• July 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Subheadlines’ Category

Pangulong Marcos: Vice President Sara ‘di sisibakin sa DepEd

Posted on: April 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya sisibakin o papalitan sa pwesto si Vice President Sara Duterte.

 

 

Ayon sa Pangulo, ang hindi pagkakaintindihan ng kanyang maybahay na si First Lady Liza at ni Duterte ay hindi sapat para sibakin niya ang huli bilang kalihim ng DepEd.

 

 

Tiniyak din ng Pangulo na ang mga patutsada ng Unang Ginang ay hindi makakaapekto sa pagta-trabaho nila ng Bise Presidente.

 

 

Paliwanag ng Pangulo, na lahat ng Cabinet secretaries ay maaaring palitan kapag hindi na nila ginagawa ang trabaho o kapag hindi na kaya at nagkasakit.

 

 

Gayundin kapag hindi talaga marunong o korap ay talagang tatanggaling nila sa pwesto, subalit si VP Sara ay hindi naman anya ganoon.

 

 

Naniniwala naman si Pangulong Marcos na wala silang dapat ayusin ni Sara dahil nauunawaan niya bilang maybahay ang saloobin at sentimyento ni Liza.

 

 

Ayon sa Pangulo, tiwala siya na hindi sineseryoso ni Duterte ang mga nasabi ng Unang Ginang dahil isa rin itong maybahay at naiintindihan ang nararamdaman ng kanyang misis.

 

 

“I think that she, also as a wife, understands how the First Lady feels, when you have to sit there and listen to these attacks that are being made against your husband,” aniya.

 

 

Hindi anya galing sa pamilya ng politiko ang Unang Ginang kaya hindi sanay sa mga batikos partikular na sa kanya, habang sila ay manhid na dito at sa mga insulto. (Daris Jose)

19 sasakyan natupok sa NAIA-3 parking area

Posted on: April 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASA 19 sasakyan na nakahimpil sa parking lot extension ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasunog bunsod sa hinihinalang nagliyab na talahiban dahil sa tindi ng init ng panahon, Lunes  ng hapon.

 

 

Sa panayam kay Manila International Airport Authority (MIAA) Ge­neral Manager Eric Jose Ines, umabot sa 19 ang inisyal na bilang ng mga sasakyang nasunog sa open parking area ng NAIA Terminal 3.

 

 

Ayon kay Ines,  maaaring empleyado rin ng NAIA o MIAA ang mga nagmamay-ari ng ilang sasakyan, at iisa pa lamang kahapon ang lumapit at nagsabing pag-aari nito ang isa sa mga nasunog na sasakyan.

 

 

Ang MIAA, ang may-ari ng nasabing parking area pero naka-lease ito sa hindi pa binanggit na umupa.

 

 

Wala namang nasugatan at wala ring flights na naapektuhan sa sunog dahil malayo ang rampa sa open space parking extension.

 

 

Sa ulat ni Fire Inspector Jaime Cera, ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasay, ala-1:35 ng hapon nang magsimula ang sunog at idineklarang fire-out alas- 2:03 ng hapon.

 

 

“Grassfire” ang nakitang sanhi ng sunog, dahil sa mga tuyong damo sa open parking  na umapoy at nadamay ang mga nakahilerang sasakyan.

 

 

Ayon pa kay Insp. Cera, may iba pang fire trucks na tumulong sa pag-apula ng apoy. Malakas umano ang hangin kaya lumakas ang apoy na mabilis kumapit sa mga sasakyan na hindi na naisalba ng mga nagmamay-ari nito.

 

 

Makikita sa mga video na ipinoste sa social media ang malaking sunog habang isa-isang nagliyab ang mga sasakyan sa parking area ng paliparan. (Daris Jose)

DBM, nagbabala sa publiko laban sa mga scammers na nag-aalok ng proyekto kapalit ng pera

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Department of Budget and Management (DBM) sa publiko na mag-ingat sa mga scammers na nagpapanggap na konektado sa departamento at nag-aalok ng government contracts kapalit ng malaking halaga.

 

 

Nagpalabas ng babala ang DBM matapos na maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong di umano’y scammers sa isang entrapment operation nito lamang nakaraang buwan.

