• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 26th, 2021

JULIE ANNE, paghahandaan ang pagdating ng daring o sexy roles; magpapakilig muna sila ni DAVID

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAPAPANOOD na simula ngayong gabi, April 26, ang pagbabalik-acting ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose, sa Kapuso series na Heartful Cafe.   

 

 

Maraming excited na may bagong ka-love team si Julie Anne, si Kapuso hunk actor David Licauco. 

 

 

May isang eksena sa teaser ng show na naka-topless lang si David, sasabak na raw ba si Julie Anne sa more mature roles?

 

 

“Iba po ang definition ko ng mature role, yung mas may lalim na ang characters and open naman ako to do it, pero iba po iyon when it comes to daring and pa-sexy roles.” Paliwanag ni Julie Anne.

 

 

“Para sa akin, dapat pong paghandan, kasi passionate po ako about everything I do and I make sure I commit to it 100%. I love singing and acting, kaya I feel like a different person kapag iba-ibang roles ang ibinibigay sa akin. 

 

 

Pero dito po, hayaan muna ninyong magpakilig kami nina David, EA (Guzman), Ayra Mariano, Zonia Mejia, Victor Anastacio, Jamir Zabarte at iba pa naming kasama rito.”

 

 

May world premiere ang Heartful Cafe sa GMA-7 at GMA Heart of Asia, pagkatapos ng First Yaya. 

 

 

Mapapanood din ito abroad sa GMA Pinoy TV.

 

 

***

 

 

THANKFUL si Asia’s Multimedia Star Alden Richards na muling nabuo ang kanyang pamilya last week, nang dumating ang kanyang Kuya RD (Richard Daniel) Faulkerson, kasama ang Tita Joan nila, sister ni Daddy Bae, mula sa San Francisco, California.

 

 

Dapat kasi, kung hindi nagkaroon ng pandemic last year, naka-schedule sana ang buong pamilya niya na sa South Korea sila magsi-celebrate ng Christmas holidays, pero hindi nga nangyari dahil mahigpit ang pagta-travel.

 

 

Bawal na rin nilang isama ang Lolo Danny at Lola Linda nila dahil sa kanilang age.

 

 

Kaya enjoy ang magkakapatid, RD, Alden, Riza at ang bunso nilang si Angel na nag-bonding kahit doon lamang sa kanilang bahay sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna.

 

 

Sayang nga lamang dahil kailangan ding mag-quarantine ng ilang araw sina RD at Tita Joan nila, as per requirement ng government sa mga dumarating mula sa ibang bansa, bago sila nagkita-kita.

 

Nagkataon pang MECQ na nang dumating sila kaya mahirap ding mamasyal.

 

 

Pinagkakaabalahan ngayon ni Alden ang TVC shoot ng isa niyang endorsement at ang  script reading nila via zoom, bilang paghahanda para sa teleserye nila sa GMA Network, ang The World Between Us na muli nilang pagtatambalan ni Jasmine Curtis-Smith, na makakasama rin nila si  Tom Rodriguez.

 

 

***

 

 

HINDI kataka-taka na hangaan ni Kapuso actress Alice Dixson  at approved sa kanya ang baguhang actress na si Claire Castro, ang gumanap sa role niya sa remake ng 1988 Regal movie na Nagbabagang Luha. 

 

 

Una itong ginampanan nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion at Alice.

 

 

Ngayon, iri-remake ng GMA Network ang movie na ginagampanan  nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, at si Claire sa role ni Alice.

 

 

Si Claire ang isa sa mga new stars ng GMA, at mula siya sa showbiz family. Ang parents ni Claire ay ang mga dati ring Kapuso stars, sina Diego Castro at Raven Villanueva. 

 

 

Mga lolo at lola naman ni Claire ang mga broadcasting legends na sina June Keithley at Angelo Castro, Jr (NORA V. CALDERON)

DFA naghain ng dalawang bagong diplomatic protest vs China

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dalawang panibagong diplomatic protest ang inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China matapos na mataan ang 160 Chinese vessels sa karagtang sakop ng Pilipinas.

 

 

Sa isang diplomatic note na may petsang Abril 21, sinabi ng DFA na ang presensya ng mga barkong ito sa West Philippine Sea ay hayagang pagtapak sa soberenya, sovereign rights at jurisdiction ng Pilipinas.

 

 

Ayon sa DFA, namataan ang mga Chinese vessels na ito sa “territorial sea of high tide features” sa Kalayaan Island Group, sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas, pati na rin sa palibot ng Bajo de Masinloc.

 

 

Lima pang Chinese Coast Guard vessels ang nakita ring nasa bisinidad ng Pag-asa island, Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal.

 

 

“Through these protests, the DFA reminded China that Bajo de Masinloc, Pag-asa Islands, Panata, Parola, Kota Islands, Chigua and Burgos Reefs are integral parts of the Philippines over which it has sovereignty and jurisdiction. The Philippines exercises sovereign rights and jurisdiction over Julian Felipe Reef and Ayungin Shoal,” saad ng DFA.

