especially those planned public works meant to make vulnerable communities  highly resilient ahead of this year’s typhoon season, will mean putting these places at risk anew this year for the tropical cyclones and other natural calamities of increasing frequency and intensity as a consequence of the climate crisis,” anang mambabatas.
Importante aniya ang agarang implementasyon ng mga proyekto lalo na yaong mga programa para sa climate mitigation and adaptation na naglalayong ipasa-ayos ang mga nasirang imprastraktura na nasira ng bagyo.
Halimbawa aniya ang matinding trapiko papuntang Bicol lalo na noong kapaskuhan dala na rin sa ginagawang sira sirang daan dulot ng bagyo sa Andaya highway sa CamSur.
Kung ipagpapaliban aniya ng gobyerno ang pagpapatigil sa mga gaiitong proyetko ay inaasahang haharap muli ang mga motorista at commuters sa kahalintulad na bangungot ngayong taon. (Vina de Guzman)

PBBM, pinangalanan ang bagong PH ambassador to Hungary, iba pang mga bagong gov’t appointees

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Elena Algabre bilang pinakabagong Philippine ambassador to Hungary na may concurrent jurisdiction sa Bosnia at Herzegovina, Montenegro, at Serbia.
Sa katunayan, inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga pangalan ng mga bagong appointees noong Disyembre 31, 2024.
Kabilang din sa mga bagong DFA appointees ay sina Marie Charlotte Tang bilang non-resident ambassador to Ethiopia at ambassador Kenya na may concurrent jurisdiction sa Congo, Malaw, Seychelles, Somalia, South Sudan, Tanzania, Uganda, Rwanda, Burundi, at Comoros.
Mainit na tinanggap naman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) si Cynthia Paulino bilang miyembro ng Board of Directors na tatayong kinatawan ng Olongapo City.
Pinangalanan naman ng Pangulo sina Eduardo Robles Jr. at Henry Yap bilang mga undersecretary ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Itinalaga naman ni Pangulong Marcos ang ilang indibidwal sa National Prosecution Service ng Department of Justice (DOJ) sa iba’t ibang kapasidad.
Samantala, itinalaga ng Pangulo si Rene Diaz bilang assistant secretary ng Department of National Defense (DND), habang nagpadala rin ng mga bagong appointees sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Interior and Local Government (DILG), the Department of Trade and Industry (DTI), at the Department of Transportation (DOTr).
Si Martin Marvin Diño ay Presidential Legislative Liaison Officer II ng Office of the President (OP) ngayon.
Mainit na tinanggap naman ng United Coconut Planters Life Assurance Corporation ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) ang tatlong bagong miyembro ng Board of Directors nito. (Daris Jose)

LTO, nag-deploy ng maraming enforcers sa pagtatapos ng holiday break para sa kaligtasan ng publiko

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANAWAGAN si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II sa mga motorista na magdoble-ingat sa kalsada, lalo na’t inaasahang marami ang babiyahe pabalik sa kanilang trabaho at paaralan sa pagtatapos ng mahabang Holiday break ngayong weekend.
Ayon kay Assec Mendoza, inatasan na niya ang lahat ng Regional Directors at mga pinuno ng iba pang opisina ng LTO na tiyakin ang presensya ng mas maraming enforcers sa kalsada upang tumulong sa pamamahala ng trapiko at pagpapatupad ng mga batas trapiko para sa kaligtasan ng publiko.
“Ang ating mga tauhan, sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno, ay nasa lansangan upang tulungan ang ating mga kababayan sa kanilang pagbiyahe pabalik sa Metro Manila at iba pang urban areas sa pagtatapos ng mahabang Holiday break,” ani Assec Mendoza.
“Inaasahan natin ang mataas na volume ng mga sasakyan sa mga kalsadang patungo sa Metro Manila at iba pang urban areas kaya’t kailangang maramdaman ang ating presensya upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng bumibiyahe,” dagdag niya.
Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH), mahigit 500 na aksidente sa kalsada ang naitala mula sa pagsisimula ng Christmas break, kung saan higit sa anim na tao ang kumpirmadong nasawi.
Noong nakaraang buwan, iniutos din ni Assec Mendoza ang mas pinaigting na kampanya para sa kaligtasan sa kalsada, kabilang na ang mas agresibong operasyon laban sa mga trak na lumalabag sa mga regulasyon tulad ng overloading at paggamit ng mga sirang gulong.
Mahigit 25 may-ari ng trak ang nabigyan na ng show cause orders dahil sa mga operasyong karaniwang isinasagawa mula gabi hanggang madaling araw sa mga regular na ruta ng trak sa Metro Manila at iba pang lugar.
“Ang ating agresibong kampanya para gawing ligtas ang lahat ng ating kalsada ay bahagi ng adbokasiya para sa kaligtasan sa kalsada ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista, gayundin ng sariling kampanya ng ahensya na Stop Road Crash,” ani Assec Mendoza.
“Ngunit habang agresibo ang ating kampanya at operasyon para sa kaligtasan sa kalsada, nananawagan tayo sa lahat ng motorista na makiisa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan at pagsunod sa lahat ng regulasyon hindi lamang para sa kanilang kaligtasan kundi pati na rin ng lahat ng gumagamit ng kalsada,” dagdag pa niya.
Tiniyak din ni Assec Mendoza na sapat ang bilang ng mga tauhan sa mga pangunahing lansangan upang tumulong sa mga motorista sa kanilang biyahe patungo sa kanilang mga trabaho, partikular na sa Metro Manila.
Pinaalalahanan din niya ang mga motorista na tiyaking maayos ang kondisyon ng kanilang sasakyan, na ang driver ay hindi dapat nasa ilalim ng impluwensya ng alak o ilegal na droga, at may sapat na pahinga bago bumiyahe. (PAUL JOHN REYES)

PAOCC, nagbabala sa mga may-ari laban sa pagpapa-upa ng mga property sa illegal POGOs

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAAARING mawala mula sa mga establishment owners ang kanilang mga property kung papayagan ng mga ito na gamitin ang kanilang mga propyedad ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz na itutulak ng organisasyon na ma-forfeit ang kanilang mga ari-arian.
“Medyo delikado po ‘yan para sa kanila baka mawala ‘yung property nila kasi pwede po namin file-an ng criminal forfeiture ‘yan kung talagang inallow nila na ipagamit ‘yung kanilang property or resort nila para sa mga ganitong activity,” ang sinabi ni Cruz.
Irerekomenda rin aniya ng PAOCC ang paghahain ng reklamo sa mga naaangkop na awtoridad laban sa mga nagmamay-ari na pumayag na rentahan ang kanilang establishment para sa illegal na operasyon ng POGO.
Samantala, sinabi ni Cruz na isa sa mga tagapagpahiwatig ng POGO operation ay ang presensiya ng mga dayuhan at kapag ang residente ay hindi umalis sa bahay at makikitang aktibo sa loob ng 24 oras.
“Isa sa mga indicators is nag o-operate po sila gabi, madaling araw, tapos may mga foreigners po sa loob. Ngayon nagpapa-deliver na lang sila ng pagkain. Kadalasan hindi na sila nag luluto,” ani Cruz.
“Tapos po nagpapadagdag sila ng internet connection and then nakikita nila maraming sasakyan… ‘yun yung isa sa mga indicators,” aniya pa rin.
Kaya nga ang panawagan ni Cruz sa mga concerned citizens ay i-report ang ganitong senaryo sa mga awtoridad, ang pagrereport aniya ay mananatiling anonymous para sa kanilang proteksyon.
Samantala, ibinalita naman ni Cruz na ang isa sa establishment na sinalakay ng PAOCC sa Pasay City ay ginagamit ngayon bilang kanlungan para sa mga batang lansangan.
“‘Yung iba pong building na nahuli natin before ay nagagamit na po natin like ‘yung isang nahuli natin dito sa Metro Manila ginagamit na po nating parang tahanan po ng mga nakukuhang street children,” ani Cruz.
Winika pa nito na ang inisyatiba ay ginawa sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Daris Jose)