 

 

Ang walong indibidwal ay sinasabing di umano’y bahagi ng scam na nangagako sa mga contractor ng bilyong piso na halaga ng government projects kapalit ng P500,000 bribe o suhol.

 

 

Ang scam ay natuklasan matapos na ang isang potential victim ay nag-check sa DBM at natuklasan na ang sinasabing budget na iniaalok sa kasunduan ay hindi konektado sa departamento at ang proyekto na iniaalok ay hindi naman nage- exist.

 

 

“Mariin po nating kinokondena ang ganitong klaseng gawain. Kapag may mga ganitong klase ng tao na lumapit sa inyo at sasabihing kaya nilang magpalabas ng pondo mula sa DBM, i-report po ninyo kaagad sa kinauukulan”, ayon kay DBM Secretary Mina Pangandaman.

 

 

“Authorities will file complaints of Estafa and of Usurupation of Authority against the eight suspects,” ayon naman sa departamento.

 

 

Maaari namang magpadala ang publiko ng report o reklamo sa DBM public assistance office (public_assistance@dbm.gov.ph); sa 8657-3300 local 2524 hotline, at sa pamamagitan ng Usapang Budget Natin Facebook page.

 

 

Maaari rin ayon sa DBM na direktang ipadala ang reklamo sa NBI sa pamamagitan ng 8523-8231 hanggang 38.  (Daris Jose)

MMDA, planong kanselahin ang ticket, ibalik ang in-impound na e-bikes sa mga violators

Posted on: April 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kanselahin ang mga ticket at ibalik ang mga na- impound na sasakyan sa mga violators o lumabag sa pagbabawal sa e-bikes at e-trikes.

 

 

Ito’y matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa MMDA at mga lokal na pamahalaan na bigyan ng “one month grace period” ang e-bikes at e-trikes kaugnay ng pagbabawal sa kanilang dumaan sa mga pangunahing kalsada sa Kalakhang Maynila.

 

 

Ipinalabas ng Pangulo ang kanyang kautusan ilang araw na ang nakalipas nang ipatupad ang implementasyon ng ban sa 20 national roads sa Metro Manila.

 

 

“Pinag-aaralan po natin na gawing retroactive yung kaniyang ditektiba o utos,” ayon kay MMDA chairperson Romando Artes.

 

 

“Pero kailangan lamang po naming aralin yung mechanics dahil naka-issue na kami ng ticket dito at may proseso po yung pagre-release ng mga impounded vehicle,” dagdag na wika ni Artes.

 

 

“As of Wednesday”, sinabi ng MMDA na 201 motorista ang nahuli at 69 sasakyan naman ang na-impound dahil sa paglabag sa ban.

 

 

Nauna rito, sa post sa kanyang X account, inihayag ni Pangulong Marcos na kinakailangan pa ang sapat na panahon para sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa ban.

 

 

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na mananatiling bawal ang mga e-bike at e-trike sa mga piling pangunahing lansangan, sa ilalim ng MMDA regulation no. 24 – 022 series of 2024.

 

 

Ang saklaw lamang umano ng grace period ay ang hindi pag-titicket, pagpapataw ng multa, at pag-impound sa mga ito.

 

 

Kung sila man ay paparahin, ito ay para maituro sa kanila ang tamang kalsadang maaari nilang gamitin, kasabay ng pagpapaalala sa bagong patakaran para sa kaligtasan at kaayusan sa lansangan. (Daris Jose)

PBBM, kasama sa ‘100 Most Influential People of 2024’ ng Time Magazine

Posted on: April 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KASAMA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “100 Most Influential People of 2024” ng Time Magazine.

 

 

Kinilala ng Time Magazine ang pagsisikap ni Pangulong Marcos sa ‘economic recovery’ matapos ang COVID-19 pandemic at kung paano itinaas ng Pangulo ang Pilipinas sa “world stage.”

 

 

Hindi rin nakaligtas sa Time Magazine ang paninindigan ng Pangulo sa West Philippine Sea sa gitna ng tumataas na tensyon sa rehiyon.

 

 

“Bongbong has stood steadfast against Chinese aggression in the disputed South China Sea and bolstered his nation’s alliance with the U.S. in the face of “rising tensions in our region and the world,” ang bahagi ng profile ni Pangulong Marcos na mababasa sa 2024 Time 100 issue.

