• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 26th, 2021

Ads April 26, 2021

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ARJO, first choice sa ‘Yorme’ at tinanggihan din ni MATTEO kaya napunta kay XIAN

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA June ang target release date ng Yorme, ang film bio ni Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

Ayon sa nasagap namin chika, June 24 ang premiere ni Yorme at gagawin ito sa Manila Metropolitan Theater, na muling bubuksan sa publiko matapos ang rehabilitation nito.

 

 

Naantala raw ang shooting ng Yorme matapos maging ECQ ang status sa Metro Manila dahil sa muling pagdami ng Covid-19 cases.

 

 

Nitong Miyerkokes lang daw nag-resume ng shoot si Direk Joven Tan at ang kanyang staff. Kaya abangan natin kung tuloy ang showing ng Yorme sa June 24, na Araw ng Maynila.

 

 

Si Arjo Atayde pala ang first choice ni Mayor Isko to play himself as the politician. Hindi lang namin alam bakit di siya natuloy.

 

 

Second choice si Matteo Guidicelli na nag-backout kahit na he wanted to do the role kasi worried siyq he can’t give justice to the role of a politician.

 

 

The role finally fell on Xian Lim’s lap.

 

 

Ang ABS-CBN young actor na si McCoy de Leon ang gumaganap sa role ng teenager na Isko.

 

 

Ito ‘yung parte ng buhay ni Isko before he was discovered for showbiz and eventually became a mainstay of That’s Entertainment.

 

 

Marami na ang nabago da buhay ni Yorme since then. Pumasok siya sa politika, una bilang councilor, vice mayor tapos tumakbo siyang mayor until nagwagi siya three years ago.

 

 

Marami sa constituents niya sa Maynila ay masaya kung paano tina-transform ang imahe ng Maynila from what it was before. Gusto ni Isko na maibalik ang glory days ng Manila when it was the nation’s capital.

 

 

Wish na buuin ni Isko ang full term niya bilang Mayor ng Maynila para magawa niya lahat ng mga projects niya for the improvement of the city.

 

 

***

 

 

WALA man prangkisa ang ABS-CBN pero hindi ito hadlang para naisin nina Sunshine Dizon at Lovi Poe na lumipat sa Kapamilya Channel.

 

 

Longtime mainstays ng Kapuso network sina Sunshine at Lovi pero tumalon na sila sa network sa Mother Ignacia.

 

 

Hindi na raw ni-renew ni Lovi ang kanyang kontrata na nag-expire last year.

 

 

Hindi naman daw inalok ng contract renewal si Sunshine kahit lumipat din ito.

 

 

Marahil may magandang offer ang Kapamilya channel sa dalawa kaya nagdesisyon silang subukan ang kanilang kapalaran sa Kapamilya channel. (RICKY CALDERON)

Health Sec. Francisco Duque tinurukan na ng COVID-19 vaccine

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Matapos ang halos dalawang buwan ng COVID-19 vaccination rollout sa bansa, naturukan na ng bakuna si Health Sec. Francisco Duque III.

 

 

Biyernes  nang mabakunahan ang kalihim ng CoronaVac, ang bakuna ng Chinese company na Sinovac, sa gymnasium ng Department of Health – Central Office na isang vaccination site.

 

 

Bago mag-alas-10:00 ng umaga nang dumating sa vaccination site si Duque. Tulad ng mga nabakunahan, dumaan din siya sa proseso ng health education, symptoms screening, at post-vaccination monitoring.

 

 

Si DOH Usec. Gerardo Bayugo ang nagturok ng bakuna sa Health chief. Ito ang unang beses na mababakunahan laban sa COVID-19 ang kalihim.

 

 

“Inantay ko na mayorya ng healthcare workers na maunang maturukan kaya yun ang naging desisyon ko. Naghintay ako ng mahaba-habang panahon, almost two months,” ani Duque sa interview ng PTV-4.

 

 

Pasok sa A2 priority group o hanay ng senior citizens ang kalihim na nasa edad 64-years old na.

 

 

“So far okay naman, halos wala akong naramdaman. Magaan yung kamay nung nagturok sa akin eh. Siguro little pain sa injection site,” ani Duque nang tanungin sa adverse effect.

 

 

Batay sa huling tala ng DOH, as of April 20, nasa halos 1-milyon na o higit 989,000 healthcare workers na ang nabigyan ng unang dose ng bakuna.

