• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 23rd, 2020

Pangamba ng MMFF producers sa ‘1st day, last day’ showing, pinawi

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Walang dapat ipangamba ang mga producer ng 10 entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

 

Ito’y kaugnay sa tila nangyayaring pullout o pag-alis sa mga sinehan sa mga nakalipas na taon, kapag hindi pumapatok sa takilya ang isang MMFF entry.

 

Ayon kay Dondon Monteverde, ang pinuno ng online streaming na siyang mag-eere sa 2020 “magic 10” film fest entries, makakaasa ang mga producer na walang “first day, last day showing” sa pagkakataong ito kahit sa mga pelikulang hindi muli bebenta sa panlasa ng masa.

 

“I think we’ve covered that very well for the producers. Number one, we have unlimited screens and unlimited seats in Upstream, meaning we are able to have all the producers to enjoy the two-week run without them worrying na matatanggal ‘yung content nila anytime habang tumatakbo ‘yung festival,” saad ng nasabing Upstream head sa ABS-CBN.

 

Kabilang sa “magic 10” film fest entries ay yaong may “touch of drama” na:

 

“Fan Girl”
“The Boy Foretold By The Stars”
“Coming Home”
“Tagpuan”
“Isa Pang Bahaghari” at
“Suarez: The Healing Priest”

 

Nariyan din ang fantasy adventure film na “Magikland,” at comedy na “Pakboys: Takusa.”

 

Habang sa horror thriller ay “The Missing” at comedy theme na “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim.”

 

Taliwas naman sa nakagawian, walang anomang entry si Vice Ganda na madalas ay tumatabo sa takilya.

 

Una nang naiulat na via online lamang mapapanood ang 46th MMFF entries bunsod ng coronavirus pandemic, ngunit ito ay itinakda sa mismong araw pa rin ng Pasko sa December 25.

 

Virtual o sa pamamagitan lamang din ng online mapapanood ang Parade of Stars at Gabi ng Parangal.

 

Noong nakaraang taon, big winner ang war drama entry na “Mindanao” matapos humakot ng 11 parangal, pero kabilang sa mga agad inalis sa ilang sinehan.

Kapuso network at NCAA, nagsanib-puwersa

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mas excited na ang mga sumusubaybay ng grand finale, ng pinag-uusapang “The Philippine Adaptation ng “Descendants of the Sun” na magwawakas na sa Friday, on Christmas Day pa mismo, at 9:20PM, pagkatapos ng “Encantadia.”

 

Ang tanong, ano ang mananaig, ang pagmamahal sa tungkulin sa bayan ni Capt. Lucas Manalo – played by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. O ang pagmamahal niya sa girlfriend na si Dra. Maxine dela Cruz, played by Jennylyn Mercado? Sino ang ililigtas niya, si Maxine o ang kapatid nitong si Rodel (Neil Ryan Sese), na nanganganib ang buhay sa tauhan ng mga rebeldeng sundalo?  Malaki rin ang kasalanan ni Rodel kay Lucas na muntik nang ikasawi ng ama nito (Roi Vinzon) kung hindi nailigtas ni Lucas, pero nabalda naman at hindi na nakalakad.

 

Kaya ngayong Christmas day, magkaroon ba ng kapatawaran sa puso ni Lucas para kay Rodel o tanggapin ang kanyang kasalanan o pagdusahan nito ang kanyang kasalanan?

 

Will it be a happy wedding day sa buong Alpha Team nina Lucas  Manalo at Maxine dela Cruz, Sgt. Diego Ramos at Capt. Moira Defensor?.  The “Descendants of the Sun,” The Philippine Adaptation, 9:20PM sa GMA -7 after “Encantadia”

 

*****

 

Ilang araw bago mag-Pasko, exactly on Thursday, December 17, opisyal na ang pagiging Kapuso ng NCAA matapos ang signing ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng GMA Network at pamunuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

 

Pinangunahan nina GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon at President and COO Gilberto R. Duavit, Jr. na parehong dumalo virtually, ang mga Kapuso executive.  Sa panig ng NCAA, pinangunahan nito ni Season 96 Policy Board President Fr. Rector Clarence Victor C. Marquez, OP kasama ang iba pang NCAA  PolicyBoard Members.

 

“This team-up with the country ‘s first athletic league is very much meaningful for us in GMA.  We are looking forward to show everyone the world –class talent of our young Filipino student athletes and rest assured that we still only give what is best for them as GMA Network wholeheartedly welcomes NCAA into our home,” pahayag ni Atty. Gozon.

 

Para naman kay Fr. Rector Marquez, ang pagsasanib-pwersa ng number one network is really at ng first collegiate atletic league ay malaking bagay para sa NCAA. “More than putting ink on paper, this MOA between  NCAA and GMA Netwok is really an act of hope, committing the 10-member schools of the first and longest-running collegiate athletic league in partnership with number 1 multi-media network, to fulfilling the dreams of our student-athletes to healthy and safe competition  , and inspiring our school communities and the entire country towards a better ways of engaging and enjoying sports, especially in the context of this pandemic.”

 

Mapapanood ang NCAA sa GMA News TV, GMA PinoyTV  sa www.GMANetwork.com. Ang inaabangan naman na Men’s Basketball Finals ay ipapalabas sa main channel ng Kapuso Network sa GMA-7.  (Nora V. Calderon)

Ads December 23, 2020

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments