• July 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Subheadlines’ Category

Economic adviser ni ex-PRRD pahaharapin sa P3-B shabu probe ng Kamara

Posted on: May 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PAHAHARAPIN ng House Committee on Dangerous Drugs sa susunod nitong pagdinig kaugnay ng P3 billion halaga ng shabu na nakumpiska ng otoridad sa Pampanga si Michael Yang, na naging presidential economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo.

 

 

Ayon sa chairperson ng komite na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lumalabas sa imbestigasyon na ang Empire 999, ang kompanyang may-ari ng warehouse kung saan itinago ang nakumpiskang droga ay pagma-may-ari ng mga Chinese national na mayroon din iba pang maliliit na kompanya kasama ang ilang personalidad na nasangkot din sa anomalya noong nakaraang administrasyon.

 

 

Isa na rito si Lincoln Ong, na nagsilbing interpreter ni Michael Yang sa mga imbestigasyon ng Pharmally scandal.

 

 

Lumabas sa pinakahuling pagdinig nitong Mayo 8 na isa si Ong sa incorporator ng mga kompanyang may kaugnayan sa Empire 999.

 

 

Sa presentasyon ni Public Accounts Chairman Joseph “Caraps” Paduano, lumalabas na may kaugnayan si Michael Yang kay Lincol Ong.

 

 

Upang malinawan ang kaugnayan ng dalawa, nag-mosyon si Public Order Chairman Dan Fernandez na padaluhin si Yang sa susunod na pagdinig.

 

 

Matatandaan na nasungkit ng Pharmally ang bilyong pisong halaga ng kontrata ng PS DBM, na noon ay pinamumunuan ni Christopher Lao, para sa pagbili ng medical supply noong panahon ng pandemiya.

 

 

Sa kabila ng kawalan ng kakayanang pinansyal, sinabi ni Lincoln Ong na nabili ang mga suplay dahil binayaran ito ni Michael Yang.

 

 

Nito lamang nakaraang linggo ay kinasuhan ng Ombudsman ang isa pang mataas na opisyal ng Pharmally at malapit na kaibigan ni Michael Yang kaugnay sa kaso sa Pharmally.

 

 

Lumalabas sa imbestigasyon ng Kamara na karamihan sa mga incorporators ng mga kompanya ay mga Chinese national na nakakuha ng pekeng dokumento upang palabasin na sila ay Pilipino.

 

 

Kaya mula sa usapin ng droga ay naungkat na rin ang banta sa pambansang seguridad dahil nakakabili ng mga ari-arian ang mga indibidwal na ito gamit ang pekeng mga dokumento. (Daris Jose)

Sultan Kudarat ‘buhay na pruweba’ ng ‘Unity at Work’ – PBBM

Posted on: May 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang provincial government at mga residente ng Sultan Kudarat para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan sa pamamagitan ng ‘unified efforts.’

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng financial assistance sa mga magsasaka, mangingisda at kanilang pamilya sa Sultan Kudarat Sports and Cultural Center, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Sultan Kudarat ay isang ” buhay na pruweba” kung paano gumana ang pagkakaisa sa komunidad.

 

 

“Kayo ang buhay na pruweba na puwedeng mamuhay nang matiwasay ang mga mamamayan na iba’t iba ang relihiyon o sari-sari ang rehiyong pinagmulan. Ang resulta nito ay hindi lang mapayapang lipunan, ngunit isang maunlad na ekonomiya,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Aniya pa ang “Isang asensadong Sultan Kudarat na payapa at progresibo.”

 

 

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng P100 milyon na presidential assistance sa provincial government ng Sultan Kudarat at Cotabato para sa kapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño phenomenon sa bansa.

 

 

Iniabot ng Chief Executive ang P50 million bawat isa kina Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Mangudadatu at Cotabato Governor Emmylou Mendoza sa isinagawang ceremonial turnover ng tulong sa naturang venue.

 

 

Mainit namang tinanggap ng mahigit sa 14,000 na residente ng Sultan Kudarat si Pangulong Marcos sa Sultan Kudarat Sports and Cultural Center sa Isulan.

 

 

Ipinaabot naman ni Pangulong Marcos ang iba pang financial assistance at government services mula Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE).

 

 

Namahagi naman ang Department of Trade and Industry (DTI) ng certificate grants na nagkakahalaga ng mahigit sa P940,000 sa tatlong farm agricultural groups habang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay namahagi ng 21 livelihood toolkits at allowances sa kanilang scholars.

 

 

Habang namahagi naman si House Speaker Martin Romualdez ng 5 kilong bigas sa bawat residente. (Daris Jose)

No cash aid para sa graduating students — DepEd

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi ito nagbibigay ng “cash aid” lalo na sa mga graduating students.

 

 

“It’s unfortunate that there are still individuals or groups of individuals who are taking advantage of our schools, particularly in posting fake advisories claiming cash assistance from DepEd for graduates,” ayon kay DepEd Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Francis Cesar Bringas.

 

 

Tinukoy ni Bringas ang kumakalat at umiikot na post sa online ukol sa “cash aid” para sa graduating students at maging ang paggam,it ng larawan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte at logo ng departamento.

 

 

“Definitely, that is not true,” dagdag na wika nito.

 

 

May ilang posts kasi ang umiikot ngayon sa online kabilang na ang mga advisories na nagsasabing may allowance para sa school learners.

 

 

“Wala po tayong programa na nagbibigay ng cash allowance or assistance for public schools and even private school learners,” aniya pa rin.

 

 

Ang paliwanag ni Bringas, wala ni isa man sa DepEd o national government ang may programa. Ang educational assistance para sa mga mag-aaral aniya ay saklaw ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) na kabilang na sa Senior High School Voucher Program (SHS VP) para sa mga Senior High School at Education Service Contracting (ESC) para sa mga Junior High School students.

 

 

“Iyan lang ang nakapaloob na programa for DepEd,” ayon kay Bringas.

 

 

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na aniya ang DepEd Central Office sa tamang ahensiya ng gobyerno para tukuyin kung sino ang nasa likod ng false advertisements na “tarnish the image” ng departamento.

 

 

“We are looking at it as a scheme to take advantage of people who may not be fully aware of the programs of the department,” ang wika ni Bringas.

 

 

At upang makaiwas na ma-scam, hinikayat ni Bringas ang ;publiko lalo na iyong mga na kaka-encounter ng schemes na “verify the information” sa official website ng DepEd at kagyat na i-report ang anumang may kinalaman na insidente sa malapit na tanggapan ng DepEd. (Daris Jose)

KADIWA outlets ng NIA, nagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas

Posted on: May 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BILANG pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa maraming tulong na ipinagkaloob sa mga magsasaka para itaas ang kanilang produksyon, nagsimula na ang mga irrigators na magbenta ng kasing baba ng P20 kada kilo ng bigas sa Kadiwa outlets ng National Irrigation Administration (NIA).

 

 

“This was made possible by the irrigators’ association benefitting from government support and now sells the staple as an act of gratitude,” ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

“Inisyatibo po ito ng ating mga irrigators association. Sabi nila noong kinakausap ko sila, bilang pasasalamat nila [ito] sa napakarami nilang tinatanggap na mga ayuda sa gobyerno natin. Nag-o-offer din sila ng P20 na bigas,” ayon pa rin kay Guillen.

 

 

“Sabi ko, ‘Hindi ba kayo lugi niyan?’ ‘Ah, hindi’ sabi nila kasi, again, ang input cost, simple math lang po ‘no – ang cost ng inbred, ‘pag nagtanim ka ng inbred is P30,000; ang yield nila is P5,000,” aniya pa rin sabay sabing “if NFA’s 63-percent formula is used, there will be around P10 peso production cost for every kilo of rice and farmers can earn 100-percent profit, even doubling the cost.

 

 

Sa kabilang dako, nakatakdang magbenta ang NIA ng bigas sa halagang 29 pesos kada kilo simula sa buwan ng Agosto.

 

 

Layunin nito na makapagbigay ng abot-kayang bigas sa publiko.

 

 

Winika ni Guillen, inaasahang makakapag produce ng 100 kilo ng bigas sa buwan ng Agosto sa pamamagitan ng proyektong contract farming ng NIA kasama ang mga irrigators association.

 

 

Ibebenta ang P29.00 na bigas sa mga KADIWA store sa ilang key cities tulad ng Kalakhang Maynila.

 

 

“In fact, ang aming estimate diyan, mga nasa P29 puwede na kaming magbenta, by August naman kami. And we have around 100 million kilos of rice na projected na ma-produce po natin by August,” ang tinuran ni Guillen.

 

 

“Iyon po ang target ng DA, iyon po ang target natin. Sabi ng DA (Department of Agriculture), July may supply sila pero ang NIA, by August po kami, iyong P29 na bigas,” aniya pa rin.

 

 

Maaari namang limitahan ang bawat pamilya sa pagbili ng hanggang sampung kilo ng bigas.

 

 

Ang Kadiwa ay isa sa mga programa ng administrasyong Marcos na tumutugon sa tumataas na presyo ng pagkain.

 

 

Binibigyan din nito ang mga magsasaka, mangingisda at maging ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) rent-free venues para magenta ng kanilang mga ginawa at itaas ang kanilang kita.

 

 

“It is a market linkage facilitation program that removed the unnecessary layers in the trading cycle, thereby offering products at much lower prices,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

PBBM, sesertipikahan bilang ‘urgent’ ang rice tariffication law

Posted on: May 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes na sesertipikahan niya bilang ‘urgent’ ang panukalang amyendahan ang Republic Act No. 11203 o ang rice tariffication law (RTL) para mas maibaba ang presyo ng bigas sa bansa.

 

 

“Yes, I think it justifies the urgent certification,” ang pahayag ng Pangulo sa isang media interview kasunod ng kanyang pagdalo sa 2024 GOOCs’ Day at the Philippine International Convention Center sa Pasay City.

 

 

“Ang problema kasi kaya tumataas ang presyo ng bigas dahil ang mga trader ay nagko-compete. Pataasan sila ng presyuhan sa pagbili ng [bigas] at wala tayong control doon,” ayon sa Pangulo.

 

 

Aniya pa, maaaring impluwensiyahan o kontrolin ng gobyerno ang presyo ng bigas kung masisimulan ang pag-amyenda sa rice tariffication law partikular na sa pagbili ng palay at pagbebenta ng bigas sa publiko.

 

 

Samantala, itinutulak ni House Speaker Martin Romualdez ang pag-amyenda RTL para payagan ang National Food Authority (NFA) na magbenta ng bigas sa merkado.

 

 

Ang presyo aniya ay maaaring bumaba ng P10 hanggang P15 o P30 kada kilo kapag na amyendahan na ang RTL, sabay sabing prayoridad ng Pangulo na gawing matatag ang presyo ng bigas.

 

 

Isinaisip na ibaba ang presto ng bigas, pinahihintulutan ng RTL ang unlimited entry ng imported rice sa bansa. Pinagbabawalan nito ang NFA na bumili at magbenta ng bigas at ilimita ang mandato ng ahensiya na pangasiwaan ang buffer rice stocks. (Daris Jose)

P5.9-B pinsala naitala sa agri sector dahil sa El Niño – DA

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUMAMPA na sa P5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.

 

 

Ayon kay DA ASec. Arnel de Mesa nasa 80, 000 na mga magsasaka ang apektado ng El Niño.

 

 

Pinaka-malaki rito ay ang mga magsasaka ng palay na nasa halos 60, 000.

 

 

Batay sa datos, nasa 58,000 hectares naman ng palayan ang lubhang naapektuhan dahil sa matinding tag-tuyot.

 

 

Samantala, iniulat naman ng DA na umabot na sa P2.18 billion pesos ang naipamahaging ayuda at interventions ng Department of Agriculture at ng iba pang ahensya ng gobyerno sa mga magsasaka na apektado ng tagtuyot.

