• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 23rd, 2021

Kobe Paras pass sa 3rd window

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Habang nag-commit na si Kai Sotto sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers, hindi naman masisilayan sa aksyon si Gilas Cadets member Kobe Paras.

 

 

Walang darating na Paras sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna dahil nagpasya itong lumiban sa third window dahil sa personal na kadahilanan.

 

 

Ayon sa ulat, nagpaalam na ang University of the Philippines standout sa kanyang mga teammates gayundin sa miyembro ng coaching staff.

 

 

Huling naglaro si Paras noong Nobyembre sa se­cond window ng qualifiers sa Manama, Bahrain.

 

 

Nagtala ito ng averages na 3.5 points, 5.5 rebounds, 2.0 assists, at 1.0 steals sa dalawang panalo ng Gilas Pilipinas kontra sa Thailand.

 

 

Sina Javi Gomez de Liaño, Dave Ildefonso, Justine Baltazar, Calvin Oftana, William Navarro at Kemark Cariño ang Gilas Cadets na kasalukuyang nasa loob ng ‘Calambubble’.

 

 

Inaasahang darating naman ngayong araw sa bubble ang iba pang mi­yembro na sina Juan Gomez de Liaño at Dwight Ramos.

 

 

Makakasabay ng da­lawa ang bugso ng PBA players na nagkumpirmang lalaro sa third window.

 

 

Nauna nang pumasok sa bubble sina Kiefer Ra­vena ng NLEX, CJ Perez ng Terrafirma at Justin Chua ng Phoenix.

TWG binuo para balangkasin ang “Sagip Kolehiyo Act”

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinagtibay ng House Committee on Higher and Technical Education ang House Resolution 1380 na iniakda ni Rizal Rep. Juan Fidel Felipe Nograles.

 

 

Layon ng resolusyon na hilingin sa komite na hikayatin ang pagsasanay ng mas maraming Pilinong siyentista at dalubhasa sa ibang bansa.

 

 

Sinabi ni Dr. Ben Macatangay, kinatawan mula sa Commission on Higher and Technical Education (CHED), na ang suporta ng pamahalaan para sa dayuhang scholarship at pagsusulong ng ibayong pag-aaral at pagsasanay sa ibang bansa ay isang magandang puhunan sa mataas na edukasyon, na tiyak na mamumunga ng maraming manggagawa na may teknikal na kakayahan, kabilang na ang pagpapalawig ng paglilipat ng kaalaman, kasanayan at teknolohiya.

 

 

Binuo rin ng komite ang isang technical working group (TWG) na babalangkas sa HB 7446 o ang “Sagip Kolehiyo Act,” na nalalayong gamitin ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UNIFAST), para sa pag-eenrol at ayuda sa pag-aaral ng mga estudyante sa kolehiyo, na mga anak ng Overseas Filipino Workers (OFWs), at iba pang mga manggagawa, na nawalan ng trabaho dahil sa pagbagal ng ekonomiya na sanhi ng pandemyang dulot ng COVID0-19.

 

 

Layon pa ng panukala na palakasin ang enrollment sa mga pribadong Higher Educational Institutions (HEIs), at maiiwasan nito ang pagdami ng walang trabaho sa bansa.

 

 

Inaprubahan ng komite ang mga lokal na panukala: HB 8198 na iniakda ni Deputy Speaker Pablo John Garcia, na naglalayong gawing regular na campus ang Balanban extension campus ng Cebu Technological University (CTU); at ang HB 8247 ni North Cotabato Rep. Jose Tejada, na naglalayong itatag ang isang medical school sa University of Southern Mindanao (USM).  (ARA ROMERO)