 

 

“Many problems persist, including extra­judicial killings and journalists routinely attacked. But by trying to repair his family name, Bongbong may reshape his country too,” dagdag nito.

 

 

Samantala, ang iba pang Pangulo ng Pilipinas na nasa listahan sa nakalipas na taon ay sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2017 at namayapang dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III noong 2013.  (Daris Jose)

Bloodless campaign laban sa illegal na droga, gumagana -PBBM

Posted on: April 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WALANG nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para palitan ang approach o atake sa anti-illegal drug campaign ng administrasyon kasunod ng matagumpay na anti-illegal drug operation ng Philippine National Police (PNP) sa Alitagtag, Batangas, nagresulta ng pagkakasamsam sa P13.3 billion halaga ng shabu.

 

 

“No, quite the contrary, why will we change?” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag nang tanungin kung may plano ang gobyerno na lumipat o magbago ng anti-illegal drug operation kasunod ng pagsamsam sa dalawang tonelada ng shabu sa checkpoint sa Batangas, araw ng Lunes.

 

 

Kinokonsidera naman ang P13.3 bilyong halaga ng shabu na nasamsam sa Batangas bilang “biggest drug haul in Philippine history,” nalampasan ang dating record na 1,589 teabags ng shabu na nagkakahalaga ng P11 bilyong piso sa Infanta, Quezon noong Marso 2022.

 

 

Mula Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2023, ang gobyerno ay nakapagsagawa ng 36,803 anti-illegal drug operations, nagresulta ng pagka-aresto sa 49,700 drug personalities kabilang na ang 3,284 “high value targets” na may kabuuang halaga na P 16.24 billion.

 

 

“Of the number of arrested illegal drug suspects, the government has already filed 47,516 illegal drug charges with 28,302 drug cases resolved: 22,201 or 78.44 percent resulted in conviction while 2,427 or 8.58 percent resulted in dismissal; and 3,674 or 12.98 percent resulted in acquittal,” ayon sa ulat.

 

 

Tinatayang 314,917 drug dependents ang sumailalim sa Community-Based Drug Rehabilitation Program habang ang 105 na Balay Silangan Reformation Centers ay na kapag-produce ng 1,854 graduates.

 

 

“Government records showed that 28,243 or 67.24 percent of barangays nationwide are declared drug-cleared; 6,127 or 14.59 percent as drug-free; and 363 or 0.86 percent are drug affected; while 7,268, or 17.30 percent have yet to be cleared,” ang lumabas pa rin sa ulat.

 

 

Samantala, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang mga law enforcers na i-adopt ang holistic approach sa problema sa droga sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa public health approach habang tinutugis ang large-scale drug syndicates sa bansa.

 

 

“So, it’s much more than it has been in the past,” aniya pa rin.

 

 

“So, it’s the most successful approach to the drug war so far. So, why will we change it? We won’t change it; we’ll continue to do what we are doing. Of course, I cannot explain to you every detail of what we are doing, but we will continue to do what we are doing,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang kamakailan lamang na pagsamsam sa illegal na droga sa Batangas ay kinokonsidera bilang “biggest drug haul” sa Pilipinas ng hindi nagresulta ng pagkamatay o karahasan. (Daris Jose)

Dagdag pang 600K driver’s license plastic cards, dumating na sa LTO

Posted on: April 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na makukumpleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw.

 

 

Ito ay makaraang matanggap na rin ng LTO  ang 600,000 pang piraso ng plastic cards  na ginagamit sa pag-imprenta ng driver’s license cards.

 

 

Aniya, ang paghahatid ng karagdagang plastic cards  ay makakatugon sa backlog sa mga plastic-printed driver’s license.

 

 

Una dito, ang unang isang milyong piraso ng plastic cards ay naihatid noong Marso 25 matapos alisin ng Court of Appeals ang injunction order sa paghahatid ng natitirang hindi naideli­ver na plastic cards mula sa kumpanyang Banner Plastic na nanalo sa bidding para sa delivery ng plastic cards  noong nakaraang taon.