 

 

Umapela naman ang kalihim sa publiko na huwag mag-alinlangan sa pagtanggap ng bakuna. Hinimok din niya ang mga Pilipino na magpaturok ng COVID-19 vaccines dahil libre itong ipinapamahagi ng pamahalaan. (Gene Adsuara)

Pondo ng NTF-ELCAC gawin na lang ayuda

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Matapos ang red-tagging sa mga organizer ng community pantry, nais ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

 

 

Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang P19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang ang pondo nito sa susunod na taon ay alisin na.

 

 

Inayunan naman ni Sen. Sherwin Gatchalian si Villanueva at sinabing kung ang ganitong klase ng tao ang gumagastos ng pinaghirapang buwis ng taumbayan ay hindi karapat-dapat bigyan ng pondo.

 

 

Iminungkahi naman ni Sen. Nancy Binay, na i-review ang pondo ng task force lalo na nga-yong paparating na ang budget season at bubusiin nilang mabuti ang budget ng NTF-ELCAC.

 

 

Matatandaan na inihalintulad ni Parlade ang community pantry ni Ana Patrcia Non sa pagbibigay ni satanas ng mansanas kay eba.

RICHARD, binangungot ng ilang ulit bukod sa hirap na dulot ng Covid-19

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA kanyang vlog ay kinuwento ng aktor na si Richard Yap ang naging experience niya noong magkasakit siya with COVID-19 noong March 2020.

 

 

Nagkasakit daw si Richard noong bumiyahe last year from Cebu to Manila.

 

 

“When I came back, after a day I was feeling bad already. I was coughing. I felt feverish. Itong klaseng fever, ibang klase kasi it’s the kind that your body is so hot.

 

 

When you wake up, pawis na pawis ka. Hindi ‘yung ordinany na kaunting pawis lang, as in basa. Basa talaga pati ‘yung kama mo, basang basa.

 

 

“It was really the coughing that was really bad. ‘Yun talaga ang hirap and then I started having difficulty breathing.

 

 

“I went to MakatiMed (Makati Medical Center) and they said hindi ka pwede may kasama. Ikaw lang mag-isa. So ‘yun, I was just dropped off. Iniwan akong mag-isa. Ganoon kahirap because baka mahawa ‘yung mga kasama mo.      

 

Hindi pwede na may kasama ka so even though may sakit ka, wala kang pwedeng mautusan. It’s just you and the people at the hospital, the nurses the doctors and all that.

 

 

“Ang hirap because kahit gutom ka, wala ka naman mautusan na bumili ng pagkain mo. Ang hirap pa sa ER kasi isa lang ‘yung restroom and the restroom was dulo-dulo. I was here sa dulo tapos lalakad ka sa kabilang side, so I had to take off my oxygen.”

 

 

Naranasan pa raw ng aktor na mabangungot sa loob ng kanyang kuwarto sa ospital.

 

 

“Ang problema naman, there was something in the room. Hindi ako makatulog noong gabi na ‘yun. Binangungot ako ng five times that night. Every time I’d go to sleep, I wake up because of the nightmares. Iba ‘yung nightmare, parang papatayin ka. Sabi ko, hindi yata ako mamamatay sa COVID. Mamatay ako dito sa bangungot!

 

 

“I didn’t want to sleep pero sa sobrang pagod na, makakatulog ka ulit. Pagtulog mo ulit, babangungutin ka na naman. I’d have the nightmare again. It was different nightmares every time I fall asleep.

 

 

“You could say, maybe siguro sasabihin ng ibang tao it was hallucinations. Pero I was sleeping in the ER, I didn’t have those nightmares. I was sleeping in the second room that they gave me, I had no nightmares whatsoever.”

 

 

***

 

 

NAKA-RECOVER na sa COVID-19 ang comedienne-turned-politician na si Angelica Jones at ang anak niyang si Angelo.

 

 

Nag-negative na ang huling RT-PCR swab test nila.

 

 

Pero ang kanyang inang si Beth Jones ay patuloy na nakikipaglaban sa naturang sakit sa ICU ng ospital.

 

 

Sa kanyang Facebook, nagpasalamat si Angelica sa mga nagdasal at tumulong sa kanila financially. Humiling pa ito ng dasal para sa kanyang ina.

