• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Uncategorized’ Category

PBBM, pinangunahan ang 2 groundbreaking rites para sa 20K housing units para sa mga residente ng CamSur

Posted on: March 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang groundbreaking ceremonies para sa pagtatayo ng mahigit sa 20,000 housing units para sa mga residente ng Camarines Sur bilang bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ng gobyerno.

 

 

“Isa po ito sa mga proyekto ng aking administrasyon na nakaangkla sa ating layunin na mabigyan ng komportable, maayos, at disenteng buhay ang lahat ng ating kababayan,” ayon kay Pangulong Marcos sa  groundbreaking para sa pagtatayo ng housing units sa Panganiban Drive sa Naga City.

 

 

“Ang pagkakaroon ng sariling bahay ay pangarap ng lahat ng Pilipino na nais magkaroon ng isang lugar kung saan sila makakapagsimula ng bagong kabanata ng kanilang buhay,” ayon sa Pangulo.

 

 

Ito ang unang housing project sa ilalim ng  4PH program na pinasok ng  Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) kasama ang provincial government.

 

 

Layon ng 4PH Project ng CamSur na magtayo ng limang residential towers na mayroong 11,880 housing units sa 6-ektaryang lupain sa Panganiban Drive, Naga City. Magtatayo rin ng apat na commercial buildings sa palibot ng residential towers.

 

 

Layon naman ng administrasyon ayon sa Pangulo na magtayo ng isang milyong bahay  kada taon sa ilalim ng kanyang  six-year term  bilang halal na Pangulo ng bansa.

 

 

Ito’y upang bigyan ng disenteng tirahan ang mga tao at matugunan ang 6 milyong housing backlog sa bansa.

 

 

“Lahat ito nais natin paabutin ng anim na milyon na bagong pabahay dahil ‘pag pinag-aaralan natin ang housing sa Pilipinas, ‘yan ang numerong lumalabas na kulang na pabahay para sa ating mga kababayan,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Maliban sa pagbibigay ng bahay sa ilalim ng nasabing proyekto, magkakaroon din ng  access  ang mga residente sa mga pangunahin at mahahalagang pasilidad gaya ng eskuwelahan, pamilihian, medical facilities at  maging sa  livelihood infrastructure.

 

 

Sa kabilang dako, nanawagan naman ang Punong Ehekutibo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan,  construction companies, private financial institutions at iba pang katuwang na sundin ang  “rules and regulations” ng gobyerno sa pagsasakatuparan ng kanilang mga proyekto.

 

 

Iniulat naman ng mga housing officials  na “as of March 13” ngayong taon, nilagdaan ng DHSUD ang  83 memoranda of understanding (MOU) at apat na memoranda of agreement (MOA) kasama ang  local government units (LGUs) sa buong bansa.

 

 

At bilang resulta ng inisyatiba,  isinagawa ang  groundbreaking ceremonies  sa 17 LGUs sa buong bansa.

 

 

Sa ilalim MOU, magsasanib-puwersa ang  DHSUD at ang  government financial institutions para sa “funding strategies at alokasyon ng financial, technical at  operational resources.

 

 

Sa ngayon, naglaan ang  Pag-IBIG Fund  ng P250 billion para sa 4PH project.

 

 

Samantala, kasama naman ng Pangulo sina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, Camarines Sur Gov. Vincenzo Renato Luigi Reyes Villafuerte, Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymond Villafuerte, Camarines Sur 5th District Rep. Miguel Luis Villafuerte at maging ang mga miyembro ng Gabinete at iba pang lokal na opisyal. (Daris Jose)

Pekeng sex video ng anak ni Robredo kinondena

Posted on: April 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINASTIGO ng kampo ni 2022 presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo ang diumano’y kumakalat na online links patungkol sa “mahahalay” na video diumano ng anak niyang si Aika — bagay na wala raw katotohanan.

 

 

Lunes nang kumalat ang naturang mga ulat. Sa kabila nito, walang laman ang mga naturang link na lumalabas sa Google.

 

 

“Links to an alleged sex video are circulating around the twitterverse. This is a malicious fabrication and we have reported it to the platforms concerned para matake-down,” ayon kay Barry Gutierrez, tagapagsalita ng bise kanina.