 

 

Isang araw matapos maihatid ang isang mil­yong piraso ng plastic card, agad na naglabas ang LTO ng schedule ng renewal ng expired na driver’s license upang tuluyang makuha ng mga motorista ang kanilang plastic-printed driver’s license.

 

 

Layunin ng renewal schedule na matiyak ang maayos na pagproseso at pamamahagi ng mga plastic-printed plastic card sa lahat ng tanggapan ng LTO sa buong bansa. (Daris Jose)

4 Pinoy seamen lulan ng barko na hinuli ng Iran – DMW

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na kabilang ang apat na Filipino seafarers sa mga tripulanteng lulan ng barkong hinuli ng mga Iranian authorities.

 

 

Hindi pa naman tinukoy ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac ang pagkakakilanlan ng mga Pinoy seamen na lulan ng container ship na MSC Aries.

 

 

Tiniyak naman ni Cacdac na alinsunod sa direktiba ng Pangulo, nakikipag-ugnayan na sila sa mga pamilya ng mga naturang seafarers at sinigurong pagkakalooban ang mga ito ng full government support at assistance.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa Department of Foreign Affairs (DFA), licensed manning agency at maging sa ship manager at operator upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan, gayundin ang agarang pagpapalaya sa mga tripulanteng Pinoy.

 

 

Batay sa ulat ng Iran state-run IRNA news agency, isang Islamic Revolutionary Guard Corps helicopter ang sumakay sa Portuguese-flagged MSC Aries at dinala ito sa Iranian waters noong Sabado.

 

 

Kinumpirma naman umano ng MSC, na siyang nag-o-operate sa Aries, na ang Iran ang humuli sa barko. (Daris Jose)

US, Japan mamumuhunan ng $100B sa Pinas sa susunod na 5-10 taon -Ambassador Romualdez

Posted on: April 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN na magbubuhos ang Estados Unidos at Japan ng $100 billion na pamumuhunan kabilang na ang enerhiya at semiconductors sa Pilipinas sa susunod na 5 hanggang 10 taon.

 

 

Ang investment package ay inaasahan na ia-anunsyo sa isasagawang trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan sa White House ngayong araw ng Huwebes, Abril 11.

 

 

“We’re talking about $100 billion in investments in the next 5-10 years. Perhaps 5 years will be more appropriate because we have a lot of areas where we are putting ourselves,” ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.

 

 

“A lot of these investments are mostly in the semiconductor industry… and also in the area of energy,” aniya pa rin sabay sabing “The energy exploration, which involves the West Philippine Sea, is part and parcel of what we are looking at to bump up our energy requirements, which are increasing every year.”

 

 

Sinabi pa nito na nakikipag-usap na ang gobyerno sa ilang kumpanya ng Estados Unidos at naghahanap ng potential partners para sa isang joint venture para sa pagsasaliksik ng energy source sa lugar.

 

 

“The semiconductor industry, meanwhile, is an $80-billion industry in Southeast Asia alone,” ayon kay Romualdez.

 

 

“The semiconductor industry is going to be the wave of the future in terms of the technology that is going to be required for anything,” aniya pa rin.

 

 

“That is an indication of how much potentially can come to the Philippines,” dagdag na wika nito.

 

 

Nagdesisyon naman ang Washington at Tokyo na maglunsad ng “new initiatives to accelerate and surge high-quality infrastructure investments in the Philippines to enhance energy security, deepen maritime cooperation, to strengthen partnerships on technology and cybersecurity,” ayon kay US National Security Communications Adviser John Kirby sa hiwalay na panayam.

 

 

“Our three countries embark on this new era of trilateral cooperation as trusted, equal partners, guided by shared values and an unwavering commitment to a free, peaceful and prosperous Indo-Pacific,” ayon kay Kirby.

 

 

“The [US] President is very excited for the joint investment and infrastructure opportunities in the Philippines, and for the first time in the Indo-Pacific, in this sort of scale,” aniya pa rin.

 

 

Inilarawan naman ni Romualdez ang trilateral summit bilang “probably one of the most momentous and historical moments in our history.”

 

 

“This meeting is not only important but it is also significant in the sense that the President, who has always believed in the multilateral approaches to any of the issues surrounding — or challenges we are facing in the Indo-Pacific region — is exactly what we are going to be doing here,” aniya pa rin.