 

 

“Ngunit ang kinalulungkot po namin di pa namin kasama ang aking Ina sa paguwi. Mananatili pa rin ang aking Ina sa ICU intubated. PLEASE CONTINUE TO PRAY FOR MY MOM. Lord i Trust you… YOU HEAL MY MOM. I LOVE YOU LORD.”

 

 

***

 

 

TULONG pinansyal ang kailangan naman ng action TV-movie director na si Toto Natividad.

 

 

Nag-post sa Facebook ang kanyang anak na si John Isaac Natividad at humihingi ng tulong para sa amang kailangan ma-confine sa ospital.

 

 

“Ako po ay mapagkumbababang humihingi ng tulong po para sa aking ama na si Direk Toto Natividad, kailangan po ma-confine ni papa sa ospital. nahihirapan po kami ngayon makahanap ng ospital dahil puno po lahat. baka po makahingi ng tulong niyo.”

 

 

May agad na nagbigay ng contact numbers ng One Hospital PH para matawagan ito ng pamilya ni Direk Toto.

 

 

May nag-organize din ng isang GoFundMe account para sa medical fund ng batikang direktor.

 

 

“para kay papa. For local donations you can also send thru the ff: BPI John isaac natividad 4129266126; SECURITY BANK John isaac natividad 0000018329616; BDO Anne Maybel Reyes Credit Acct#  007418011650; GCASH Marinette de Guzman (0917) 426 6210.”

 

 

Kilala si Direk Toto bilang box-office action director ng mga malalaking action movies noong ‘90s na pinagbidahan nina Cesar Montano, Eddie Garcia, Rudy Fernandez, Phillip Salvador, Ian Veneracion, Lito Lapid, Joko Diaz, Jay Manalo at Victor Neri.

 

 

Sa TV ay naging direktor siya ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin at ng Cain at Abel nila Dingdong Dantes at Dennis Trillo. (RUEL J. MENDOZA)

67-anyos pumanaw matapos pumila sa ‘community pantry,’ Angel Locsin nag-sorry

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binawian ng buhay ang isang senior citizen sa Lungsod ng Quezon ngayong araw matapos himatayin sa isang “community pantry” na inorganisa ng isang artista sa gitna ng kagutumang dala ng mga lockdowns.

 

 

Matatandaang nasimulan ang mga nasabing efforts bilang tugon sa “bagal” ng ayudang natatanggap ng mga residente sa mga eryang naka-lockdown dahil sa COVID-19, dahilan para ‘di makapagtrabaho ang marami.

 

 

Sa ulat ay kinumpirmang “dead on arrival” sa ospital ang senior citizen na si Rolando dela Cruz, Biyernes, matapos himatayin sa community pantry ni Angel Locsin.

 

 

Samantala, ito ang naging pahayag ni Angel  sa kanyang FB post sa masaklap na  nangyari.

 

 

“Sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po sya na pumila daw po ng 3am at may naka-initan sa pila. 

 

 

Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapag-usap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila. 

 

 

Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po sya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po syang ama at maayos nyang napalaki ang mga anak nya. 

 

 

Sa ngayon po, tinatapos na lang po namin na mabigyan ang mga nakapila. Ang iba po sa kanila ay xerox na ang order sheet nila pero nauunawaan po namin na lahat po ay hirap ngayon at tama lang po na mabigyan sila. 

 

 

Meron po kaming tinayong fast lane para sa seniors na tent na may upuan nung mapansin po namin na maraming senior citizens ang nakapila kaninang umaga. 

 

 

Pero hindi naman po ibig sabihin na ini-encourage po namin ang mga seniors na lumabas at alam po natin na bawal po according sa IATF rules. 

 

 

Pagkatapos po, ido-donate na lang po namin ang mga natitirang goods sa ibang community panties at barangay. 

 

 

Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari. 

 

 

Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this. 

 

 

I am very very sorry.”

Travel ban ng US sa PH, naiintindihan natin – DOT

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naiintindihan umano ng Department of Tourism (DOT) ang travel ban ng US sa Pilipinas dahi sa banta pa rin ng COVID-19.

 

 

Ayon sa DOT, nais lamang ng US na protektahan ang kanilang mga mamamayan para sila ay hindi mahawaan ng COVID-19.

 

 

Naiintindihan umano ng Department of Tourism (DOT) ang travel ban ng US sa Pilipinas dahi sa banta pa rin ng COVID-19.