 

 

Kabilang dito ang rice farmers financial assistance o ang pamamahagi ng 5,000 pesos sa bawat magsasaka na may sinasakang palayan na hindi tataas sa dalawang ektarya.

 

 

Nakapamahagi na rin ng P700 million pesos na halaga ng mga inputs tulad ng pump and engine, P68 million naman ang naipamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation para sa indemnification o insurance claim, at mahigit P10 milyon naman ang naipamahagi ng Agricultural and Credit Policy Coucil para sa Survival at Recovery loan.

 

 

Ang National Irrigation Administration o NIA ay may inilabas na ring 300 million pesos para sa intervention sa mga irigasyon. (Daris Jose)

Valenzuela LGU nagbigay ng 4 motorcycle patrols sa Barangay Parada

Posted on: May 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng karagdagan apat na unit na mga bagong motorcycle patrol sa Barangay Parada para magamit nila sa pagpapatrulya sa kanilang nasasakupan.

 

 

Pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang pormal na pagturn-over ng naturang mga motorcycle patrol kay Barangay Parada Punong Barangay John Ajero na ginanap sa 3S Center, Parada.

 

 

Ayon kay Mayor Wes, ang mga binigay na yunit ay dapat gamitin ng kanilang barangay police upang matiyak ang maayos at ligtas na komunidad para sa kanilang mga nasasakupan.

 

 

Ang inisyatiba na ito ay naaayon sa pangako ng lungsod na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa bawat komunidad gayundin ang pagtatatag ng isang mas matitirahan na lungsod kung saan ang mga tao ay makakalakad nang ligtas sa gabi nang hindi nababahala tungkol sa anumang pinsala.

 

 

Dumalo rin sa event sina Councilor Niña Lopez, Councilor Mickey Pineda, mga kagawad ng Parada, Barangay Parada Sangguniang Kabataan Council, mga pinuno ng komunidad ng Parada at iba’t ibang sektor. (Richard Mesa)

Gobyerno, nagbago na ng approach para i-maximize ang suplay ng tubig sa Mindanao sa gitna ng La Niña-PBBM

Posted on: May 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBAGO na ng atake at hakbang ang gobyerno para i-maximize ang suplay ng tubig sa gitna ng La Niña phenomenon na inaasahan na tatama sa maraming bahagi ng Mindanao sa huling bahagi ng taong kasalukuyan.

 

 

“Nagbago na talaga ang approach sa flood control, sa irrigation at lahat. Kaya’t ‘yun ang sinusundan namin ngayon,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos tanungin hinggil sa magiging tugon ng pamahalaan sa low-lying areas sa Cotabato at Maguindanao sa sidelines ng inagurasyon ng Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II (MMIP II).

 

 

Winika ng Pangulo na aalamin ng pamahalaan ang partikular na magiging gamit ng tubig, kung ito’y para sa irigasyon, hydro, o gamit sa bahay.

 

 

“Ang approach ngayon, lahat ng ginagawa na ito kung mayroon isang kasama d’yan ang irrigation, kasama d’yan ang fresh water supply. Kasama d’yan ang flood control at kasama na d’yan ‘yung patubig na para sa mga magsasaka,” aniya pa rin.

 

 

Tinuran pa rin nito na maraming mga bagong teknolohiya ang akma sa magiging tugon ng pamahalaan sa La Niña phenomenon.

 

 

Kabilang sa mga ito ay ang paglikha o pagtatayo ng mas maraming dams na magtatampok sa multiple functions gaya ng pag-convert ng tubig para gamit sa bahay, para sa irigasyon, flood control at hydro-electric power. (Daris Jose)

P20 kada kilo ng bigas, nabili sa “KADIWA NG PANGULO” sa Albay

Posted on: April 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGBENTA ang ilang nagpartisipang stalls sa ilalim ng “Kadiwa ng Pangulo” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P20.00 kada kilo ng bigas sa Bicol Region sa idinaos na paglulunsad nito noong nakaraang linggo.