 

 

“Aside from the defense strategies that we have put in place… the enhancement of our economic cooperation with Japan and the US is just as important,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, ang Estados Unidos ay itinuturing ng Pilipinas bilang “fourth largest source of foreign direct investments” noong 2023, umabot sa halaga ng $110 million.

 

 

Ang Japan naman ay ang “largest source of official development assistance” na itinuturing ng Pilipinas na may $12.92 billion na tulong o 40% ng kabuuang total portfolio ng bansa.

 

 

“Washington, under US President Joe Biden, has been trying to “revitalize” its treaty alliances,” ayon kay Kirby.

 

 

“The President [Biden] felt like those alliances and those partnerships need to be rejuvenated,” aniya pa rin.

 

 

“He’s also taken extra steps… to forge new ones, improving opportunities for our allies to cooperate together as well,” dagdag na wika nito.

 

 

“If you have more multinational cooperation… you can move the ball forward more than just the security element,” tinuran pa ni Kirby.

 

 

Samantala, matapos ang kanilang trilateral summit, inaasahan naman na magpapalabas sina Pangulong Marcos , Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ng “joint vision statement,” na magbabalangkas sa “concrete areas and projects for cooperation” ng tatlong bansa. (Daris Jose)

Foreign trips ni PBBM nagbubunga ng 43% sa P175.7-B investments na inaprubahan ng PEZA

Posted on: April 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBUBUNGA  na ang mga nakuhang investments ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula sa kaniyang mga biyahe sa abroad.

 

 

Ayon kay Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso “Theo” Panga ang investment na nakuha ng Pangulo mula sa mga foreign investors ay halos kalahati ng kabuuang pamumuhunan na inaprubahan ng PEZA na P75 bilyon mula sa P175.7 bilyon na investments na inaprubahan.

 

 

Ang P175.7 bilyong halaga ng kabuuang pamumuhunan ay nakakuha ng green light mula sa PEZA noong 2023, na nagkaroon ng 25% na pagtaas mula sa P140.7 bilyon noong 2022.

 

 

Sinabi ni Panga, ang mga biyahe ng pangulo ay “napaka-epektibo” at naging instrumento sa makabuluhang pagtaas pamumuhunan sa bansa.

 

 

“I would say that it’s because of the President reaching out to people and economies and taking advantage of our FTAs [free trade agreements] that we as a nation are able to attract investments. The President is very clear in his messaging that the Philippines is ready to attract investments,” pahayag ni Panga.

 

 

Gayunpaman, idinagdag ni Panga, ang mga pamumuhunan na ito ay maaari lamang itulak at aktwal na magkaroon ng hugis kung ang mga tamang patakaran ay nasa lugar upang mapadali at suportahan ang mga ito.

 

 

Ang tinutukoy ng PEZA chief ay ang kasalukuyang moratorium sa pagtatatag ng ecozones sa Metro Manila sa ilalim ng Administrative Order No. 18 (AO18) noong 2019.

 

 

“New entrant investors have always preferred the National Capital Region (NCR) as the location for their businesses. Unfortunately, with the moratorium in place, we might be limiting the scope of new partnerships and slowing down our development,” pahayag ni Panga.

 

 

Inihayag din ng PEZA chief na kung nais natin masustine ang paglago ng IT-BPM sector para sa susunod na apat na taon na may annual target na 10% increase sa exports at makakabuo ng 200,000 na trabago mahalaga na paghandaan ang mga locations para sa bago at pagpapalawak ng IT locators.

 

 

Paliwanag naman ni Panga na kapag naipatupad ng maayos ang CREATE law sa National Capital Region, masususportahan nito ang panawagan ng ilang local government units sa Metro Manila na pinagkaitan bunsod ng moratorium na maging host ng IT parks at locator companies sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.

 

 

Dagdag pa ni Panga na kaisa sila sa hangarin ng Pang. Ferdinand Marcos Jr na i-roll-out ang red carpet para sa mas maraming investments ang magbubukas sa bansa.

 

 

“This is why we find it truly necessary to ensure that we have sound regulatory policies in place, maximizing the potential of every new partnership coming our way,” pahayag ni Panga. (Daris Jose)