 

 

Ayon sa DOT, nais lamang ng US na protektahan ang kanilang mga mamamayan para sila ay hindi mahawaan ng COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

MECQ sa NCR ‘di ipinapayo ng OCTA na luwagan

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binalaan ng mga eksperto mula sa OCTA Research Group ang pamahalaan sa pagluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions sa National Capital Region (NCR) kahit pa bahagyang bumagal na ang pagkalat ng sakit.

 

 

Sinabi ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco na dapat tumagal muna ng ilang linggo na mababa sa 1 ang reproduction number.

 

Nabatid na kapag nasa 1 o mas mataas pa ang reproduction number ay nangangahulugan lamang na mayroong sustained transmission ng virus.

 

 

Sa ngayon, nasa 0.99 ang reproduction number sa NCR.

 

 

Iginiit ni Austriatico na sa ngayon unstable pa ang sitwasyon sa NCR dahil hindi lahat ng mga local government units ay bumababa ang reproduction number.

 

 

Dahil dito, mayroon aniyang posibilidad na ilan sa mga LGUs sa NCR ay magkaroon ng outbreak, na maari ring mag-spill over sa mga karatig na mga lugar.

 

 

Hindi aniya nangangahulugan na bumaba na ang reproduction number ay magiging okay na ang sitwasyon dahil kailangan muna na ma-sustain ito pati na rin ang pagluwag ng mga ospital, na sa ngayon ay punuan pa rin. (Daris Jose)

Andy Muschietti Reveals ‘The Flash’ Official Logo, Teases First Day of Production

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THE Flash is finally headed to production under the helm of horror director Andy Muschietti, who announced the first day of filming with a flashy title treatment via his Instagram account.

 

 

Check out Muschietti’s original Instagram post below: https://www.instagram.com/p/CN2nqn9gnaB/?utm_source=ig_web_copy_link

 

 

The Ezra Miller-led project will see the scarlet speedster helm his own film in a reality-bending story inspired by the Flashpoint comics arc.

 

 

Muschietti confirmed the start of principal photography by posting the official logo of the highly-anticipated project accompanied by a bit of flashy music.

 

 

Also, if you look closely, the announcement video features the inclusion of Barry Allen’s brand-new supersuit, one that replicates his clean, smooth look from the comics.

 

 

After sporting a prototype outfit in Justice League and blue electricity, The Flash will feature the speedster using his signature yellow lightning and a classic logo to go along with the new costume.

 

 

Although plot details remain murky, It director is looking to adapt a heavily modified version of the Flashpoint storyline from a screenplay by Birds of Prey scribe Christina Hodson.

 

 

The filmmakers aim to bring the ambitious project to life after years of development, which looks to include multiverse elements and the introduction of all-new heroes to the DCEU.

 

 

It’s highly speculated that the film will set the universe on a clearer path after Joss Whedon’s Justice League performed less-than-desirably at the box office and put the superhero’s team cinematic future in doubt.

 

 

Joining Miller on the adventure is Michael Keaton’s Batman from another dimension, while Ben Affleck is also slated to make his return as the caped crusader. Portraying Barry Allen’s parents will be recently-cast Ron Livingston and Y tu mamá también’s Maribel Verdú as Henry and Nora Allen, respectively.

 

 

Kiersey Clemons joins the crew as Iris West, the romantic interest for Barry Allen, while Sasha Calle makes her debut as Supergirl. Rounding out the supporting cast are Saoirse-Monica Jackson and Rudy Mancuso in unknown roles.

 

 

The Flash is currently on pace for a November 4, 2022 release. (ROHN ROMULO)

MMDA naghahanda sa pagdating ng maraming COVID-19 vaccines sa mga susunod na buwan

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy na naghahanda ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa paghahanda “surge” nang pagdating ng mga COVID-19 vaccines sa Metro Manila sa mga susunod na buwan.

 

 

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, ang mga biniling bakuna ng iba’t obang local government units sa National Capital Region at ng private sector ang mga inaasahang darating sa mga susunod na buwan.

 

 

balos na magpapatuloy pa rin ang pagbabakuna lalo pa at kahapon lang ay may dumating isa pang batch ng Sinovac vaccines sa Manila.

 

 

Sa mga susunod na buwan, inaasahang aabot sa 13 million doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng iba’t ibang brands ang inaasahang darating sa Pilipinas.