 

 

Sinabi ng National Irrigation Administration (NIA) na inilunsad nito ang Kadiwa ng Pangulo sa Albay-Catanduanes Irrigation Management Office (ACIMO) sa Ligao City, Albay kung saan P20.00 kada kilo ang bigas na ibinibenta sa mga residente.

 

 

Kabilang sa mga prayoridad na makatatanggap ng P20.00 kada kilo ng bigas ay iyong mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, mga Matatandaang at persons with special needs.

 

 

Nagawa rin namang makabili ng regular customers ng bigas sa halaga ng P35.00 kada kilo.

 

 

“It serves as a way of Irrigators Associations (IAs) to return the blessings they received from the government to less privileged people for their community,” ayon sa NIA sa official Facebook page nito, tinukoy ang pagbebenta ng P20.00 kada kilo ng bigas.

 

 

Maliban sa ‘affordable rice products’, sinabi ng NIA na ang iba’t ibang prutas at gulay, ilang delicacies at iba pang farm products ay ipinagbili sa “Kadiwa ng Pangulo” sa “affordable price.

 

 

Idinagdag pa ng NIA na suportado nito ang Inisyatiba ng gobyerno na tulungan ang IAs na ibenta ang kanilang kalakal direkta sa mga consumers at gawin ang kanilang pagkain na mas “accessible” at mura para sa mga kapus-palad na indibidwal.

 

 

Naisakatuparan ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng pagsisikap nina NIA Regional Manager Engr. Gaudencio M. De Vera, Albay-Catanduanes IMO Manager Engr. Jessie D. Baynas, at ACIMO IA Federation President Melanio Bañares.

 

 

“It is fulfilling for them, IA leaders and members, to share their blessing from the bountiful harvest on the previous cropping season amid the El Niño phenomenon in the country,” ayon kay Bañares.

 

 

Sinabi pa nya na ang masamang ani “is a testament to the government’s convergence, showcasing effective collaborative initiatives,” na kitang-kita aniya sa masamang ani sa gitna ng dry season.

 

 

Samantala, binigyang-diin naman ng NIA na nananatili itong committed na itaas ang rice production tungo sa realization ng “Bagong Pilipinas” na isinaisip ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

QUIBOLOY, nananatiling nagtatago sa Pinas- DOJ

Posted on: April 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
HANGGANG ngayon ay nakabinbin ang 2 warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy dahil patuloy itong nagtatago sa Pilipinas habang ang hurisdiksyon ng kanyang mga kaso ay inilipat na sa Pasig City mula Davao.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary at spokesman Mico Clavano na ipinapakita ng kanilang impormasyon na si Quiboloy, nahaharap sa asunto para sa child abuse at qualified trafficking, ay nananatiling “at large” sa Pilipinas maliban na lamang kung may bagong development mula sa mga awtoridad.
“The respondent, or the accused [Quiboloy] has to submit his person to the court for the court to be able to assert its jurisdiction and to subject him to other processes under the law,”ayon kay Clavano.
“Obviously he’s still at large so the law enforcement is still on the lookout and they’ve continued the operations to be able to arrest on the basis of the warrants that have been issued by the court,” dagdag na pahayag ni Clavano.
At nang hingan ng komento ukol sa requests o kahilingan para sa pagpapalabas ng hold departure order (HDO) laban kay Quiboloy, sinabi ni Clavano na napag-usapan na ito kung saan naghain na ang prosekusyon ng kanilang mosyon para magpalabas ng HDO laban kay Quiboloy.
“So, once you have a respondent or an accused, that is a flight risk especially given the resources that this person has, then the prosecutors are very diligent in making sure that that doesn’t happen ‘no – that the accused is able to leave the country without actually facing the allegations in the proper forum,” aniya pa rin.
Tinuran pa ni Clavano na inilagay na ng Bureau of Immigration si Quiboloy sa ‘lookout list.’
Samantala, sa nasabi pa ring press briefing, muling nanawagan si Clavano kay Quiboloy na sumuko na. (Daris Jose)