 

 

“Our lawyers are studying our options for legal action.”

 

 

Wika pa ni Gutierrez, dapat tingnan ang naturang isyu bilang nasuklan-suklam at “kadiring” distraction ngayong lumalakas ang momentum ng kanilang kampo.

 

 

Kamakailan lang kasi nang tumaas si Robredo sa surveys, habang umabot naman sa 220,000 ang bilang ng mga dumalo sa campaign rally nila sa Pampanga nitong weekend.

 

 

“Ang mas malalim na goal ng ganitong tactic, ‘yung manggigil tayo at magwala sa social media. Para awayin natin ang mga tao at hindi tayo maka-convert,” banggit pa ni Gutierrez.

 

 

“Kaya nga ang tamang response dito: Hold the line tayo para sa pag-ibig. Be firm but kind sa pagtatama ng disinformation, kahit gaano ito kawalanghiya.”

 

 

Umaasa naman ang kanilang kampo na mapapanagot ang nagkakalat ng mga nasabing tsismis lalo na’t malinaw itong krimen.

 

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, maaaring makulong ng hanggang pitong taon at pagmultahin ng hanggang P500,000 ang mga nagkakalat ng nude photos at videos nang walang pahintulot.

 

 

Kasalukuyang no. 1 trending sa Philippine Twitter ang #ProtecttheRobredos habang sinusulat ang balitang ito.

 

 

Ayon naman kay Robredo, hindi sila magpapatalo sa naturang isyu at tuloy-tuloy lang na magtratrabaho sa gitna ng kontrobersiya.

 

 

“Best antidote to fake news is the TRUTH. Let us not lose focus,” ayon sa kanya ngayong hapon.

 

 

“This was how I survived the last 6 years.”

 

 

Binanatan din ng senatorial candidate na si Chel Diokno ang mga naglipanang kabastusan laban kay Aika, na siyang sinyales lang daw na “desperado” na ang kanilang mga kaaway.

 

 

Sa kabila nito, walang binanggit si Diokno kung sino ang kanilang pinaghihinalaang nagpapakalat nito.

 

 

“Alam nating desperado na sila dahil sa paglakas ni VP, but it takes a special kind of evil to resort to misogynistic attacks against the kids,” wika ng lawyer turned senatoriable.

 

 

“Ito ba ang uri ng pulitika na gusto natin para sa ating mga anak?”

 

 

Marso lang nang sabihin ni VP Leni na nakakatanggap ng pambabastos ang kanyang mga anak, na panay mga babae gaya na lang nina Aika, Tricia at Jillian.

 

 

Pebrero lang nang lumabas ang mga datos na si Robredo ang pinakamadalas targetin ng disinformation bago ang eleksyon. (Daris Jose)

DOH, itinuturing na isang magandang development sakaling makamit ng mas maaga ang target na 70M fullly vaccinated individuals

Posted on: February 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO ang Department of Health (DOH) na makakamit ng bansa ang 70 million fully vaccinated individuals bago pa matapos ang unang quarter ng taon.

 

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Usec. Myrna Cabotaje na “as of January 29, 2022,” pumalo na sa 60 million ang nabigyan ng first dose at 58.6 million ang nakakumpleto na ng bakuna.

 

 

Sinabi ni Cabotaje, kung umabot na ngayong Enero sa halos 60M ang fully vaccinated, nangangahulugan ito na sampung milyon na lamang ang kailangang makuha para sa vaccination.

 

 

Subalit, isa aniyang magandang development kung sakaling makamit na sa darating na buwan ng Pebrero ang target na 70M fully vaccinated individuals.

 

 

Dahil mas maagang maaabot ng gobyerno ang panibagong milestone pagdating sa vaccination program nito.

 

 

Gayunman, batid ani Cabotaje ng lahat na marami sa mga health care workers ng bansa ang nagkasakit, naka-quarantine o naka- isolate kaya’t bahagyang bumagal ang pagbabakuna ng pamahalaan.

 

 

Ito aniya ang dahilan kung bakit nagpatupad sila ng ibang mga istratehiya gaya na lamang ng pagbubukas ng mga pharmacies at mga piling private clinics para tumulong sa vaccination effort ng mga local government units o LGUs. (Daris Jose)