 

 

Ang panibagong diplomatic protests ay karagdagan lamang sa araw-araw na protestang inihahain ng DFA laban sa nananatiling presensya ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.

FDA: 24 naturukan ng COVID-19 vaccine namatay pero ‘di pa dahil sa bakuna

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dalawang dosena na ang namamatay matapos maineksyunan laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas — pero wala pa rito ang napatutunayang idinulot dahil mismo sa bakuna.

 

 

Ito ang ibinahagi ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo habang inuulat ang updates sa mga “adverse event following immunization” o side-effects ng bakuna sa Pilipinas.

 

 

Karamihan sa mga kaso ay dahil sa mga nauna nang kondisyon sa kalusugan, bagay na napag-alaman matapos tignan ang records ng National Adverse Events Following Immunization Committee.

 

 

“Most of the cases, the fatalities were people with existing comorbidities… 19 were found to be coincidental. Ibig sabihin, hindi siya kunektado doon sa pagbabakuna. Kung hindi ibang sakit ang kanyang ikinamatay. ‘Yung tatlo naman ay indeterminate, meaning hindi pa sigurado,” ani Domingo, Biyernes.

 

 

“11 of the 24 were diagnosed to have died from COVID-19. ‘Yung walo naman ay either heart attack, cardio vascular illness, ischemic heart disease or stroke. Three of them died of infectious disease other than COVID-19 at may dalawang pending pa ang review.”

 

 

Narito ang breakdown ng nasabing fatalities at sanhi nito na naitala matapos mabakunahan:

  • COVID-19 (11)
  • cardiovascular/cerebrovascular (8)
  • infectious disease na iba pa sa COVID-19 (3)
  • nire-review pa (2)

 

 

Paglilinaw ng FDA at Department of Health (DOH), mas malaki pa rin ang kabutihang nagagawa ng mga bakuna kumpara sa pinsalang nagagawa nito lalo na’t nagbibigay ito ng proteksyon laban sa nakamamatay na COVID-19.

 

 

Dagdag pa ng gobyerno, hindi pa rin dapat makampante matapos mabakunahan ng isang beses dahil dapat munang makumpleto ang dalawang turok at ilang linggo pa raw bago ito umepekto nang tuluyan.

 

 

“Talagang reminder po ‘yan. After natin mabakunahan, mag-ingat pa rin po, laging magmaskara at  social distancing at frequent hand washing,” ani Domingo.

 

 

Sa huling ulat ng DOH, 971,049 na ang tinatamaan ng nasabing virus sa Pilipinas. Sa bilang na ‘yan, 16,370 na ang patay.

 

 

Common side-effects depende sa bakuna

 

 

Ilan sa mga kadalasang nararanasan na side-effects ay hindi seryoso, at nawawala rin naman agad gaya ng mga sinasanhi ng iba pang mga bakuna sa merkado.

 

 

“From the start of our vaccination period to April 10, only 1.5% of the total AEFIs were serious cases. This means that for every 1,000,000 vaccinated, less than 0.04% may experience serious AEFI cases,” dagdag ni Domingo.

 

 

“But it does not necessarily mean that the vaccine causes the events. This risk is much lower than the fatality of the COVID-19 infection in our country which has a 1.69% fatality rate.”

 

 

Narito ang madadalas na side-effects pagdating sa AstraZeneca vaccine:

  • lagnat
  • sakit ng ulo
  • pananakit sa tinurukang bahagi ng katawan
  • panlalamig
  • panghihina

 

Ito naman ang sa CoronaVac (Sinovac):

  • panandaliang pagtaas ng blood pressure
  • sakit ng ulo
  • pananakit sa tinurukang bahagi ng katawan
  • hilo
  • rashes
  • lagnat

 

Edukasyon sa pagbabakuna

 

Ayon naman kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, dapat ay lagi’t laging ipinaaalala ng AEFI team ang posibleng mga side-effects sa mga mismo vaccination sites upang malaman ng mga makatatanggap nito ang risks kahit na binabawasan nito ang posibilidad na maospital dahil sa COVID-19.

 

 

“They are also supposed to provide the AEFI kit, ano ‘yung mga common na side-effects. Naka-ready na doon sa mismong site,” ani Cabotaje.

 

 

“‘Pag umalis ang mga nabakunahan, may mga brochure, ano ang mga ie-expect, ano ang gagawin, protocol… May ambulansya, tapos may pagdadalhang ospital.”

P228.83-M pinsala idinulot ng Typhoon Bising sa agrikultura, imprastruktura

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Daan-daang milyong halaga na ang napipinsala ng bagyong Bising sa sektor ng agrikultura at sari-saring imprastruktura habang patuloy ang pagkilos nito papalabas ng Philippine area of responsibility, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

Ngayong Biyernes, pumalo na sa 1,468 kabahayan ang napinsala sa Bicol at Eastern Visayas at CARAGA:

  • wasak na wasak (94)
  • bahagyang pinsala (1,374)

 

 

Narito naman ang breakdown ng halaga ng pinsala pagdating sa sektor sa Regions V at VIII:

  • agrikultura (P218,288,528.50)
  • imprastruktura (P10,550,000)

Patay, inilikas

 

Nananatili namang nasa apat ang patay habang nasa 13 ang sugatan mula sa bagyo, bagay na naitala sa Regions V, VII, VIII at XI.

 

 

Tinatayang nasa 302,564 katao na ang naaapektuhan ng bagyo sa mahigit 1,030 baranggay sa buong Pilipinas.

 

  • umaan sa “pre-emptive evacuation”: 170,500
  • nasa 170 evacuation centers: 12,228 katao
  • lumikas sa ibang lugar: 17,779 katao

 

 

Nakapaglaan naman na ng halos P171,156.2 ayuda ang Department of Social Welfare and Development at mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya sa Region V.

 

 

Bagyo tinutumbok paglabas ng PAR

 

Huling namataan ang mata ng Typhoon Bising 715 kilometro silangan hilagangsilangan ng Basco, Batanes kaninang 10 a.m. ng umaga, ayon sa tala ng PAGASA.

 

  • lakas ng hangin: 120 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • bugso: 150 kilometro kada oras
  • direksyon: hilagangsilangan
  • bilis: 25 kilometro kada oras

 

 

Wala naman nang tropical cyclone wind signal sa kahit na anong lugar ngayon sa kalupaan ng Pilipinas.

 

 

“‘BISING’ will continue to weaken throughout the remainder of the forecast period,” ayon pa sa state weather bureau.

 

 

“It is forecast to be downgraded to severe tropical storm category this afternoon or tonight and tropical storm category tomorrow before transitioning into an extratropical cyclone outside the PAR on Monday (26 April).”

Pope Francis, pangungunahan ang 1-mo. global rosary vs COVID-19

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pangungunahan ni Pope Francis ang global rosary marathon para matigil na ang COVID-19 pandemic.

 

 

Ayon sa Pontifical Council for the Promotion of the New Evangelization na mismo ang Santo Papa ang nagdesisyon na pangunahan ang pagdarasal sa buong buwan ng Mayo.

 

 

Sisimulan ng Santo Papa ng pagdarasal ng rosary sa Mayo 1 at ito ay mapapakinggan sa buong mundo.

 

 

Makakasama rito ang hindi bababa sa 30 Marian shrines sa buong mundo kung saan bawat araw ay isasagawa ang pagdarasal ng rosary dakong ala-6:00 ng gabi sa Roma o alas-dose ng madaling araw sa Pilipinas.

 

 

Ang Santo Papa ang siya ring magsasara ng isang buwang pagdarasal sa pamamagitan ng rosary sa Mayo 31.

CIVIL REGISTRY NG MANILA LGU, WALANG IPINAPATUPAD NA “CUT OFF SYSTEM” AT “QUOTA SYSTEM”

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG  ipinapatupad na “cut off” o “quota system” ang tanggapan ng Local Civil Registry ng pamahalaang Lungsod ng Maynila.

 

 

Ito’y makaraang makatanggap umano  ng reklamo ang tanggapan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA)  hinggil sa pagpapatupad nila ng “cut-off time” sa pagtanggap at pagproseso ng mga dokumento kaya nagsagawa ng sorpresang inspeksiyon si Director General Jerimiah Belgica.

 

 

Ayon kay Manila Local Civil Registry OIC Atty. Cris Tenorio, wala umano silang ipinapatupad na cut off time o quota system sa kanilang tanggapan kung saan iginiit nito na tuloy-tuloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

 

 

“We assured the continuous running of our services during official business hours from 8 a.m. to 5 p.m., which may extend depending on the number of requests,” paliwanag ni Atty. Tenorio.

 

 

Gayunman, sinabi ni Tenorio na kailangan nilang kontrolin at limitahan ang pagpasok ng mga tao sa kanilang tanggapan upang mapanatiling maipatupad ang minimum health protocols.

 

 

Hinihikayat naman ni Tenorio ang publiko na maaari silang magpunta sa website na www.cityofmanila.ph o kaya ay magdownload ng Go Manila App upang maiproseso ang kanilang dokumento sa pamamagitan ng “online”.

 

 

Muli namang pinaalalahanan ni ARTA DG Belgica ang lahat ng mga ahensiya sa pambansa at lokal na pamahalaan hnggil sa pagbabawal sa cut-off / quota system, batay na din sa ilalim ng Republic Act. 11032 o ang Ease of Doing Business law, kung saan dapat itong panatilihin kahit na sa panahon ng pandemya.  (GENE ADSUARA)

COVID-19 cases sa Pilipinas gumagapang palapit ng 980,000

Posted on: April 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,719 bagong infection ng coronavirus disease Biyernes, kung kaya nasa 979,740 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

 

 

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

 

  • lahat ng kaso: 979,740
  • nagpapagaling pa: 102,799, o 10.5% ng total infections
  • bagong recover: 13,812, dahilan para maging 860,412 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 159, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 16,529